Forum Topic

Criminal Modus Operandi! Share your scam experiences!

  • Hello Mr./Ms.
    Congratulations for winning CASIO GOLD WATCH worth Php 3,999.00
    in our Grand Raffle today as GRAND OPEN CELEBRATION OF OUR STORE.
    if you want to claim the item, you can REPLY (CONFIRM)

    The receiver will ONLY cover the Processing and Handling Fee of Php 659.00
    (item is from Singapore) to be delivered by J&T Express

    One good thing about this, is you can check the item upon receiving as the
    payment method will be Cash On Delivery thru J&T Express

    To know more, you can check out our Facebook Page WATCH TOUR PH. Just click on the
    link https://www.facebook.com/watchtourph/?ref=pages_you_manage
    please be advices that no bank account details will be collected either online
    or over the phone. Payment for processing and shipping fee will be made once the item
    is delivered!

    Thank you! Have a nice day! ?
  • haha tapos ang item yun tag 200 na relo lol.
  • grabe, year 2021 na e hopefully wala ng nabibiktima ng ganyang style na panloloko.

    not sure if the same, mayroon sa fb ads na naka post action cam is 2k pesos lang, original price worth 19k.

    Took the bait, why not. inventory clearance daw ng isang IT company.

    then tumawag LBC, sabi delivery for a "speaker" daw..

    ayun, wrong number sabi ko. wala akong inorder na speaker.

    Haiz, in this day and age .... tsk tsk
  • marami pa rin nabibiktima ng ganyang modus lalo na pag non-techie person kaya ng mga senior citizens. isa na dad ko dyan kaya madalas kami magtalo.

    hindi nila alam yung binibili nila thru fb ads. andyan ba naman kasi yung sabi "buy 1, take 1! for only P99!" tapos pag pinatulan, P999 pala. ang nakakainis pa, chopping board lang pala yun.
    in 1 month, nakakagastos ata ng about 10k ang dad ko dahil sa mga ganyang modus. ilang beses ko na sya sinabihan wag papatol, pero madalas pa rin may nagdedeliver samin. ang rason nia, di naman daw sya nagorder, nagtanong lang sya. noong chineck ko sa phone nia, binigay pala nia buong name at address nia. kala daw kasi nia, survey something lang daw yun kaya nagfillup sya. >,<
    kaya ayan, ang solution na lang na alam ko e wag i-accept mga "order" nia.
  • up natin for awareness
  • just recently me natimbog na seller o company pa ata, lahat ng nakapack for delivery is puros bato literally "stone" talaga! sabi ng mga tauhan o ngwowork dun is sa kanila dn nmn daw inaaddress at iba2 nga lang account gamit nila... so pra saan yun? pra tumaas ung Rating/Sales at mga Reviews ng Items nila... taba talaga ng utak!
  • Sa may mga GCash, ingat sa pagclick ng mga link basta-basta.
    Dito pa lang, ung sender's email, medyo fishy na.
    And when I open the link in a sandbox browser, naka-blocked na ung phishing site.


  • modus ng buyer kuno.
    gusto item 1st, bago mag bayad,
    ng na ipadala na item via courier ibbock kana sa messenger.

    mabuti at hindi mabilis ang courier at pwede pa ma kuha ulit sa branch.. :) :) :)
  • just recently, me nabiktima akong kakilala. thru gcash nman ang diskarte. na hack daw fb accnt at ngsesend ng gcash request sa mga active na kachat kesyo emergency and so on. bakit meron pa rin nadadale? kasi ngayon binabasa na talaga ung mga messages then gagamitin iyun pra mahikayat ka na mgsend sa gcash.

    so be aware sa lahat ng ganyan klase ng request. madali nmn siguro mgverify kung nsa isip mong tumulong.

    and holy week na naman make sure secured ang bahay me bantay o naibilin sa kapitbahay. and better yet install an IPCAM at least kumpanteng gumala/pumasyal ngayon Holy Week. Stay safe everyone!
  • just recently, me nabiktima akong kakilala. thru gcash nman ang diskarte. na hack daw fb accnt at ngsesend ng gcash request sa mga active na kachat kesyo emergency and so on. bakit meron pa rin nadadale? kasi ngayon binabasa na talaga ung mga messages then gagamitin iyun pra mahikayat ka na mgsend sa gcash.

