Forum Topic

Show me your riggy motorcycle (No trading)

  • Mga Paps, buhayin ko lang tong trend na to, bale nabanga ng motor oto ko, nasa right of way ang motor, ako naman ay pa u-turn, kita ko na ang motor medyo malayo pa, so inasume ko na mag slow down na sya since may distansya pa sya at naka nguso na oto ko sa lane nya, so pumasok nako, then bumanga sya, ang claim nya ay biglaan daw pasok ko, kumpleto ako docs, ung motor may lisensya pero wala pang or/cr at plaka. may laban kaya ako kahit nsa right of way sya?


    pagdating sa traffic incidents/accidents, di porke walang rehistro o license ang kabanggaan mo ay matic talo na siya.

    iikot ang investigation sa mismong accident at sa precedents. nag u-turn ka ba sa double yellow lane? overspeeding ba ang motor in relation sa speed limit ng kalsada? stuff like that.

    hindi pwedeng porke di rehistrado o unlicensed ang tao/vehicle ay ikaw na ang tama, dahil kung ganyan ang batas ay pwede mo na banggain ang kapitbahay mong kamote rider na walang license and get away with it. =D

    Sabi pa ng pulis wala daw kwenta or/cr pati lisensya, may darating daw warrant of arrest sakin. hehe hindi halatang tinatakot ako.

    may punto si pulis, pero dapat nagticket siya sa rider para sa traffic violations niya. also, hindi warrant of arrest ang darating sayo. sa malamang subpoena to attend kay prosecutor/arbitrator (forgot the term, sorry) pag nagsampa na siya ng demanda.

    may copy kayo dapat pareho ng police report, kung gusto mo ay ikaw ang magsampa ng kaso sa rider to show na di ka intimidated. pero kung ako yan ay di ako magbabayad ng danyos for the simple reason na ginag@go nila kausap nila. hehe. pwede mo din ireklamo yung pulis for his/her bias towards the case, tutal sabi mo mali-mali ang nakalagay sa police report (pero ang content ng police report ay ang testimonies niyong 2 parties di ba?

    kung patuloy ka niya i-harass nang walang sinasampang kaso, perhaps pwede ka magtanong sa TPC Legal thread for legal remedies.

    -- edited by gen0 on Jan 02 2021, 11:23 PM
  • ^ naalala ko yung accident ko dati. Wala naman banggaan naganap, pero nag semplang ako dahil sa rider na biglang pasok sa highway. Wala sya license, wala helmet, naka tsinelas, di rin kanya motor. Tapos parang kinakampihan din ni konsehal. Haba kwento ulit hehe! Naalala ko lang. Pero naipanalo ko ang sitwasyon kahit pano.

    Lesson learned lang, dapat talaga may dashcam. Bibili ako nyan kapag nagmomotor na ulit ako. Sa ngayon kasi pandemic 1 year na ako almost di nagmomotor.
  • STORY TIME!!! hahaha

    na-involve kasi sa traffic accident isang relative ko. nasa leftmost lane siya sa isang intersection, behind another car waiting for the green traffic light to turn left, ang ginawa niya lumipat siya sa second lane nung nag green na (second lane is for left turning vehicles din). sakto may paparating na sedan din na for some reason di niya nakita na papasok sa lane niya yung relative ko kahit naka turn signal. kayod yung buong left side niya, bumper naman ang tama ng sa relative ko.

    statement of facts dun sa police station:

    1. nag change lane sa solid white line si relative, with turn signal indicator
    2. may dashcam yung nakabangga niya, kita sa vid na pumasok na yung bumper and front tire sa lane bago ang impact
    3. unregistered yung vehicle ni relative for two months.

    gumawa ng police report yung traffic police after namin mag submit nung sinagutan with matching drawing ng incident in our POV. hindi ko na maalala kung sino vehicle 1 at vehicle 2. sabi lang nung police, kung di magkakasundo ang dalawang panig ay dalhin sa prosecutor ang kaso, yung police report ang dadalhin namin.

    pero sabi nung police hindi siya ang maghuhusga kung sino ang may kasalanan. kasi investigator sila sa kaso, hindi sila prosecutor or judge. Hindi rin matic na pag identified ka as vehicle 1 ay ikaw na yung nasa tama, or right of way. identifier lang yung vehicle number, for brevity.

    ang ending, nabigyan ng ticket yung relative ko for unregistered vehicle and disregarding traffic sign (change lane sa solid white line), dun sa city hall na nakasasakop ang bayad, 2500 ata for both violations. di namin alam kung nagsampa ng kaso yung other party, pagkakaalala ko grab unit siya pero siya operator/driver, at front fender to rear bumper ang gasgas at yupi ng unit niya. mahina 10k dun hehe. sa amin 2.5k lang damage.
  • Wala naman banggaan naganap

    Tawag dyan self accident.
    Pero naipanalo ko ang sitwasyon kahit pano.

    Paanong naipanalo? Binayaran ka?

    -- edited by roceanoz on Jan 06 2021, 10:59 PM
  • ^

    Kung di ako biglang liko ay sya naman mababangga ko kasi nasa main road ako, bigla syang pasok sa kalsada patawid at tigil sa harapan ko. Kaya yung bigla ko liko at preno ang nagcause kaya ako natumba. May harang na jeep kaya pareho namin di kita isa't isa.

