Forum Topic

Show me your riggy motorcycle (No trading)

  • magkano total pala na magagastos? mukhang maganda dyan sir ipa-airbrush :)
  • Nananawa na ako kaka inquire. Bukod sa mostly ang tagal sumagot, mostly rin hindi kaya gawin. Takot ako sa airbrush kasi permanent na yan. Unlike sticker pwede tanggalin kapag sawa na. Napapaisip tuloy ako maggawa bago design na mukang possible sa tipong parang mano mano art.
  • gawan na yan hehe
  • AFAIK hindi po nagawa si Darkbenz ng wala sa Design List nya (meron sya list sa fb nya)

    nagpagawa na po ako sakanya, sa sniper ko dati, pulido at ang ganda ng Material ng Sticker talaga
  • @Koyomi
    pano ba yun sir, kasi puro pic naman ng motor ang andun at hindi mismong decals na pwede pagpilian. Basta pipili ka lang nung motor tapos yung decals dun bahala na sila mag layout sa motor mo so totally wala ka na control ano magiging hitsura, parang surprise na lang?

    As of this time medyo nanawa na ako kakatitig sa motor ko. Parang pahinga muna ako. Wait ganahan ulit..
  • Mga sirs, san po kaya may magandang pipe para sa MX150 yamaha? hirap mag hanap.
  • Mga sirs, san po kaya may magandang pipe para sa MX150 yamaha? hirap mag hanap.


    Musta performance ng bike mo sir? nararanasan mo yung lagutok ng shock at lagitik sa bandang makina?
  • YES sir, normal ba yun? papa check ko na sana sa yamaha dealer this week pag di busy.
  • YES sir, normal ba yun? papa check ko na sana sa yamaha dealer this week pag di busy.


    Nababasa ko lang sa FB group bro. Nagbabalak ako bumili pero sa mga nababasa ko eh hold muna ang plano.
  • ryan decals sa pasig. dun nagpapadecals mga kakilala ko.
  • Ok na sir, may nahanap na ako sa wakas. Maraming hindi kaya decals ko including darkbenz, di na tinanggap order ko. Gusto sa design lang nila ako pipili which is hindi ko gusto kasi gusto ko customized ang akin. Pero buti may nahanap na, kaso lang ay ewan lang kung ano magiging hitsura.... sa thursday pa susukatan.
  • post lang ng update sir, san ka nakakita?
  • @hakz
    Lipa batangas sir, nag ikot ako dito sa lugar namin. Pero hindi ko pa masabi kung ok not until matapos na makabit sa motor ko. Assume 1 week siguro starting this thursday. Wala muna masyado expectations.
  • @Ripantow

    opo sir, pipili ka lang po ng theme sa list nya, tapos sya na po bahala dun sa design bali hindi sya natanggap ng ikaw mismo mag dedesign po

    pinaka magandang gawin po dyan sa gusto nyo ay air brush po
  • Ahh.. Ako kasi sir ay maarte hehe! Kahit sa ibang bagay sir sobrang tagal ko pumili. Lalo na dito sa kauna unahan kong motor, at dahil na rin sa marunong ako ng konti sa photoshop kaya yung sarili ko design or kung may mapapakita mas magugustuhan kong design ay dun lang ako pipili. Pero definitely not surprise na lang lalo at pricey.

    I will still try na stickers gamitin dito. Maganda airbrush kaso may cons din. Gumawa ako ng sarili ko mismong layout. Yung una kasi pinakita ko dito layout nung nagbackout na taga dasma cavite, eto akin na mismo layout. Di pa ako decided sa color...




  • ^ mas maganda yung orange. Sana ganyan din kalabasan pag nayari.
  • @ra1n01
    Yes yung colored na ang napili ko. Kanina sinukatan na. Bukas yung paggawa ng softcopy drafts, no idea pa ako kung ano magiging hitsura ng drafts kasi di naman yan flame na yan ang gagamitin namin, hahanap pa ng better. Pero yung flaming skull i insist na yan mismo ang gamitin.
  • Hello po ask ko lang if my nakakaalam ba dito kung san makakabili ng bracket na pang mio soul i 125? Thanks po...
  • Medyo OT lang..
    Dami ng nag sisilabasan bagong MC ngayon, new tech din.
    but still, satisfied pa din ako sa current bike ko now.
    ang mahalaga, mahatid at makapunta ka kung saan mo gusto :)
    1yr and 3mos na sya.
    Ride lang ng Ride habang may spare time




    Location: Ternate Cavite
  • ang mahalaga, mahatid at makapunta ka kung saan mo gusto :)

    Yes. Di naman sa bawat oras gagamitin yung mga bagong tech na yan. hehe.

    Ride safe sir!
  • pa ot lang..

    mga sir may nakagamit na ba sainyo ng Motul H Tech 100 10W-40? nasa 500 pesos mahigit ang price sa mall, plano ko ipalit sa ax7, hindi na smooth ang shifting nakaka 1000km pa lang.


  • try mo ELF Moto Sport 4 Campione
    <click here for link>

    <click here for link>
  • newbie here nag babalk kumuha ng scooter by next yr
    kelangan ba totally na marunong ka na mag drive?

    also Honda Click or Mio 125 mxi?
  • newbie here nag babalk kumuha ng scooter by next yr
    kelangan ba totally na marunong ka na mag drive?
    Di naman kelangang marunong agad magdrive. Preferably, dapat may license na at alam ang road rules. Kung di pa masyadong bihasa, stick to practicing sa subdivision.

    also Honda Click or Mio 125 mxi?

    Baka makatuong to sir - <click here for link>

    Mukhang mas matipid ang Mio pero mas may hatak ang Click.
  • Di naman kelangang marunong agad magdrive. Preferably, dapat may license na at alam ang road rules. Kung di pa masyadong bihasa, stick to practicing sa subdivision.


    yun nga ang balak ko sir kumuha at practicin dito sa subdivision namin

    Baka makatuong to sir - <click here for link>

    Mukhang mas matipid ang Mio pero mas may hatak ang Click.


    thanks basa basa muna ako bago mag decide
  • Di ako makapili... Yung green kanina ko lang madaling araw biglang naisip. Pero di pa rin makapili...


  • zenneeon2 - ayaw mo itry Delo Gold Multigrade? eto gamit namin , at marami din gumagamit sa mcp. search mo google images with the keyword 'Delo Gold Multigrade' :D
  • Hello! Ask ko lang po kung gaano kadalas ang change oil ninyo? every month? mileage? TIA
  • ok na mga sir, bumili na ako motul hehe.. try ko muna ito, nagpalit din ako busina Circuit CSH-912, fc2 sana kaso walang isahan puro pair lagpas na sa budget at need pa ng relay..eto rekta na, hindi naman kumukurap ang ilaw kapag nag bubusina.
  • ^ magkano score mo sir at ok ba ung tunog?