Forum Topic

Criminal Modus Operandi! Share your scam experiences!

  • dapat di yan binobroadcast sir if gagawin nila ulit yan para surprise na lang sa mga kawatan...
    pede rin sir broadcasted, para maging deterrent narin, hindi na sila gagawa nang mali. Yun nga lang, mas mapagpaplanuhan pa nila kung sakali.

    naiisip kong analogy: Prevention vs Cure
  • Ang tanong po, Nagawa parin po ba ng ipit gang ang kanilang modus kahit na me pulis na nakauniform? Kadalasan kasi 2 pulis ang sumasabay sa bus at nakasabay ko dati at chinecheck pa attendance nila sa guadalupe.


    Yes..

    nagsimula yung ipit gang bandang Visayas Ave, bumaba sila ng Kamuning..

    yung pulis, naka jacket kaya hindi halatang naka uniporme..bumaba naman siya ng Kamias

    wala naman silang nabiktima kaya hindi gumalaw si mamang pulis..

    pero maganda sana kung nagparinig siya na pulis siya or may msndurukot sa bus..pero nanood lang talaga siya
  • Sabi nga ni Digong, sampalin mo bwehehe
    Ako noon nadukutan ng cell at wallet sa Alabang palengke around 7am, nung tinawagan ng tatay ko yung fone mga bata sumagot sabay off :( Haaayy kaya tingin ko dapat na ibaba na talaga age of criminal liability eh
  • ^Agree. Dapat meron na tayong juvenile justice system.
  • marcos era talamak b mga modus like ipit gang hulog barya snatching

    feeling ko hindi kase nung time naman na un wala masyadong cellphone na pwedeng masnatch.. kaunti ang tao sa city so hindi crowded ang public transpo.. though hindi pa ako pinapanganak nung era na yan ah.. naisip ko lang..
  • guys! ingat kau sa mga nglalabasang fake money.
    share ko lng modus na naencounter ko saka ng friend just last week.

    my experience
    kakawithdraw ko lng sa bank, as in manual withdraw sa counter at hindi ATM, nung naisipan ko mamalengke na rin. hiniwalay ko na ung 1000 na buo taz ung iba e tinago ko na sa kaloob looban ng pede ko pagtaguan. naubusan ako barya/lower bills kya ung 1000 lng meron ako.
    bungad p lng ng palengke, nkakita na agad ako ng type kong fruit, bale 150pesos daw worth lahat ng napili ko. pgkahawak nia ng 1000 ko, bgla nia sinabi na peke daw un. ala pa 10seconds na nhawakan nia ung pera. di ako naniwala na peke un kaso nagulat ako nung nakita ko ung hawak nia, jusko! parang anemic sa kulay taz naaalis na ung security thread. pinilit ko sa kanya di akin un at imposibleng peke ung inabot ko dahil fresh from bank un, ala pa nga 30mins na nakuha ko ung pera eh. ska chineck ko pa ung pera bago ko inabot sa kanya.
    nung ngsisimula na sya gumawa ng eksena, sinabi ko na punta kami presinto at paimbestigahan ung pekeng pera, pumayag xa. kala ko nmn e sasama sakin, un pla tumakas na. :(
    di ko mxado mamukhaan ung ale kz naka-cap at nka-eyeglass taz bimpo sa ilalim ng cap. pero pna-blotter ko pa rin un, saka byebye 1000. Q...Q


    ung kaibigan ko nmn
    almost same din ngyari. di xa galing bangko that time pero ung mga pera nia (500peso bills) e malutong saka mgkakasunod pa ung numbers. nwidraw n nia un days ago pa bago ngyari ung modus. of course, maingat nmn xa, di nia dadalhin lahat un sa labas.
    actually nakita ko pa ung mga bills nia kz nung knulang kz ako bgla sa isang kadeal ko, humiram ako sa knya. buti n lng malapit ako sa kanila nun. hehehe! mgkaibang city pla kami.
    kwento nia sakin e bumili xa ng kakanin sa sidewalk worth 50pesos. sakto nmn na kulang ung barya nia kya inabot nia ung malutong na 500pesos nia (1 piece lng un, parang charm lng daw ng wallet). nghanap nmn daw ng panukli ung tindera sa bulsa nia pero after a while e cnabi n lng na peke ung 500. nkipag-argue ung kaibigan ko about dun. buti n lng mrami kakilala ang kaibigan ko malapit dun (suki vendors and fellow costumers), mrami nkapagbigay ng proof na di xa manloloko. e ung tindera (and hidden partners?), dayo lng dun kya ntalo sa argument. pero mtigas daw ung tindera at d bnalik ung 500 nia.
    pnablotter daw nia sa police ung ngyari. pnunta daw sa presinto ung tindera pero di nia sure kng nakulong. di n rin nia nbawi ung 500 nia, pa-xmas n lng daw nia un pero ngwish pa xa na sumakit sna tyan ng mga manlolokong un. hahaha!



