Forum Topic

DSLR Newbies (limit the pix size to 640 pixels in the long end)

  • @romnick022
    i might not be the best person to answer this since i am not a pro but i have earned a few bucks (online) and meriendas doing photography gigs. here are some of my tips for you, should you wish to take it.
    - build a decent portfolio
    - read/watch tips and tricks
    - share your best photos to sites like 500px and wait for other people's comments, most of the time there are still room for improvement
    - attend photowalks, make friends and learn from them
    - practice, practice, practice

    good luck!
  • @thachad098

    Thank you for the input! Yes of course, i'll take it. Ni wala pa nga kong sariling camera. HAHAHA!
    these are the things na wala ako and very glad i got it from you and from this forum:

    - build a decent portfolio

    yes, I guess I need to create an online folder so pag may na nga ngailangan, ill just send the link.
    attend photowalks

    ano yun? trainings? workshops? ganun ba?
    make friends and learn from them

    i have a lot of friend into photography, its just that they are way far (into photography) than me kaya mejo awkward pagusapan kung wala ka din ako say/pro experiences. But now, that I am going in,
    i think I have this point.

    Thank you so much Sir - !!! +1
  • mga sir, sorry biglang sulpot sa thread, may reco ba kayong Tripod na panregalo in the sub 1,500 php range? I know too cheap pero panregalo lang kasi hehe
  • For a cheap and decent tripod around 2-2k+ siguro sir! Tiyagaan lang maghanap ng mga generic china made. yung 2k na tripod is ballhead with single action tapos center column can do reverse plus the legs can go lower to the ground... pero kung strict sa 1.5k budget baka yung mga typical tripod na pang freebies ang makuha mo not unless meron kang makitang pre-owned na almost brand new na under 1.5-2k price range.

    kung okay lang sayo yung mga tulad na freebies na tripod ang sytle! meron ganun around 1-1.8k pasok sa budget mo! may mga ganun generic tripod sa hidalgo, divisoria, fb or online store... tyagaan lang maghanap...

    Goodluck!
  • is dslr / mirrorless cam photography dead?
  • @laserion

    so hidalgo talaga dapat ang puntahan. Salamat papsi!
  • dito sa pinas, dslr cam photography is pretty uncommon - marami interesado kumuha ng litrato pero walang pambili ng gear kaya kadalasan nauuwi na lang sa pag gamit ng phone cam...
  • sa phone cam kasi convenient and easy to share sa mga social media yung mga pictures and videos...
  • San ako makakamura bumili ng DSLR? Sa online store kasi ng henry's 40k yung d5600 with lens pero sa kims 31.5k lang. mumura pa ba yun pag pumunta ko sa hidalgo? TIA
  • ^pwede ka mag 2nd hand para mas makamura ka lalo.
  • Habol ko kasi yung latest this year para tumagal kahit papano, di ko naman balak ibenta sa future unless kailanganin ng pera.
  • actually, any model can last a long time. Kahit yung mga luma noon pwedeng tumagal basta maalagaan mo lang at hindi mo maibabagsak or what.

    Bibili ka ba pang hobby or para lang may magamit ka na camera?
  • yung features ng latest gen yung habol ko para tumagal yung usabiliity nya. Para maglevel up mga family pics namin, pics ng travel, etc
  • hulaan ko, habol mo yung magkaron ng blurred na background at gumanda ang kuha? pwes, ganito gawin mo, bumili ka ng pinaka-murang dslr na mabibili mo tapos salpakan mo ng 50mm prime lens, ganda yan pang portrait.
  • Feature like what? Yung pag level up ng mga pics nasa indian imho.
  • Lol. Salamat na lang, nagtatanong lang ako sa price kasi di ko alam kung san ako makakamura. Gusto ko lang bumili ng latest na d5x00 para future proof, di ko akalain na imamock nyo pa yung pagbili ko.
  • ang kahit na anong gadget magiging future proof lang depende sa pag gamit at pag alaga mo. Wala yan sa brand o model. Kahit yung mga sobrang mahal na full frame pwedeng topakin kahit pa hindi masyado nagagamit. Kahit tanungan mo pa yung mga professional photographer pre ganyan din ang isasagot nila syo.

    Isipin mo na lang, sige bibili ka ng latest camera model tapos sasamahan mo pa syempre ng accessories. Makakakita ka ngayon ng mga astig na kuha so maeengganyo ka ngayon bumili ng dagdag na lente para magaya mo sila so dagdag gastos na naman. After a while marerealize mo nakatambak na lang at di na nagagamit until unti-unti mag sink in syo yung hinayang sa nagasta mo. Pano ngayon naging future proof yun?

    Ang point ko dito ay bago ka ma-offend sa mga pinapayo syo isipin mo muna maigi para san mo gagamitin yung camera, bakit kelangan mo bumili ng dslr kung yung camera phone eh kayang kaya na rin makakuha ng quality ng litrato na katulad sa dslr?

