Forum Topic

Show me your riggy motorcycle (No trading)

  • Last weekend may nakasalubong akong pick-up mga 1am. Grabe yung led bar sa roof, mga 1 meter ata ang haba tapos sa bumper dalawang bar na tig 1 feet ata. Wala na akong makita na daan. Take note, naka cage ako nun at tinted na. What more kung motor dala ko that time? Yan dapat mga pinagbabawal.


    Anong klaseng utak kaya meron ang ganyang mga tao! Hindi nag-iisip kung nakakaperwisyo na sila. Tsk tsk tsk!

    -- edited by Doods_jr on Apr 11 2016, 06:58 PM
  • Minsan dinpa rin ako makaiwas pumatol. Minsan kapag nasa liko ko naka bright, papaunahin ko them susundan ko tapos iba-bright ko rin. Pero minsan patagalin ko lang ilan minuto tapos iiwan ko na. Pero kung tipong on the mood ako baka medyo tagalan ko. ^^
  • @Rip
    Haha. Yan din ginagawa ko. Tapos pwesto konti sa left or sa right para sakto sa side mirror ang ilaw. LOL!

    Badtrip kasi yung walang pake sa daan. Dapat inaayos nila ang ilaw pag di bumabyahe or ibaba kung may kasabay or kasalubong as courtesy
    .
  • Ok ba ang stock tires ng sz? Plano ko sana iipalit ang 100/90r17 sa rear tire ni cb110. Wala nang pag asa yung s123 ko na nagbitak ang thread, kung saan saan na nagjaroon ng butas.
  • @gen0
    hindi ok sir. madulas. wag na lang.
  • ^ okay thanks. ano rear tire pinalit mo? may nagbebenta kasi sa selling site rear wheel and tire ng sz. kaso wheel lang walang spacers, bearings, drum brake set. di ko naman sigurado kung compatible sa parts ng cb ko yun. para lumapad sana kahit onti yung rear wheel and tire ni cb.
  • nag FDR sports evo na lang ako, pang masa. Pe-pwede na.
  • ^ di ba mahal yan? comparing sa s123 corsa?
  • No idea sa price nyan sir, pero 4500 may sukli ka pa sa caloocan.
  • gamit ko now s123 corsa so far bang for the buck. 150/60/17
    dati akong naka Metzeler M5 okay sana kaso bilis maupod
  • mga sir Question lang, 2nd hand ko kasi nabili tong MSi

    Single Beam lang ba tong HID na nakakabit?

    balak ko patanggal if single beam lang, wala kasi low beam pag single




    -- edited by Koyomi on May 13 2016, 11:20 AM
  • may hid's na single filament pero may hi/low, I believe they call it "telescopic"

    -- edited by hakz on May 13 2016, 11:32 AM
  • yung HID ko may Hi & Lo pero isang filament lang sa loob parang may magnetic cover dun sa may bulb na pag toggle mo ng Hi or Lo para yung maliit na metal cover tumataas-baba para yung beam nya naiiba ang bato ng ilaw kaya bahagyang tumataas at baba yung ilaw
  • Ah Ok salamat mga Sir, papabalik ko nalang sa Stock.

    Bawal diba ang HID?








  • Share ko lang ride ko kanina, 375+kms from San Vicente Ilocos Sur to Patapat Viaduct in Pagudpud and vice versa using my cousin's suzuki raider 150(No picture si motmot)

    -- edited by jepoyrn23 on May 14 2016, 08:54 PM

    -- edited by jepoyrn23 on May 14 2016, 09:00 PM
  • guys, balak ko bumili 2nd hand motor.. pang business/deliver.. ano ba mas ok, naka open deed lang or mas ok transfer ko sa name ko? btw, hindi ako nagmomotor, business purpse lang para sa messenger ko.. iniisip ko lang madalas kasi pinapara mga motor sa checkpoint, inaalala ko kung naka pangalan sakin mas less hassle ba? in case naka name naman sakin tapos ninakaw gagawin sa kalokohan ako damay.. btw, 20-25k lang budget ko.. honda wave lang ata nakita ko pasok kasi 100cc lang.. ano pa masuggest nyo around that budget?
  • @jac9

