Forum Topic

Criminal Modus Operandi! Share your scam experiences!

  • matalas mata niyo sir gtg. Anung telltale sign jan sa netflix subscription niyo? Hindi ba makaka subscribe ang apple account sa netflix?
  • matalas mata niyo sir gtg. Anung telltale sign jan sa netflix subscription niyo? Hindi ba makaka subscribe ang apple account sa netflix?
    Wala na akong apple product and wala akong netflix app. And I don't enroll my credit card sa mga online stores. Tsaka very dubious ang link when you click on Cancel.
  • matalas mata niyo sir gtg. Anung telltale sign jan sa netflix subscription niyo? Hindi ba makaka subscribe ang apple account sa netflix?


    Wala na akong apple product and wala akong netflix app. And I don't enroll my credit card sa mga online stores. Tsaka very dubious ang link when you click on Cancel


    hotmale.com

    lol

    --

    tsaka pag may makita kang ganyan, di mo diyan ika-cancel..either sa mismong site o itatawag mo sa hotline ie. Globe
  • ano tingin nyo dito?

    Dear Sir/Madam,

    On behalf of Human Rights and Environmental Protection Organization (HREPO), we are pleased to invite you to our conference which will be held from April 16th to 21st, 2018 @ Purple Majestic Hotel conference hall in Dallas Texas USA. The conference meeting will contain various talks and mini workshops related to the issues of Challenges to Human Rights & Economic Development as a result of Human Trafficking, Women Molestation and Immigration Policies in our society.

    The topic of this conference is " Human trafficking, women molestation and lack of political freedom and political instability: A challenge to economic growth " the sponsors of this event shall cover your round-trip flight tickets from your country to the USA and back to your country and we shall also provide visa assistance with the U.S Embassy in your country of residence. The hotel accommodation booking cost will be your own responsibility. Please contact the conference secretariat for more information and registration for participation: [[email protected]].

    We look forward to your confirmed presence at the conference.

    Respectfully Yours,
    Dr. Nancy Dominic,
    Program Assistant.




    bagong style ito.

    -- edited by techsufort on Feb 20 2018, 03:23 PM
  • The topic of this conference is " Human trafficking, women molestation and lack of political freedom and political instability: A challenge to economic growth
    yan ang rason kung bakit ka invited hahahha

    pero paps, look at the email address. ganyan kalaking conference pero @aol ang email?
  • Puro grammatical error...
  • @ojay

    hahaha tadew!!!
  • Nabasa ko lang sa reddit <click here for link>:
    Electric tape on your wheels. usually sa gabi to gagawin. yung electric tape mag cacause ng weird sound at mapipilitan kang mag stop. buti na lang alert ako at na notice ko na kanina pa ako binubuntutan ng naka motor.

    huminto ako sa police station, nilock ang kotse at madaliang pumasok sa station. sinabi ko na binubuntutan ako. pag ka lipas ng 20 minutes dun ko chineck at may mga electric tape ang gulong ko. di mo agad manonotice dahil itim ito at gabi nila nilalagay.
    Prone sa mga kotse na nakapark sa open lang or sa side walks ng mga business hub areas.

    -- edited by matchachloe on Feb 20 2018, 05:33 PM
  • lol. i just received a verify account from BDO eh wala nga akong account dun...
  • check niyo yung link kung saan galing yung email.... makikita niyo na iba dun sa link ng totoong BDO site.
  • @red

    tama. phishing email yun
  • so ayun na nga. andalas ko makakita ng dukutan ng cellphone or wallet sa bus recently....
    Ito yung kahapon, mabuti yung babae malakas pakiramdam at pagkakuha sa cellphone niya bumulahaw agad na CELLPHONE KO CELLPHONE KO.

    Nataranta naman yung dumukot kaya ibinagsak sa malapit na upuan, nakatayo yung mandurukot at biktima.
    Naibalik naman ang cellphone, mahirap maispatan kung sino mandurukut.
    Pano ba naman sinasakto nila na kapag magbabababaan ang mga pasahero saka sila baba din at aktong magsisiksikan. tapos magkakamuka pa sila.

