Forum Topic

Show me your riggy motorcycle (No trading)

  • Sir sa mga scooter fanatics penge naman ako options or list ng mga patok na scoots dito sa pinas. like kymco mio etc. para mag karon ako ng options sa pag bili. :) thanks.
  • @yaJA, i recommend mio mxi. comfort ng twist and go, matipid pa sa gas plus lots of accessories. mabengkong mo man stock mags madali bumili ng pamalit unlike sa iba scoots.
  • Sir sa mga scooter fanatics penge naman ako options or list ng mga patok na scoots dito sa pinas. like kymco mio etc. para mag karon ako ng options sa pag bili. :) thanks.


    I recommend Honda Click i kung sa tipid sa FC at dami ng features ng isang scoot. Yun nga lang turn-off ako sa karamihan eh nabebengkong ang mags... Kaya ayun, NMAX na lang kinuha ko :D Pero 1st luv ko si Click. Saka na lang kapag may after market na Mags for click. Other than that eh panalo talaga Honda click (y)
  • un disadvantage ng click over mxi. sa topspeed mas angat si click sa mxi. nahihinaan lang ako sa led lights nya.
  • ^^
    mas ok ang mga FI na scooters sa ngayon kasi less maintenance. wala ng carb un kaya more on change oil/change oil filter(suzuki scooters) /change gear oil and linis CVT ang kadalasan na maintenance nun.

    btw, im a Kymco super 8 owner.

    ok din ung suzuki address 115cc, malaki kasi ang gulong, mala inidoro din ang ubox. Pwede ka mag 100x80 rear ang 90x80 front saka FI na rin.
  • sa akin mas prefer ko ang torque kesa sa topspeed ng motor . Sa sobrang traffic sa city driving aanhin mo ang topspeed . mas ok pa rin ung mas malakas ang torque ng motor.
  • sa akin mas prefer ko ang torque kesa sa topspeed ng motor . Sa sobrang traffic sa city driving aanhin mo ang topspeed . mas ok pa rin ung mas malakas ang torque ng motor.


    Agree ako dito. katuwa pala ubox ng address. . . mala inidoro. hehe
  • Salamat sa mga suggestions mga sir..

    out sa budget yun zoomer X pati NMAX. trip ko sana Nmax kasi malaki eto reason bat medyo iwas sana ako sa mio takaw nakaw kasi madali
    daw ma bitbit lang at ipasok sa van kahit naka disk lock. di naman always merong magandang secure parking na ma papaglagyan hehe.
  • Sir sa mga scooter fanatics penge naman ako options or list ng mga patok na scoots dito sa pinas. like kymco mio etc. para mag karon ako ng options sa pag bili. :) thanks.


    Hindi ka magsisi sa Click. Matibay stock mags ng Honda kaya hindi mo na kailangang alalahanin ito. No need to install LED parklights kasi yung HL nya parang running lights na din sa umaga.

    Ayoko ko lang sa Susuki Scoots, medyo hindi maganda ang naming nila or personal preference ko lang? SD lang ata yung mas ok na name eh. Nex, Step, Hayate, at Address. Hirap pa maghanap ng accessories. At may kamahalan ang stock parts sa casa.


    Ride safe mga paps.
  • ^^
    ang nagustuhan ko sa suzuki UB/Scooter ung may oil filter. Saka sa tibay wala akong masabi sa suzuki, 10yrs na si shogun ko ayos pa rin manakbo alaga lang sa langis.
  • sa yamaha kasi strainer lang ang pinaka oil filter. sing laki ng screen ng lamok ang butas.
  • nouvo classic matindi... inabot ng 5 years yung motor bago ako nagpalit ng mga pyesa. :)
  • ^^
    shogun ko bago mag 10yrs saka pa lang ako nakapagpalit ng mga pyesa gaya ng break shoe/bearing sa likod na gulong 3pcs/rear shock. stock pa ilaw sa harap saka signal light. brake light pa lang napalitan, break pad sa harap stock pa break fluid pa lang napalitan 1 beses. di pa nabuksan makina alaga lang sa langis si shogun.
  • Yan talaga sikreto ng maintenance. Dapat watch your oil. Pag nasunog na, mahirap na linisin ang makina ng 100%.
  • Salamat sa mga suggestions mga sir..

    out sa budget yun zoomer X pati NMAX. trip ko sana Nmax kasi malaki eto reason bat medyo iwas sana ako sa mio takaw nakaw kasi madali
    daw ma bitbit lang at ipasok sa van kahit naka disk lock. di naman always merong magandang secure parking na ma papaglagyan hehe.


    depende sa pag pa-parkingan mo. pero totoo, takaw-nakaw ang mio. mabilis kasi mabenta. kahit fake or walang papers may pumapatos. madalas din ng agaw motor ang mio.

    pero kung ayaw mo ng Mio, recommended ko din ang Suzuki Address, pwede din yung Honda Beat Fi, pero mas may advantage ang address since malaki yung ubox compare sa Beat Fi.

