Forum Topic

Criminal Modus Operandi! Share your scam experiences!

  • hijack talaga? hahaha. may bago na ba?

    yung kawork ko, na scam sa credit card, naipa swipe nya, nacharge sa kanya 5k lang naman.. they find ways...
  • yung kawork ko, na scam sa credit card, naipa swipe nya, nacharge sa kanya 5k lang naman.. they find ways...


    yan ba yung nanghaharang sa mga malls? nadale nyan ang boss ko 70k. nabawi naman. nakuha sa sindakan yung manager. pinabitbit ko sa driver naming mukhang pulis. hindi pa nakakalabas ng store ipapareverse na daw. mga 2 months ago lang nangyari.

    then early october yung officemate ko nadale ng binary. 13k. wala nang balikan.
  • ^bakit sila pinapayagan mag operate sa malls?

    Kung malinaw naman na scam, dapat hindi na lang sila pinapayagan mag operate ng business nila.

    Dami ng naloloko niyang mga yan
  • @ tech

    bago pa lang yung card ng kawork ko, mga wala pang one month, tapos may tumawag sa kanya, may promo ek-ek daw, consumable daw 5k, kasama daw yun sa package ng mga bagong release ng credit cards, kailangan daw gamitin yung 5k, kasi kung hindi daw, sayang din daw, kasi macha-charge din daw.. naniwala naman yung kawork ko (first time nya magkaroon ng cc), tapos may pumuntang tao sa bahay nila, may dalang pinagsu-swipe-an ng cc.. naswipe yung cc.. after makaalis nung tao, saka lang na realize ng kawork ko na scam na pala yun.. nireport nya sa bank, pero 'di na naibalik yung 5k. todas. after nun, pina-cancel nya na yung cc (after nya masettle lahat ng balances)..

    duda namin, nacompromise yung info ng kawork ko (parang inside job).. sabi ko sa kanya, charge to experience na lang, saka 5k lang yan, ang pera nakukuha lang, napag iipunan..
  • ^may ganyang experience din ang officemate ko. sa citibank card nya. una may tumawag muna kesyo itataas daw ang credit limit nya. and nagpunta pa talaga sa company namin para lang kunin ung credit card nya. then ginupit sa harap nya ung lumang credit card nya. pero nakakapagtaka lang daw at hindi tinatamaan ung magnetic tape. so after that... ayun nakuhaan sya ng 50k. at dahil sa sama ng loob, inatake ng kanyang sakit.
  • pasa-pasa ang mga ahente ng CC ng info ng mga napapapirma nila.
  • ^nagbabalak na ko kumuha ng cc for emergency sana. kaso kung ganto ang eksena ng mga scammer di malayong magoyo ako haha mabilis pa naman ako mapaniwala
  • ^ advice ko sayo, kailangan dapat may kasama ka lagi kung gagamit ka ng credit card, may tagakontra ba, taga 2nd opinion, taga tingin, advice, bago gamitin ang cc..

    napakalaking tulong ng credit card kung marunong kang gumamit..
  • napakalaking tulong ng credit card kung marunong kang gumamit..

    Which is true.... pero wag mong gamitin pang online purchases lalo na di credibilidad

    I use prepaid CC for my online games or stuff buying online pero yung CC naman mother ko yung final say kung gamitin... in fairness siya naman nagbukas as secondary pero naitakas ko sa google apps purchases pero binabayad ko agad naman =P
  • my mom is a good cc user, ang laki ng credit limit niya. and she once asked me kung gusto ko ng cc, I asked kung magkano ang credit limit, and she said, same lang daw kami.
    My dad immediately said 'NO'.
    to cut the story short, kahit 27 yo na ko di wala pa din akong cc.

    para iwas OT.

    Balik ako sa tanong ko, bakit kaya pinapayagan magoperate sa mall yung mga scammer na yan?
    yung mga nanghaharang sa mall?

    -- edited by jgaly on Oct 17 2017, 09:21 AM
  • ^ wala na kasing pakialam ang mall sa mga ganyan, as long as nagbabayad ng dues yung tenants nila ok lang.. at may mga business permits naman ang mga yan..
  • Balik ako sa tanong ko, bakit kaya pinapayagan magoperate sa mall yung mga scammer na yan?
    yung mga nanghaharang sa mall?


    lahat ng lusot sa batas covered nila. kaya marami parin silang naloloko.
  • wala na kasing pakialam ang mall sa mga ganyan, as long as nagbabayad ng dues yung tenants nila ok lang.. at may mga business permits naman ang mga yan..

    At the only time those "scamming" business are to be thwarted is by reporting it to DTI however bring in more witness to bring them down for good

    Pwede rin mong isumbong kay tulfo (lelz at malay mo) since these kinds of business rely on scamming at malamang tutunan pa nila yan
  • lahat ng lusot sa batas covered nila. kaya marami parin silang naloloko.

    Pretty sad fact sir... loopholes of the law

    Kapag ang batas may butas, maraming mangaabuso =/
  • @fafa ojay! na hijack ang thread.
    lagi na lang nga e hhuhuhu
  • Kung magkakaroon kayo ng cc, dapat master kayo ng art of saying NO..