    Aminado naman sya na fault nya, nakiusap na babayaran na lang nya ako, di ko sya report police except sa brgy hall na lang. Pero weeks later si konsehal sa brgy ewan ano nakain, parang tunog kampi pa dun sa kamote. Dahilan kung bakit sa sunod namin paghaharap biglang nagkalakas loob yung kamote na bumago sa usapan. Pero wala na sya magagawa, may blotter na kami nung una eh.

    Sinagot nya repair motor ko, medical, cp at nasira sa helmet ko. Pero dahil walang pera at si konsehal ay kinakampihan pa sya ay binigyan ko na lang ng malaki discount tsaka ginawa installment ng ilan months. Ewan kung inabot ng 7 months. Di ko na rin maalala total gastos. Andito yung kwento sa thread, matagal na nga lang.
  • sino kaya may kakilala sa sumisho?

    meron nanaman pumunta sa bahay namin, babatakin daw motor ko kapag di ako nag bayad, bayad naman ako palagi...
  • musta na kayo? ang bilis ng panahon parang kaylan lang

    -- edited by destroyer888 on Jan 09 2021, 12:29 AM
  • ^

    oo nga paps, 2022 na agad hehe

    ride safe sa lahat


  • 155 cc category



    -- edited by axelangel007 on Mar 11 2022, 03:06 PM
  • Share lungs.. bagong punas e.. :)








    -- edited by KARU on Mar 13 2022, 04:08 PM
  • ano po magandang budget beginner bike? Mukha kasing magbabalik na sa office eh mahirap mag commute from qc to bgc. Salamat

    -- edited by theluffy99 on Mar 12 2022, 03:44 AM
  • Post deleted #12412564




  • [img][/img]



  • ask lang mga boss pag bibili ng 2nd hand na motmot ano ba dapat ang titingnan? lke pano ba maing proseso pag bilhin ko sa knya yung motor aside sa deed of sale? hindi ko kasi alam at naguguluhan ako eh may mga nababsa at nagsasabi sakin na ok n daw basta may deed of sale at 3 pirma at pirma ng unang users or original user , may nagsabi naman na dapat daw need ng clearance sa hpg bbago malipat sa pangalan mo

    ano ba unang hakbang kung sakasakali? unang motor kasi to pag nagkataon
  • Obligasyon lang talaga ng seller ay yung deed of sale and ID nya with signature. Buyer na need mag due diligence and mag proseso ng transfer of ownership where the hpg clearance is one of the requirement.
  • pag ba halimba 2ng owner siya pang 3rd ako

    yung deed of sale ba ng first owner with matching id at 3 pirma need pa din?
  • Yes. Kung sino yung nasa CR kailangan may deed of sale sya. Kung makakarekta ka ng deed of sale sa owner sa CR mas maganda. Pero pwede din namang 1st owner ---> DOAS 2nd owner --> DOAS to third owner. Lahat need ng ids/signatures.
  • ^ mas ok pala pag bibili ka rekta sa1rst owner

    pno naman yung mga xerox lang ang or/cr? tapos unregistered ang sabi eh magkaka papel daww pag pinarehistro sa lto legit ba yun?
  • musta na mga boss! sana oks ang lahat...

    ano pa pala ang pang tanggal ng sticker? TIA
  • may mga mcp accounts din po kayo?
  • pag ba halimba 2ng owner siya pang 3rd ako

    yung deed of sale ba ng first owner with matching id at 3 pirma need pa din?


    Please check if nakapangalan na sa 2nd owner ung motor. If nakapangalan na sa kanya, no need to involve ung 1st owner kasi legally ung 2nd owner na ung true na may-ari ng sasakyan and wala na ung 1st owner na responsibility.

    ^ mas ok pala pag bibili ka rekta sa1rst owner

    pno naman yung mga xerox lang ang or/cr? tapos unregistered ang sabi eh magkaka papel daww pag pinarehistro sa lto legit ba yun?


    TBH, sakit ng ulo yan lalo na pag unregistered vehicle. Unless meron kang insider na tulong sa loob ng LTO. Kung ako sa yo, hanap ka na lang ng ibang seller na kumpleto at legal ung mga documents nila.

    -- edited by generator_g1 on May 29 2022, 10:38 PM
  • pwede po ba magtanong dito, hindi po ba OT?.,
    tanong po sana ako kung natry niyo na magorder sa Revzilla?.,hehe
    halos karamihan kasi ng motor gear shops dito sa pilipinas walang stock ng white na agv x3000 helmet.

    Salamat po1
  • twice na. first order is riding gear, direct dito. second is a helmet and spare parts for my other helmet, pinasabay ko sa kamag-anak nung umuwi dito.

    umorder na din ako helmets from another shop direct din
  • ano masasabi nyo mga paps sa gy6 kumpara sa big 4 brands? like a gy6 150cc and a 110cc ng mga big four built and budget wise ?
  • happy new year mga papi!
  • ^
    happy new year

    tahimik na dito hehe
  • Mga ka tpc riders, ask ko lang kung ano ang magandang shades na gamitin kontra sa araw? Hindi kasi kaya ng built-in visor ng helmet ko. Nakakasilaw kasi masyado lalo sa hapon. Medyo nakakatakot kasi at wala ako masyado makita. Haha
  • ^
    spyder sir or any sun glasses na polarized
  • ^
    Thanks Paps. Try ko tumingin this weekend.

    Naisip ko din sana na bumili na lang ng film coated sticker at idikit sa visor
    ng helmet, kaso baka pumanget. Haha.