Forum Topic

Car Mechanics (Got car problems? We're here)

  • Question lng sa mga magagaling dyan sa mags. Gusto ko sana magpalit ng mags pero gagamitin ko pa rin yung stock tires ko para makatipid. Pwede ba ang 185x55x16 tires sa 16x8 na mags? Pang stance ang gusto ko kaya ok lng sa akin ang stretch na tires pero ayaw ko naman yung OA na stretch, baby stretch lng pwede na. Kung hindi pwede yung tires ko, ano dapat ang size na bilhin ko para mag baby stretch sa 16x8 na mags?

    TY.
  • Question mga sir, bibili sana ako ng jumper cable/pang series, napadaan ako sa blade kahapon, then yung nakita ko is booster cable, parehas lang ba yun? saka para saan yung mga sukat? meron 600amps, 200amps, etc etc.

    paano ko malalaman kung ano ang pwede sa kotse ko? di na ko nakapagtanong sa store attendant kasi nagmamadali si kumander.
  • DIY ka na lang or let someone custom made you one, pangit yung mga mura na ready made.

    Yung "200 AMP" jumper cable ko from Ace, after being unused for a year or two, nung kinaliangan na ulit eh saka naman naputol.. Very thin wires, makapal lang yung plastic - mas maliit pa ata sa guage 8. Halos parehas lang nung "400 AMP" and similar.

    Bought 10m of gauge 8 wire from an auto supply and Panther clamps, then I soldered them.
  • bumili ako ng "100 A" jumper cable daw..... sows.... yung wire mas mataba pa yung OOO na power wire ng 1000W amp.... di kayang mag paandar ng makina....

    ginawa ko was bumili pa ako ng 4 meters ng 2/0 na welding cable at kinabit ko dito bago siya nakapag paaandar ng makina.....

    ginamit ko yung orig clips ng jumper cable na nabili ko pero may extra pa siyang unused na kabitan ng wire.... dito ko kinabit yung welding cable tapos pinutol ko yung ubod na nipis na orig wire niya....

    tinest ko dito sa kotse ko.... napaandar niya makina ko....

    -- edited by redwing0001 on May 02 2016, 09:00 AM
  • @ParticleX, @redwing0001,

    naku, di pala reliable yung mga ready-made no?

    try ko mag pa DIY sa kakilala kong electrician. Kailangan ko pa naman,

    Last time na kinailangan kong mag pa-series, walang available na jumper cable, so kinalas ko pa yung battery nung donor car tapos ni-tap ko sa battery ko gamit ang dalawang mahabang wrench.
  • nope.... di reliable yang mga yan.....

    kung mag DIY ka, hahanap ka ng malalaking copper alligator clips na kasya sa battery cable then at least 2/0 na welding wire ( min 1 meter each, preferred 2 meters).....

    yung welding cable mga 400 (4 meters kuha ko) na agad yan.... ewan ko lang yung presyo ng malalaking clips na copper (recommended).....

    -- edited by redwing0001 on May 02 2016, 09:29 AM
  • nope.... di reliable yang mga yan.....

    kung mag DIY ka, hahanap ka ng malalaking copper alligator clips na kasya sa battery cable then at least 2/0 na welding wire ( min 1 meter each, preferred 2 meters).....

    yung welding cable mga 400 (4 meters kuha ko) na agad yan.... ewan ko lang yung presyo ng malalaking clips na copper (recommended).....


    Thanks sa inputs sir, available ba sa ace/handyman yang mga nabanggit mo? ok lang naman gumastos, as long as sigurado tayo na reliable ang item. :)
  • guys pa help naman

    paano ba irepair cheaply ang rubber sa ibabaw ng sedan.

    tumutulo sa loob

    napalitan ko na ang weather strip sa may pinto kasi hindi pala dun ang problem.
    Thank you in advance
  • Thanks sa inputs sir, available ba sa ace/handyman yang mga nabanggit mo? ok lang naman gumastos, as long as sigurado tayo na reliable ang item. :)


    industrial hardware stores yan, wala niyan sa ace..... kung malapit ka sa cubao, sa aurora corner EDSA side ng MWSS, marami mga hardware dun..... or dun sa industrial store na katabit ng BDO malapit sa mercury sa aurora..... kalimutan ko yung name nun, e...
  • or dun sa industrial store na katabit ng BDO malapit sa mercury sa aurora..... kalimutan ko yung name nun, e...


    Avesco. Tagal na yan store dyan 1970s pa. Electrical supplies ang expertise nila.
  • @redwing0001

    thanks sir, malayo saken, try ko maghanap dito sa bandang south/laguna/muntinlupa area.
  • try mo magtanong sa mga malalaking hardware stores dyan kung meron sila nung clip na malalaki.... welding cable kalimitan meron dyan.....
  • ano ba balak ng LTO sa binayarang euro plates na tig 400?

    sana aksyunan kagad to ng susunod na administrasyon

    tapos magrerenew pako ng lisensya eh gipit daw LTO sa mga plastic card ids.


