Forum Topic

Fully Automatic Washing Machine Thread

  • excited si sir :D
    parang kami ni mrs noon :)

    wait mo sir pagdating at ng magka-idea ka
    regarding sa hose- pagdating ng unit mo sir, check mo yung mga post sa taas at back read ng konti sir
    mostly yata dito nag-modify (if kagaya nung sa akin sa taas) dahil maiksi din yung orig hose nya
    yung iba naman ginamit yung orig kahit maiksi pero humanap sila ng adapter para dun sa orig hose ng AWM nila
    kaso hindi common yung adapter kaya hirap humanap


    some sort of like this

  • guys, pahelp naman in choosing full-automatic washer.. cheaper as possible pero ung quality at tatagal ng ilang years, for my mom kasi, mejo tumatanda na, ayaw ko napapagod sa paglalaba..

    eto choice na nkta ko around 10k

    samsung WA60H4000SG/TC - double storm pulsator - 6kg

    SHARP ES-Q70EP - new AG pulsator design - 7kg

    I could cash out a little more, so range of budget is 10-14k.. max na po ung 14k

    pahelp sana.. thanks!
  • how about Panasonic NA-F70S7WRM
    7kg / Japan Quality P10,199 cash straight sa Abensn
    <click here for link>
  • ^ i have a Panasonic NA-123VB3 front load, fully automatic, 7kg din. gamit namin dito sa UAE. more than a year. ok naman, matipid sa tubig.
  • Bought the Panasonic NA-F70S7WRM <click here for link> for 11.5k sa Festival

    Malakas sa tubig, medyo mahina yung pag spin dun sa laba or nanibago lang cguro kami coming from twin tub WM.


    Matipid din pala sa tubig ito, impression ko lang malakas sa tubig hehe, yung binabayaran kasi namin sa maynilad para sa dalawang metro is minimun lang both. Pansin ko lang talaga yung wash nya di gaanong malakas compared sa mga manual tubs. Hopefully, tumagal ng at least 3yrs.
  • ayun after 3years last month natapos na warranty ng akin

    nakipaglaba yung pamangkin ko dito sa amin kahapon
    eh dahil busy ako at si mrs, na-overload nya ng mga damit
    somobra yata sa capacity

    ayun nag-overflow
    keep on filling water cya


    nangyari na ito noong under warranty pa siya, kaso nung dumating yung tech wala ako at hindi nakita ni mrs kung ano yung inadjust

    trying my luck a youtube if may ganito bang problema how to fix it
    so far no luck
    naka-kabit naman yung tube sa pressure switch

    parang sa sensor ito :(


    pa-inputs na lang if may idea kayo
    thanks
    samsung wa10f4
  • ayun dahil sa tulong ni mrs nagka-idea kami alin ang natanggal

    yung plastic tube ng pressure switch na naka-connect tub
    natanggal lang pala

    i noticed na sakto lang yung haba, if mabigatan, bababa yung tub at matatanggal yung tube
    parang sinadya sigurong sakto lang yung tube para in case mabigatan matanggal siya at hindi maabuso ang buong system nya o buong washing machine

    at salamat at naka-save ng 500 to 1k sa tech

    ipo-post ko yung picture para magka-idea ang iba
  • after maayus kahapon nakapaglaba kami 2x with no problem sa washing machine namin
    biglang hindi naman nag-drain ngayon

    so checking-checking kami ni mrs
    bigla nyang natanggal itong "magic filter"






    kung gaano kakapal yan halos ganyan kapal yung nakuha nyang LINT/DUST/DIRT
    tae nung nag-demo kasi yung nagdeliver - hindi sinabi sa mrs ko kung ano purpose
    grabeh kapal ng laman

    try again after malinis ng magic filter
    ayaw parin mag-drain
    bubuksan ko na sa cover sa likod, bigla kong naisip tanggalin yung drain hose
    para ganito (picture for sample only)



    pagtanggal -sinundot ko yung butas - ayun biglang nag-drain
    still observing pa


    MAKE SURE PO UNPLUG nyo po POWER CORD if mangyari sa inyoto

    -- edited by infoseeker on Nov 17 2015, 09:33 AM
  • after checking between drain hose at dun sa body ng washing - may piso nakabara
    yung bunso ko suspect grrrrr

    so far so good na
  • Tanong lang sa mga naka-bili ng Panasonic NA-F80A, may way ba para mapatagal yung duration ng wash? sa Normal program kasi 12 minutes lang, Parang hinde kasi kami satisfied ni misis pati sa bilis or lakas ikot ng wash nya parang hinde narorotate yung mga damit. Ganung lang po ba tlaga ang mga top load WM? TiA
  • ^baka nakaset sa economy or quick wash. Standard kasi sa washing machine ang ~1hr.
  • Yes sir, nka set sya 1hr normal mode. Naka lagay kasi sa manual yung duration wash pag naka normal is 12 mins wash, 2 times rinse and 5 mins spin. Satisfied nman kami sa rinse and spin. Dun lang po talaga sa wash na parang hinde nya iniikoy yung clothes, parang half clockwise then mag half counter clockwire lang yung pag wash nya ganun lang ng ganun gang matapos yung wash duration, parang feeling namin hinde malilinis yung mga damit xD or nasanay lang kami sa traditional WM na kita mo talaga yung clothes na parang binabalibag :D

    -- edited by libsza on Nov 17 2015, 12:32 PM

    -- edited by libsza on Nov 17 2015, 12:41 PM
  • ^Ganun talaga ang washing machine bro, part clockwise tapos part counter clockwise. Yung full rotation pang dry yun. Tatalsik kasi ang tubig pag full rotation sa ganun kabilis na ikot at dami ng tubig.