    eto rin ang hindi ko magets, just do a quick video call to confirm yung identity.

    nangyari to sa misis ko, nanghihiram ng pera yung kaibigan niya. sabi ng misis ko agad, video call ka nga? ayun kaibigan niya pala talaga :-)
  • mukang natimbog na lahat ng mga operandi ah. buti naman.
    wala masyado nagpo post dito.
  • Post deleted #12434616
  • I encountered these several times sa Mandaluyong sa may area ng Reliance at Light Mall. Meron ka makakasalubong na lalake na magsasabi na kapos ang pamasahe nya at papunta siya ng Antipolo. Iiyak at sasabihing nagugutom na siya kasi naglakad pa siya mula Makati Med. Once inabutan ko kasi nagmamadali ako papasok ng office however less than a few days later nakasalubong ko siya at humihingi sa akin uli using the same line may kasama pang pag-iyak. Nung sinabi ko na hanggang ngayon hindi ka pa din nakauwi ay biglang tumigil sa pag hagulgol tapos naglakad palayo.

    Pagkaraan naman ng ilang araw, may matanda naman. Galing Bicol pa daw siya at uuwi sa pamangkin sa Antipolo. Nadukutan daw siya. Nung sinabi ko na bibigyan ko siya ng pamasahe pero need sumama muna niya sa akin sa presinto para i-file ung pandurukot sa kanya bigla na lang umalis din.

    -- edited by Ayeskie on Nov 22 2022, 06:50 AM
  • I encountered these several times sa Mandaluyong sa may area ng Reliance at Light Mall. Meron ka makakasalubong na lalake na magsasabi na kapos ang pamasahe nya at papunta siya ng Antipolo. Iiyak at sasabihing nagugutom na siya kasi naglakad pa siya mula Makati Med. Once inabutan ko kasi nagmamadali ako papasok ng office however less than a few days later nakasalubong ko siya at humihingi sa akin uli using the same line may kasama pang pag-iyak. Nung sinabi ko na hanggang ngayon hindi ka pa din nakauwi ay biglang tumigil sa pag hagulgol tapos naglakad palayo.

    Pagkaraan naman ng ilang araw, may matanda naman. Galing Bicol pa daw siya at uuwi sa pamangkin sa Antipolo. Nadukutan daw siya. Nung sinabi ko na bibigyan ko siya ng pamasahe pero need sumama muna niya sa akin sa presinto para i-file ung pandurukot sa kanya bigla na lang umalis din.


    Kaya nga minsan kakaasar tumulong kapag naka encounter tayo ng mga ganyan budol.

    Mabuti at observant ka sa mga humihingi ng tulong, yun iba kasi bigay lang ng bigay ng pera/ tulong.
  • ^ may ganyan dati malapit sa SM Fairview, kasama pa anak di daw sila maka uwi. Binigyan ko ng pamasahe.

    ilang days nandun ulit, nung dumaan ako humingi ulit sabi ko hoy binigyan na kita ng ng pamasahe bakit hindi ka pa nakakauwi?! lol
  • ilang days nandun ulit, nung dumaan ako humingi ulit sabi ko hoy binigyan na kita ng ng pamasahe bakit hindi ka pa nakakauwi?! lol


