Forum Topic

Washing Machine fully automatic owner! ano po kayang magandang & matibay na brand???

  • ^Honestly no, hahaha. Basta drop and forget kami.
  • ^
    Ganyan din ako sa S110V ko kaso curious talaga ako. Hindi ko alam ko gumagana ba talaga ang feature na yun o display lang.
  • Replaced our TCL 6kg front load with Samsung 6kg WW60H5200EW. Samsung is way more stable, even tho level na level si TCL, parang maluwag ung kaha kaya maalog. Super linis din ng laba ni Samsung, grabe nga lang 3.5 hrs na cotton eco cycle. 2 pails lang tubig lang nagamit haha!
  • guys may tanong ako para sa mga owners ng LG WF-S120V or any similar models, pansin ko kasi during operation may ibang ingay na maliban sa umiikot na motor at mas malakas pa tunog neto. way back kasi ang na aalala ko tahimik or ung motor lang madidinig.

    Paconfirm sana kung tama ang observation ko.
  • ^How long have you been using the unit? Yun sa min kasi mag 1 yr pa lang. So obserbahan ko yan kung mag iba yun tunog. Tahimik talaga siya parang fans lang ng PC at full throttle.
  • anong brand yung di masyadong maingay ?
  • tanong lang po sa mga naka Samsung FAWM.

    Kapag ba ongoing yung rinse tapos gusto mong ipause, pwede bang buksan yung cover para icheck yung mga damit?
  • guys may tanong ako para sa mga owners ng LG WF-S120V or any similar models, pansin ko kasi during operation may ibang ingay na maliban sa umiikot na motor at mas malakas pa tunog neto. way back kasi ang na aalala ko tahimik or ung motor lang madidinig.


    usually hindi maingay pag konti yun laman or tolerable yun noise kapag heavy or sagad yun laman....if you are referring sa scraping noise, pag ganyan check mo yun matigas na bagay na nahalo, pwedeng may nahalong coins or minsan yun buttons ng jeans kaya baliktarin mo na lang

    -- edited by taurexn on Feb 02 2019, 11:51 AM
  • Mga master balak namin bumili bukas ng FAWM. Halos buong araw na ako nagbabasa ng reviews at backread dito :) Panasonic, LG at Samsung ang choices namin at budget is less 20k. Family of three 4y/o anak ko at weekly kami naglalaba. Process ng laba ko is damit anak ko, white shirts and towels, office uniforms and pang alis then pang bahay. Balak namin is 7-8kg. Masasabi ko ba na ok na yun para sa maayos na laba? Salamat

    Edit:
    Ito po pala ang nakita namin na choices
    1. LG - T2175VSPM 7.5kg (17, 295)
    2. Samsung - WA75H4200SW 7.5kg (14,795)
    3. Panasonic - F80A5HRM 8.0kg (18,995)

    Ano po ba marecommend ninyo?

    -- edited by darryl0516 on Feb 04 2019, 05:37 PM

    -- edited by darryl0516 on Feb 04 2019, 05:38 PM
  • 10KLS T*De from SNR - naka-promo 768.00

    oks na oks, mabula at ok yung resulta ng laba sa AWM

    bang na bang
  • @darryl0516

    LG - 10 yrs motor warranty and ok naman ang after sales service at cheaper yun home service if ever magkaproblema
  • ^How long have you been using the unit? Yun sa min kasi mag 1 yr pa lang. So obserbahan ko yan kung mag iba yun tunog. Tahimik talaga siya parang fans lang ng PC at full throttle.