    Haaayys.. Nasan na ba ang police visibility. dapat may mga pautot pang gnyan. ngayon wala na.

    Biyaheng Pa Hilaga (NorthBound) byahe yan. Sa Edsa Magallanes nangyari yan.

    -- edited by mstudmr on May 05 2018, 03:51 AM
  • Hindi maubos ubos yan mga hayop talaga
    Buti nalang nokia 5320 langg nakuha sakin dati ganyan
    Ipit gang. Around 2011 yun Batasan Hills overpass ako naipit
  • techsufort Send Message View User Items on 20 Feb 18 @ 03:22 PM #

    ano tingin nyo dito?

    Dear Sir/Madam,

    On behalf of Human Rights and Environmental Protection Organization (HREPO), we are pleased to invite you to our conference which will be held from April 16th to 21st, 2018 @ Purple Majestic Hotel conference hall in Dallas Texas USA. The conference meeting will contain various talks and mini workshops related to the issues of Challenges to Human Rights & Economic Development as a result of Human Trafficking, Women Molestation and Immigration Policies in our society.

    The topic of this conference is " Human trafficking, women molestation and lack of political freedom and political instability: A challenge to economic growth " the sponsors of this event shall cover your round-trip flight tickets from your country to the USA and back to your country and we shall also provide visa assistance with the U.S Embassy in your country of residence. The hotel accommodation booking cost will be your own responsibility. Please contact the conference secretariat for more information and registration for participation: [[email protected]].

    We look forward to your confirmed presence at the conference.

    Respectfully Yours,
    Dr. Nancy Dominic,
    Program Assistant.




    bagong style ito.


    papa book ka nila muna ng hotel, tapos pag bayad na; di na bayad round trip mo lol
  • Nakita nyo na video nun bata na kunyari kulang sukli sa fries cart?
    Dont know kung underage kaya di ko mapost link
  • ^oo halatang halata yung pagtago ng 500.
  • ^kupit pa ata sa magulang yung pinang libre sa kasama nya eh
  • lol kapal ng mukha kabata pa nga niya.
    putol yung video pano kaya itsura ng mukha niya nung nabisto na yung kalokohan niya.
  • For Awareness lang mga Sir. Active pa rin ang Laglag Barya Gang sa EDSA

    Pasensya na medyo mahaba. Post ko to sa FB.

    Friday May 11,2018 around 1030-1050 PM nabiktima ako ng Laglag Barya Gang along EDSA Buendia-Estrella.

    May naglaglag ng barya sa likod ko at di ako tinigilan hanggat di ako nalingon sa likod at tumayo, Paglingon ko sa likod sabay baba ng mabilis nung naghulog ng barya sa likod ng tshirt ko, pagharap ko uli.. TADA! Wala na yung pouch ko na laman ay cellphone ko.

    Hinabol ko pababa yung mga magnanakaw na lumipat sa kabilang bus at sumampa din ako sa kabilang bus na nilipatan nila.

    Hindi ko na mamukhaan at mga nagpalit na daw ng damit, yung iba nag face mask at nag cap.(Base sa mga nakasakay din sa bus)

    Pagbaba ko ng bus, punta na ko ng Police Outpost ng Estrella Petron para hanapin ang mga kawatan, Pagdaan nung bus na binabaan ko nagsabi yung konduktor na yung nakausap ko daw yun ang isa sa nagnakaw.

    So takbo kami ni Sir Novillos(Salamat Sir!) papunta Kalayaan para habulin yung mga nagnakaw pero sa kasamaang palad di na namin naabutan.

    So ang sabi ko kay Sir hayaan na po wala na magagawa charge to experience na lang at may pasok pa rin ako ayoko malate. ????

    Pagdating ko sa office nakitawag ako para ibalita ko sa wife ko ang nangyari tapos pina ring ko din yung phone ko ayun nag ring, Tapos sabi ko sa asawa ko try mo nga tawagan, pero di na talaga ako naasa.

    Sabay may sumagot napulot nya daw yung pouch sa ilalim ng upuan, Hinagis daw nung magnanakaw dun kasi akala bubunot ako ng baril nung may kinukuha ko sa bag(Inaayos ko lang yung payong ko at mukhang paulan ????) At nakita nga din na nanakbo kagad ako sa pulis para magparesponde.

