Forum Topic

Latest computer specs for internet shop (good for Gaming)(No mentioning of store name / no trading or service offering. Violators will be ban permanently)

  • @all here
    Any idea po, Madami daw nagsasabi talaga na mababa lang kumain ng DATA kahit mga Latest Online Games. Kaya lang ang problem is baka laglag ang games sa wireless ultera daw kasi wireless nga naman at dumidepende sa signal.

    Take note po i'm from prenza marilao bulacan and sabi walang fibr or dsl sa location namin thats why i'm planning to get 2 account PLDT Ultera 70g = 140g per month

    Actually i have already 30g Ultera and plano ko upgrade sa 70g PLAN + another plan 70g.
    So magiging 140g na sa isang buwan. kaya lang yung mga haka haka na mag la-lag daw for sure kasi wireless.... Hay..... anu na kaya gagawin ko? Almost a month na nakatambay ang mga units ko. Laki na gastos pero problem is ISP.
  • bumili ka na ng units ng hindi mo alam na walang dsl connection sa area niyo?
  • Mga paps ano ba magandang router sa shop yung OK yung QoS naglalag kasi yung ibang client pag may nag youtube, and magkano price tnx...
  • @phenomII

    you may use Microtek or PFSense

    Microtek: 15 to 50 units, = PHP6,500

    PFSense: Need mo lang ng pc na matipid sa koryente like Atom base or kung wala talaga, Intel G2020 will do also. Hindi mo kailangan ng makabagong board dito kasi lalong hindi gagana. Asus h61-E will do. Plus, fee for setting up. Need mo rin ng Dual nic like Intel PRO 1000MT.

    Ilan po ba ang ISP mo?

    -- edited by ZLite on May 25 2016, 03:46 PM
  • @jhuncel

    Sir ang mapapayo ko sayo dsl ang kunin mo, napaka unreliable ng ultera lalu na kung mag tatayo ka shop, magkakainisan lang mga user jan lalu na yung mga OL games, taas baba ping nyan lalu na kapag mahina signal at meron isang user na nag download or streaming
  • @jhuncel

    Actually Bro, I have a bad feedback sa Altera. May client ako sa San Jose Bulacan, halos hindi stable ang internet speed nya. Kaya kahit may PFSense or Microtek, ang hirap ayusin. Kung may ibang product except Altera, better to change it kaysa magkaproblem ka.
  • @vanitas_unbirth

    Yes Sir, hindi na ako mag uultera. Sa Bagong silang caloocan nalang ako kukuha ng pwesto at my DSL, FBR na doon. Saka malakas at kinukulang pa nga daw ng Shop doon sa dami ng user. Nag canvas na ako doon at sabi ng mga Costumer kulang na kulang daw ang mga Shop doon. Thanks sa Idea sir.

    @ZLite

    Yes sir tama ka, sa lahat ng forum dito sa TPC lalo na sa kabilang forum, 100% Failed talaga at hindi talaga pwede ang ULTERA sa Shop. Salamat sa tulong sir.
  • Mga bossing sa 8 units po ba mas ok ba ang diskless w/pfsense or Traditional set up na may HDD pero naka Mikrotik?
  • @zlite
    1isp lang ako 21 PC including timer
    Nabasa ko yung mikrotik mukhang OK San meron into tnx
  • Mga Boss malaki ba difference sa performance ng g3260+750ti vs g4440+750ti
  • @jhuncel Good Luck sir
  • @vanitas_unbirth

    Sir thanks you.

    At all ask ko if pwede na ba ang 320g Hardrive sa Computer Shop/Pisonet/Fivenet?

    I Have already 10units with 500g Hardisk all Brand New except LCD.

    PROCESSOR: AMD A4-6300k 3.7ghz~3.9ghz O.C.
    MEMORY: 4g DDR3 x 2pcs = 8g
    HARDRIVE: 500g SATA 2
    MOTHERBOARD: Emaxx i-cafe
    PSU: 700w Generic
    MONITOR: 17" LCD

    Kasi balak ko bumili ng 4 Units additional ulit Brand New. Balak ko kasi 320g Hardrive nalang. Hindi ba basta basta mapupuno yun pag nag-install na ng mga Latest Games ngayun?

