Forum Topic

Show me your riggy motorcycle (No trading)

  • eto busy mag transfer mga files ko from desktop to laptop. problema ko lang mga programs ko na running sa windows xp sana gumana sa windows 10...
  • @gen0
    kabaliktaran mo ako. kasi ako palagi naman nakabukas lahat ng vents at never ko sinara pwera kapag umuulan. Pawisin kasi ako. Kaya madalas ko rin suot full mesh ko alpinestars.

    yung top and rear ko nakabukas palagi, minsan ko lang sinasara pag nalilimutan ko. pero yung front sarado na.
  • Hanap ako mamya outdoor na pinaka effective na double adhesive tape. Ikakapit ko CP holder ko.

    -- edited by Ripantnow on Apr 22 2017, 02:39 PM
  • Kagabi nagkataon dito malapit sa lugar namin nagkameron ng tambay yung club ko kaya sumipot ako this time. Kung madadagdagan pa tatambay ay possible baka bumalik ako sa group. Pero ganun pa rin ako sa dati, kung kelan ko lang feel tumambay ay saka lang. Di man ganun ka active ay try ko na lang maintain yung connection.
  • Hanap ako mamya outdoor na pinaka effective na double adhesive tape. Ikakapit ko CP holder ko.

    try mo 3M brand, yung charcoal color ang adhesive tapos red yung peel off niya.
  • ^ May nabili na ako kagabi, scotch ang brand. Weather resistant sya and can hold 5lbs. Nakakapit na sya ngayon, di ko lang alam kung effective. Di ko pa mata try.
  • Nakabalik din! Nakabili na ako new motmot mga paps, mio i 125 2nd hand..

    Nangailangan si tropa, nakamura ng bigtime. Bebenta ko na lang talaga si sporty para kay soul i 125..

    Kapag may tiyaga may nilaga nga talaga..
  • @wigiboy
    Great things come for those who wait. Ako ilan beses na rin ako nag benefit sa paghihintay. Dyan sa mga pagkakataon na yan ka minsan makaka tyamba ng big discount. Marami na rin ako nabiling nakuha ko ng mura without a need na tumawad. Di rin kasi ako makulit, one time lang ako ask ng last price then kung ano man sabihin ay di ko na kukulitin. Nabili ko camera ko noon mura lang, speakers ko ngayon 50% din maganda pa, gadget ko gitara, amplifiers, guitars, and etc. Masarap rin bumili ng 2nd hand wag lang talaga mamalasin, kasi minsan naman natatalo din sa sugal sa pagbili 2nd hand.
  • Morning riders!!
  • Good Morning tpc riders! monday nanaman heavy trapik sa marcos highway. going to cubao..
  • yan masarap maka tsamba mga 2nd hand na mura na maganda pa yun quality. swerte nun nakakabili nun gamit na benta mura like nun motor 90k nya nabili e mag abroad na sya kaya di na nya magagamit yun sniper nya kaya benta na lang nya ng 50k ata yun o 60k para mabili lang agad. kaya ako kapag nagbebenta ako 2nd hand sigurado ko maayus pa walang problema masakit kasi sa ulo yun maya maya ka txt o tatawagan keso bakit ganito o ganyan ayaw gumana? hehehe
  • wala na nag open ng thread? busy mga ka riders ngaun ah? hehehe
  • nag order ako sa lazada card cleaner...mura lang malilinis ko na carb ng isa ko motor ayaw na kasi mag start....
  • 2 days na wala nag oonline ah? nyare?
  • Haha.. Di na ako makabisita pang gabi na shift ko. Wahhh

    Di ko na rin nakikita yung mga regular sa thread :D
  • Haha.. Di na ako makabisita pang gabi na shift ko. Wahhh

    Di ko na rin nakikita yung mga regular sa thread :D


    ah kaya pala....

    oo nga e ano kaya nanyare sa knila? busy sa pagmomotor? hehehe ibang klase summer ngaun may mga bagyo? may family outing pa naman kami sa sunday sa pangasinan...
  • uwian na. ingat mga riders!
  • @mykel

    kaya nga... wala pa kong gala para sa summer ko. malapit na june :D

    Ingat sa pauwi.. Ingat din sa papasok palang tulad ko :)

  • kaya nga... wala pa kong gala para sa summer ko. malapit na june :D


    oo nga e MAY na next week. lapit na naman pasukan...bilis ng takbo ng araw...
  • dito sa malolos pag babawal na naka helmet sa mga looban sunod sunod kasi patayan dito puro riding intandem ang may sala. sa highway lang daw pwede mag helmet

    -- edited by eon_flux on Apr 28 2017, 08:56 AM
  • dito sa malolos pag babawal na naka helmet sa mga looban sunod sunod kasi patayan dito puro riding intandem ang may sala. sa highway lang daw pwede mag helmet

    pardon the word pero ang barbaric naman nyan, di progressive. pagkukulang ng baranggay level tsaka pnp yan tapos citizens ang dapat magsuffer. gusto lang ng baranggay at pnp magpabango ng pangalan nila dahil di nila kaya i-solve yung mga kaso ng mga hitman.

    tsaka andami ko nakikitang hit ng riding in tandem mga di naman naka-helmet. yung iba naglalakad lang parang walang sense of urgency tumakas.
    oo nga e ano kaya nanyare sa knila? busy sa pagmomotor? hehehe ibang klase summer ngaun may mga bagyo? may family outing pa naman kami sa sunday sa pangasinan...

    katatapos lang ng company outing namin the other day. tapos may deadline sa may 1 na i-set up na server with clients. kahit tuloy holiday pumapasok ako. =(
  • kaya pala busy lahat hehehe

    nakasanayan ko na rin mag helmet kahit malapit lang. mahirap din yan pano if maaksidente ka wala pa naman helmet? sila pa sasagot sa panggamot natin?
  • ^ eto sasabihin nila sayo pag naaksidente ka:

    - bilis kasi magpatakbo
    - mayabang kasi magpatakbo
    - di ka nag-iingat
    - di ka dapat dumaan dito kung ayaw mong walang helmet
  • ^ yan karaniwan sagot nila hehe

    pabor lang sa mga pasaway na nag momotor yung walang helmet
  • wala na talaga alam sila na paraan malutas ang problema solusyon nila problema lang din...hayst....
  • ilang long weekend na ang lumipas ngayong taon, wala pa din akong long ride.
  • Nasa 6 days vacation ako now. Badtrip nakakaloko. Kung kelan sakto nakaalis na ako sakto nasira timerpc ko sa computer shop. Sarado computer shop ko ng 6 days dahil dun. Pinabayaan ko na!
  • May 1 pa ng gabi balik ko. Kaya pag balik ko ng gabing gabi na ay magpupuyat pa ako para irepair. Badtrip talaga. Laking loss ng 6 days sarado.

    Parang napopormahan talaga ako sa NS200. Parang gusto ko ng second hand nyan. Ang bigat nga lang talaga...
  • Parang napopormahan talaga ako sa NS200. Parang gusto ko ng second hand nyan. Ang bigat nga lang talaga...

    di mo na siguro mararamdaman yung difference ng weight nila. pero kakaiba yung power output ng 200ns tsaka ns150. tempting. pinagmamasdan ko yung likod ng 200NS, mukhang walang provision for side pannier installation.

    OT: ano mas magandang hobby/past time?

    photography o mt. bike?

    cannot be both. at ang budget ay pang entry level lang. hahaha

    -- edited by gen0 on May 01 2017, 10:00 PM
  • @gen0

    Leaning more on photography but wala pa ko proper equipment.. :D

    Nag iisip din ako ng ibang hobby na burn out na ko sa work :D