    3 years na nun Jan 2019.

    usually hindi maingay pag konti yun laman or tolerable yun noise kapag heavy or sagad yun laman....if you are referring sa scraping noise, pag ganyan check mo yun matigas na bagay na nahalo, pwedeng may nahalong coins or minsan yun buttons ng jeans kaya baliktarin mo na lang


    I'll try to observe it again sa susunod na laba ko. Last load kung kelan ko napansin yung ingay ay damit ng baby so wala siya buttons or di mabigat (water level - 3/4)
  • Ended up getting the LG 120V. Nakakatanga pala pag FAWM. Haha.


    oo sir nung unang try ko ng FAWM 3 days ako nawala sa bahay. kinain ako nung washing machine. ^^
  • Mga master balak namin bumili bukas ng FAWM. Halos buong araw na ako nagbabasa ng reviews at backread dito :) Panasonic, LG at Samsung ang choices namin at budget is less 20k. Family of three 4y/o anak ko at weekly kami naglalaba. Process ng laba ko is damit anak ko, white shirts and towels, office uniforms and pang alis then pang bahay. Balak namin is 7-8kg. Masasabi ko ba na ok na yun para sa maayos na laba? Salamat

    Edit:
    Ito po pala ang nakita namin na choices
    1. LG - T2175VSPM 7.5kg (17, 295)
    2. Samsung - WA75H4200SW 7.5kg (14,795)
    3. Panasonic - F80A5HRM 8.0kg (18,995)

    Ano po ba marecommend ninyo?


    go for higher capacity bro/sis.
    LG 8.5kgs topload FAWM owner for 2 years for family of 4 members
    parang kapos pa ang 8.5kgs
  • ^ totally agree na kunin yun higher capacity, actually i am using 9-kg lg, before i plan 6-7kg pero napaisip ako na someday magkapamilya so i decided a 9-kg since konti lang naman ang price difference, now a family of 4 members ay halos overload yun washing machine kung isang salangan per week so i compensate na lang twice a week magwash and ideal ko talaga yun 12kg capacity... kung kaya ng budget for higher capacity ay go for it pero kung di kaya, adjust na lang sa wash schedule considering na sacrifice yun water and electricity consumption
  • May warning or error sound ba kung overloaded? for panasonic top load
  • Mga Sir, hingi lang po ng recommendation. Ok po ba ang LG FC1408-D4W, front load wash/dry 8kg/5kg. Pang family of 3 lang po. O meron pa kayong marerecommend na ibang brand. Maraming Salamat
  • Naghahanap din ako ng washer/dryer in one frontload. Meron bang ganun na mabilis ang drying cycle at hindi kumokunsumo or konti lang ang konsumo ng tubig nung dryer?
  • ^tubig sa dryer? meron mga combo pero mas mahal. take note na mas mababa ang dryer capacity sa washing e.g. 7kg laba then 3-4kg pag dryer na. which means pag pinuno mo yung washing machine, before mag dryer hahatiin mo yung load into 2 so dalawang beses ka mag dryer e.g. dagdag kuryente.
  • ^ karamihan kasi ng washer dryer combo ay ventless design yung dryer kaya gumagamit pa rin ng tubig yung heating element (hindi yung tub) during the drying cycle. Tapos mabagal ang drying cycle, as in 3-4 hours or more.

    Baka sakali lang may binebenta na dito na alternative drying technology sa mga combo washer dryer na mas ideal for condo living kasi walang sampayan.

    -- edited by MrBungle on Feb 11 2019, 04:45 PM
  • ^i got you. check mo online madami na din bagong models. I own one kaso i am overseas so i think hinde available sa pinas yung model na gamit ko. remind lang kita na madali makasira ng damit ang dryer. kaya nga ako kahit combo ang machine eh i hardly use the dryer part, mostly pang emergency lang. ang ginawa ko eh bumili ng dehumidifier, salang ng laba sa umaga then sampay then iwan dehumidifier bukas. pag uwi galing work eh tuyo na lahat ng damit. advantage pa is pag sinampay mo ng naka hanger, mas malaki chance na madami hinde na need plantsahin.
  • grabe nga lang 3.5 hrs na cotton eco cycle.