    -- edited by JeloAze on Feb 07 2016, 08:52 AM
  • Gusto ko ng tricity. :)
  • Nagloloko ang Honda Beat ko. Hayyyst.

    If the motorcycle is on center stand, ok naman ang idling. Pero kapag inalis na sa pagkaka-center stand unti-unti ng mamamatay ang makina. Kapag naman tumatakbo walang issue, wag lang hihinto dahil mamamatayan kapag hindi nagri-rev.

    May naka-experience na ba senyo nito?

    Thanks :)
  • ^ low idle?
  • OT: update lang sa daan ng Famy going to Real and Infanta beaches. Very passable siya ng 4 and 2 wheels. May mga part lang ng road na under contruction and yung iba meydo maputik due to wear and some landslides pero ok naman at safe daanan. Marifanta is still a no go unfortunately. BTW the weather there yesterday was a bit brutal, strong cold winds and a lot of waves. Sabi nung bantay sa resort ganun dun daw talaga pag February, amihan weather. Pero madami pa din kami nakasabay na riders.
  • boss vener, first thing to check ung idle since walang load yung scoot pag naka center stand. Then carb and jettings pacheck mo na din :D
  • May kilala kayong motorcycle club within Quezon City na gumagamit ng plate na may star + number? Kaninang umaga kasi sa may Mindanao Ave. may napansin akong 2 underbone na nagkwekwentuhan sa leftmost lane habang tumatakbo ng ~20 kph. Kaya pala ang bagal ng lane namin dahil sa 2 ito na kahit binusinahan na ng mga nasa harapan tuloy parin sa kwentuhan. Hindi ko nakita plate numbers nila, ang napansin ko lang yung parang club plate. Yung isa "star 1" at yung isa naman "star 40". May weird pang ginagawa, humahawi ng ibang sasakyan kapag may lilipat ng lane na motorcycle rin. May official na trabaho ba ang mga ito? Pulis? Baka kilala ninyo paki sabihan nalang hazard kasi sa kalsada.
  • ^ low idle?


    In-adjust ko na pero ganun pa rin :(

    boss vener, first thing to check ung idle since walang load yung scoot pag naka center stand. Then carb and jettings pacheck mo na din :D


    Thank you Sir. Try ko nga ipa-check kila Modular Overrev this weekend.
  • @mykel07
    Ok po yang SZ16. Just ask Ripantnow and me. Reliable masyado lalo na sa long drive. Enough power, less on the top speed. Which is ok na para sa mga tatay natin. :)


    ah...tnx sir...gamit ko kasi motor ngaun honda wave 100r 2006 ko sya binili ngaun 2016 na mag 10yrs na sya buhay pa rin hehehe lagi kasi ako sinasabihan ng tatay ko na magpalit na daw ako motor? parang may pang cash lang? hehehe kaya nag iisip din ako magandang ipalit sa motor ko. naisip ko kapag nagpalit ako from honda wave to yamaha sz mahihirapan na ako mag grocery. sa wave ko kasi kahit anim na grocery bag naisasabit ko hehehe. isip ko baka kapag nag sz na ako pano ko na masasabit pinamili ko?
  • Kanina nagsolo ride ako. Nasa 130km lang naman malapit lang. Meron isang spot ako huminto para magpicture. Ewan ko kung napapansin nyo ito sa expressway kapag buma-byahe kayo papunta batangas. Eto yung mukang bahay ni Voltes V.

    Anyways, eto yung kwento. Paalis na sana ako, nagliligpit na ako ng camera at nilagay ko na sa motorbox ko. Meron paparating na babae. Hindi ko akalain luka luka pala. Too late na ng mapansin ko, may dala dala syang malaking bato, malaki pa sa bao ng niyog at binato motor ko ng malapitan. Then minura mura ako. Inakit akit ko daw sya, mabaho daw ako. lol!!! hehehe! Then plano pa sana ako hampasin ng kawayan pero dahan dahan na ako bumwelo start motor ko, sakay then alis na. buti na lang mukang wala naman naging damage sa motor ko. Ewan kung saan tumama yung bato. Bwisit ^_^




  • Di kaya Days Hotel yan sir Rip?
  • @mixmasta
    negative sir. after 20mins naging malaking luka luka yung luka. tapos lumabas na si voltes V dyan. problem solved na.
  • may taga nueva ecija ba dito?
  • naisip ko kapag nagpalit ako from honda wave to yamaha sz mahihirapan na ako mag grocery. sa wave ko kasi kahit anim na grocery bag naisasabit ko hehehe. isip ko baka kapag nag sz na ako pano ko na masasabit pinamili ko?


    solve ang problema mong yan sa scooter na may mapalad na floor board.
  • Sobrang simple sir. Bili ka motorbox. Ako nga kalahating kaban na bigas naiikarga ko sa motorbox ko. Di pa yun tapos, pwede pa ako magtali ng kung ano man sa backride area ko.
  • Ang mumunti ko pong motorsiklo. Sumigaw lang kayo ng TPC pag nakita nyo ako at bubusina ako. ;p