Forum Topic

Seagate warranty straight to singapore at no cost (read FAQ on Page 1)

  • Salamat sa guide @PyroclasticFlo.

    Sinunod ko lang yung guide and same day replacement din nakuha ko for my Barracuda. Recertified yung kapalit at hindi brand new, sana magtagal siya.
  • Buhay pa rin yung binili kong 500gb na recertified, na mula pang 2012.
  • May sira na naman akong seagate

    Kung out of warranty na pwede paba itong ibrute force padala for RMA or alaws na talaga to?

    -- edited by yra13vonn on Feb 02 2022, 11:58 PM
  • Kung out of warranty na pwede paba itong ibrute force padala for RMA or alaws na talaga to?


    Cannot proceed na po yan...
  • Hello.

    Is this info still valid?

    Ganitong gawin:

    1. Pumunta sa https://www.seagate.com/as/en/support/warranty-and-replacements/, check muna kung pasok sa RMA ang hard disk mo. Kapag pasok, pwede ka nang tumuloy sa New Warranty Claim (basta mag-register ka muna ng account).
    2. Sa Warranty Claim, ipasok ang Product Number at ang Serial Number, tapos iverify ng site at kapag verified ok na
    3. Sumunod naman ay i-fillup ang tamang personal information mo (pangalan, kumpletong address, email, contact number).
    4. I-review muna kung may tama o mali, bago isubmit ang claim. Paki-print ang mga sumusunod para sureball:

    * Order Acknowledgement (IMPORTANTE!)
    * Order Confirmation
    * Return Label

    5. Siguraduhin na maayos ang hard disk na hindi magiging void ang RMA claim, pwera yung sira talaga ang plug, wasak ang turnilyo, o pekeng drive talaga. https://www.seagate.com/as/en/support/warranty-and-replacements/void-warranty-checklist/
    6. Ibalot ng maayos ang drive -- kahit na bubble wrap ng galing sa L*z o S*pe at pinaglumaang kahon na kayang magkasya ng 3.5. Saka mo idikit ang return label.
    7. Tawagan ang opisina ng Primasiana -- (02) 8527-1647. Pakisabi na nag-iinquire ka para sa RMA claim, at tatanungin ka kung anong pangalan mo, tas kung kailangan ipaliwanag kung ano pa ang kailangan.
    8. Pag kumpleto na yung mga kailangan ay saka na pumunta sa Primasiana Service Center.

    Primasiana Philippines Inc.
    2nd Floor PC Gilmore Computer Center,
    #19 1st Street Corner GiImore Ave., Brgy. Valencia, New Manila, Quezon City, 1112, Philippines

    Operating Hours: 8:00 - 17:00 (Mon - Fri)

    9. Sa Service Center, ipaabot ng maayos ang hard disk, at hihingin sa iyo ang mga papeles na na-prenta mo lalo na ang Order Acknowledgement; mag-hihingi na rin ng Valid ID (kahit na Postal ID) para iverify na rin na ikaw ang tatanggap ng pamalit na hard disk. Sa kaso nito wala talagang babayaran (maliban sa pamasahe mo o pang-gasolina).
    10. Wala pang 15 minutes may makuha ka ng Recertified na hard disk!


    Also, bakit ang mahal bigla ng HDD? Hahaha. Nakakagulat.
  • Is this info still valid?


    Author here. Still yes, all the steps are valid. Already did my second RMA a few weeks ago.

    -- edited by PyroclasticFlo on Aug 22 2022, 08:26 PM
  • Good day mga sirs. Does seagate have international warranty?
  • Good day mga sirs. Does seagate have international warranty?


    basta may receipt po kayo
    at need nyo kontakin seagate para malipat nila yung location tagging ng device nyo
  • @pyroclasticflo...Been calling primasiana no answer...wala na na iba sila contact numbers? Hirap naman kasi mag walk in mamaya need talaga call bago pumunta...
  • Went to primasiana without calling akala ko di nila ako entertain since di ako tumawag sa kanila ok naman no need to call basta nakagawa ka na nang job order mo sa seagate website...brand new yun binigay sa akin swerte meron stock on hand tapos kaka check ko lang sa seagate na website nakarga naman yun warranty nun original sa replacement...

    Nun nandoon ako nag try ako tawagan yun landline nila nag riring naman di lang sinasagot ok din sana tumawag ka muna para kung sure na gusto mo maka kuha kapalit pag punta mo kesa wait mo yun replacement na free of charge naman ang delivery...
  • sent 2pcs 16tb for rma
    confirmed natanggap na nila
    kaso wala pang ETA for the replacement
    waiting mode :(
  • wala na po ba yung Fritz logistics sa Paranaque?
  • wala na po ba yung Fritz logistics sa Paranaque?


    matagal na po wala
    nilipat na po sa Primasiana Philippines Inc.
    Gilmore
  • Good evening TPC'ers, first time ko magpa RMA sa Seagate dadalhin ko na sana bukas sa Primasiana:

    Update: pinalitan nila agad yung HDD na ipapa RMA mo basta may stock daw sila.

    -- edited by AncientGear on Apr 25 2023, 02:34 AM
  • Update

    Question:

    Yung mga may regional warranty restriction na seagate hardrive ba hindi tatangapin for RMa dito satin?
  • Question mga sirs, pag OEM yung drive hindi i-honor ng Seagate yung warranty? Bumili kasi ako ng drive from Newegg (sold and shipped by Newegg), tinry ko ipa-align yung warranty ko to 5 years sa online chat nila, pero sabi nila OEM daw yung drive so hindi raw i-honor ng Seagate yung warranty. Pero nung tinry ko iregister yung drive sabi naman up to 2027 yung warranty? If incase masira at i-try ko ipaRMA hindi nila i-honor?

    Update

    Question:

    Yung mga may regional warranty restriction na seagate hardrive ba hindi tatangapin for RMa dito satin?

    Tinry ko magclaim ng warranty sa drive ko bought from Newegg, ito yung sabi sa page:
    *Country/Regional Warranty Restriction - Seagate only allows 3 units to be returned from a different country/region, than they were originally shipped (or sold) by Seagate, per calendar year. After this order, you will have 2 remaining restricted unit return exception(s).

    -- edited by Decidueye on Nov 10 2023, 08:10 AM