Pasensya na Kelangan ko talaga gawin to para wala na mabiktima mo sa warranty na binibigay mo.

June 4 Bumili ako ng 2cpu at 3 lcd monitor.
june 5 tinesting ko lahat na nabili ko sabi ko sa kanya nag loloko yung isang lcd monitor na Acer 19inches. edi nag text ako sa kanya na ( Sir Yung lcd na Acer ayaw pumasok sa os laging Not Supported) tapos sabi nya sir Settings lang po yan press mo f8 para ma set mo sa pinaka mababang resolution. edi ginawa ko hindi ko parin nabago. sabi ko (sir punta na lang ako dyan papalitan ko or paturo ako ng kung ano dapat baguhin sa settings) Sabi nya (sige punta ka sa linggo next week june 19 ) june pumunta ako sa bahay nila nag text pa ako ng punta na ako kahit isang reply wala syang reply. nasa isip ko baka marami ginagawa kaya hindi makapag reply edi ginawa ko pumunta parin ako sa bahay nila tutal alam ko naman kung saan. pag punta ko don sa bahay nila wala sya nasa puregold daw sabi ng misis nya nag antay ako ng mahigit isang oras sa kaka-antay sa kanya. pag dating nya ayun tinuro nya saken pano baguhin sa settings ng acer tapos sabi ko (sir kahit sa games ba hindi magbabago settings nyan) ? sabi nya (oo hindi mababago) sabi ko sige try naten. yun tinry namen not support parin lumabas. sabi ko palitan na lang sir. sabi nya sige inalok nya saken yung Viewsonic Kaso may issue Sabi ko (sige sir pag gumana sya don sa pc na pag lalagyan ko pwede na yan pero pag ayaw palitan mo na lang pag may dumating kang monitor) sabi nya sige sabi ko (Kelan dadating yung pamalit mo ?) sabi nya ( baka wednesday pa dumating UPDATE KITA SIR pag Dumating Sabi ko (sige po Text mo ako pag may dumating na pamalit) edi ayun pag uwi ko sinalpak ko agad sa pc namatay bigla yung monitor tinext ko sya agad sabi ko ( Sir ayaw talaga ng monitor palitan mo na lang pag dating ng monitor mo) sabi nya (ok naman yung acer Settings lang talaga sir Update na lang kita sa Wednesday pag dating ng pamalit ko) tapos hindi ako nakapag naubusan ako ng load. Dumating na yung araw na wednesday inaantay ko text nya wala syang UPDATE Edi nasa isip ko siguro wala pa syang pamalit kaya nag Bakasyon na muna ako sa Nueva Ecijah pag Uwi ko Ng Linggo nag text ako Sabi ko (Sir may pamalit na ba sa viewsonic na Binenta mo saken ?) Tapos bigla sabi nya ( sir lampas na tayo sa warranty wednesday usapan naten. wala kang text nung wednesday) sabi ko (Sir inaantay ko UPDATE mo nung Wednesday kase sabi mo mag UUPDATE ka saken kung meron kana Pamalit Sige sir Yung acer na lang ulit kunin ko ) Sabi nya ( Sir Wala na yung Acer nabenta na ) sabi ko ( Pano to sir? Simula nung nabili ko Hindi ko pa napakinabangan) sabi nya (hindi ko na kasalanan yan sir) Sabi ko (Ok sige wala na ko magagawa sabi mo kase UUPDATE moko pag may pamalit kana Kahit isang Update WALA sir Pero sige wala naman ako magagawa kung hindi mo na papalitan Godbless na lang) sabi nya (Sir Hindi ko talaga kasalanan yan Sabi ko UUPDATE kita pag may pamalit na Syempre Mag UUPDATE kadin saken) sabi ko (Sige ok na to wala naman na akong magagawa sira talaga tong nabenta mo saken) sabi nya (ok )

tapos nakita ko sa Item nya ngayon yung una ko nabiling monitor na Acer ito yung pic sabi nya nabenta na daw. andun pa pala :)




Sir Sana alam mo yung ibigsabihin na binitaw mong salita na *Iya_Update kita pag may pamalit na* kaso Hindi mo ginawa saken nung araw na binigay mo. next time po sir sana matuto kang tumupad sa sinasabi mo para hindi antay ng antay yung magiging costumer mo :) May positive feedback na binigay ko sayo para sa mga GoodItems na Nabenta mo pero Ito yung Negative para sayo para alam mo na sa susunod yung gagawin mo :) Salamat sayo sir Godbless