    Any Idea po?

    Thank you.
  • tanong ko lang po.. pano po mag cloning and para iisa nalang yung hard disk ng mga PC then il use a server for this and lalagyan ko narin ng PFsense for Network.. my guides po ba kayong mabibigay sakin?
  • @jhuncel
    I think 320GB will suffice, maliban na lang kung mag iinstall ka ng maraming latest games na umaabot ng 10-20+GB each, kung mga LOL Dota Steam Gamea and some single player games sa tingin ko naman ayos na 320 GB

    Tanong lang wala bang kasamang GPU/Video card mga system mo? Need sa mga games yan

    -- edited by vanitas_unbirth on May 29 2016, 01:21 AM
  • Guys ano po ba pinaka mura na LED na 1920x1080?

    pang com.shop po sana..
  • @vanitas_unbirth

    Sir wala pa GPU/Video Card, nag cacanvas pa po ako ng Video Card at least 1g 128bit Video Card.

    Sa ngayaun Built-In 2g Video muna pero maglalagay din ako ng Video Card 1g 128bit DDR3

    Medyo mahal din kasi ang Video Card.

    Budget ng Video Card Range from Php 1,500.00 ~ Php 2,000.00 (1g 128bit DDR3)

    Hope meron ako macanvas..
  • @all Computer Shop Owner

    Sino po dito taga Bagong Silang Atlantica? Diyan ko balak itayo yung Computer Shop ko 10units + 1 units server.

    Nag Canvas na kami sa mga Shop doon, Fibr at Dsl ang mga gamit nila doon. Mabilis po ba sa Fibr or DSL sa Location na yan?

    Please let me know.. Thank you.
  • Good Day, Nakabili ako 8 units for my PISONET business

    MOTHERBOARD: emaxxtech | EMX-A70FM2+-iCafe
    PROCESSOR: AMD FM2 A6-5400k 3.6ghz~3.9ghz OC
    VIDEO CARD: None Because 2gig ATI Radeon in built to Motherboard
    MEMORY: 8gig DDR 1600mhz
    HARDRIVE: 360g SATA 2

    Ask ko if Pwede na po ba ito sa Online Gaming?
    Kahit wala ng VIDEO CARD due to ATI RADEON Built In 2gig sa motherboard?

    Please let me know and what is your suggestion?

    Thank you.
  • Ano ung config ng memory mo sir? 1x8gb o 2x4gb? Malaki performance penalty pag single channel gamit mo sa apu.
  • @van2009

    Sir Memory ko is 4gx2 = 8g Memory DDR3
  • Good day,

    papatulong lang po sana about sa maadvice nyong specs for Internet Cafe target market po are mostly College students, most probably games would be dota2 lol hon nba 2k16 dragon nest and some other offline / online games. we are thinking of building up atleast 30 units to start off. and magkano po kaya price per unit. would you guys prefer intel+vc or apu as ive seen in some threads. Thank you in advance.

    PS : balak po din namin is 24/7 operations so build that would best work with 24/7 setup thank you.
  • ^ add mo na rin ng CS:GO for steam. I'd go with AMD APU tapos lagyan mo na lang ng Hyper 212 cooler kasi ang pangit ng stock cooler ng AMD for 24/7 setup.
  • @GerEdc22

    Thank you Bro! actually dami ngang games sa steam hindi ko lang ma name lahat ewan ko kung uso na din jan sa pinas yung HAWKEN. hehe so AMD APU + Hyper 212 better than intel+vc+cooler? any other inputs guys any intel based opinion? TIA! :)

    -- edited by xephy007 on May 31 2016, 05:07 PM
  • @jhuncel
    Ok na yan sir kung dual channel na setup mo. Wala na akong ibang problemang nakikita sa setup of as of now. Siguro ugrades na lang in the future. Pwede na rin sa common online games yan ng low to med settings ng smooth.

