Forum Topic

Fully Automatic Washing Machine Thread

  • @pongscript

    Sir, maraming salamat sa response. Noted Sir
  • Hello! Been eyeing for LG TH2112DSAV top load 12kg awm. Pero out of stock pa aince new model here in Ph. Not sure if magkakaroon ng stock this August. Thinking of getting the LG WFS120V na lang since ito ang available. And almost identical sila. According to the store ang diff lang ay with wifi yung new model and made of galvanize ang body. Whereas yung older model ay stainless body. 1k diff in price lang din sila.

    Any input from you guys will be appreciated much. Thanks in advance.
  • @aid,
    if di importante sayo yung connected devices, di kawalan ang smart thinkq, kakain din kasi ng maliit na bandwidth yan if naka-on yung washing machine.
    ang advantage lang nya compared sa regular(smart diagnosis), di mo kelangan ng nfc smartphone so gagana sya kahit sa iphone. ang function nya ay notification sa end of wash, upload ng “download” cycle if available dyan sa machine model na yan, limited lang yung cycle program sa preset na available sa lg, so wala masyadong configurability dun, then power consuption indicator(walang actual numbers), graph lang per month kung ilang cycle ang nagawa mo, pwede mo makita remotely kung ilang oras pa ang labada mo, if may remote start function, pwede mo controlin yung wash cycle(preset), start, pause, di ko pa natry kung may off.. pero basic functions lang.
    may quirks ang asia models, di nakakaconnect sa google home at IFFT so limited lang sa app ang pagiging IOT nya, di ka pwede mag orchestrate ng automation pag end ng cycle.

    now, yan if important sayo ang IOT, if not, then hindi sya kawalan sayo. also both washing machine ay magwowork naman as normal non-connected washing machine if wala kang wifi sa bahay. yung smart thinkq requires wifi if gusto mo magamit yung functionality na yun. di sya pwede na direct to smartphone, though kelangan mo ng smart phone para masetup sya.

    -- edited by pongscript on Aug 12 2019, 06:11 PM
  • I know this is a Noob question mga ser, Pero for example yung Washing Machine po ee ang naka indicate sa kanya is 7kg. Ano po yun, 7kg ng walang tubig? o 7kg kasama ang tubig?
  • Hi mga masters, pa advise nman po ano po prefered nyo FAWM around 12-15k, minimum of 7kgs. Owner po ako ngayon ng SHARP ES-U75GP-GY (7.5kgs, 10.5k) so far so good naman po(quality ng laba, durability, functionality), gusto ko lang po mag try ng iba FAWM pra dun sa new house namen, ang mga hinala ko lang po na pwede flaws dun sa current ko are (pa correct nlng if hndi sya flaws)
    1) Walang butas yung gilid ng inner tub, iniisip ko baka mas maganda laba pag may mga prang grills o butas tsaka baka mas nakakatanggal ng himulmol lalo na pag black shirts. Pero sabe nila mas tiped daw yung ganto sa tubeg.
    2) Yung ikot nya is prang less 3secs lang then alternate left and right, minsan pag loaded halos di nagalaw top portion so mukang di nalilinis yung nasa taas.
    3) Di sya flaws pero baka may mga option na mas matiped sa kuryente kaya gusto ko itry, hehe (mga total of 7 na salang a week sya due to segregation)
    For the PROS: Maganda at malake inner Lint filter; Maganda rinse at air dry nya(80% dry), sturdy build, mura for 10.5k

    Eto po mga options na nakita ko sa @n$*n$ , arranged base on likeness ko to as of now. Kung may ma recommend pa po kayo please po pa advise pa.
    1) whirlpool cs lsp 780 gp - 15k
    + 850 RPM (my current is 730RPM only)
    + Advertised as tiped sa tubeg at kuryente (consuming 50% LESS ELECTRICITY and 30% LESS WATER), base sa meralco sticker ka match nya LG Smart Inverter.
    + Whirpool is the top brand on washing machine as per my survey
    + As per review online, di sya msyado naghihimulmol and powerful ang spin

    2) Panasonic NA-F90A5 - 17k
    + StainMaster, Active foam technology, active wave pulstrator looks good, specially mukang dto mag rorotate tlga ng ayos damet at wala tatambay sa taas lang.
    + Magaganda reviews, maganda laba, matibay daw. ok din saken japan brand and mukang madame service center. 12years motor warranty.
    - Over budget but have higher kilo capacity than my other options.

