Forum Topic

Fully Automatic Washing Machine Thread

  • Nasa LG service center yung combo washer dryer ko after only 2.5 years of use. Ayaw mag-drain and nalusaw yung gasket. Baka abutin ng 8k lahat if sira din yung pump. Ask ko lang;
    1. Meron ba kayang gumawa(with parts) sa labas para mas mas makamura next time?
    2. We're force to use laundry service for the time being and napansin ko ns pag sa kanila halos hindi na halos kailangan plantsahin after drying. Kaya ba sa ating machine yung ganito? Anung setting kaya?

    3. Yung scent ng fabric conditioner hindi kumakapit sa LG ko pero sa laundry mabango. I tried different brands na.
  • sulit un lg namin binili nun 2016 dto rin ako nag tanong nun kung backtrack nyo from 2016 lol ayos padin hanggang kumupas lang un kulay
  • infoseeker Send Message View User Items on 06 Dec 22 @ 04:08 AM #

    nakakadala CSR ng Panasonic
    fotang gala, ang mahal kupad magreply
    pero active na active mag post sa FB nila


    sobrang talamak ang issue nayan from Panasonic.
    sakin umabot ng parang 2-3 months bago mapalitan yung sensor, kasi daw walang stock, jusko naman.
    tapos ang nakakapag taka after 2 months nasira ulit, so possible na hindi kasing tibay nung original yung replacement.

    may fix nito boss para wag nang sumakit ulo mo, nasa YT. ishoshort nalang, effect kahit naka bukas, spinning parin haha.

    other topic pala.

    don't buy 16kgs oversize top load washing machine. Though mas malaki makina nya, disproportion parin yun volume ng tub vs power nung ikot. it is better to buy 2 washing machine that is 10kgs, rather 1 big, kung konti lang difference ganong gagawin ko next time.

    and not to mention hindi totoo yung 16kgs, pag naglagay ka ng 12kgs manlang na labahan, sobrang grabeng puno na yun tub.
  • tingin ko dun sa issue ng panasonic ay coroded ang sensor sa pinto, kaya iwasan nyo nalang mabasa ang taas tapos buksan nyo muna tub pasingawin o tuyuin ang tubig sa loob after magamit. bumili din ako ng cover para sa anti fog din.

    issue din sa kanya pag mabigat ang karga nag h13 error naman o yung hindi na balanse ang tub kaya dapat talaga adjust nyo ang pwesto ng washing machine

    -- edited by andoksus on Dec 14 2022, 08:48 PM
  • btw anu effective nyo pang linis ng drum na hindi kelangan tanggalin ? dahil dami mold amp
  • S&R marami po dun.
    Pero essential yun suka at baking powder.
    Hindi ko lang masure kung effective yung nasa sh***e na cube na blue.
  • may fix nito boss para wag nang sumakit ulo mo, nasa YT. ishoshort nalang, effect kahit naka bukas, spinning parin haha.


    tinamad ata ako o hindi ko nabasa itong post mo :(
    ayun na nga short lang ni tech
    kumuha nako ng tech na hindi galing panasonic
    P2800 total damage ko

    maganda daw yung washing ni PAnasonic compare kay samsung
    typical issue nga daw ni panasonic yung sensor issue :(
    si samsung madali hanapan ng parts

    kakaiyak yung gastos :(

    andoksus Send Message View User Items on 15 Dec 22 @ 10:55 AM #

    tingin ko dun sa issue ng panasonic ay coroded ang sensor sa pinto, kaya iwasan nyo nalang mabasa ang taas tapos buksan nyo muna tub pasingawin o tuyuin ang tubig sa loob after magamit. bumili din ako ng cover para sa anti fog din.


    naabutn ng basa dahil sa bula boss - yan yung akin sabi ni tech
    pahirapan yung sensor - ang dali pa naman sana tanggalin at palitan
    kaso ang wala sa mga online (sh*p* at laz*dada)
    merong mga sensor sila ibang brand at puro mga thailander seller dun
    kaso wala sila sa model ko

    hayzzzz
    may pagsisisi din yung pagbili ko
    natanong ko kay tech bakit wala ng mga plastic body sa mga FAWM,
    sabi nya business eh, madaling masira yung lata compare kay plastic
    kasi yung last ko na samsung, plastic, 9yrs+ plastic body
    ang kinis pa rin nga body kahit 9yrs++


    ano po suggestion nyo na pods na pang tub clean?
    yung effective po sana
    link po kay sh*p* or laz*dada ok rin po if meron kayo
  • Hi. Planning to get an AWM na topload. anong brand po ung maganda? ung 20k lng sana. sa pgkakaalam ko nasa 8.5kg capacity ata mga gnyang price. This will be our first time buying. Kasi hand wash tlga kmi ni mrs ever since. pero narealize ko malaking oras dn nasasayang namin every weekend.