    same week lng ngyari samin yan. sa kanya e wednesday, sakin nmn friday. ngkakwentuhan kz kmi knina lng kya nlaman ko ung ngyari sa kanya.
  • saang lugar nangyari paps mukhang talamak nga jan ah
  • na modus din ata yun keyboard eh...nawawala yun vowels

    -- edited by uneekph on Dec 07 2016, 04:31 AM
  • sa urdaneta, pangasinan po nangyari sakin
    while sa baguio city naman ung kaibigan ko

    nasabi din pla ng pinsan ko na nung umuwi sya sa kanila sa makati mga 2 weeks ago e nakakita sya ng tao na biktima ng fake money sa guadalupe. pero di nia alam panu nabiktima yun, narinig lang nia sa mga kasabayan niyang passerby.


    @uneekph
    sorry kung nawalan ng vowels ibang words ko. di maiwasan minsan na mkagamit ng shortcut word. ^_^
  • ^bawal po text speak.. TPC rules
  • Post deleted #11825111
  • sorry kung nawalan ng vowels ibang words ko. di maiwasan minsan na mkagamit ng shortcut word. ^_^


    Magsosorry na lang uulit pa. Paano hindi maiiwasan ang textspeak maliban kung kulang kulang ang keys ng keyboard mo? ;-p

  • Peorth
    sorry kung nawalan ng vowels ibang words ko. di maiwasan minsan na mkagamit ng shortcut word. ^_^


    Magsosorry na lang uulit pa. Paano hindi maiiwasan ang textspeak maliban kung kulang kulang ang keys ng keyboard mo? ;-p


    Ano ba yan? Ng sorry n nga malmng punain dn to

    Ito hindi naman sa nanghuhusga ako pero yung mga batang nagtitinda ng sampaguita na na naka school uniform
    Hindi ba modus din yun syempre para madali maka benta ng sampaguita nila.
    Ano kaya hawak ng sindikato tong mga ito?


    @@@
  • Labor chief warns public vs scam using his name
    <click here for link>
  • Ano ba yan? Ng sorry n nga malmng punain dn to

    Ito hindi naman sa nanghuhusga ako pero yung mga batang nagtitinda ng sampaguita na na naka school uniform
    Hindi ba modus din yun syempre para madali maka benta ng sampaguita nila.
    Ano kaya hawak ng sindikato tong mga ito?


    Palagi ko na nadadaanan ito sa Footbridge ng SM North - Trinoma at along EDSA. Before hindi naman sila ganun, pero nung medyo trending online yung mga namamalimos/nagbebenta ng sampaguita na naka school uniform - naging ganun nadin outfit nila sa footbridge - ayun trending nadin sila.. Syempre kahit sa illigal settlers sa Agham rd. near sm north/Trinoma -meron Wifi din sila dun kaya alam nila ang napapauso :)
  • Magsosorry na lang uulit pa. Paano hindi maiiwasan ang textspeak maliban kung kulang kulang ang keys ng keyboard mo? ;-p


    May mga tao kasi na nasanay na sa text speak. Subconscious na yan, di nila napapansin na nagte-text speak sila kasi nga don na sila sanay. Unless they make the effort to edit and re-check their typing.

    Ano ba yan? Ng sorry n nga malmng punain dn to


    eto malamang sadya. lol
  • mabuti pa sa malls nalang kayo bumili or online stores.
    maraming risks sa bangketa gaya ng snatcher, mandurukot, holdaper, scammer at terorista.
    gusto mo makatipid, paano naman kung machambahan ka ng masamang tao..

    OT:
    tip: alternative sa text speak pag naka mobile device.
    use english words tapos gamitin yung swipe typing para madaling mag compose.
    sablayin yung tagalog dictionary kaya english nalang.
    kahit barok english at sablay grammar, as long as naiintindihan yung message. oks na.
  • Ito hindi naman sa nanghuhusga ako pero yung mga batang nagtitinda ng sampaguita na na naka school uniform

    Hindi ba modus din yun syempre para madali maka benta ng sampaguita nila.
    Ano kaya hawak ng sindikato tong mga ito?


    nagtitinda naman sila, iba na siguro kung namamalimos..though on the side, mamamalimos na rin sila

    but still, iniisip ko na lang na after school e nagtitinda sila para pangdagdag pambaon
  • Ito hindi naman sa nanghuhusga ako pero yung mga batang nagtitinda ng sampaguita na na naka school uniform

    Hindi ba modus din yun syempre para madali maka benta ng sampaguita nila.
    Ano kaya hawak ng sindikato tong mga ito?


