Forum Topic

Criminal Modus Operandi! Share your scam experiences!

  • Share ko na rin experience ko sa bandang UN Avenue. May chinese looking at mukhang maayos naman na ale.
    Kulang daw pamasahe pauwi ng Cavite. Humihingi ng bente talaga.
    Nung binigyan ko ng 5 piso dahil wala akong barya, ayaw tanggapin. Sabi bente daw kelangan. Hanep!
  • Nasakay ako ng bus papunta lang ako ng balintawak, ilang beses ko na nakasakay yung 2 lalake na nanghihingi ng tulong para mapalibing yung kapatid nila. 2 beses na yun. Nung una akala ko totoo kasi parang maiiyak na, tska seryoso sila kala mo totoo, kaso after ilang linggo, nakita ko ulit..

    Ayun ulit ang reason. SA isip isip ko bulok na bulok na siguro yung kuya nila sa kabaong, hanggang ngayon di pa nalilibing...

    Meron pa sa jeep naman papuntang SM San Lazaro, ganon din ang siste, di naman daw sila namimilit. Pero kahit konting barya lang daw. Di ako nagbigay. Modus na kasi e.
  • Di ba may guardhouse at mga traffic enforcers sa ilalim dyan?


    oo nga, masyado pang maaga ang 11pm para mawalan ng guwardya dun at kakasara pa lang ng Mega

    naka-tyempo siguro

    madalas kami ng gf ko na tumatambay sa isang Korean coffee shop sa Ortigas at dun ang daan namin pag-uwi (naglalakad lang kami nun papuntang Shaw), at madaling araw pa yun..awa ng Diyos, hindi pa kami natyempuhan ng mga holdaper
  • ^ dagdag ko lang nakakatakot pa pagsinasabi nila na "Huwag po kayong matakot di po kami mandurukot, hindi rin po kami mga holdaper, wala po kaming gagawing masama"... WTF kakabahan ka talaga eh reverse psychology
  • sa mall ginagawa ko yan or public place.. or sa mga bata applicable yan.. matanda na ako.. lol

    eh nasa place ko sila.. at humihinhe ng tulong.. ewan if totoo o hinde na lang..


    wala naman pinag-kaiba yan paps sa mga nag-house to house na nagbebenta diumano ng LPG safety device etc... pero may ibang pakay naman pala.
    hindi ko kinakausap talaga yun mga strangers na nag-solicit, pero minsan may sinabihan ako na kay kapitan or mayor ka lumapit.
  • speaking of LPG safety device agent, may nagpunta sa bahay at ang unang hirit ay pinapunta daw siya ng barangay para inspeksiyunin ang LPG namin. sabi ko, hindi totoo ang mga pinagsasabi nya. eh, mapilit, kaya kinunan ko ng picture. hindi kami gumagamit ng LPG, bakit papupuntahan ng barangay?


    Picture removed

    You will respect other people's right to personal privacy and will not post any other person's identifying information, but your own.


    -- edited by jonjonmd on Nov 13 2015, 04:07 PM
  • ^ Ingat kayo sa walkway/overpass sa may Megamall to St.Francis..ung madilim na akyatan..bandang 11pm naHoldap ng mga rugby boys ung officemate kong babae dun..maliliit na bata daw..

    Tatakbo daw sana sya kaso nakita nya sa ilalim may lalaki naka abang..parang look out..kaya binigay na nya buong bag nya


    hanep galing tyumempo ng mga batang yan! madalas ako diyan din dumadaan kapag 11pm out ko sa office. paranoid din ako diyan kasi nga andami ko nakikita na rugby kids at weird looking person pero most of the time andun yung security guard ng Megamall. pero kahit andun yung guard, sobrang cautious pa din ako kasi mahirap na, alam nyo naman ang mga kawatan, mabibilis talaga
  • para sa mga may tindahan o carinderia

    <click here for link>
  • To all,

    Please respect the privacy of other people and be reminded that posting identifying information, other your own, is prohibited.

    -Moderator

  • Di ba may guardhouse at mga traffic enforcers sa ilalim dyan?


    yes meron po...pero as usual walang guard..9pm, 10pm, 11pm...lagi naman walang laman ung guard house na yun...kahit sa umaga wala rin laman e
  • ^
    Sympre ganyan naman mga tao saten e, pag meron ng namatay/naholdap tsaka lang mag hihigpit ng security. Only in Pinas..
  • Post deleted #11534879
  • Kaya mahirap maging kampante sa safety and security natin dahil kung ang armored car nga ay hindi secured, tayo pa kayang mga ordinaryong mamamayan?



  • Post deleted #11535902

  • ^
    lol uso yan ah
  • ^ hahaha mauupakan ko pa yun.
  • jopat Send Message View User Items on November 22, 2015 01:22 AM #


    Uso to sa China. The reason is kapag nakabangga ka, ang nabuhay eh babayaran ka ng nakabangga + expenses for medical and it's a goverment law and something like a lifetime support as well. Kaya most sa kanila, kapag nakabanga eh babalikan nila then sasadyain na patayin. Why? Cause mapepenalize lang sila something like "pyansa" here in PH.