    Edit: The reason kung bakit antagal bago ko magdecide na bumili ng WM is because of the feedbacks. ANDAMING issues tlga akong nababasa. wala bang WM na walang problema? haha. though 5yrs seems like a good duration naman for 20k

    -- edited by littlepixies on Dec 18 2022, 06:21 PM
  • sa totoo lang boss, mahinang klase mga washing natin dito
    mag madaling masira pra bumili ka ulit

    naka try ako gamit from Europe
    AEG brand
    used na yung pagdating dito
    pero more than 10years pa yata namin nagamit
    nasira lang yun ng hindi ko alam ano reason
    hindi pa kasi ganun karami ang marunong mag repair ng FAWM
    puro manual pa uso nun eh
    kaya ayun, bumili na lang yung pinsan ko ng bagong LG
    pero hinayang ako dun :(
  • Any solution sa slow fill? no issue sa gripo pati sa tubig. ni remove ko narin yung filter. same result. o sadyang slow fill lang talaga.

    first time user. Whirpool LSP680GR.
  • +1 kay info seeker,

    yung mga commercial home use FAWM dito, heavily marketted lang sa mga ads hehe.
    akala mo kung anong special na yung mga ginagawa, sorry for kinda downplaying washing machines, but it is the same old rotating drum with smart features.

    as a consumer, mas matimbang parin sakin ang

    1. durability
    1. power ng makina sa wash mode
  • Hi. Our Panasonic top load FAWM just needs cleaning, any recommended home service provider in QC? All I've checked na accredited with Panasonic SC needs you to bring your unit to the shop.
  • anong washing machine yung kasama na yung dryer na parang may heater na completely tuyo ang damit paglabas
  • ^
    Generally, most major washer/dryer combo (lg, samsung, etc) can output 100% dry, but the problem is yung time. 5kg on a normal wash would probably take at least 5.5hrs kung gusto mo tuyo talaga.
  • Ano pinakarecommended niyo na HE liquid detergent dito satin? I'm a new front load washing machine user and so far ok naman yung Power Clean liquid detergent pero unscented yung result ng mga damit. Medyo gusto may scent ng konti kasi.
  • ^
    tama ka sa powerclean, since recommended siya kung ayaw mo ng masyadong maamoy.

    you can try the following HE kung swak sa pang amoy niyo. you can buy them sa s&r or landers.

    - tide original
    - persil
    - ariel

    pinaka ok yung tide, pero medyo mahal.
  • ano mas prefer nyo powder ba o liquid detergent?
  • ^
    liquid gamit namin sa bahay at sa shop
  • Liquid din gamit namin. Breeze Frontload
    Mejo mabango naman, pero hindi matapang yung amoy
  • Pag mag powder ka kelangan mo muna kanawin tlga para sure na no residue. Pag liquid rektahan na gamit.
  • @frequenzy

    Chinecheck ko kasi online sa metromart parang wala na silang Persil sa S&R? Super mahal naman kasi ng Tide. Si Ariel ba pinakamura sa kanilang tatlo?
  • @kevindd992002
    alam ko Persil pinakamura, nasa 800 ata, yung Ariel 1k+ na rin pero mas mura sa Tide.
  • SnR Member's Value powder user here. Di matapang amoy and walang residue. Cheapest i believe sa SnR.
  • meron naman sa l#zada gusto ko ren ma try yun sa top load ko pero madami pa ako sabon naka pag hoard ako kasi nakaka bili ako sa px sa loob ng airbase XD
  • @songerph

    Yeah, pero I don't think that's an HE detergent.

    @andoksus

    Merong ano sa lazada? Anong brand specifically?

    @frequenzy

    When was the last time you bought Persil sa snr or landers? I can't find it in both metromarket (snr online) or landers.com.ph.
  • ^yung members value laundry detergents powder nila meron ako nakita s and r mismo ang seller
  • Yeah, nakita ko rin yun pero based on reviews hindi siya masyadong mabango. Persil talaga sana hanap ko kaso nowhere to be found naman. Merong isa sa lazada pero grabe kamahal.
  • TIL about HE detergents. Interesting.

    Just checked member's value container. Merong HE nakasulat sa harap and low level water instructions sa likod. Matry nga. Usually trial and error ako sa dami ng detergent. Pero malinis naman ang laba niya at may onting flowery scent.
  • @songerph

    Yeah, I double checked the picture in metromart's website, meron ngang HE symbol si Member's Value so HE detergent siya. Although may mga nababasa akong comments na di nga lang siya ganun kabango. Hassle talaga maghanap ng Persil.
  • @kevindd992002
    can't remember, we normally buy in-store. right now we are using Ariel.