Forum Topic

Fully Automatic Washing Machine Thread

  • gaano katalagal yun mga washing machine? usually twice a week na kami lang maglaba sa 7kg full automatic LG. Kailan na dapat palitan? kapag nasira yun motor o gears? buo pa naman yun katawan kaso yun ibang parts yun nasisira na.
  • Short answer, 10 years and up. Another way of looking at it is until maubos ang warranty ng motor.

    Usually yung mga LG 10 years ang warranty ng motor. Pag nasira yung motor beyond nun, malamang papalitan na yun at your cost. Nasasayo na yun kung worth pa pagawa or panahon na para bumili ng bago.

    Yung National (Panasonic) na top load washing machine namin dati mahigit 20 years bago namin pinalitan. Manual sya na may spinner. Except sa body, never syang nasira. Bumili na kami ng full auto front load na LG nung umabot na sa point na tagilid na yung body dahil kinain na ng kalawang yung bottom part. Sumasayad na yung spinner drum. Kung tyatyagain kong papalitan/pasadyaan ng body yun, tatakbo pa yun. Di ko na nga lang maimagine na babalik pa kami sa manual washing machine kasi spoiled na kami sa full auto. Hehehehe.

    Personally, as long as ok pa yung motor, ok pa yung washing machine. Pag bumigay na yung motor and out of warranty na sya, parang di na sulit.
  • bought whirlpool 7.8kgs last week..
    ayos!
    halos hindi nabasa kamay ko.
    hehehe
  • Samsung WA-10F4 ko, pangalawang palit na ng mainboard, in a span of 3 years. Yung water level sensor, napalitan na din once. Sablay.

    -- edited by khernitzz on Feb 08 2017, 08:53 AM
  • Kapag slow drain ang top loader anu kaya posibleng problema? Nagddrain naman siya pero mabagal. Badtrip lang kakatapos lang ng 1 year warranty.
  • may napusuan akong LG FA inverter sa Abenson, 18k kung straight or cash...
    OK ba to? tingin nyo guys? 7kg yata yun... bumigay na drier ng manual namin hehe..

    Fujidenzo yung manual namin.. 6yrs din inabot... pero yung washer gumagana pa.
  • May naka-experience na ba sa inyo ng molds sa Front load washing machine? Paano alisin toh or maiwasan? TY
  • ^Di sya natutuyo and di ka nagclean cycle. Sa clean cycle mataas na temperature gagamitin kaya patay mga molds. Sa Samsung after a certain number of wash cycles (40 times? I forgot) mag trigger yung clean cycle. Ilang minutes lang naman sya.
  • ^Di sya natutuyo and di ka nagclean cycle. Sa clean cycle mataas na temperature gagamitin kaya patay mga molds. Sa Samsung after a certain number of wash cycles (40 times? I forgot) mag trigger yung clean cycle. Ilang minutes lang naman sya.


    Ah, wala kasi clean cycle yung nabili kong LG. Try ko na lang cguro yung high temp wash.
    Iniwan ko na lang bukas yung door tapos yung detergent tray pagkatapos hugasan nakaopen din
    Ty

  • colours200 Send Message View User Items on 03 Feb 17 @ 08:28 PM #
    mas maganda powder mabantot un breeze liquid pag na tuyo lalo na pag walang araw


    LOLz! iba iba talaga experience natin.. may negative sa iba, positive naman sa iba...

  • eipaul Send Message View User Items on 08 Feb 17 @ 01:56 PM #
    May naka-experience na ba sa inyo ng molds sa Front load washing machine? Paano alisin toh or maiwasan? TY



    eipaul Send Message View User Items on 08 Feb 17 @ 04:47 PM #
    ^Di sya natutuyo and di ka nagclean cycle. Sa clean cycle mataas na temperature gagamitin kaya patay mga molds. Sa Samsung after a certain number of wash cycles (40 times? I forgot) mag trigger yung clean cycle. Ilang minutes lang naman sya.


