Forum Topic

Criminal Modus Operandi! Share your scam experiences!

  • minsan na lang talaga makukutuban mo naman kung scam yan o hindi diba, katakot mag loan 20 mahigit na SUV juice colored!!!
  • ang mas lalong kawawa yung ang daming ni-loan na bnew oto para ipasok sa car rental, napanood ko sa tv yung iba nagloan ng around 20 cars :(

    ang tanong ko lang is nung binenta na sa iba yung oto, malamang photocopy lang yung or/cr since nakaloan pa nga yung oto. diba dapat naghinala na yung mga nabentahan kase dapat orig or/cr na yung ibibigay sa kanila. or malamang peke rin yung binigay sa kanila :(

    -siguro may kaya rin yung tao, kasi hindi ka naman pag loloanin ng bank ng ganyan karami kung wala ka talaga pera di ba?

    Kung bago pa yung car, photocopy pa lang talaga ng or/cr yung ibbgay sayo unless fully paid
  • parang may kasama yung sindikato sa bank. kasi yung napanood ko sa tv patrol, hiningi lang nila yung consent/pirma ng mga tao, binigyan nila ng pang down, binigyan din nila ng 50k yung tao pa then sila na yung nag asikaso para maloan yung sasakyan. na approve naman lahat.

    Ayos lang photocopy kasi assume balance yata naging usapan nila sa buyer kasi nabenta nila ng 100-300k lang eh. sobrang kaduda duda yon kong ganon kamura tapos brand new. Nangyari yan ganyan scam dahil sa mga low or no downpayment na mga promo ng mga dealers.
  • ^nakita nyo ba yung sa fb na nang agaw daw ng motor sa valenzuela, tigas ng mukha maangas pa datingan nung loko e, mabuti inabutan at nahuli, kabwiset yung mukha e sana di na makalabas ng kulungan yun

    Nagulpi ba nila?
  • Yung kapatid ko nakakita ng ganun. Tinulak nung nakatambay na lalaki yung parating na motor. Pagkatumba tinayo nya yung motor tapos tinakas.
  • @rifter

    saan lugar yan sir? Grabe parang kakatakot din magmotor dito sa Pinas sa mga lugar na di ka pamilyar. baka maagawan ng motor. :(
  • @rifter

    saan lugar yan sir? Grabe parang kakatakot din magmotor dito sa Pinas sa mga lugar na di ka pamilyar. baka maagawan ng motor. :(

    Sa loob ng subdivision namin paps. Tapang nga nung nangagaw e. Nagtataka naman ako walang tumulong dun sa rider.
  • Kahapon nung paglapag ng airplane na sinakyan namin, may isang babae sa likod namin na nakiusap na gumulong daw yung bracelet nya sa baba namin. So tingin kami ng tingin sa baba pero wala naman. Sabi ng mama ko ako na lang daw ang sumilip kasi nasa bandang aisle ako nakapwesto. Eh marami ng nakatayo nun kaya medyo masikip na rin saka naisip ko rin na baka mandurugas to at baka biglang may dukutin sa bag or sa jacket namin. Naramdaman din ng tatay ko yun kaya sabi sakin hayaan mo na lang. Biruin nyo may ganitong tao agad ang bubungad pagbalik ng Pilipinas kahit nasa eroplano pa lang.

    Pag ganun wag mo sya asikasuhin. Hayaan mo sa FA sya humingi ng assistance. Kung may nawala naman sya gamit pwede nya ireklamo dun sa airline. Para sila maghanap.
  • ^parang laglag barya gang lang kaso sa eroplano ginawa.
  • Wala naman sya madudukot kung walang nakasukbit na gamit sa inyo. Tska nasa ibabaw naman mga handcarry nyo e.
  • Sa tingin ko ang puntirya nun yung bag ng mama ko. Hawak nya lang kasi. or pwede ring yung sa bulsa ng jacket namin baka akala may wallet.
  • parehong pasahero din?

    tyaga niya para gawin yung modus na yun
  • Nagulpi ba nila?

    hindi nga sir e... sana nga na gulpi na e, tigas nga ng mukha nun, nahuli na sya ang angas pa ng datingan e, kung napanood nyo mabubuwisit kayo e
  • hindi nga sir e... sana nga na gulpi na e, tigas nga ng mukha nun, nahuli na sya ang angas pa ng datingan e, kung napanood nyo mabubuwisit kayo e

