Forum Topic

Show me your riggy motorcycle (No trading)

  • pa recommend naman shop na marunong sa electrical specially like old MC (Honda Cub).. around QC or Manila.. Rectifier problem ng MC ko.. mahirap maghanap ng bnew.. so conversion papagawa ko..
  • 1st change oil / gear oil




    -- edited by nick311hexum on Jan 17 2019, 04:44 PM
  • Nmax dinale mo boss?
  • @supermanster

    aerox movistar boss
    walang stock ng NMAX nung nag release ako last dec 2018
  • Ano po recommended nyong safety gear for long trips?

    Helmet, Padded jacket, Gloves, Knee guard, Boots.

    dagdag ko lang balaclava or any cover kung exposed ang leeg at batok. lakas makaitim ng long ride
  • ^ balaclava branded pa binili ko noon hehehe! yun pala makukuha ko lang yan mga free lang noon nung nagbebenta pa ako safety gears pero generic. Dami ko tuloy nyan dito sa bahay pati arm warmer na generic. Di ko maalala magkano bili ko pero mahal yung sa malapit sa gil puyat na mala motoworld mga paninda,
  • Lol... Ako hindi need ride, dagdag weight lang lol....

    dagdag ko lang balaclava or any cover kung exposed ang leeg at batok. lakas makaitim ng long ride
  • ^ ako din di na gumagamit balaclava matagal na, kasi mumamarka sa muka ko yung tela, tsaka ipit na ipit buhok.
  • @nick311hexum
    ilan ml ba ang langis ng aerox ?

    btw, pwede ka bumili ng 1 liter na gear oil SAE90 GL4 para makatipid ka. magagamit mo yun ng 5 beses kesa jan na isang gamitan lang. caltex thuban sae90 GL4 ang gamit ko dati kay Super8 pero ngayon Petron GEP90 GL4 na.
  • naka balaclava ako pero ung mumurahin lang free lang yun kay rex pag bumibili ako ng gears. para na rin sipsipin nya ung pawis ng ulo ko at hindi bumaho ang helmet.
  • ^
    yes! ako din nagamit ng balaclava... tapos bili na lang ng spray para bumango loob ng helmet hehe
  • @ceramic

    900ml engine oil ng aerox.
  • ^ ako din di na gumagamit balaclava matagal na, kasi mumamarka sa muka ko yung tela, tsaka ipit na ipit buhok.

    di na ko gumamit mula nung nagpalit ako ng helmet. lumalaban yung balaclava sa material/lining ng ls2 vector ko. di ko alam kung dahil tight fit o yung material talaga ng vector ang salarin.
  • ilang years bago kayo magpalit ng helmet?

    3 to 5 years ang nababasa ko sa internetz. lapit na mag 3 years old tong vector ko na gamit ko 200+ days a year.
  • @cocoy_g
    thanks sir sa reply.
  • @all

    naitanong ko na ito noon
    ulitin ko lang ulit

    naguguluhan kasi ako mga boss pwede ba talaga mag byahe kahit permit to travel / receipt ang dala mo? sa fb group kasi, sabi pwede daw, sabi naman ng iba hindi daw, meron bang taga LTO dito hehe, or nakakaalam sa tanong ko, napaka daming check point ngayon, di lang ako nachechempuhan, nakaka banas kasi tong LTO, napaka bagal mag release ng OR/CR

    salamat!

    -- edited by nick311hexum on Jan 20 2019, 09:44 AM
  • up ko na lang. Di ko kasi alam sagot, saglit ko lang kasi nakuha akin noon.

    Marami pa lalo magiging checkpoint dahil sa election.
  • @nick311hexum

    afaik sir ndi pwede ung perm to travel. pero dipende din sa magchecheck sayo.
  • ^
    thanks sa info sir

    @all

    answer sa tanong ko hehe

    sa mga wala pang OR/CR

    tumawag ako mismo sa LTO, to ask some questions regarding permit to travel, hindi daw talaga pwede yun, kapag nahuli impound yung motor, tubos is 10,000. Pwede din daw ako ang mag ayos ng OR CR ko, hingin ko na lang daw papers ko sa dealer.

    sayang ang 10k, magandang gear na yun hehe...
    tiis muna ulit mag jeep/bus lalo na TRAFFIC!
  • mahigpit pag LTO checkpoint tutuluyan ka ng mga yan pero pag Police checkpoint based on my experience nung kay super 8 kahit naka renew na ng maraming beses ung authorization letter hindi naman sila mahigpit. Basta naka pangalan sa yo ung motor nag match sa pangalan sa authorization letter saka sa lisensya mo. Ung iba kasi nanghihiram lang ng motor hindi naka pangalan sa kanila kaya sila ung pinapahinto sa mga police checkpoint.

    feb 2013 ko nakuha si super8 pero august ko na nakuha ung or/cr, june 2013 nairehistro sa LTO. October 2013 ko na nakuha lahat(plate number / original copy ng OR/CR).

    si shogun naman sakto 1 month kuha ko na lahat original or/cr and plate number. 13yo na si si shogun sa january 26.
  • Talaga bang walang Honda Click 125i sa lahat ng dealer ngayon? ang dami ko ng dealers na natungan malapit samin, February pa daw ng second week darating.
  • Clickster 150 kana lang boss, kakaunti na diffrence sa presyo :D dipa mahirap maghanap.
  • @all

    sa mga may bagong motor saan kayo kumuha ng insurance? hindi kasi ako pinayagan sa cebuana dahil wala pa ako plate no.
  • Nung nag renew ako last year ay hindi rin ako makakuha ng tpl insurance sa cebuana kasi wala pa rin daw plaka. Sa kupad nang pag release ng mga plaka ng mga motor ay baka matatagalan pa yun.

    No choice ako kundi sa LTO kumuha nung tpl. Doble pa naman presyo dun kumpara sa cebuana.
  • @cocoy_g

    oo nga sayang mura pa naman sa cebuana.

    sa new registration unit ka pa ba nag rehistro o nilipat mo na sa ibang branch ?
  • @getside10

    Basta meron kana or cr na nakuha sa dealer ay kahit sang LTO ay pwede ka naman mag renew ng rehistro
  • @cocoy_g

    salamat
  • May store pa ba si Rex

    naka balaclava ako pero ung mumurahin lang free lang yun kay rex pag bumibili ako ng gears. para na rin sipsipin nya ung pawis ng ulo ko at hindi bumaho ang helmet.
  • napansin ko lang may magbubukas na moto store sa festival sa tabi ng spyder
  • whoah! sa wakas!!!