    Ah, wala kasi clean cycle yung nabili kong LG. Try ko na lang cguro yung high temp wash.
    Iniwan ko na lang bukas yung door tapos yung detergent tray pagkatapos hugasan nakaopen din
    Ty


    lahat ng FAWM meron tub clean function...

    hindi yan molds/moss... yan yung namumuo na sabon because:
    - not rinsing the washed clothes very well -- solution, twice kayo mag-rinse or bawasan ang sabon
    - using too much fabric conditioner -- solution, use correct amount of fabric conditioner depends on your load

    or manual nyo nlang babad sa batya with fabcon na...

    to remove, use WM's tub clean function - +2hrs yan dapat. do that at least 1x every 2 months.

    note also, not all FAWM has the hot water function. sa hi-end model lang meron at LG lang yata =))
  • Mga bossing, planning to buy Samsung na top load yung 6kg. Any reviews or advice?
    <click here for link>
  • hello, anyone using Whirlpool lsp680gr /6.8kg? I just bought mine and im just wondering parang wala syang option to spin the dryer lang? kapag kasi medyo makapal yung nilabhan mo hindi sya tuyo talaga so balak ko sana isang spin pa ng dryer..
  • to remove, use WM's tub clean function - +2hrs yan dapat. do that at least 1x every 2 months.

    Our Samsung triggers a status indicator and beeps when it's time to clean tub, after a certain number of wash cycles. You have the option to ignore it kung gusto mo muna matapos ang lahat ng labada mo. Pero mag trigger sya ulit after a few wash cycles (parang snooze sa alarm). No need to track kung kailan need gawin, no need to track kung ilang minutes automatic din clean cycle. (It's a FAWM ffs).

    note also, not all FAWM has the hot water function. sa hi-end model lang meron at LG lang yata =))

    Our not so high end Samsung FAWM has hot water function, may heater. I specifically required it. Imo, it should be standard, unless you live in the middle east. It helps clean the clothes. Mas malinis na damit, nakatipid pa kasi you don't have to wash longer or use more detergent.

    Edit: HIndi nga pala hot water function tawag dun. Walang hot water function yung Samsung namin. Naka-incorporate sya sa program. May programs na pwede mo sya i-toggle off, or choose anong temp (step) gusto mo. May programs na di mo sya pwedeng i-modify(e.g. baby wash, naka set sa high temp).

    -- edited by roceanoz on Feb 10 2017, 08:00 AM
  • ano advantage at disadvantage ng top load vs front load?
  • lahat ng FAWM meron tub clean function...

    hindi yan molds/moss... yan yung namumuo na sabon because:
    - not rinsing the washed clothes very well -- solution, twice kayo mag-rinse or bawasan ang sabon
    - using too much fabric conditioner -- solution, use correct amount of fabric conditioner depends on your load

    or manual nyo nlang babad sa batya with fabcon na...

    to remove, use WM's tub clean function - +2hrs yan dapat. do that at least 1x every 2 months.

    note also, not all FAWM has the hot water function. sa hi-end model lang meron at LG lang yata =))


    Ang ginawa ko after ko gamitin, tinutuyo ko ung flexible rubber gasket sa door tapos nag high temp wash ako na walang load, detergent lang. Naparami lang siguro ng lagay ko ng fabcon kaya namuo. Ginawa ko kasi quick 30, 2 rinse lang tapos spin.
    Wala kasing button na tub clean yung LG FAWM FL ko.

    ano advantage at disadvantage ng top load vs front load?


    Kung sa laba lang mas malinis yung Front load washing machine kesa top load tsaka mas tipid sa tubig.
    Mas mahal nga lang at yung pag-maintain mas madalas sa FL.
  • planning to get one top load washing machine..

    between 6kg Panasonic (NAF60MB1WRM) or Electrolux 6.5kg (EWT654XW) ??

    pa advise naman mga labandero dyan...
  • yung mga bagong top load fully automatic now sabi ng mga salesman nasa 2 pesos per laba na lang or 5 pesos per hour...

    nag iisip tuloy ako kung yun na lang kunin ko or still opt with my original plan na inverter which is 6K na mas mahal....

    tingin nyo? in the long run mas makakatipid ba ako sa inverter o parang negligible na din?

    thanks... LG nga pala ito..
  • ^Nakalimutan ko yung measurement ko ng consumption ng isang laba sa fawm frontload inverter. Gawin ko ulit next time post ko dito results. Gamit ko energy logger, yung sa store ano basehan nila?
  • di ko natanong ano basis pero baka yung EER.. kasi diba may mga nakapaskil na ganun sa mga ref at aircon.
  • Plano ko bumili ng FAWM para sa wife ko eto sana gusto ko bilin Whirlpool LHB1202 12kg Fully Auto Top Load Washing Machine / 360° Bloomwash. May nakagamit na po ba sa inyo ng same brand and model pa advise naman about performance.