    Mga hindi nadadala mga yan. Dapat dyan madala. Pabalik balik lang sa kulungan mga yan. Mga adik din naman mga yan kaya nagnanakaw e.
  • pano ba magpost ng video dito :D
    ito yun e takte naka pamewang pa ang loko e
    [youtube]https://www.youtube.com/watch?v=aeEDLLqfn10[/youtube]

    -- edited by AntisXXmuna on Feb 27 2017, 03:26 PM

    -- edited by AntisXXmuna on Feb 27 2017, 03:27 PM

    -- edited by AntisXXmuna on Feb 27 2017, 03:27 PM
  • pano ba magpost ng video dito :D
    ang past mo lang is https://www.youtube.com/watch?v=aeEDLLqfn10

  • ayun salamat sir ojay :)
  • Kahapon nung paglapag ng airplane na sinakyan namin, may isang babae sa likod namin na nakiusap na gumulong daw yung bracelet nya sa baba namin. So tingin kami ng tingin sa baba pero wala naman. Sabi ng mama ko ako na lang daw ang sumilip kasi nasa bandang aisle ako nakapwesto. Eh marami ng nakatayo nun kaya medyo masikip na rin saka naisip ko rin na baka mandurugas to at baka biglang may dukutin sa bag or sa jacket namin. Naramdaman din ng tatay ko yun kaya sabi sakin hayaan mo na lang. Biruin nyo may ganitong tao agad ang bubungad pagbalik ng Pilipinas kahit nasa eroplano pa lang.

    hindi naman siguro laglag barya or kung anong modus yan....the fact na may pambili ng round trip ticket ng eroplano ung pasahero..means may pera din yan at di susugal sa maliit na madudukot nya bulsa or bag ng kung sino man...ano yan jeep? o bus?

    hahaha nasobrahan na tayo sa tamang hinala..minsan iLugar din natin..tulad nung nadukutan sa jeep na nakita ko..nanghihingi ng barya sa mga tao walang pumapansin sa kanya akala ata scam LOL minsan iLugar din natin

    -- edited by palusot102 on Feb 27 2017, 09:48 PM
  • tama sila paps bahala syang magpatulong sa FA sa paghanap nung bracelet, mabuti na yung maingat :)
  • marami na mga news report ng ganitong modus. group of pickpockets travel together and swipe all the valuables they could get during flight sa hand-carry, sa overhead compartment. Merong grupong panay pinoy pickpockets na pumupunta ng Hong Kong at nagnanakaw doon at sa eroplano.
  • Post deleted #11881796
  • ^lahat ng stages meron scam. Sa airport paalis laglag bala. Sa loob ng eroplano may modus din. Pag dating naman airport meron laslas sa bagahe. Pag uwi may taga naman sa taxi.
  • ^

    onli in the pilipines
  • ayun alam na kung sino ang pumatay sa motorcyle driver last saturday sa QC, good job dapat talaga lahat ng kanto may CCTV
  • ^CCTV na sobra labo/ Kaya nahuli kasi nakita ng mga witness yung plate. Nagkamali lang sila sa huling digit pero naayos na rin.
  • yep pre dapat yung high quality na cctv, pero dahil sa cctv din naman kaya nila nalaman yung tamang plate number :D
  • sabi nga nung driver ng nasakyan kong FX kanina; ang laki ng kinikita ng QC, pero hindi sila makapagpakabit ng magagandang kalidad na CCTV

    -- edited by Valorian on Mar 01 2017, 05:42 PM
  • Grabe talaga kasi kung busabusin ng gobyerno ang mga tao.
    Parang may napanuod ako dati sa Balita na pinag compare yung CCTV na gamit sa isang Hotel sa Makati at CCTV sa barangay lang..

    Sa Hotel sa Makati sobrang linaw ng camera kasi nga private entity sila kaya naglalabas ng pera for security purposes of their guests, so nung may nangyari kalokohan, huli agad ung suspek.

    Yung sa barangay sobrang labo, may nasaksak na kabataan tapos hindi makilala yung suspek. Pag i zoom mo, pixelated na siya kasi sobrang low end ang gamit na camera.. Humingi ng tulong ngayo ang barangay sa pwedeng makapagturo sa suspek.

    Ang masakit nito, kapag nakita mo ang price quote for the CCTV installation... OVERPRICED..
    Gobyerno naman talaga ang pinakamalaking manggagancho sa Pinas eh. :(