Forum Topic

Car Mechanics (Got car problems? We're here)

  • Last month lang ako nagpalinis ng evaporator. Kasama ung sa refill ng freon. Chineck nga nila kung may tagas wala naman kahit sa evap.
  • di na nagpaparamdam si idol pcruztemp at dm tsaka si boss circuit . . . busy ata

    bakit ba panay sira at gawa ng mga kalsada sa pinas, ganyan ba kabulok materyales na ginagamit?

    samin yung aspalto umaalon dami ng nadisgrasyang nakasingle na motor

    inamo gob!

  • bakit ba panay sira at gawa ng mga kalsada sa pinas, ganyan ba kabulok materyales na ginagamit?


    kaya panay sira ang kalsada dito sa pinas dahil hindi ito design para sa mga heavy loaded trucks kagaya ng 14 wheelers. 18 wheelers, 24 wheelers at 26 wheelers kaya ung cemento ay nabibiyak at ung asphalt naman ay na dedepress. kung sa rainy season naman na wawash-out ang asphalt. dagdagan pa nang pangit na quality cemento at asphalt kaya resulta lagi sira ang daan.
  • loser talaga china tires,umooblong kagad

    nakagamit ako ng Westlake for 4 years. wala namang issues
  • ^not convinced yet bro

    pero pag wala talagang budget, alam na this
  • hehe good batch siguro. depende rin sa way of driving and roads taken. nakagamit nako ng gajah tunggal, nanking, yokohama, westlake. no issues. i guess i'm lucky with tires haha.
  • ang gamit ko sa 97' City ko westlake pero hindi ko pinatagal nang 2 years ung gulong pinalitan ko agad ng Michelin. ang napansin ko sa westlake/china tires maiingay manakbo/maugong. sa 95' Nissan Patrol ko naman Yokohama at Gajah Tunggal ang dating gamit ko so far no issue pero ngayon nag palit ako ng 2 Rear tire sinubukan ko naman ang Dunlop.
  • Honda CRV 2003 MT model.

    Nag byahe ako from Marikina to camiling tarlac. Along the way biglang nawala ang lamig ng aircon.
    Kahit itodo ay wala pa rin lamig as in halos hangin na lang ang ibinubuga.

    ano po kaya ang sira?

    tia!
  • Honda City 1997 AT model.

    ginamit kanina ni utol papunta binondo nung papauuwi na raw sila bigla nlng namatay ung makina nung pinaandar nila umaandar naman daw agad.

    ano kaya ang cause nung pag stall nang engine at ano dapat ipacheck-up ko

    -- edited by Bringer24 on Feb 13 2016, 05:37 PM
  • @flashroiem malamang sumingaw yung freon nyan kung may hangin pero walang lamig, pakiramdaman mo din kung umaandar ang compressor pag on mo ng aircon.
  • @metallicats

    boss paano malalaman kung umaandar ang compressor? any idea how much magpa refill ng
    ng freon?

    sorry total noob.
    tia!
  • @flashroiem maririnig at mararamdaman mo yan kse mag iiba tunog ng makina pag on mo ng aircon pag bihay ang compressor mo. Parang yung tunog ng ref. Kung ok yung compressor malamang baka sumingaw freon. Iba iba presyo depende sa freon, yung pajero ko 800 huling pakarga ko ng freon, wala pa yung parts dun kse may hininang na tube.
  • gajah tunggal, nanking, yokohama, westlake


    gajah is indonesian kung di ako nagkakamali..... nankang is taiwanese.... yokohama philippines ata...... westlake is mainland china pero ito pinaka kilala sa mga mainland tire brands.....

    pag kumuha ka ng di kilalang brand, dyan unknown factor...... at mas kakaba kaba sa long drive..... lahat yang mga namention is mga kilalang brands kaya mas maganda quality nila kesa dun sa di kilala......
  • Maganda din ang Goodyear wrangler AT, 8.5k each. 4 years ko na gamit sa Pajero ko makapal pa din at hindi na oblong kahit nung minsan nalubak ako ng matindi. Dati kasi Pirelli scorpion ginamit ko na oblong yung isang gulong.
  • nakagamit na ako ng nankang ns2 dati sa sentra ko, ang ingay kapag nananakbo. naglalaban sila ng ingay ng muffler ko. hehe. iba kasi style ng guhit niya kaya siguro ganun. ngayon sa honda city ko gamit ko yung Yokohama tapos sa reserba michellin naman.

    sa rav 4 ko naman gamit ko is bridgestone dueler. 8.5k din per piece.
  • Mga sir, good morning. Tanong ko lang kung normal po yung takbo ng matic na oto ko mazda 1999 familla. 2nd hand ko lang nabili at first time ko gumamit ng matic. Napansin ko lang na ang tagal nya bumabad sa 60kph. D ko sure kung anung gear nya. Yung huli ko kasi ni drive ang bilis mag 80kph sa 3rd gear. Parang nababagalan ako sa matic. Kaya sa slex hirap ko maabot speed limit. May chance pa po ba pabilisin to? Salamat po sa sasagot.