    3) Panasonic NA-F70S7WRM - 11 to 12k
    + Active wave pulstrator, dancing water and aqua spin; so mag move paden yung mga damet sa top
    + Magaganda reviews, maganda laba, matibay daw. ok din saken japan brand and mukang madame service center. 12years motor warranty. Mas mura kesa sa #2

    4) LG T2175VSPM - 14k
    + Smart Inverter; Pre-wash method/mode; has 3 mini pulstrator; Side Waterfall; Has application for diagnosis
    - 730RPM only(same as my Sharp), prang mas maganda ikot nung Panasonic at Whirlpool base on videos sa YT; Only have small inner Lint filter
    -- May tropa na kong nagloloko LG front load, 1year palang.

    5) SHARP ES-U75GP-GY - 11k (yung same ng gamet ko now)
    + Sturdy, madali gamiten, mura, may mga service center sa area namen
    - Prang may mga option na mas maganda laba at mas tiped sa kuryente, wala butas giled inner tub, looks like basic features lang.

    Salamat po sa lahat ng mga tutulong, more power sa Thread.
  • Thinking of getting the LG WFS120V na lang since ito ang available


    Meron kami nito for just a couple of years and so far so good. Tipid sa tubig at sa kuryente.
  • @iampako,

    depende sa manufacturer, minsan dry, minsan wet, mas best if ibabase mo sa cubic meter than weight, estimate lang kasi yan.. pero di ibigsabihin na 7kg ay 7kg talaga, minsan rounded off, , so mas maganda na kumuha ka ng mas malaki sa normal load na kelangan mo.
  • @jZeNtRiCkS
    whirlpool cs lsp 780 gp binili namin sa byenan ko 3weeks ago.
    sa observation ko so far mas ok ang laba at ikot kesa sa samsung wobble namin.
    umiikot din mga damit sa taas at dinig mo splash ng tubig habang umiikot.
    sa samsung wobble namin hindi kahit anong settings. twice din nagbabanlaw .
    ang napapansin ko lang maalog yung tub nya pag nag spin kaya minsan tumatama sa sides.
  • @jZeNtRiCkS,

    if wala kang problem sa current mo at available pa sa market, mas ok kung same brand and model, unless kelangan mo ng mas malaki. or may specific kang hinahanap sa washing machine. consider mo rin yung frontload if effiency and tipid ang hanap mo, considering space. at di masyado problem ang budget.

    sa mga binanggit mo, yung (2) panasonic ang kinonsider ko dati, pero yung mas malaking model, specially yung may stain master with heater. since large capacity sya.
  • @pongscript libre ba installation? Pano pagbubutas as para padaanin ang tubo sila rin gagawa?

    -- edited by manching on Aug 13 2019, 02:55 PM
  • @scandinavian_armor
    Salamat po Master sa pag share ng user experience nyo, mukang maganda pla talaga Whirlpool. Pagisipan ko pang mabute between Whirlpool and Panasonic nlng ako ng makabili na hehe.

    @pongscript
    Salamat Sir, medyo budget constrain po pla tlga ko for around 15k. Gusto ko din po mag try ng ibang brand/model nakakadalawa na kasi ko nung model na yun eh maiba naman hehe. Tsaka baka may option na mas maganda laba at mas tiped sa water at kuryente kaya trying to explore lang po muna ko now.
    Tingen nyo po ba effective po tlga yung StainMaster at Active Foam? tsaka magkaano po yung nabili nyo na may heater? yang saken po kasi choices mukang wala eh. Salamat Sir ng madame.
  • @manching,

    libre installation, iischedule a few days after delivery, ako lang kasi naginstall nung akin, so nagamit ko na agad pag kadeliver, I would not recommend yung pagbubutas nila, last na nagpakabit ako ng split type aircon sa isang bahay ko, di ko nagustuhan yung pagbutas, kahit yung mga nakapaskil sa fb market place na nagkakabit ng split type, yung finish product nila, pag tiningnan mo yung butas di talaga maganda.. ang ginawa ko, since may drill naman ako, bumili na lang ako ng pang bore ng butas, mga 1 1/2 ata ang sumat nun, spat para maipasok ko ung inlet at outlet hose. mas ok pa kesa tiktik, since perfect circle sya.. total na nagastos ko, plus plumbing, around 1.5k(coring/boring bit 500, valve switch , 2 way splitter , T splitter, washing machine extension tube and short connector tube- 1k) marami lang akong connectors since itinap ko sya sa may toilet(bider, toilet tank, washing machine, ganyan yung setup ko)

