POSTING A NEGATIVE FEEDBACK
Re: Laptop CPU Vents Cleaning (Only)


MAIN POINT:
BEFORE ipalinis ang laptop, TESTED WORKING ang unit. AFTER nyang malinis ang laptop, BLACKOUT na.


Hindi nya sinubukan i-power ON ung item bago nya simulan ung cleaning, SOP nya dapat un, di namin kasalanan.


MAY THREAT PA SIYA NA KAYANG KAYA NYA IPATANGGAL ANG NEGATIVE FEEDBACK NA ITO


-Details-

May 5, 2013: Pinalinis ko ang cpu vents ng Toshiba L635 sa bahay nila. Sa harap namin ni esmi sya nag baklas, at naunang may nasirang tumunog bago pa sya nag check sa google. Ang sabi nya, losethread na tornilyo

ang problema bago nag check na sya sa google kung pano baklasin. Pagkatapos linisan, binalik na nya sa dati, at duon na nagkaroon ng problema, AYAW NA MAG POWER DISPLAY ang unit. Hanggang sa paulit-ulit

nyang baklas-balik ung item. Inabot kami ng past 11pm bago sya mag decide na ipaiwan ung unit w/ charger and battery para ipatingin nya sa partner nyang technician.


May 6, nag follow-up kami sa kanya [exact texts]:

Esmi (12:23pm): Gud pm po sir, sarah po e2 kmusta po c toshiba sir?
Cris (12:25pm): Dina diagnose pa d2 sa ofc, per initial na test sakit daw ng toshiba na i5 ito, at parang narepair na daw ito, update kita.
Esmi (12:28pm): Ic, cge po sir pki-update nlng po aq, salamat po.

Esmi (5:20pm): Sir kumusta po?
Cris (5:22pm): Wala pa din,may history na daw yun na nagloko kaya binenta ng mura, may tatlo nga din dun na ganung model, same issue, malaman mo later o bukas.

Natapos ang araw, walang update.


May 7

Esmi (2:01pm): Gud pm po sir.
Cris (2:03pm): Ginagawa pa din, nakakapagtaka talaga yung laptop kung bakit biglan nagkaganun, andito ako sa shop ngayon.
Esmi (2:14pm): Kaya nga po sir maayos nman po at gumagana yun, once lng namatay nung naglaro c mcdo [ako] nung sunday kya nga po nmin pinalinis, paki-ayos nlng po sir cris may tiwala nman po ako sa inyo sir,

salamat po.
Cris (2:18pm): Yun nga din, nakaharap naman kayo nung ginagawa ko,wala naman ibang ginawa dun kundi linisin lang, nakita naman nyo na madumi, pero ang sabi din dito may history ng repair yun, pinakita ko din naman

yung natanggal na screw lock diba, wag ka mag aalala mas expert itong kasama ko, ito mentor ko eh, laptop specialist ito, malalaman din kung ano talaga hidden defect nito.
Esmi (2:23pm): Sige po mga sir pasuyo nlng po, pare pareho naman po tau ng goal sir ang maayos at magamit po si toshiba, salamat po mga sir, god bless po.


May 9

Esmi (11:15am): Gud am po, kumusta po? Gaano po ba katagal maayos si toshiba sir?
Cris (11:16am): Tawagan ko ngayon nasa laguna ako now.
Cris (5:38pm): Gud pm, nakausap ko na yung partner ko, nakita na yung cause ng biglang pagkasira ng laptop, repaired na pala yung laptop yung power ic nya, nabuksan na daw dati yun, bumigay daw ulit kaya biglang

nagkaganun, wala naman daw mali dun sa pagkabukas ko wala namang nakitang shorted na dahil sa paglinis, sa dating sir daw nagmula, nag order pa ng power ic.
Esmi (5:49pm): Ganun po ba, yung power ic lang po ang sira sir? I mean kpg napalitan n po b yun maayos n po si toshiba? Kelan po pla maayos sir? Magkano po ang dapat naming bayaran?
Cris (5:50pm): Hintayin ko feedback bukas pa kasi uwi ko.

Natapos ang araw, walang update.


May 11

Ako na ang pinag-follow up ni esmi.

McDo (11:49): Sir cris, good am. Kamusta si toshiba?
Cris (11:51): Tuesday or wednesday dadating yung power ic give me until thursday, cris [ibang number pinang reply nya sakin dito].

Naghintay kami hanggang May 16


May 16

McDo (13:04): Sir cris, good pm. Kamusta si toshiba?
Cris (13:04): Papunta ako ngayon sa shop.
McDo (21:25): Sir cris good pm, kamusta po, ano status?
Cris (21:26): Kanina lang dumating pyesa mga 3 pm ginagawa pa kanina bukas malaman ko bigay ko din bukas number sa shop para pwede nyo din tawagan.

Esmi (10:09pm): Gud eve sir, inaasahan ko po sana na maayos na si toshiba bukas halos magdadalawang linggo na rin po kasi, may katagalan na po sir, naghihintay po ako palagi ng update sir umasa ako na ayos na po

ngayon kc nga sb nio till thursday (May 16), aun po pakisend na rin po yung number at pangalan ng partner nio sir, salamat po.
Cris (10:13pm): Send ko bukas, yung laptop mo kasi repaired na daw yun, hindi ba nasabi ng nagbenta, kaya mura ang benta 13,500 for i5, bukas text ko syo.
Cris (10:14pm): Yung pyesa kasi ang hinintay dumating.


May 17

Cris (13:37) [to Me]: Gud pm ito yung number ng shop 43***** pakihanap si Tony U****** pakisabi kayo yung may ari ng toshiba na nag pagawa sa akin kay Cris Palomar kamo.


May 21

Cris (10:34am) [to Esmi]: Gud am, pakitawagan po yung shop gawa na daw po yung toshiba.

Tumawag si Esmi ang sabi gagawin palang mamayang gabi ung item. Pwede na makuha ung laptop ng May 23, morning.
Ang sira daw ay mother board, replace chip.

May 23

Ayos na ung item, kaso wala kaming pera kaya, 4 THOUSAND ang sinisingil samin, inabot kami ng June 3 bago matubos ung item sa CUBAO.
Pag kuha namin nung item, wala ung charger. Tinawag ko sa kanya, ako pa pinakuha sa bahay niya.



[Dati narin ako nag palinis ng laptop kay sir cris, nasira nya ung KEYBOARD ng nilinis nyang unit n un. Di ko na lang pinansin, kasi MALIIT na bagay lang un para sakin.
Bago ung pinalinis namin ung 2nd unit, pinakita ko sa kanya ung sirang keyboard na un, kasi nasama sa bag na pinaglagyan namin.]

Anyway, di ko na hahabulin ung 4k, mukhang walang BALAK magbayad sa nasira nya. Pag kausap sa phone, lagi nyang i-insist na di nya kasalanan un, 2nd hand, mura ang bili, at repaired na ung unit.

Sasabihan pa ako na NAKA-DRUGS, di na ako umimik, ayaw ko PATULAN ganyan kababaw na usapan.

Search ko din daw ibig sabihin ng TAMPERED sa google, baka di ko alam.

HAHA!

Warning na lang po sa mga TPC members.


Thanks.