    ********* abaya!

    -- edited by mastercritic82 on May 02 2016, 06:00 PM

    Mod note:
    Bro we are all upset about this, but please refrain from cursing. Thanks


    -- edited by ninjababez on May 03 2016, 11:32 AM
  • :(
  • Hindi ka nag-iisa bro master. Wala pa rin plaka ng karamihan sa atin. Wala kasing napaparusahan na may pakana nito eh. Illegal nga ginawa ng LTO sa pilit na pagpapalit ng plaka dahil hindi naman depektibo or loss plate natin. Kung gusto nilang palitan dapat libre na ng gobyerno yan. May nakinabang sa bawat 400 na sapilitang new plates fee na binayaran natin. Mga buwaya at bulok na gobyerno kaya ayan resulta, kurakot! Dapat pa imbestigahan yan at makulong yun may sala. Kung sa ibang bansa yan walang lusot bitay na yan! Kaya madaming abuso kasi nakakalusot lang mga kurakot kaya tuloy pa rin ligaya nila. Habang taong bayan nagdurusa. Ibalik na dapat death penalty para matakot na masasamang loob. Mga bwiset sila bitayin na mga yan!
  • ano ba balak ng LTO sa binayarang euro plates na tig 400?

    sana aksyunan kagad to ng susunod na administrasyon

    tapos magrerenew pako ng lisensya eh gipit daw LTO sa mga plastic card ids.


    ********* abaya!


    hindi ka nag iisa bossing doon kay 97' City until now pala ung plaka at sticker. doon naman sa Altis may sticker nga at plaka. nababakbak naman ung sticker sa windshield hindi pa namin pwede tanggalin dahil 2017 pa ang next registration ni ALTIS.

    kaya this 2016 election wala ako iboboto na taga dilaw (Liberal Party)




    -- edited by Bringer24 on May 05 2016, 12:56 PM
  • nope.... di reliable yang mga yan.....

    kung mag DIY ka, hahanap ka ng malalaking copper alligator clips na kasya sa battery cable then at least 2/0 na welding wire ( min 1 meter each, preferred 2 meters).....

    yung welding cable mga 400 (4 meters kuha ko) na agad yan.... ewan ko lang yung presyo ng malalaking clips na copper (recommended).....


    Thanks sa info idol.
    Balak ko din bumili pang series. buti na lang di ko kinuha ung nasa concorde / blade nun isang araw haha.
  • basta manipis sa 3/8 inch ang wire ng booster cable, asahan mo di nito kaya 200amps...... yung nakakabit sa booster cable ko dati baka nga #10 automotive wire lang, e.... ang kapal pa ng balat.... kahit yung pinakitang "200 amps" daw kuno na booster cable sa akin bago ko binili yung welding cable duda ako na kaya nito 200 amps.... ang nipis pa rin nung wire, e.....

    nung kinabit ko yung 2/0 welding cable dito sa clamps ko, tamang tama lang yung diameter ng wire dun sa pang ipit ng wire sa clip..... di na siya kasya pag sinama mo yung balat..... ganito siya kataba.

    and, rated itong 2/0 welding wire na ito to 400amps up to 50 ft long according to the welding sites....
  • Depende sa length ng jumper cable na gagawin nyo yung need nyong wire thickness.

    2 meter cable = 6.7 feet
    3 meter cable = 9.8 feet

    Wire Gauge Selection 12V Circuit

    Length of Wire & Gauge for 200 Amps

    3 feet = Gauge 10
    5-7 feet = Gauge 8
    10 feet = Gauge 6
    15-20 feet = Gauge 4
    25 feet = Gauge 2

    Length of Wire & Gauge for 400 Amps

    3 feet = Gauge 7
    5-7 feet = Gauge 5
    10 feet = Gauge 3
    15-20 feet = Gauge 1
    25 feet = Gauge 2/0

    -- edited by dm1179 on May 05 2016, 08:40 PM
  • Depende sa length ng jumper cable na gagawin nyo yung need nyong wire thickness.

    2 meter cable = 6.7 feet
    3 meter cable = 9.8 feet

    Wire Gauge Selection 12V Circuit

    Length of Wire & Gauge for 200 Amps

    3 feet = Gauge 10
    5-7 feet = Gauge 8
    10 feet = Gauge 6
    15-20 feet = Gauge 4
    25 feet = Gauge 2

    Length of Wire & Gauge for 400 Amps

    3 feet = Gauge 7
    5-7 feet = Gauge 5
    10 feet = Gauge 3
    15-20 feet = Gauge 1
    25 feet = Gauge 2/0


    bro is this accurate? add natin sa 101 thread ;)
  • bro is this accurate? add natin sa 101 thread ;)


    Yup. Sige, add natin.
  • ah..... those gauges are debatable, especially the ones for 400 amps.... basta ako overkill parati to be on the safe side.....

    mahal syempre..... pero alam ko what I did works....

  • Length of Wire & Gauge for 200 Amps

    3 feet = Gauge 10
    5-7 feet = Gauge 8
    10 feet = Gauge 6
    15-20 feet = Gauge 4
    25 feet = Gauge 2


    Kung mag DIY ako ng 2 meters na pang series ang kelangan kong bilhin ay:
    4 meters na wielding cable na gauge 8
    4 pcs copper alligator clips(big)

    meron pa ba akong kelangan bilhin mga sir?
  • yan lang essentially..... make sure na yung clips na yan pure copper.... hanap ka nung highest quality na clamps.....

