Forum Topic

Show me your riggy motorcycle (No trading)

  • @ceejaytwo3
    madaming phantom holes sa c5 going to eastwood yun lang iingatan mo
    pero pag nakabisado mo na yun daan kayang kaya mo na yan
  • @beansent

    salamat sir. laki din pamasahe ko nasa 4k+ in a month plus stress ng traffic. hehe
  • Nag iisip din kasi kami ng asawa ko kung practical ba magmotor from home to work. Taga Biñan Laguna po kasi ako and working sa Eastwood. Alam nyo naman ang traffic dyan bago kaya makabagtas. hehe. Worry lang namin is yung safety ko. Kapag nakikita kasi namin yung mga gruesome motorcycle accidents sa fb mapapa tatlong isip ka. hehe.

    no stats here pero sa tingin ko majority ng gruesome mc accidents ay rider error.
  • agree sa rider error:
    - alanganin na sumisingit pa.
    - mahilig magcounterflow sa kabila
    - hindi tumitingin sa side mirror
    - ayaw magpreno gusto tuloy tuloy lang takbo @60kph ikaw bahala magadjust sa kanya
    - hindi alam blindspots ng malalaking sasakyan
  • @gowueld

    yup sobrang gaan mas magaan pa sa nmax. yun nga lang trade off kapag sa expressway medyo tangayin daw.

    @ceejaytwo3

    recommend ko na lang sayo yung nmax, bagay na bagay siya sa long rides.
    pero kung kaya ma stretch ang budget go for the 400cc bikes para legal sa expressway. alam mo naman kung gaano ka grabe ang traffic sa service road.

    Duke 390
    NK 400
    Kymco xciting 400 (maxi-scoot)
  • @ceejaytwo3
    Yes, makakatipid ka sa pamasahe dahil magkanu lang naman gas and parking ng motor and tipid sa oras, still compare it sa gastos mo sa pamasahe + yung maintenance ng motor + monthly installment (kung hindi cash)

    Pero.. Di ba masyado na malayo Binan to Eastwood? (sorry Im not very familiar sa South) I have cousins though from Bocaue and Caepombo Bulacan who works in Eastwood and commutes riding a Mio and Sniper.

    @nick311hexum
    hahaha nakita ko na yung review ni Gaki ng RS150 - sa simula lang eh ^_^
  • @getside10

    thank you sir.

    @wakywakyme2

    ginoogle ko yung cay pombo bulacan sir. same distance sya ng binan laguna to eastwood, 42km. hehe. Thank you!
  • Mukhang malayo lang yan sa una pero pag kabisado mo na sisiw nalan yan sayo
  • @wakywakyme2

    hahaha, solid diba, ang lapad na parang tilapia!

    rainy season na talaga, ride safe sa lahat!
    takbong pogi lang ba
  • mga sir saan nakakabili ng repo na scooter, plan ko bilan si mrs ng skydrive kahit 2016 model,


    yung mga nakikita ko seller puro open DOS baka mamaya nakaw ung makuha ko.
  • dun mismo sa mga shop yun mga nakikita mong nakadisplay sa labas ng Honda for example yun mga walang sidemirror at hinahayaan nlang nila maulanan mga repo yun usually may price naman din yun nakadisplay
  • @ beansent

    ah talaga try ko nga tumingin sana may mga 2015 - 2016 model na skydrive. salamat
  • meron ka makikita dun minsan 1k -2k pa lang yun mileage
  • 1-2K mileage na nireset na pero ang totoo nasa 10-20K mileage na :D
  • Post deleted #12239677
  • @supermanster
    seryoso meron yun mga tipong 1-2 months lang nahulugan tapos wala na nabatak/pinabatak na kasi di na kaya natakam lang sa low down payment.
    kalimutan ko sabihin na inspeksyunin mabuti kasi "as is" yun bentahan nun.
    yun mga motor ay nilaspag muna or pinalitan ng parts bago sinurender.
  • @supermanster
    seryoso meron yun mga tipong 1-2 months lang nahulugan tapos wala na nabatak/pinabatak na kasi di na kaya natakam lang sa low down payment.
    kalimutan ko sabihin na inspeksyunin mabuti kasi "as is" yun bentahan nun.
    yun mga motor ay nilaspag muna or pinalitan ng parts bago sinurender.
  • katamad mag-motor kapag rainy season, so far grab and bus lang sinasakyan ko.

    sa mga may work sa manila, bigay naman kayo ng where to park ideas ng motor? and kung magkano..

    so far ang alam ko..

    steel parking sa tapat ng dusit thani - 50pesos flat rate wag lang papaabutin ng 24 hours.
    bgc (mind museum parking) 50 flat rate 6am to 12mn, kapag inabutan ka 12mn another 50
    maax (moa) 50 flat rate, wag lang papaabutin ng 3:30 am, so labas ka ng 3:25am, balik ka 3:32am.
    market market 50 yata first 5 hours, succeeding is 15 per hour.

    unti unti na rin tinataasan parking fee ng motor. sa schedule ng work ko, feeling ko babalik commute nako in 3 to 5 years. hahahahha
  • ako pag sobrang lakas ng ulan commute lang din ako dahil madulas pag basa hehe kahit may kapote minsan hindi safe, syempre safety first lol
    ang mamahal na nga din pala ng parking ano usually kasi pag may errand sa fastfood lang ako nagpapark, di ko naman poblema parking sa work kasi libre parking samin kaya swerte din
  • hindi na ako sanay magcommute talaga, mga 3 years na rin ako nagmomotor.

