Forum Topic

Criminal Modus Operandi! Share your scam experiences!

  • Sa sobrang kakaisip ng modus hindi na namalayan katangahan pinaggawa nila. Amp!
  • ^ nung uso pa yun text messages na foundation daw diumano ni pnoy na nanalo ka ng kung ilan milyon nga ba yun....
    sinagot ko isang beses, "wrong send po kayo, si pnoy po ako."
  • Na scam na rin yung nanay ko nung uso pa yung nokia 5110. Tanda ko pa nanalo daw siya ng grand raffle sa PCSO (since regular siyang tumataya ng lotto dati) kaya kapani-paniwala si Atty. Manloloko. Agad-agad akong pinabili ng 300 pesos prepaid card sa mall. Pagka-bigay ng pin code yun biglang out of coverage na. It was year 1999.
  • Kahapon pag uwi ko ng bahay around 3pm may napansin akong tao sumisilip sa gate namin. Di niya ako napansin dumating at nung nag busina ako baiglang napatingin akin. At sabay lapit may hinahanap na tao. Nasa kotse ako tapos sabay tanong may Josephine Dela Cruz ba daw nakatira ant binigay niya address block 11 etc. Sabi ko Kuya yan yung address namin sa gate ang laki. Sabi ko nalang na mag tanong doon sa sarisari store doon sa may kanto. Sabi niya sige po. Tapos pag bukas ng gate namin. Ang tagal tumingin sa loob ng gate namin na parang nag mamasid. Tapos sabay sakay sa motor at alis at di na nag tanong.sa sari sari store Feeling ko parang kunwaring messenger at nag mamanman kung may tao ba sa loob ng bahay. Sa tingin niyo?
  • Josephine Dela Cruz
    Haha. Napakacreative naman ng pangalan. Di realistic. Kelan pa kayo nakakilala ng isang Josephine?

    If you want to know more sir, try asking sa barangay kung may registered na ganyang pangalan. Sana din na plakahan niyo yung motor niya.

    At isecure niyo bahay niyo for the next 2 or more weeks.
  • @mixmasta
    Oo nga eh. Nope wala kaming kilalang Josephine.
    In the first place nakita ko talaga siyang sumisilip sa gate.
    Tinanong ko Tao sa bahay wala naman silang maririnig kumakatok.
    Oo nga sana naplakahan ko siya. Di ko kasi namalayan na naka motor since naka park sa kabilang bahay.

    -- edited by unimodem on Apr 29 2016, 06:47 AM
  • konting ingat sa taong ganon ipa bloter mo agad sa tingin ko babalik yan mag lagay k narin ng cctv o bumili k ng dalawang aso

    -- edited by larry256 on Apr 29 2016, 07:34 AM
  • May nahuli kami magnanakaw sa katabi namin apartment, nung una, madaling araw na, around 2am, nag iinuman kasi kame mga tropa ko, then ubos na ang alak, bibili kami, napansin namin na may lumabas sa gate ng apartment na may dalang bag na pambabae... Tinanong ko kung taga san siya, di kasi pamilyar ang mukha, sabi ng kawatan "sa tita ko" sabi ko naman "saan dyan" at ano pangalan? Sabi ng kawatan "malou" daw, wala naman ganon pangalan dun sa tinuro nyang apartment. Bigla na lang bumunot ng ice pick, ayun sakto palabas isang tropa, nasuntok nya sa batok, nasubsob tapos sinuntok ng kasama ko, kinuha ko yung baril ng isang tropa, binanatan ko sa 2 tuhod... Tumawag na ng barangay at pulis... Lumabas na self defense. Sabi smen ng pulis, "sana tinuluyan nyo na ng mabawasan mga demonyo" sabi ko naman, "di na yan uulit, basag na tuhod nyan eh" hahaha
  • magingat sa mga ganyan ibig sabihin minamanmanan yung bahay nyo.
  • @unimodem

    ipatimbre niyo na sa barangay yan boss, malamang hindi lang yung bahay niyo ang minanmanan niyan
  • @unimodem: baka victim kayo ng identity theft or more specifically address theft, hehehe. Ganoon ang nangyari sa amin, may tumatawag sa landline, may hinahanap na ibang tao hindi namin kilala at may pumupunta sa katabing apartment, kumakatok at nagmamanman. Ayun pala, ginamit yung address and tel. no. para makakuha ng loan or credit card (hindi ko na inalam buong detalye).

    the modus here is the name sounds like the name of my wife so siguro sa pag CI or BI ay tumawag at nakasagot ang kasambahay na inakala na patungkol sa asawa ko yung tawag kaya nakalusot.

    hinala namin taga sa dating office ni wifey ang salarin, kasi meron pa ring tumatawag at name ng office nila dati ang binabanggit.
  • Sabi smen ng pulis, "sana tinuluyan nyo na ng mabawasan mga demonyo" sabi ko naman, "di na yan uulit, basag na tuhod nyan eh" hahaha


    Boss wag nyo ipaalam ang pangalan ni chief baka may panlaban ang CHR dyan. Ahaha, natuwa naman ako dun kay manong pulis.
  • aside from that, its too much paperwork compared to say..deadz on the spot?
  • kamay na bakal na talaga kailangan ng Pilipinas.. Aanhin mo kasi ang maunlad na ekonomiya kung i mamassacre ka naman habang nanonood ka lang ng bb. pilipinas.