  • kagabi pauwi sumakay ako sa gilid ng galleria papuntang quiapo ung bus. paglagpas ng edsa nagsi-sakayan ung grupo ng lalaking ito. andami nila mga sampu siguro. pagakyat palang namukhaan ko na tong lalaking to kasi napanuod ko ung video nila sa facebook dati pa na nagnakaw ng tablet ata un. kaya kinabahan ako nasa bukana pa naman ako sa gitna kaya nakatayo sila sa gilid ko. alam ko na mangyayari kaya bumaba ako sa greenhills. buti naman nakaabot ng greenhills ng wala pa silang ginagawa,halata ko na lahat sila halos walang laman ang mga bag at nagmamasid talaga sila humahaba pa ung leeg nila at palipat lipat ng pwesto. yayayain ko sana ung babae katabi ko kaso may kasama din pala baka sakin pa magalit. doble ingat tau dapat ngaun mag x-xmas pa naman.

    ung picture from page 105 pa october 2014 nakulong daw to. kaso nakalaya na naman ang hinayupaks

    -- edited by timmy09 on Nov 26 2015, 12:57 PM
  • lagi yan ruta ng mga yan. sarap sagasaan kapag tumatakas.
    yung nakablue yan yung nagpapatayo sa akin dati na nahulog daw microsd nya at nasa ilalim daw ng upuan ko.
  • kagabi, natyempuhan ko na may Ipit Gang sa bus..galing Fairview yung bus, nakasakay ako sa may DA..

    pagsakay ko pa lang, nahalata ko na yung modus nila, bigla kasing nagsitayuan at hindi naman ganun kapuno yung bus, marami rin kasi ang sasakay..obvious kasi, bakit ka naman tatayo, e ang sunod na pwedeng babaan nun e sa may City Hall na, w/c malayo pa galing DA..

    nakapwesto sila sa may bandang gitna ng bus, naka-upo ako sa may unahan..tapos bigla silang pumuwesto sa may row ko, kaya kita ko kung paano nila pasirko-sikuhin yung kamay nila sa pagkapkap at pagtago sa bag..may dalang bag na walang laman na nakalagay sa harap..nakahalata yung isang ale kaya hindi siya umabante, buti may malaking mama sa likod niya na sinabi na "akong bahala" ie, babantayan ko yung lalakeng nasa harap mo..oo, tinitignan ko rin yung nang-iipit, haha..iniisip ko nga na baka kasabwat niya yung katabi ko kaya dun pumuwesto, para pag may nakuha, ilalaglag na lang sa kanya, buti hindi..

    bumaba sila sa may East Ave Hospital, apat yung bumaba, tatlo lang yung nakita kong nang-iipit, tapos isang "back-up"..pwede sana ako sumigaw nun na, may snatcher sa bus, kaso medyo duda nga ako dun sa katabi ko, baka kasi yung back-up tsaka karamihan ng nasa bus e babae..

    nung bandang Kamias na, may pulis pala kaming kasakay sa bus at bumaba, kinausap yung driver, hindi ko masyadong narinig, pero parang sinabi na kung may nadukutan nun, gagalaw siya..

    ewan ko, ang bobo lang nung pulis, kailangan pang may mangyari bago umaksyon, imbes na isawata na agad habang wala pang nabibiktima..iniisip ko rin na bumaba ng City Hall nun, at baka biglang magdeklara ng holdap o kaya sundan din ako pagbaba
  • ^kakatakot na. magstart na december mas garapal na mga yan. taxi na ko araw araw. di bale magastos, wala naman yun compared sa makukuha sakin. palipas muna ako hanggang january tsaka ko magcommute ulit lol
  • ^ oo nga, dun sa pang-iipit pa lang nila, garapalan na eh..pero napansin ko lang dun sa ibang pasahero, wala silang alam na may snatcher na pala dun sa bus,

    once a month, may nakikita akong ipit gang dyan sa byaheng Fairview na bus, umaga hanggang gabi tumitira sila
  • Garapalan. Sana may magawa na ang susunod na presidente sa mga krimen dito. Yun sana ang ipriority sa plataporma tsaka isunod lang ang mga "cliche" na mahihirap, edukasyon at traffic. Lol
  • ^
    sa mga aspirants... sino ba ang may kakayahan para masawata yang mga yan?
  • sa lahat ng speeches ng mga presidentiables si duterte lang ang may balls para i tackle ang krimen at droga dito sa Pilipinas.

    kaya sya ang iboboto ko.

    Halos lahat ng mga plataporma nung iba pang showbiz at action movies, "pasan ko sa balikat ko ang hirap ng mga Pilipino", "tuloy sa tuwid na daan". Kakaumay na!
  • Not to discredit Duterte sa lahat ng ginawa nya sa Davao, may specific plan ba sya para malabanan ang crime sa Pilipinas? Maliban sa pagpatay sa mga suspected at convicted criminals?
  • isa sa mga platform ni Duterte ang pagrevoke sa juvenile delinquency law. Goodbye rugby boys na snatchers din at mandurukot.
  • guys..

    iwasan natin pagusapan ang tungkol sa halalan. mag-cause lang yan ng debate :)
  • Not to discredit Duterte sa lahat ng ginawa nya sa Davao, may specific plan ba sya para malabanan ang crime sa Pilipinas? Maliban sa pagpatay sa mga suspected at convicted criminals?


    actually kahit may death penalty ulit sa pinas, kung hindi maganda ang enforcement wala rin. kunyari may nahuli yung pulis, pero nasusuhulan din naman, makakalaya din.

    kaya the change should start from the individual. hindi lang sa namumuno.

    kita nyo sa saudi, well known ang pugot-ulo, sa public place pa ginagawa ha, pero hindi lang yung penalty na yun alone ang nandon para matakot ang mga masasamang tao. kasali yung mga pulis na walang sinasanto, basta kasalanan mo, panagutan mo. though hindi ko sinasabing 100% tapat ang mga pulis doon, may ilan din syempreng nasusuhulan...hindi mawawala ang corruption saan mang bansa. pero, in the end, mas mataas ang percentage ng sumusunod sa batas at hindi nakukuha sa suhol.