    I say clamps, kasi kelangan mo gamitin yung malalaki na copper clamps, di na ata clips tawag dun sa ganun kalaki....

    ang pagkabit ng wire sa clamp, para din ginagawa sa terminal..... malaki lang yung clip at wire.
  • Kung mag DIY ako ng 2 meters na pang series ang kelangan kong bilhin ay:
    4 meters na wielding cable na gauge 8
    4 pcs copper alligator clips(big)

    meron pa ba akong kelangan bilhin mga sir?


    Depends sa bibilhin mong clip. Baka need mo ng solder. Or metal ring/lug tulad dito.


  • magandang gabi po... patulong naman mga sir. oto ko Toyota corolla year 89 4af 16 valve engine.
    eto mga problema: nagbabawas ng tubig dati, mahinang bumatak at maitim na usok.
    ang 60kph ko umaabot ng 2000rpm.. dati ng maayos pa to nasa 1500 rpm lang ang 60kph at 3500rpm ang 140kph (bagong palit ang clutch parts ko)

    pina top overhaul ko na -palit cylinder head gasket, oil seals, spark plug, cylinder head machine shop reface, replaced valve seals, changed oil.

    eto ngayon, naging ok na yung rad nya, hindi na gaano nagbabawas ng tubig aT wala ng bulwak sa rad
    pero maitim pa rin ang usok at hindi pa rin maganda ang idle. napalinisan ko na rin ang carb.
    regarding sa hatak, ganun pa rin, mahina pa rin nasa 2000rpm ang 60kph. hindi ko pa ibinibirit kasi nasa 200kms pa lang ang tinatakbo neto binebreak-in ko pa,.

    ano pa kayang maaring cause ng problem ng oto ko? maari bang sira na ang cylinder head or fuel pump or carb?
    maraming salamat sa makakasagot,. :)
  • napatono mo na ba yung carb? iba ang linis sa pag tono ng carb... pag mali ang tono niyan, yan ang pedeng mangyari....

    mahina hatak kahit kaka overhaul palang, pedeng magmula sa too rich condition ng jets dun.... dami pedeng pagmulan ng mahinang hatak ng makina...

    kadalasan improper carb tuning ang dahilan nito kaya ganyan..... top overhaul lang nag break in ka pa?

    general overhaul lang ginagawa ang break in runs..... top overhaul lang yan unless pinapalitan mo rin yung piston rings mo..... then break in ka nga niyan.

    I suggest mag hanap ka ng isang shop na carb ang specialization.... katulad ng D&DL sa kamuning at meron pa isang halos katapat nito..... na nakalimutan ko naman ang pangalan..... katabi ito ng isang muffler shop.... at tapat at malapit sa shop na nag aayos ng vintage cars sa may Judge jimenez cor kamuning.....

    patingin mo sa mga ganyan shop kung tama yung pag ka linis.... o may kelangan ayusin dyan.... pero since matanda na rin ang carb mo, pedeng dahil sa matanda na yung carb..... baka kelangan na palitan ng either recon or brand new.....

    baka marami na vacuum leaks o maraming bara na di makuha sa babad..... pag nagbara ang daanan ng hanging sa carb, puro gasolina lang pupunta sa makina mali na yung mixture setting niya at that particular rpm.....
  • @topher0415 - dagdagan ko lang yung mga sinabi ni redwing, baka wala rin sa tama ang ignition timing mo, at kung naghalo ang langis at tubig dati pachange oil mo na din.
  • yan din pala.... ignition timing...... saka, patingin mo na rin yung distributor kung gumagalaw pa yung counterweights nito.....

    pag tanggal mo ng distributor cap, ikutin mo ng bahagya yung rotor na red, pag umikot at bumalik ok yan.... pag hindi umiikot o maganit ikutin o ayaw bumalik, kelangan linisin yung loob nito para gumagalaw ulit yan......

    dapat pag nag timing ka using timing light at mag rev ka, yung makikita mong pointer sa crank pulley uurong ng hanggang mga 20 deg siguro, ngayon pag bitaw mo ng throttle cable, babalik ito sa 10 deg, dapat hindi biglaan.... makikita mo na sasabay sa rpm ng makina yung pag balik ng pointer sa crank pulley....

    pag gagalaw pero biglaan tapos babalik uli ng biglaan, stuck up yung distributor spark advance, kelangan linisin yan para gumalaw uli siya.

    ngayon, pag ayaw talaga gumalaw ng pointer (stuck up ang centrifugal advance) or gumagalaw yung pointer pero mabagal ang galaw pag rev mo, may sira yung vacuum spark advance ng distributor mo o hindi gumagana yung vacuum na galing sa carb (baka mali yung kabit o hindi kinabit)..... pag rev, medyo mabilis dapat ang urong ng pointer tapos mabagal na babalik siya sa dati niyang position....

    -- edited by redwing0001 on May 07 2016, 12:25 AM
  • Post deleted #11658534