    Ayun na nga may mabuting loob na nakapulot ng cellphone ko(2 months pa lang sakin aray).

    Nung una duda rin ako pero sa isip ko kung magnanakaw pa din to bakit nakikipag usap pa sakin at di pinapatay ang phone?

    Sa isip isip ko sa dami ng tao sa EDSA meron at meron pa din talagang mabuting tao at parehas na nakikipagsapalaran sa buhay.

    Kinuha namin yung phone ko sa Metro Fresh N Easy Taguig sa Gate 3 Plaza, Ang nakapulot ay isang merchandiser ng UNILEVER ng 5 taon, sya ay nakatira sa Batasan Hills QC. Binibigyan ko nga pang meryenda tinatanggihan pa ko. ????

    Maraming maraming salamat sayo Kuya JONATHAN MULATO!!! naway maraming biyaya ang dumating pa sa buhay mo, Naniniwala akong may pag asa pa ang Pilipinas at buong mundo dahil sa mga taong katulad mong parehas lumalaban sa buhay. Mabuhay ka!

    At sa lahat ng mga taong parehas lumaban sa buhay na nadaan ng EDSA mag iingat po kayo palagi, Mapoporma na rin ang mga magnanakaw ngayon.

    Pasensya na po at mahaba ang post. For awareness na din.
  • ^nice... saan pa pindutan ng like dito?
  • ^haha ikaw pala yung nagpost sa FB nyan, taka ako di nagtrending hehe, pero gooooood job ke kuya!
  • Kahit napakadaming masasama sa mundo meron pa din naman na mga ilang mabubuting tao na tumutulong kahit na walang kapalit.
  • @March21

    Yes sir ako nga. For awareness talaga kaya ginawa ko yan. Anlalaking tao ng mga dumali sakin dyan tsaka ang poporma di mo aakalaing mga magnanakaw. Solid talaga yung nakapulot di ko akalaing makakabalik pa sakin. Salamat kay Sir Jonathan Mulato at syempre kay God. Pag para sayo.. para sayo talaga. Ingat palagi mga sir!
  • Eto yung link sir, Pashare na lang po kung may FB kayo para alerto din lahat ng mga araw araw na mga nabyahe sa EDSA lalo gabi.

    <click here for link>
  • marami talaga diyan sa bandang guadalupe...

    Ang mahirap diyan kapag nahuli yan mga yan, eh mga bata din ng pulis yan kaya di rin naman nagtatagal sa kulungan.
  • at may office mate ako taga Dasma, Cavite.

    So araw araw byahe niya, Cavite to Ayala, Makati. Sa kwento niya sa tagal tagal na niyang nagbibiyahe di na siya nakikialam kapag may mga ganyang mandurukot.

    Pinakamadalas na ginagawa ay ang IPIT modus. kapag masikip sa bus at nasa gitna kayo nakatayo, dun ka iipitin at dudukutan. kadalasan daw in group yan. mga five to eight persons ang magkakasama. Mahirap talaga manlaban.
  • ^dyan ako nadale ipit gang
    7yrs ago Litex to Batasan ako inipit huli ko na nalaman nawawala CP ko
    sa harap ng pants ko nakalagay eh fitted ayun bakat siguroi kaya nakita

    usually alam talaga ng conductor mga galawan nila obvious na sa kanila kaya pag may sumasakay nag papa alala sila lagi ingatan ung gamit
    ibig sabihin na pala nun may sumakay na mandurukot


  • di ko ma view dito sa office, anong nangyari dito?
  • meron na ba dito naka experience may tumawag sa landline phone nung sinagot voice prompt lang tapos ang sinasabi "maaring ikaw ay sangkot sa iligal na droga..." then kahit ibaba yung phone nag riring parin sya hanggang sa may sumagot sa manila police district daw at tinatanong bakit ako tumawag at hinihingi yung name ko
  • parang nabasa ko rin sa fb yan.
    marami rin matatakot nga dyan sa mga ganyan kwan.