Forum Topic

Show me your riggy motorcycle (No trading)

  • @drunk3n

    thanks boss ng marami!!!

    stay safe sa lahat...
  • Magkano kaya ngayon ng belt
    Oem honda


    approx 700
  • Pa feedback naman po sa scooter na plano ko bilhin. Gagamitin ko papasok at pauwi sa opis. From Dasma Cavite to Moa. Pahirapan na kasi mag commute ngayon at sobrang taas na din ng pamasahe. Kung hindi ok sa inyo, ay pa suggest ng mas maganda bilhin.
    Maximum budget is 80k. Eto trip ko sana:

    Kymco Like 125 Italia E3

    <click here for link>
  • ^
    yamaha gravis
  • may nakakaalam ba kung ano process ang gagawin if misspelled name yung nakalagay sa Certificate of Registration ng motor?

    Sobra kasi ng letter S yung name, isa lang dapat yung S. Kakakuha ko lang kanina ng CR.
  • ask lang mga sirs

    pano ba step by step or proseso s apagbili ng 2nd hand na motor? firs time ko kasi bibili

    ang alam ko lang dapat Orig OR/ CR then yung Deed of sale ganun lang b yun?

    ang iniisip ko kasi yung sinasabi nila na dapat sau naka rehistro yung motor kahit na pang ilan owner ka kaya pag natinign ako online eh lagi ko tinatanong kung first owner ba sila para iwas hassle
  • pano ba step by step or proseso s apagbili ng 2nd hand na motor? firs time ko kasi bibili

    kung papeles pag-uusapan, dapat hawak ng seller yung mga sumusunod:

    Original Certificate of Registration
    Original Official Receipt (latest registration)
    Notarized Deed of Sale (3 original copies, yung nakapangalan sa CR dapat ang nakapirma sa DoS)
    2 photocopies of previous owner's (yung nakapangalan sa CR) ID with original specimen signatures (3)
    ang iniisip ko kasi yung sinasabi nila na dapat sau naka rehistro yung motor kahit na pang ilan owner ka kaya pag natinign ako online eh lagi ko tinatanong kung first owner ba sila para iwas hassle

    Mas okay talaga kung first owner ang seller. Pero wala naman talagang issue kung second owner na ang seller basta complete ang documents na nakalista sa taas. Yung current motor ko is binili ko sa second owner, nakapangalan sa first owner. Pero complete sa papeles kaya walang hassle nung pina-transfer ko sa pangalan ko.

    tip lang, check mo sa CR kung saan field office ang mother file nung motor para di ka ma-hassle sa transfer. Although pwede naman i-request ng preferred LTO office mo yung document from the mother branch, it takes time. Pabalik balik ka pa sa LTO.
  • @ geno salamat malinawa na sakin magulo kasi sa youtube pero malinaw din lalo na yung series ng deed of sales na nakita ko

    ip lang, check mo sa CR kung saan field office ang mother file nung motor para di ka ma-hassle sa transfer. Although pwede naman i-request ng preferred LTO office mo yung document from the mother branch, it takes time. Pabalik balik ka pa sa LTO.


    oo lagi ko din tinatanong ito sa seller lalo na ngaun ang daming nagbebenta may mga walang papel na xerox lang at affidavit of loss
  • ngetpa ba talaga Rusi mga tol? lalo n yung Gala? balak ko sana kymco super 8 kasi dalawa yung shock sa likod at mukhang kumportable ako kasi medyo malaki ako 5'10 at mahaba legs
  • Kung kulang budget try mo tingnan sa casa yung bago ng Rusi na Rfi 175 around 90k cash. Keyless na yun parang NMax ang porma, air cooled nga lang at wala pa atang ABS yung disc brakes. Parang maliit kasi yung scooter na super 8 para sa iyo. O kaya mag Nmax non ABS ka na lang, medyo mahal nga lang.

    Hindi naman panget ang Rusi, may problema lang siguro sa quality control.