    I don't follow strictly yung programs ni Samsung. Sobrang tagal ng iba. Trial and error nung una different settings. Depende kasi sa klase ng damit na isasalang yan Hanggang sa we settled dun sa around 1 hr 30 mins to 2 hrs na cycle.
  • @CrashAndBurn
    ^i got you. check mo online madami na din bagong models. I own one kaso i am overseas so i think hinde available sa pinas yung model na gamit ko. remind lang kita na madali makasira ng damit ang dryer. kaya nga ako kahit combo ang machine eh i hardly use the dryer part, mostly pang emergency lang. ang ginawa ko eh bumili ng dehumidifier, salang ng laba sa umaga then sampay then iwan dehumidifier bukas. pag uwi galing work eh tuyo na lahat ng damit. advantage pa is pag sinampay mo ng naka hanger, mas malaki chance na madami hinde na need plantsahin.


    Actually, Winix dehumidifier at drying rack din ang gamit ko ngayon for small clothing items tapos laundry service for the rest. Siguro stick nalang ako sa current setup.

    I checked online and seems like heat pump dryer technology ang matipid sa kuryente at tubig. Beyond my budget lang kasi nung mga Washer/Dryer combo na naka heat pump technology.
  • ^I suggest you calculate how much you spend sa laundry service vs meron kang sarili in case meron ka namang space for it. If budget ang issue, why not look for a washer with the best spin dry since meron ka naman ng dehumidifier. sakin kasi iwan lang maghapon, pag dating sa bahay eh tuyo na. Make sure lang na meron kang enough air circulation.
  • I don't follow strictly yung programs ni Samsung. Sobrang tagal ng iba. Trial and error nung una different settings. Depende kasi sa klase ng damit na isasalang yan Hanggang sa we settled dun sa around 1 hr 30 mins to 2 hrs na cycle.


    True. Manual na ako ngayon. Manual selection ng program spin rinse combo. Laging may eco bubble which seem effective naman. Easy iron para less crease at mas nashoshorten cycle time. Tapos any program with Intensive wash option.

    Pansin ko lang sa Samsung, di masyado attracted mga langgam unlike ng TCL front load. At super stable at mas tahimik sa Panasonic. Pero ewan, mas gusto ko pdn laba ni Panasonic. Di ganun kabula pero mabango. Sa Samsung mabula pero di kasing bango ni Panasonic
  • yung front load po ba na combo wash/dry sulit?
    nakakita ako samsung around 40k smallest capacity since ako lang naman ang gagamit
    may nag mention din sa taas is pag combo 3-4hrs talaga drying time?
    if yes, mas ok na kumuha na lang ako ng separate washing and dryer?
    problem ko lang kasi kung san ko ilalagay yung dryer hehe
    ano ang sulit pag separate? at kung meron din kayo alam na maliit capacity alternative dun sa samsung na nakita ko

    TIA
  • ^

    If you have the space, go for separates. Matagal talaga yung combo. Inaabot ng 6-7 hours total wash and dry cycle yung Electrolux ng tenant namin at max drying load and while consuming water and electricity for the entire duration.

    -- edited by MrBungle on Feb 14 2019, 12:02 PM
  • Kayo ba naglilinis ng Washing machine or call authorized service centers to clean the units?

    Yung samin kasi parang binahayan ng daga (At mukhang namatay either sa ilalim or dun sa motor part).

    Gusto ko sana kalikutin kaso.......

    ==============
    edit: done cleaning it. Merong mga pagkain na dinala ng mga daga sa ilalim mismo ng washing machine (Sa loob mismo). Nalinis ko na kanina. nakakainis tong mga dagang to.

    Midea Top Load Full Auto

    -- edited by Aero13 on Feb 19 2019, 01:16 PM
  • yung bang mga washing machine na ginagamit sa mga laundry shops, magkakano yung ganoon? tsaka in bulk ba binibili or per unit?
  • nakakainis tong mga dagang to.


    nagalaga kami ng puspin para diyan hehehe. Ayun ubos sila.