    Ginawa na nilang hanapbuhay yun paghingi ng pamasahe HAHAHAH
  • ^regarding sa pagtulong. It's very common na rin ngayon ung bigla na lang mgpaparamdam sayo relatives man o malayong kakilala. then in the end mangungutang o mnghihingi ng tulong. well there are exceptions pero halos lahat ng na encounter ko ABUSADO! o sadyang Budol o makapal narin talaga mukha. Naabutan mna ng konting tulong abay gusto sasagaran pa!
  • dodick@ In my case, wala na nga pera kaya umuutang. kaya kung ako sayo. wag mo pautangin kasi di kana babayaran niyan. . bigyan / tulong mo nalang, ng kaya mo. sabihin mo sa kanya. para walang sama ng loob. at hindi na ito hihiram ulit sayo. sa mga kakilala lang, hindi kung sino sino lang. Sa mga walang kwentang relatives. dedma lang. pasabihan wala yung amo
  • Well di naman tlaga ako nagbibigay ng tulong na utang, kung pilitin nla kunwa na utang then let it be. Pero d ako mgbbigay ng malaking halaga na alam ko nmn wala ng balikan. Pero ganun pa man sa budol na sinasabi ko, alam mo ng dina nga ibabalik aba! kukulitin kpa gang to the moon pra mahiritan ka ng pera! at hindi iisa tao lang ito... parang kagaya lng ng mga spam sms ngsisisulputan sila...
  • And speaking of mga budol nyan... Nalalapit ng matuldukan ang mga ABC sa kalsada mga kunong Enforcer/mmda o ano pa mga tawag sa kanila (ABC-Alligator, Buwaya, Crocodile). Hopefully maimplement na agad ung centralized ticketing at pwede nasa online ang payment.
  • guys, possible pa kaya mapa block yung iphone? kasi yung friend ko na scam sya... pero naka factory unlock yung phone, magagawan pa kaya ng paraan?.. ang hawak nalang nila is box. kasi nung time na binili nung buyer/scammer yung phone hindi nila dala yung box... they still have the serial of the iphone as reflected dun sa box, kaso enough ba yun to convince apple or NTC na iblock yung unit???
  • guys, possible pa kaya mapa block yung iphone? kasi yung friend ko na scam sya... pero naka factory unlock yung phone, magagawan pa kaya ng paraan?.. ang hawak nalang nila is box. kasi nung time na binili nung buyer/scammer yung phone hindi nila dala yung box... they still have the serial of the iphone as reflected dun sa box, kaso enough ba yun to convince apple or NTC na iblock yung unit???


    pwede sa NTC , mas maganda kung may receipt din sila
  • NAMAMASKO PO MAAM/SIR ????

    PAGMAKITA NIO PO ITO BIGYAN NIO PO AKO KAHIT MALIIT NA BAGAY MALAKING PASASALAMAT KO PO . ????

    ????????????????????: 09508407137
    Minimum: PHP 2.00

    Ang nagsindi nitong ilaw, walang iba kundi ikaw. Salamat sa liwanag mo muling magkakakulay ang Pasko. Salamat sa liwanag mo muling magkakakulay ang Pasko.

    Whenever I see girls and boys selling lanterns on the street, I remember the child in the manger as He sleeps. Wherever there are people, giving gifts exchanging cards I believe that Christmas is truly in their hearts. Let's light our Christmas trees for a bright tomorrow where nations are at peace and all are one in God.

    We wish you a Merry Christmas, we wish you a merry christmas, we wish you a merry christmas and a happy new year!

    Namamasko poooo! ????? SALAMAT IN ADVANCE PO SA INYU
    #OnlineCarolingChallenge
    Advance Merry Christmas everyone!!!
  • ^ may website ba na pwdeng ispam yung cel#? grrrr
  • di ko lang alam kung gawa ng sms apps yung nsa celfne ko... pero ma filter nya agad mga spam sms na nareresib ko. Xiaomi MI CC9 (MIUI Global 12.5.2)
  • anyone experienced a Bdo RECON UNIT credit sa bdo account nila?

    wala naman ako ka transact or inapplyan whatsoever or expect na credit return
  • @dodick

    Baka Google Messages yung app na gamit mo? Okay talaga yan. Kaya Google Messeges din default SMS ko.
  • mga pipz, be aware po. me nabisto sa subdvision namin na scammer. ung post nya sa GC ng buong subdivision (different GC's sa Ph1, Ph2 & Ph3). Kumpleto ung pics sa post nya asking for Financial Assistance kasi ung baby daw nila is premature at need i-incubate blah blah blah... kung matulungin ka talaga talagang madadale ka... paano nahuli?

    well, ngkamali sya ng address na ginamit at ng react agad ung may ari talaga ng bahay... you know na what follows...... at sya'y nglahong parang bula at ni remove ung reply ng me bahay.... probably me naloko prin tao...
  • tuloy parin pag sms ng mga scammers, may link na for sure ma hhack ka.

    anong site pwede i-spam mga cel# nila grrrr
  • despite the SIM registration efforts, sad to say nakaka tanggap parin ng SMS scams. SMH