    -- edited by pongscript on Aug 14 2019, 04:54 AM
  • @jZeNtRiCkS,

    front load binili ko last month lang, at mas tipid talaga sa tubig, kasi dinkelangan masyado ng tubig para maglaba, as in, di kapanipaniwala na nakakalis.. hahaha.. LG 18/10k combo washer(dryer).

    eto yung nakita ko, buti di ko panabura yug list ko

    panasonic 16kg(with hot wash) na-fs16v7srm
    42995-8000(discount) - sm appliance

    based sa requirement mo, more than double ng target mo(7kg), though nagexceed na ata sa budget mo.
    im not sure about effectiveness, di ko pa kasi natry, pero since may heater, may mga stain na mahina sa heat, so i guess mas effective sya vompared sa walang heater.
    yung frontload, normal na yung heated water.

    -- edited by pongscript on Aug 14 2019, 05:02 AM
  • Mga Master salamat sa mga tulong nyo, after several research, mukang top option ko is Panasonic due to services locally dto sa philippines tsaka prang mas designed sya sa PH, next is Whirlpool. Share ko lang tong link, mukang legit naman reviews nila. Mukang sa actual na Itsura ng unit sa Store(@n$ons) magkaatalo haha. Salamat

    <click here for link>https://www.pinoyexchange.com/discussion/362333/whats-a-good-brand-of-washing-machine-local/p3

    -- edited by jZeNtRiCkS on Aug 16 2019, 10:43 AM
  • Been contemplating, parang gusto ko ng ireplace tong 8 months old na FAWM namin, Samsung WA90J5710SG 9kg, parang nabibitin ako sa quality ng laba niya, tapos yung ibang dumi dumidikit sa mga damit, halata sa mga pants or jacket na dark colored. Anyone here na same issue samin? thanks
  • @aladdin20,

    if samsung wobble tech yan di ako magtataka. ganyan din yung lumang fawm namin dati, though 7.5 lang yun. parang inaalog alog lang yung damit, yung water level sensor ay di ganun kaganda, laging kulang yung tubig na nilalagay, so manomano pang iaadjust yung water level abgo magproceed, is yun sa nagcocontribute kung bakit di nalilinis yung damit, kasi yung nasa ibabaw halos di na nagalaw kasi kulang ang tubig. pero kahit soaked yung damit, feeling ni misis, di pa rin nakakalinis, kinakamay pa nya afterwards.
  • @pongscript

    oo wobble tech ito. yung water level, okay naman. yung quality lang talaga ng laba ang diko nagugustuhan, yung dumi kasi halata, dumidikit. oo yung nasa ibabaw parang nandun lang siya sa ibabaw, umiikot ikot lang siya. anong ipinalit mo na brand? iniisip ko kasi kung yung Panasonic na 9kg din.
  • @aladdin20
    dika nag-iisa. i think lastyear ko pa pinost dito pangit samsung wobble tech(we have the same model at capacity). may bumili pa pala.hehe^_^
  • @scandinavian_armor

    naoverlook ko yata,hehe. ano ang ipinalit mo?
  • Mga Master salamat sa mga tips, nakabili na ko Panasonic NA-F80A5HRM 8.0kgs, this week delivery. Just to share lang din, dun sa stores na pinunthan ko madame din nabili nung isa ko choice na whirlpool cs lsp 780 gp, ang naging decision maker saken is mas malake si Panasonic physically(tub) kahit same sila capacity, another important thing is may safety feature si Pana for electric fluctuations, isa pa is yung buttons nya ay nasa top part and naka slide so less prone sya na mababasa. Naiisip ko lang now dapat ata nag 9kgs nlng ako for additional 2k, hehe.

    Question lang mga master, ano ba dapat gamiten sabon/detergent(sa ngayon gamet namen is Surf fabcon pink), pati naden ano dapat softener sa ngayon gamet namen downy,
    baka ma advise nyo po exact model, size, price and san mabibili. Salamat po.