    Thanks in advance.
  • just bought Samsung top load FAWM "wobble" 6.5kg yesterday.
    12.5k for 12mos. sa abe****

    11yrs motor warranty. eto daw latest ng Samsung... yung ibang katabi nya puro 5yr motor wty lang,

    di pa namin na try.. sa sabado pa maglalaba hehe..
  • Bumaba ng P300 yung bill namin sa kuryente simula ng gamitin ko ung Front load FAWM. Tipid! try ko next month kung mababa pa rin, 15 days ko lang kasi nagamit.

    Inverter direct drive na FL FAWM

    -- edited by eipaul on Feb 24 2017, 10:28 AM
  • Hi guys, i need some feedbacks on these FAWMs.
    Medyo naguguluhan ako kung alin ng pipiliin ko.
    Magaganda lahat ng features, the problem is warranty and efficiency.
    Here are my choices.
    1) LG WF D850J (8.5)
    2) WHIRLPOOL LHB802 (8 KILOS)
    3) SAMSUNG WA 80J5712SW/TC (8 KILOS)
    4) SHARP ES-U105HP-SL (10.5 KILOS)
    5) LG WF T800SPW (8KILOS)
    Need feedback po kung sino man ang may ganyang model ng FAWM.
    Maraming maraming salamat po.
  • Kunsumisyon Send Message View User Items on 24 Feb 17 @ 11:53 PM #
    Hi guys, i need some feedbacks on these FAWMs.
    Medyo naguguluhan ako kung alin ng pipiliin ko.
    Magaganda lahat ng features, the problem is warranty and efficiency.
    Here are my choices.
    1) LG WF D850J (8.5)
    2) WHIRLPOOL LHB802 (8 KILOS)
    3) SAMSUNG WA 80J5712SW/TC (8 KILOS)
    4) SHARP ES-U105HP-SL (10.5 KILOS)
    5) LG WF T800SPW (8KILOS)
    Need feedback po kung sino man ang may ganyang model ng FAWM.
    Maraming maraming salamat po.


    1) LG WF D850J (8.5)
    3) SAMSUNG WA 80J5712SW/TC (8 KILOS
    5) LG WF T800SPW (8KILOS)
  • Samsung fawm front load inverter.
    Taken using voltcraft power meter.
    Plugged in, off: 0.7 W
    On: 3.3W
    One wash program (1 hr 24 mins) : 0.162 kwhr
    At our current cost of P9.3/kwh that costs P1.50 per wash or P1.07 per hour.

    Btw, nagulat ako mura na kuryente ngayon. Dating conpute ko nasa P13 pesos.
  • ok.. nakapag laba na ako nung weekend.. masasabi ko mabango naman...
    all is working and tama as per specs.

    hindi ko lang type yung manual programming na una talaga ang wash.. then rinse and spin...

    gusto ko sana kasi, rinse muna then wash then rinse then spin hehe..

    Ok din yung spin with air turbo.. paglabas ng damit pede na derecho plantsa... pero di pede derecho suot baka sipunin ka haha..

    --
    isa pa sa ayaw ko sa fawm, humaba oras ng paglalaba ko lol..
  • Kapag slow drain ang top loader anu kaya posibleng problema? Nagddrain naman siya pero mabagal. Badtrip lang kakatapos lang ng 1 year warranty.


    fully auto ba o manual ? sa manual namin dati may bara sa drain.
  • Mga master sa paglalaba, advise naman ng 100% dry front load na kaya or kung top load na lang mga paps na matibay. TIA
  • hi mga mga sir .. planning ko po bilihan nanay ko ng automatic wm budget po is max 10 mas better kung mababa pa dyan .. gusto ko lang po malaman kung anong brand and model ang maganda sa ganyang price .. mas okay po ako sa 2years & up warranty.. thanks sa mga mag sa suggest pasensya na wala kasi ako idea sa mga automatic wm pag aaralan pa pag nakabili .. gusto ko lang makabili ng pinaka okay sa ganyang budget at matibay .. thanks po