    -- edited by imscythe on Jun 11 2020, 11:00 PM
  • Yung mga may mga transactions sa LTO dyan, agahan nyo na pumunta lalo na sa mga mag renew ng registration. Tagal ng emission ngayon, loaded.
  • kamusta? sana okay ang lahat...

    may nag punta sa bahay namin sa pasig, taga bangko daw, babatakin na daw motor ko, 6 months na daw akong hindi nakaka bayad, nakakapagtaka, lahat ng loans, bills, etc. nag adjust dahil sa ECQ (covid19) ang last payment ko is Feb... sumisho dealer ko, ingat kayo!
  • Tinawagan mo sila ano sabi
  • ^
    nag pm ako sa viber ng sumisho, wait ko pa call nila
  • Pwede bang lagyan ng tubeless tire valve stem yung stock mags ko incase na magtutubeless tire ako

    Honda beat v1 motor ko

    -- edited by holycow on Jun 18 2020, 09:25 PM

    -- edited by holycow on Jun 19 2020, 10:23 AM
  • mga boss tanong ko lang maganda po ba mag simula ang mga baguhan sa pag mmotor sa mababang CC? like wave at smash? plano ko kasi sana bumili. aerox talga trip ko kaya lang di ba masyado mataas ang CC nun sa mga baguhan palang. penge naman ng advice.
  • @lorin1992
    dumiretso ka na sa aerox sir para di ka na magastusan masyado. Una ko motor 150cc na manual, yamaha SZ. Meron na 5 yrs sa akin at yun pa rin gamit ko. 150cc is not yet powerful.

    @nick311hexum
    batak? nakuw wag, sobra halaga ng may sarili kang sasakyan sa panahon ngayon.

    @holycow
    no idea ako..
  • @lorin1992

    Unang motor ko aerox. Saglit lang yan ay gamay mo na yan.

    @nick311hexum

    Baka scam yun
  • Share ko lang dalawa sa Alaga ko hehe, tsaka na yung mga Honda Cub at Custom bikes <click here for link>

    Gripshift , Nasa Handle Bar ang Kambyo



    One of 50 Italian Automatic Vespa , Vietnam made na kasi yung mga bago.



    -- edited by dartz068 on Jul 13 2020, 02:54 AM
  • ^ Nice ride.
  • ^ Nice ride.


    thank you!
  • Planning to buy scooter this October. Pa advise naman po sa 2 napupusuan ko na swak lang sa budget ko. Yung alin sa tingin nyo ang mas bagay sa first timer na tulad ko. Gagawin ko kasing service papasok sa opis. Cavite-Macapagal ang ruta ko. Eto choices ko:

    1. Honda Beat FI - Standard - 110cc
    2. Yamaha Mio Sporty - 114cc

    TIA
  • ^
    tanong lang paps, how much budget mo? installment mo ba or cash?
  • 1. Honda Beat FI - Standard - 110cc
    2. Yamaha Mio Sporty - 114cc

    go for FI
  • +1 Beat Fi
  • tanong lang paps, how much budget mo? installment mo ba or cash?

    50% cash, then installment ng 12 mos yung balance. Gusto ko sana i cash na lahat kaso short ang budget. hehe. 70k max budget ko sana.

    -- edited by dekisugi on Aug 14 2020, 11:52 PM
  • Thanks gen0 at hakz sa input.

    Problema pala baka hindi ako bentahan at wala pa ko drivers license. hehe
  • dapat i arrange mo na yung driver's license mo before buying a bike.
  • Problema pala baka hindi ako bentahan at wala pa ko drivers license. hehe

    hindi pa ata requirement sa ngayon na may driver's license ka para maka-purchase ng sasakyan. pero make your purchase memorable by literally driving your new scoot off the showroom and into your garage. or sidewalk? hehe
  • dapat i arrange mo na yung driver's license mo before buying a bike.

    Baka i try ko kumuha next month via online

    -- edited by dekisugi on Aug 15 2020, 04:30 PM