    Yung mismong wash na 12mins ok na yun, pero standard ay around 18mins. Ako pag nagwash inaadjust ko sa 25 mins, tapos pause ko 30 mins para ibabad, then 30mins ulit wash. hahaha, para sigurado lang na malinis at walang amoy :D

    -- edited by jopat on Nov 17 2015, 03:36 PM
  • Salamat sa tips Sir ^^
  • sir/ma'am sino po sa inyo ang merong samsung WA70H4000SG/TC?plan kasi namin bumili ng FAWM and ito ang choice ko. sa mga meron nito hindi ba malakas sa water at electricity? maayos po ba ang labada nito?pwede ba itong start tpos iwan tapos sampay na lang? salamat po and more power
  • mga sir pahingi naman ng suggestion. naghahanagap kasi kami ng FAWM na inverter type at may dalawa na kami pinagpipilian

    LG <click here for link>
    Samsung <click here for link>

    Yung samsung lang ata yung 2015 model but LG has higher capacity (12kg vs 10kg). or mas okay pa rin gumamit ng conventional type FAWM?
  • @john_topher:

    i bought the lg one,so far okey naman though i have not experimented with it's various settings,laging normal mode pa lang na gamit ko. compared sa dating manual ng WM mas okey po in terms of power consumption. binalot kolang makapal na transparent plastic all over except sa bottom, just maybe ma minimize yung gasgas and though protected daw yung control buttons na nasa front, parang naniguro lang na di talaga mabasa yung part na yun.
  • I would recommend meron kayong dedicated drainage nya kasi pag laging wet yong surface sa kinalalagyan nya mas malaki chance mag karoon ng rust yong body ng washing machine
  • My washing machine is Samsung fully automatic ung body nya me konting rust na San makakabili ng body... Ang body nya parang yero na body painted sa Samsung ba meron nun? San makakabili ng ganun
  • Bagong bili din kami para naman sa in laws, Samsung inverter 9kg na may wobble technology, pangalawa na namin sa Samsung. Yung una namin inverter din mag 2 years na ok pa din,
  • iba parin talaga ang eletrolux.. i bought 2 years ago the front load electrolux fully automatic washing machine until now wala parin akong naririnig na strange sounds unlike compared sa mga ibang brand na nabili ko dati na top load, mabilis magka problem.
  • Kung me pera lang din kayo much better front load, mahal lang, pero tatagal damit mo kasi di agad luluwag garters at mga kwelyo o mangas, pati kulay di agad kukupas, matipid pa sa tubig at detergent. I should have added more para sa front load, but we went for top load. Dami ko tuloy mga bagong damit ilang buwan lang mukhang luma na.
  • My washing machine is Samsung fully automatic ung body nya me konting rust na San makakabili ng body... Ang body nya parang yero na body painted sa Samsung ba meron nun? San makakabili ng ganun
  • any user ng LG WF-T800SPW? oki ba tong model na to?

    or may marerecommend ba kayo na fully automatic washing machine na top load (in terms of electricity and water saving, matibay and maganda ang wash sa damit and after sales service na rin)

    budget is 15K (pwedeng tumaas pero konti lang :)

    salamat ng marami.
  • share ko lang dati may whirlpool FAWM kami umabot ng 4 years. after nun nasira at pinatingin sa technician. dinala nila ung wm sa service center nila para ayusin at nung nacheck na dun sa kanila saka nasabi ang presyo ng pagayos. mahal kaya hindi na namin pinagawa. pagbalik sa bahay namin hindi na namin pinansin kasi meron kami isang wm pa binigay ng sister ko. at after 1 year saka lang namin naisipan ibenta na scrap. kaso nung chineck nung bibili wala na pala ung motor ng whirlpool namin. to think na magagawa ng technician un sa mga customer, dahil alam nilang hindi na namin papagawa kinuha nila ung motor. sino ba naman customer makakaisip na icheck pa ung motor kung andun pa. kaya no na kami sa whirlpool kahit anong appliances. sa ngaun meron kami samsung sulit na sulit.

    at ngayon bumukod na ako bibili ako ng fawm, lg or samsung? below 15k lang budget dahil bibili pa ko ng ref. ano bang appliance store ang may free delivery? kasama ba sa free delivery kung buhatin hanggang second floor?
  • nag canvas ako kanina sa bilihan ng sapatos, 1 year nalang ba talaga ang extended warranty? nakakatakot tuloy bumili bakit ang baba na. sa a*b*n**n naman wala as-is na 1 year warranty lang , sa ibang appliance lang meron extended warranty.

    -- edited by timmy09 on Feb 13 2016, 10:44 PM
  • Yung samsung ko parang may pingpong ball pag nag spin. Ang ingay and distinct yung sound kasi d naman ganyun dati.
  • baka may foreign object na nakalusot
    kagaya nung akin, ayaw magdischarge ng tubig, ayun may piso dun sa dugtungan ng hose na labasan ng tubig at ng wm
  • eletrolux saken 8.5Kg nasa 13K yata yun. hanapin mo yung may feature na pag nagblackout eh tutuloy nya kung saan siya huminto.
  • binili namin samsung WA70H4000SG. san ba nakakabili ng pedestal stand? sa loob ng c.r. namin nilagay since malapit sa inlet at malawak naman ung space. un nga lang nababasa pa din eventually ung ilalim at body. hindi pa naman rustproof eto. sa body lagyan ko nalang ng cover hanap nalang stock sa ac3 hardware.