    Noob here

    -- edited by annavas on Feb 14 2016, 08:07 AM
  • @annavas

    Typically pag abot ng mga 60kph papasok na yan sa 3rd gear hanggang mga 80+kph tapos papalo na yung 4thgear/overdrive. Yan eh kung 4speed automatic transmission. Kung babad sa 60kph tapos mataas na rpm mo baka hindi kumakagat yung 3rd gear. Nararamdaman mo ba yung overdrive pag nasa 80+ ka na?
  • sir metallicats. oo sir nararamdaman ko kumakalma din naman yung sasakyan pag ganun na alam ko na nag switch na sa higher gear. nagiging 80kph naman po. pero nag aalala ako kasi magagalit muna ng todo makina bago mag palit e. parang lumalampas ng 6k ung rev. nasanay kasi ako sa manual. oo sir hangang 4 lang gear nya.

    -- edited by annavas on Feb 14 2016, 08:49 AM
  • @annavas

    Check mo muna transmission fluid mo baka wala na. Kung ok naman ang level at kulay baka dumudulas na yung transmission, yan yung sabi sakin ng mekaniko ko dati. Yung luma kong sentra nagkaganyan din dati 94 model. May pinalitan na plate sa transmission di ko na matandaan kung ano. Pa check mo na sa mekaniko, from experience lang mapapayo ko sayo since di naman ako mekaniko.
  • @metallicats. Kaka check ki lang ng ATF okay naman. Mukang dun nga sa sunasabi ming plate. Natatandaan mo pa sir kung magkano binayaran mo dun? Para maka prepare ako. Thanks dude.
  • nag discharge nanaman ang Car Battery ng 95' Nissan Patrol mukhang may grounded tlaga ito iniwan ni utol ung sasakyan nya dito sa bahay 8AM kahapon kasi ung 97' City ang ginamit nila papunta binondo nung bumalik sila nang 4pm kahapon di na nag start ung sasakyan nya.

    bumili na kami ng Car Battery Charger.


  • nakagamit na ako ng nankang ns2 dati sa sentra ko, ang ingay kapag nananakbo. naglalaban sila ng ingay ng muffler ko. hehe. iba kasi style ng guhit niya kaya siguro ganun. ngayon sa honda city ko gamit ko yung Yokohama tapos sa reserba michellin naman.

    maingay nga yan. pati westlake haha. ~4 years ang gamit ko sa kanila. yung bago gamit ko oem na bridgestone ecopia, super tahimik. para kang lumulutang. pero lutang din daw presyo haha
  • Napansin ko lang na ang tagal nya bumabad sa 60kph.

    baka naka OFF ang OD switch, kung meron man yan.
  • tinatry ko kabit un nabiling kong clutch magnet, hindi kasya yun socket wrench ko na 10mm, un pagitan nya sa face ng clutch magnet sa body parang 1inch lang, meron kaya socket na papasok doon?

    thanks
  • Meron po ba ditong mekaniko?
  • si bringer mekaniko yan. hahaha
  • Ayun.. thanks sir.. PM ko siya.. :)
  • dameng may issue sa AC ah,

    makikisabay na rin ako,

    Kagabi lang while driving home, nawala ang lamig, nung nakapila na ko sa tollgate ng c5 pa slex, sinubukan ko on/off yung AC switch, bumalik yung lamig nya, tapos nung umandar na ulit, a few minutes lang nawala na naman yung lamig.

    so pinatay ko na yung AC along the way, then pag garahe ko sa bahay, turn on ko yung AC, malamig na naman.

    ang labo, usually yung mga naririnig ko na case, nawawala ang lamig kapag nakahinto or stuck sa traffic, tapos babalik ang lamig pag umarangkada na, saken baliktad.

    kaka pa service ko lang ng AC ko last october.
  • @jrcutepogi - try mo ipost problema mo baka may makasagot (try ko din kung alam ko).
  • Now ko lang na-picture-an sa car. 3-in-1 Car Voltmeter, Thermometer, USB Charger. Ka-start lang ng ACU kaya 29C pa ang naka-display na temperature. With engine ON, battery voltage displays 14.0V to 14.2V which is normal. With engine off and IGN on, I get a reading of 12.0V to 12.2V which is also normal.