    -- edited by jZeNtRiCkS on Aug 19 2019, 01:12 PM
  • @aladdin20
    tinatyaga ko sir ayaw ni misis palitan gat di daw sira.hahaha.
    minsan sinasadya ko na mga balahurain paglagay ng mga damit(may mga binabababad kami) para kako bumigay yung frame ng motor kaso matibay.haha. nahihiya ako ipamigay o ibenta sa mga kakilala kasi di maganda laba.

    plano ko whirlpool or panasonic.
  • @scandinavian_armor

    hahaha, bugbugin mo na yung washing machine niyo paps, haha. si misis naman parang gusto narin niyang palitan kasi di talaga siya satisfied sa laba, problema nalang ulit kung pano namin mabebenta kasi ang bigat nito, better sell at the marketplace nalang siguro para sa mga satisfied na sa ganung output.

    first choice ko nun Panasonic, parang yun kukunin ko kung sakaling maconvince ko si misis na ibenta yung samsung.
  • @jZeNtRiCkS

    Kamusta sir ung Pana na nabili niyo? Nabinyagan niyo na?


    Mga sir, sa mga nakaexperience na sa manual at automatic, sino mas matibay?
  • @aladdin,

    lg front load na 18k(washer/dryer) pinalit ko, ang layo ng difference ng quality ng laba.. saka pansin ko rin na di sya masyado maaksaya sa tubig, since di nya pinupuno yung tub. saka talagang nagtutumbling yung damit. tipid sya lahit lagpas doble sa dating capacity na washing machine namin (samsung wobble tech 7.5kg)
  • @jaypd,

    for me mas matibay ang manual, umabot yung manual namin dati ng 7yrs, though nasira yung dryer around 6yrs. kasi dun kahit balahurain mo, wala masyadong sensitive digitals na maapektuhan, specially pag manual timers ang pihitan. sa automatic, mas complicated ng onti ang eletricals, pero yung motor magkasing tibay lang dapat yan. yung automatic puno ng sensors, na minsan ito ang sanhi ng di paganadar ng machine. pero ang totoong binabayaran mo sa automatic ay convinience, since di mo na kelangan ilipat sa dryer after every wash or bantayan yung labad every cycle. sa manual, manual ang wash, manual ang banlaw, manual and dry.. sa manual spin dry lang. sa automatic may wash to dry na(na titiklopin na lang).
    sa presyo may model na malayo ang price, pero di ko majustify ang presyo ng manual knowing na mura na ang automatic ngayon compared dati.
  • @pongscript

    hi sir. thanks sa pagsagot sa mga tanong ko. Baka manual na lang kunin ko since katulong naman na ang gagamit. baka kasi di alagaan ng kasambahay manghinayang ako pag nasira agad ung automatic. Eyeing the 10kg Whirlpool
  • ^pede naman turuan. I suggest consider FAWM since ma free up yung time ng katulong. Isa yan sa reason namin since pag salang ng katulong eh pwede gumawa ng ibang bagay then sampay. Mas madalas na ngayon mag linis ng CR since may oras na yung katulong.
  • FAWM na, para di rin napapagod ang kasambahay. Also, kapag wala ang kasambahay, kahit sino sa inyo kayang kaya mag laba.
  • for me no brainer na yung automatic, since wala kaming balak maghire ng kasambahay.. though afford ko magkaron ng helper sa bahay, pero manageable naman samin, since marunong na maghugas ng pinggan yung panganay ko, toka sya for evening dishes, usually i dont eat lunch and dinner so konti lang hugasan.. hahaha

    also in my opinion, tipid ang automatic, since tantyado na nun yung tubig nagagamitin, specially sa frontload.. pwede rin yung alanganin na laba without getting wet..

    pero tanong, saan mo po balak ilagaw ang washing machine, if ilalagay mo sa part ng bahay na possible mabasa, mas ok na siguro ang manual.
  • aladdin20 on 18 Aug 19 @ 02:07 PM #

    @pongscript

    oo wobble tech ito. yung water level, okay naman. yung quality lang talaga ng laba ang diko nagugustuhan, yung dumi kasi halata, dumidikit. oo yung nasa ibabaw parang nandun lang siya sa ibabaw, umiikot ikot lang siya. anong ipinalit mo na brand? iniisip ko kasi kung yung Panasonic na 9kg din.


    Minsan lang ako mag comment dito sa TPC for the past few years pero YES! TAMA parang ianaalog lang ng Samsung wobble ung mga damet very poor cleaning.

    Kaya ako nag samsung dahil ung luma namin samsung washing machine laster 8years and still alive pinalitan lang kasi nag rust na ung baba pero still working.

    3years ago bumili ako ng bagong samsung 7kg woble tech. and ever since yun ang feedback namin sa damet parang di na lalaban mabuti.

    Would you guys recomend LG front load with dryer? ung tipong ang laba is ung laundry sa labas