    @xephy007
    Maganda rin ung suggestion sayo ni sir na mag hyper 212 cooler kasi mainit amd apu dahil inefficient ung voltage config niya para sa cooler pero un nga lang mahal rin ung 212 kaya sa tingin ko mas sulit na ung intel+vc. Ang ginawa ko sa setup ko ng amd nagundervolt ako tapos inalis ko ung turbo boost niya then maintained ung stability niya kasi nag stress test na ako. Matrabaho kung tutuusin pero hindi mo na kailangan bumili ng aftermarket cooler tapos malaki rin ung tipid sa kuryente around 50 watts pagkatanda ko ang nasave ko pag full load with undervolt compared sa stock tapos around 70c na lang ang temps ko pagkatanda ko so bale hindi na siya nagtothrottle sa temps kasi hindi na sobrang taas. Meron lang konting performance penalty siguro around 5 to 10% dahil aalisin mo ug boost pero hindi mo mapapansin kasi onboard lang gagamitin mo. Ang bottleneck kasi ng amd apu is ung onboard video niya parin lalo na pag sa games gagamitin. Makikita mo lang ung perf penalty niya kung cpu intensive gagamitan mo or lalagyan mo ng mabilis na vc. Ang magiging bottleneck nun ung cpu na.
  • @van2009

    Thank you sa input bro very helpful. now need ko lang malaman ano exact specs at magkano kaya abutin per unit kasama monitor and generic avr mouse and kb. TIA again for all people who gave inputs ! :)
  • In my shop, I have two A10 Trinitys. That was after buying two G620s. Aside from overheating, sinasamba ko yung A10 ko. Pero nung nameasure ko power usage at naupgrade ko vc ng G620 to a good NVIDIA card, yung mga sumunod kong unit Intel + vc na. Of course, this is before the new apu lineup ng AMD. Just sharing my experience.
  • @rancor2023

    So you would suggest go for AMD APU instead of intel+vc? THanks :)still waiting for other inputs. Thank you!

    -- edited by xephy007 on May 31 2016, 08:49 PM
  • Maganda rin ung suggestion sayo ni sir na mag hyper 212 cooler kasi mainit amd apu dahil inefficient ung voltage config niya para sa cooler pero un nga lang mahal rin ung 212 kaya sa tingin ko mas sulit na ung intel+vc. Ang ginawa ko sa setup ko ng amd nagundervolt ako tapos inalis ko ung turbo boost niya then maintained ung stability niya kasi nag stress test na ako. Matrabaho kung tutuusin pero hindi mo na kailangan bumili ng aftermarket cooler tapos malaki rin ung tipid sa kuryente around 50 watts pagkatanda ko ang nasave ko pag full load with undervolt compared sa stock tapos around 70c na lang ang temps ko pagkatanda ko so bale hindi na siya nagtothrottle sa temps kasi hindi na sobrang taas. Meron lang konting performance penalty siguro around 5 to 10% dahil aalisin mo ug boost pero hindi mo mapapansin kasi onboard lang gagamitin mo. Ang bottleneck kasi ng amd apu is ung onboard video niya parin lalo na pag sa games gagamitin. Makikita mo lang ung perf penalty niya kung cpu intensive gagamitan mo or lalagyan mo ng mabilis na vc. Ang magiging bottleneck nun ung cpu na.


    This post is so original. Galing mo bro magandang payo eto. Tama Ka Rin.
  • Thanks sir. Sana makatulong para sa iba pang naka amd apu setup.
  • ask ko lang about upgrade, medyo nawala na sa sirkulasyon

    meron akong quadcore amd a6 7800 3.1 ata yun
    a68 gigabyte board s1
    4gb hyperx memory

    ano ang maganda sa dalawa iupgrade
    memory gawin 8gb
    or video card

    (diskless set up po sya)