    from sta rosa laguna to araneta, 4 hours na biyahe. calltime ko is 12mn, dumating ako 12:08..kung nag-motor ako, 2hours lang.

    masarap magmotor kasi hawak ko oras ko, ang ayaw ko lang is kapag uwian na. umaandar ako ng nakapikit. hahahahha!
  • Flex ko lang


  • Mukhang malayo lang yan sa una pero pag kabisado mo na sisiw nalan yan sayo

    nabibitin na nga ako sa 18kms one way trip ko. hehehe
    seryoso meron yun mga tipong 1-2 months lang nahulugan tapos wala na nabatak/pinabatak na kasi di na kaya natakam lang sa low down payment.

    kita ko sa fb group mga SZ 15-17k lang. pero yung iba wala na fairings, pinagkakitaan muna bago pinahatak. tsk tsk
  • Nasubukan ko na din sa wakas yung Nmax, my big brother just got one and he's been using it as an all around commuter. Naiintindihan ko na ngayun kung bakit madami naka Nmax, nakaka in-love. Ang lakas ng hatak, ang sarap ng seating position, ang laki ng ubox, ang layu ng range(bigger tank) Di nga mapakali kaka kalikot na lost thread na yung kabitan ng Visor, nagkabit ng Sec Bill and 4 na snail horn (ang lakas!)

    Niyayaya ko sa Infanta, ayaw daw niya at baka madumihan, bwiset ^_^

    -- edited by wakywakyme2 on Jul 22 2019, 08:23 PM
  • @johntot

    Kung malapit ka sa Marikina, Rizal area. Better check the Sumisho warehouse along E.A. Rodriguez Ave., Pasig, Malapit siya sa Kia pasig. Warehouse siya ng mga repo units ni Sumisho all over Metro Manila and nearby provinces.

    @wakywakyme2
    Ang lakas ng hatak, ang sarap ng seating position, ang laki ng ubox, ang layu ng range(bigger tank)


    Kaya napabili din ako ng nmax dahil sa rason na yan. Hindi ka ibibitin sa marillaque.
  • salamat sa input mga sir.

    may nakita ako motortrade kaso honda beat 58K, konti na lang idadagdag ko pwede na ko mag brandnew.

    budget ko sana is 35-40K. honda beat or skydrive. requirement ko lang naman is malaki ung space sa harap since dun iaangkas anak namin. saka magaan sana. meron kaming wave 125 ang prob d nya kaya idrive and isa pa is mahirap iangkas ang bata.

    technically pang hatid hatid lang talaga sa anak namin din iwan din ung scooter sa bahay ng parents ko bago xa pumasok. Distance lang sa bahay namin is around 10-15 mins walking pag nakamotor kami kaya ng 3-4 mins) malapit lang naman.

    dami ko napagtanungan hindi pa ko maka tyamba ng 1st owner lahat open DOS from 1st owner.
  • limang motor namin puro open DOS nakuha. yung tatlo napa-transfer namin rehistro, yung dalawa inaantay lang registration period para isabay transfer.

    open DOS in itself is not bad. basta check the documents thoroughly kung legit ba yung OR and CR and the supporting documents
  • @johnToT
    tagasaan ka ba/ kung malapit ka lang sanpedro samahan kita maghanap. kung open deed of sale wala naman poblema basta kumpleto sabi nga ni geno madali lang magpatransfer. sasamahan din kita sa tropa sa LTO

    p.s. naka Honda beat din ako pamasok ko sa work, and tama mahal yan nakita mong 58k
  • @ gen0

    sir paano kung paso rehistro tapos open DOS, mahirap ba process nun? since open dos lalabas na 3rd owner ako (technically) what if yung kukunan ko is wala na syang contact sa 1st owner meron lang sya is ORCR. then most of them may naka indicate na meron silang 3 specimen signature.

    medyo tricky gusto ko lang kasi makasure na walang sabit ung bibilhin ko mahirap na baka matsambahan hehe.
  • di ako kumukuha ng expired rehistro. may penalty pa yun. aside sa pwedeng may kaso or violation kaya di pinarehistro. hehehe

    ginagawa ko lahat ng type kong for sale mine-message ko. may mga red flag para sa akin:

    1. makulit yung seller makipagmeet
    2. expired registration
    3. ayaw makipagmeet sa location na madali siya balikan (home, office, places with cctv)
    4. may di naka-declare na issue sa post, pero pag kausap na kung ano-ano na malalaman mo
    5. too cheap
    6. modified engine, fairings. i prefer stock, kung add-on parts lang pwede na. tulad ng cp holder.
    7. etc. add nalang kayo =D

    -- edited by gen0 on Jul 23 2019, 10:15 AM
  • Sir ito ung kausap ko ngayon na medyo malapit samin

    Open DOS xa mag eexpired sa Nov - paano ko mairerehistro to? anong documents ang need na ibigay sakin para mairehistro ko to incase kunin ko to. salamat sa input at sa sasagot

    Honda Beat V2 Fi 2018
    Complete papers -
    Reg til nov 2019 -
    Adjustable levers
    Good condition
    6900 odo
    Gagamitin nalang -
    turn off ako dito