    Dinadaan kasi ng mga scammer sa pangongonsensiya, appeal to emotion/greed ng tao..

    Basta hindi mo naman kailangan yung ino offer nila at masyado nang nangungulit, layuan mo na

    Awa naman, hindi ko naeexperience yang may nanghaharass maliban sa pangungulit ng Citibank pero manageable naman sila..
  • lagi na lang nga e hhuhuhu

    3rd time na yan ah... sayang =/
  • Grabe yang mga scammers sa mall, talagang ipepressure ka nila into buying their insurance tsaka mga time-share ba yon. Dapat talaga makilatis ka tsaka magresist sa pressure.

    I encountered insurance sellers in gateway and time-sharing in Boracay naman. Sobrang kainis kasi waste of time siya.
  • ^ I just completely ignore them like I don't see them. They can't pressure you if you can't see them. lol
  • ^yes sir, lesson learned. mabait kasi ako e kaya pinansin ko yung agent tapos natrapped nako haha pero ever since iwas tingin na talaga sa kanila. kawawa yung mga ibang tao lalo na yung mga may edad na niloloko..
  • Hinde lang insurance scam meron ding appliance scam din yung mga ahente nila matinding pakulo then hihingi ng CC info and such
  • ^ I encountered one. Yung tiger paw na pang massage daw. sinampolan pa ako ng massage. tinanong ko how much ang sabi baka daw magulat ako 12k... and then the sales talk continues. i checked the packaging. naku walang ka wenta-wenta. and then sabi ko na lang check ko muna.

    then though internet research wala pang 1k ang presyo nun.
  • hindi naman scam, pero mejo borderline,

    yung ibang mga gamot or skincare products, kung anu anung medical shit at scientific jargon ang sinasabi makabenta lang. Eh kung may alam ka sa medisina, yung iba nilang punto dun sa mga kwento nila, peke naman at walang basehan.

    some examples:
    gaya nung nagbebenta nang special vitamin C nila, mas maayos daw yung vitamin C nila kasi wala daw extender (diko sure yung term) at ginogoyo daw tayo nang mga big pharmaceutical companies dahil hindi naman purong vitamin c yung mga vitamins nila. Eh approved yun nang FDA at inaaral naman yun nang mga eksperto, at lahat nang gamot hindi naman yung gamot lang. May extender talaga yun, otherwise hindi yun mabubuo.

    Yung sa skincare naman, may nagdemo sakin, nagsasayang daw ako pera sa sunblock sa balat kasi hindi naman ina-absorb nang balat ko yung sunblock. kahit anung pahid ko daw, magmimistulang film lang yun sa balat ko. WHICH IS EXACTLY THE POINT OF SUN BLOCK. Pag inabsorb yun walang kwenta. walang naharangan na balat.
  • appliance scam MO

    Apparently ganun din style nila sa mother ko... buti lang nandun kuya ko.... alam niya yung source ng mga appliance na ginogoyo nila... so ginawa ng kuya ko is politely saying na hinde na kami interested and kukulitin mo pa kami at baka idedemanda ka namin...

    Malas nila may katapat kaya hinde nila tinuloy ng ahente sa mother ko...

    Dati pa yan sa Harrison Plaza mga ganito... lets say late 90's to 2000 pa
  • hindi naman scam, pero mejo borderline

    Sales talk yan.... its how you persuade your customer

    Kaya tayo mga lalake kapag matinding ahenteng babae at baka tayong... =P
  • Kung malinaw naman na scam, dapat hindi na lang sila pinapayagan mag operate ng business nila.

    Dami ng naloloko niyang mga yan


    again, mostly di po sila categorized as scam (unfortunately). more like unethical and dirty marketing usually yang mga nasa malls insurance.

    Kaya tayo mga lalake kapag matinding ahenteng babae at baka tayong... =P


    parang konti lang naman maganda, usally kong nakikita mabobokang matatabang babae tsaka mga gays.

    -- edited by barry13 on Oct 17 2017, 08:10 PM
  • ^ I encountered one. Yung tiger paw na pang massage daw. sinampolan pa ako ng massage. tinanong ko how much ang sabi baka daw magulat ako 12k... and then the sales talk continues. i checked the packaging. naku walang ka wenta-wenta. and then sabi ko na lang check ko muna.

    then though internet research wala pang 1k ang presyo nun.


    Nanay ko napabili sa Batangas City, sa Caedo mall ba yun..

    Massage chair with induction cooker at mga anu ano pa. sa halagang 70k.
    nagagamit naman pero parang overpriced... whew.
  • Massage chair with induction cooker at mga anu ano pa. sa halagang 70k.
    nagagamit naman pero parang overpriced... whew.
    parang? hindi po parang.. over-overprice po :D
  • ^overpriced report nyo sa DTI baka makalusot hehe

    own a cc just to maintain your credit standing, only swipe it within your presence.
  • ^overpriced report nyo sa DTI baka makalusot hehe.


    ang concern lang ng DTI for overpricing eh ung necessities (rice, sugar, etc...)

    -- edited by barry13 on Oct 20 2017, 01:06 PM