    Racket at pakulo ang tawag dun kung mag uniform sila. Pero I don't think modus yun unless may kakaiba sa binebenta nila. Mas mukhang modus yung mga nasa bandang ortigas na malalaking katawan na lalake tapos nagbebenta ng sampaguita sa mga jeepney drivers. Hindi ko rin maintindihan bakit bili ng bili dun ang mga jeepney drivers.
  • DTI warns vs ‘12 scams of Christmas’
    <click here for link>
  • Racket at pakulo ang tawag dun kung mag uniform sila. Pero I don't think modus yun unless may kakaiba sa binebenta nila. Mas mukhang modus yung mga nasa bandang ortigas na malalaking katawan na lalake tapos nagbebenta ng sampaguita sa mga jeepney drivers. Hindi ko rin maintindihan bakit bili ng bili dun ang mga jeepney drivers.


    lol. malamang mga bataan ng pulis yan. Yan na siguro yung tong nila para di hulihin pag magsasakay sa di allowed.

    -- edited by eric26 on Dec 12 2016, 05:51 PM
  • ^ yeah, tong yan.

    yung mga batang naka uniform nmn, para maawa yung tao. kunwari pang allowance nila yung kita.
    kung alanganin nmn ang lugar ng pagaalok ng sampaguita. example malayo na s simbahan.. malamang mga alok sampaguita at dukot or snatch ang galawan. similar sa style ng mga nagbebenta ng plastic bag at paper bag sa baclaran at quiapo/divisoria.
  • oh my! wag na nating gawing big deal yung textspeak. besides, kung talagang bawal yun, i suggest that it should be written at the warning part here at "post a message" area. nalaman ko na nga lang na bawal pala yun nung may sumita sa akin dito sa criminal modus thread eh. >,<

    @ozi_zero
    ok naman sa malls bumili pero may mga bagay din na wala, sobrang mahal or di approriate na dun pa sa malls bilhin. risky pag online shopping kasi madali makapanloko dun, kaya nga madalas todo basa pa tayo ng reviews/interviews sa kanila or nakikimeetup pa. saka may online shopping para sa mga fruits and meat/fishes? (o.o)v


    anyway, di na kasi ako madalas sa maynila kaya di ko alam kung talamak pa rin ba yung mga naglalaslas ng bag. pero aware naman ako na mag-ingat sa laslas bag modus kaso naging pabaya ako ng ilang minuto.
    bumiyahe ako kahapon papunta maynila at medyo ginabi ako. sa mga terminal ng bus sa edsa ako bumaba saka ako sumakay ng mga bus papunta south. ok pa yung bag ko nung bumaba ako sa guadalupe at sumakay ng jeep. nagulat na lang ako nung dumating na ako sa bahay ng tita ko may punit na bag ko na parang si wolverine may gawa. medyo malaki yung bag ko pero di naman bulky kasi halos ala laman eh. nakakahiya lang kasi kitang kita laman ng bag ko kahit maganda pa pagkakatupi ko ng mga gamit ko. wala naman nakuha sa bag ko, buti na lang di natamaan mga personal documents na dala ko at idagdag pang nakalagay sa mini-sling bag na nakatago sa loob ng jacket ko yung wallet/phone ko.
    di ko alam kung san ako nabiktima ng laslas bag. sa loob ba ng jeep (masikip at medyo madilim sa loob) or sa kalye na nilakad ko pagkababa ko ng jeep (pero maliwanag naman dun)?
  • Wheel Barrow Modus using a hacked FB account...

  • ^
    Juice colored, "barrow." Magsa-scam na lang mali pa spelling, haha. O_o;
  • Regarding students na nanghihingi ng pera pambaon o pamasahe, dito sa Angono, meron dito ganyan magkapatid. Ok na sana kaso sablay lang yung panganay, kapag di mo binigyan, didirty finger ka niya, papakita pa sa iyo, LOL. Sino ba naman maawa sa kanila kung ganun attitude nila. Lahat ng di nagbibigay ginaganun.
  • ^ videohan mo tas post mo dito para magviral mga ganyang modus.
  • barrow one cannot be
  • barrow one cannot be
    hahaha
  • Modus po ba to or totoo? Nangyayari kasi samin to tuwing kumakain kami sa fast food chains like jobe at kfc.. May biglang tatabi sayo or makikiupo sa table nyo at bebentahan ka ng ballpen kesyo working student daw sya at kung ano ano pa sasabihin para maawa ka (take note: may PUP id pa na pinakita samin.) Madalas to sa loob ng malls

    Minsan naman disabled like deaf and mute. Papabasahin kayo ng note with ID ( minsan hand written pero mostly printed ) with nakalagay na price kung magkano hinihingi nila. Nung nakaraan 20p nakaindicate na amount of money na gusto nila idonate mo.

    Nagbibigay naman ako kahit 20p or kung may change ako yung nalang kasi nakakaawa talaga sitwasyon nila. Naaning lang ako last time kasi yung nanghingi disabled, tingin sya ng tingin sa counter ewan ko kung bakit eh ako lang mag isa kumakain nun sa table ang ginawa ko tuloy binigyan ko na lang ng barya tapos nagpanggap ako kukuha ng gravy sabay upo sa ibang table na malapit sa counter.