    -- edited by grayfox17 on Sep 11 2017, 11:28 PM
  • Post deleted #12014710
  • Post deleted #12014711
  • I don't think they are mocking you. Magastos kasi ang photography/videography kaya ka nila pinapayuhan. Iniiwas lang nila kayo sa dagdag gastos na maaaring pagsisihan kinalaunan. They are asking you questions so they can guide you to the right path based on their experiences.

    After a while marerealize mo nakatambak na lang at di na nagagamit until unti-unti mag sink in syo yung hinayang sa nagasta mo. Pano ngayon naging future proof yun?

    Tunay ito. Minsan tatamarin pa magbitbit ng DSLR kasi hassle/dagdag bitbitin pa eh may camera phone naman.

    -- edited by logbi77 on Sep 12 2017, 12:27 AM
  • nagtatanung lang ng tindahan kung san makakamura sa pagbili ng camera kung anu-ano na kasi pinagsasabi nung iba.
    sagutin nyo muna kasi yung tanung nya, tapos saka kayo magbigay ng suggestions..
    mukhang may pambili naman yun tao.
  • ^lol.sorry naman. Get a d7xx series mas future proof kesa d5xxx series.di hamak na mas mat level up din kuha
  • kung ako yan at meron naman talaga ako pambili, hindi na ko magtatanong kung san makakamura, bibili na lang ako...

    Hindi ako ganun katagal nag photography pero ganyan din pinagdaanan ko noon nung nagsisimula ako. Research muna ko ng magagandang gear tapos hanap kung san makakamura kaso halos pare-pareho lang ang mga presyo na nakikita ko hanggang sa no choice pinatos ko na lang kasi nga gusto ko talaga bilhin.

    Karamihan sa mga nagpphotography na nakikita ko bunga lang ng inggit talaga kaya napupunta ang desisyon sa pagbili sa mga latest models sa pag aakalang pag maganda ang gear automatic astig na ang kuha. Maraming beses na nasabi to at uulitin ko lang, wala sa kagamitan ang pag "level up" ng kuha kundi sa sapat na kaalaman ng tamang pagkuha ng litrato. Sumasali ako ng photoshoots dati d40 na nikon lang gamit ko at kit lens pero nakikipag sabayan ako sa mga naka full frame at mas maganda pa mga tira ko.

    Apat na bagay lang kelangan ng isang gumagamit ng camera para gumanda ang mga tira nila:
    - sapat na kaalaman sa tamang exposure (kahit mga camera phone ngayon kaya nang mag manual)
    - maayos na lighting
    - matinong lente (kung afford)
    - kakaibang konsepto sa kuha

    Ngayon, ang tanong ko naman, meron ba mali sa mga pinapayo ko?
  • @grayfox, dami mong sinabi pero di mo pa din nasagot yung tanong ko. Napagdesisyonan na namin na kelangan namin ng stand-alone na camera. Di naman kami basta-basta bibili kaya nireresearch namin san ok bumili. Dami mong payo pero di naman ako humihingi ng payo sa ganun e, di mo naman alam background ko.

    Edit: anyway salamat na nga lang, nakabili na kami.

    -- edited by jkfl on Sep 12 2017, 05:51 PM
  • Kaya ka nga pinapayuhan para maging gabay mo rin sa tamang pagbili at maging daan para matuto ka din ng tamang pag gamit nyan. Buti sana kung murang pagbibilhan lang tinatanong mo kaso humirit ka pa na kesyo gusto mo mag level up ng tira at "future proof". Syempre sinang-ayon ko lang yung sagot ko sa tanong mo. Hindi mo man narerealize ngayon yung mga pinapayo namin pero kalaunan maiisip mo din yan.

    Alalahanin mo dito ka pa nagtanong sa newbies thread, natural makakatanggap ka ng mga ganyang payo. Subukan mo mag tanong ng ganyan sa mga photography groups tingnan ko lang kung hindi mas matinding comment ang mabasa mo. Kaya kung interesado ka gumanda ang mga kuha mo sa pag gamit ng camera, masanay ka na makatanggap ng mga ganitong suhestyon at dapat maging open ka sa mga pinapayo syo para maintindihan mo.

    Pano ka gagaling kung advice lang eh iba na ang dating syo?

    -- edited by grayfox17 on Sep 12 2017, 06:22 PM
  • Tama na yan hehe. Nakabili na siya. Let him enjoy his new camera now :)
  • ^yeah, let's have him his fun ... for now. :)
  • ^
    I agree with grayfox17..
    if you feel the calling for DSLR photography, take the risks for constructive criticism, otherwise use your phone camera instead..
    lahat ng newbies dumaan diyan..

    anyways, any recommended lens for 7D 1st Gen for Sports Photography? yung budget meal lang :)
  • ^for action shots go for zoom... cant go wrong with that. Pinaka murang nakikita ko is yung tamron 70-300. Pero kung di muna kaya tyaga muna sa kit lens tapos daanin na lang sa burst at panning hehe...
  • Congrats! Enjoy your cam.