    may mga repo na PMR origin100cc sa motortrade baka pasok sa budget mo. try mo rin ung kymco visa R 110cc halos magka presyo ung 2 yan. Mas ok kung may kasama kang mekaniko.
  • mga sir tanong ko lang ilan taon ba ang lifespan ng mga tubeless tires ? sumisingaw kasi ung gulong ko sa likod ni super8. nag try na ko maglagay ng sabon para malaman kung may singaw pero wala naman kaya dinala ko sa vulcanizing chineck ung pito at gulong kung may singaw pero wala naman kaya pinalitan ng barbula pero kanina pag check ko malambot na naman. more than 3 yrs ung stock tire sa likod hindi na nga pantay ang kain ng gulong mas pudpod sa kanan nya kagaya nung nangyari sa stock tire sa harapan. Sayang kasi makapal pa hinayang ako kung mag papalit na ako.plano ko kasi sa october pa akomagpapalit.
  • jac9 - di ako familiar kung pano ung kalakaran pag messenger at kung sa owner yung registered name, pero sa tingin ko mas ok kung nakaregister sa pangalan mo mismo. wave100 is a very good choice for that purpose.

    ceramic - sir palit ka na gulong yung 3 years for a stock tire is a bit nearing its lifespan, Some tires (replacement branded ones) usually "can" last up to 5 years depending on the tire wear. Pero kung earlier than that if there are bad signs of the tire chipping, cracking and thread wear I strongly recommend palitan mo na, as our tires are one of, if not the most important part of our motorcycle. Wag mo na antayin na mamroblema ka in a difficult time or situation, or worse compromise your safety.
  • @hakz
    3yrs and 3 months na never ako naka experience ng butas eto lang pagpasok ng april pag check ko sa umaga malambot na then hangin lang kinabukasan ganon ulit. ganon din nangyari sa harap last year, sept 2015 malambot sya sa umaga then hanginan ko lang the next day ganon ulit kaya oct 2015 palit nako ng gulong sa harap di na sya lumabot mula noon.

    minsan kasi umiiral pagka kuripot pag sa tingin kong pewede pa pagtyagaan muna eh napapagod na rin ako mag bomba mano mano sa umaga.
  • ^ parehas tayo sir may pagka kuripot din ako sa most parts ng motor ko yun bang "pwede pa yan" lol
    even got myself one of the cheapest but a bit reliable corsa s123 for my 3 year old stock tire, may mga times talaga na kailangan na paggastusan.. yung mga bushing ko nga palitin na pero di ko pa napapapalitan XD
  • tamad din ako magpalit ng pyesa ng motor. hehe masipag lang ako magpalit ng gulong, kasi dun nakasalalay ang buhay natin lalo pag high speeds.

    pero yung front and rear shocks ng unit ko leaking na, after 6 months ko lang pinalitan yung likod, nakahanap kasi ako ng nagbenta ng good condition 800 pesos lang ang pares. hehehe
  • ung stock shock ni shogun 2months na lang 10yrs na saka pa lang ako nakapagpalit last year wala pa naman leak at sa tingin ko maayos pa mas gusto ko nga lang ung mas matabang shock.





  • My first and hopefully my last crash. Running around 40kph, alert din ako sadya kasi medyo umulan pero siguro dahil na rin sa gravity bigla na lang ako nagslides dito sa pagkababa ng tulay. Iba pa rin naka safety gears palagi. My ride also saved by my Crash Guard Sliders, pwera dun sa isa sa nasa una na kumilo resulting ng minor gasgas sa headlight assembly.

    Thanks dun sa tricycle driver na hindi ako "who you" sa kanya at tumulong itayo motor ko kahit hindi ko naman sya kagroup, hindi ko katambayan, ka-ride, kakilala o ka motor. Ganyan ang totoong may malasakit.





  • Sabog din sana laman ng box ko kung wala ako crash guard sa huli. Although nagasgas pa rin cover ng tambutso at pati na rin box pero atleast konti lang.
  • good to know you're safe boss,
  • @rip
    Sir, glad to know you're safe. Same tayo lahat ng damage. HL and muffle plastic din yung nadales sa akin nung binangga ako. Wasak yung muffler plastic ko nun.
  • Alam nyo yung pakiramdam na naka libre kayo? Ganun pakiramdam ko nung nag crash ako at nakabangon. Ang hinayang ko na lang ay yung naging gasgas sa motor. Na-lessen pa sana kung di lang kumilo yung isa ko crash guard slider. Matibay yung tubo bakal, kaso yung turnilyo ng crash guard ang nakilo.

    No wiggle wiggle feeling ako, diretso crash kaagad. Ewan bakit ganun.
  • @rip - di kaya naghydroplane yung gulong mo?

    nakabili ako ng stock rear tire ng rouser 180 sa halagang 1k, 120/80r17 ang sukat at bago pa. di pala siya kasya sa cb110 nang walang adjustment na ginagawa. 120/70r17 lang pala sagad na pwede.
  • Hydroplane pala tawag dun sa skidding pag basa ang daanan. Today I learned. Haha.