    Nakakatakot na mga tao ngayon pag nahuli magsosorry lang sa pamilya ng biktima at may pangangailangan lang daw t*ng inang yan...
  • mang snatch ka na. mang holdap ka na. mag laglag bala ka na. mangurakot ka na.

    pero wag na wag kang magba-bomb joke dahil syento porsyento, kalaboso abot mo.


    l0l
  • Post deleted #11656165
  • Sino dito nag wowork sa banks, or any service providers? Basta yung may personal info yung clients via account (pldt, smart, globe.. Etc)? Totoo ba na binibenta ng mga empleyado nito yung information ng ibang clients (especially good payers) sa mga insurance agencies aand other membership based orgs like clubs? Natanong ko to kasi takang taka na ko kung bakit ang daming tumatawag na insurance, clubs etc na sound like scam or yung may scam-like marketing strategy sakin. When i asked my sister working in jp morgan and brother in hsbc. Sabi nila lucrative daw ang bentahan ng client info sa mga third party na to, legal ba yan sa loob ng company? Grabe nakakainis naman.

    -- edited by barry13 on May 04 2016, 03:31 PM
  • nung na-receive ko yung unang text, alam kong modus na yun..


    Yang mga text scam na yan, gustong gusto ko replyan yan at makipag gag*han. Lol. Lalo na pag may "pag palain ka..." sarap replayan ng magsisi ka na sa panloloko mot masusunog ka sa impyerno. Haha
  • Naexperience nyo na ba yung Crowne Regency free accommodation... based sa research ko, scam daw yan... nakakapag taka lang, tumatawag yan, after ko mag stay sa hotel. Meaning, na foforward ng hotel yung info ng clients nila.
  • breach of privacy yang ginagawa nila na yan . . .

    hahaha, guilty din ako minsan diyan, sa mga chicks nga lang
  • kahit sa western union, kapag magpapalit ka ng dollar magfi-fillup ka ng form. after nyan meron na tatawag sayo. best not to put the correct info
  • kami nga din ng wife ko, nung umattend kame ng bridal fair before, kelangan magregister sa bridal fair.. and also per booth kelangan din magfill-up ng name and contact number, then mga ilang days lumipas, dame na nameng narereceive na text message about house/condo for sale.

    may nakapagsabi sa'ken na ung mga forms daw tulad nung finill-upan namen eh binebenta daw sa mga agents ng bahay/condo.
  • barry13 Send Message View User Items on 04 May 16 @ 03:30 PM #
    Sino dito nag wowork sa banks, or any service providers? Basta yung may personal info yung clients via account (pldt, smart, globe.. Etc)? Totoo ba na binibenta ng mga empleyado nito yung information ng ibang clients (especially good payers) sa mga insurance agencies aand other membership based orgs like clubs? Natanong ko to kasi takang taka na ko kung bakit ang daming tumatawag na insurance, clubs etc na sound like scam or yung may scam-like marketing strategy sakin. When i asked my sister working in jp morgan and brother in hsbc. Sabi nila lucrative daw ang bentahan ng client info sa mga third party na to, legal ba yan sa loob ng company? Grabe nakakainis naman.

    nangyayari talaga to pre... even yung simple employee directory (with personal #) binebenta. ang chismis dito samin... 200 names na mabibigay mo, 4 digits kagad ung kapalit.
  • Tas maghahanap ng pagbabago, samantalang kanya kanyang diskarte lang din ginagawa ng iba para umasenso, tsk. Dapat talaga lahat tayo magbago para magkaron ng pagbabago, tsk.

    Kaya mahirap na magfill out ng forms ngayon, kasi usong uso na bentahan ng personal info, kaya hanggat maari pag may pifill outan na form, di na ko tumutuloy kung di naman para sa important bank account o government transaction yung pinifill outan para kahit papano mas panatag naman pakiramdam ko.
  • 200 names na mabibigay mo, 4 digits kagad ung kapalit


    Thats why these dumb a**es resort to this kind of scheme instead of working hard for a decent paycheck, sana maimbestigahan yung nagbibigay ng info and face criminal charges similar to robbery/theft cases.

    But thats a long shot considering those obvious thieves and corrupt officers still ply freely in this country..
  • Yan din ang dahilan bat di ako nagpapaload sa mga stores na may logbook ng mga numbers.
  • wala na atang modus dahil kay Digong? tahimik ng thread :D :D :D
  • hahahah change is coming!
  • FLORES DE PUSHER sa TANAUAN CITY

    mararatsa sa CHR kaya si Mayor??? abangan!
  • ^ me nabasa ako bumanat na chr jan, MENTAL TORTURE daw ang effect sa pusher..

    Na mental torture pa yung mga dati nang sira ang ulo. Hanep!