Forum Topic

Car Mechanics (Got car problems? We're here)

  • Mga car Guru pa gulong naman.toyota vios 2008 model.ano problem kung delayed reaction pag aapakan mo gas pedal? TIA!
  • normal yan sa drive by wire..... wala yan accelerator cable at ecu nag ko control ng throttle mo instead of a cable.
  • mga master, patulong nman po, possible po ba may tagas ang radiator kung kaka-start lang eh naubos na nya yung reserve coolant?
    as in nasisimot po eh, ayun tuloy kada gamit refill ng coolant, napakamahal pa naman ng coolant
  • pede meron tagas.... check mo kung may tulo sa ilalim ng engine bay.... pag may tulo dyan mo makikita kung saan galing ang tulo.
  • paoverhaul mo radiator mo para mahanap yun tagas. dun ka sa mga nagaayos ng radiator ng jeep na laging nasa traffic. mauubos lang pera mo sa coolant. ganyan akin dati. kapag mga 5+ yrs na radiator mo at palagi city driving. sulit ka na magpalit ng bago.
  • Mga boss. Innova 15 model naubusan ng washer fluid. Pwede ba lagyan to ng kahit anong hardware bought washer fluid or dapat toyota lang
  • Tas ano kaya dapat ko iadjust. When driving pag umuulan with AC on parang nagfofog from the outside yung windshield and back mirror. Naalis pag wiper pero nakakairita minsan

    23deg ang aircon temp.
  • ^ nangyayari ata yan kapag ang buga ng AC ay direct sa window glass. Ganyan sa akin kasi kaya lang kotse..that proves na malakas ang AC mo hehe, pwede din taasan mo ang temp
  • Nagmomoist na sa lamig means maganda buga ng AC. Taasan lang temp or fan lang muna.
  • kung nasa loob ang moist it means malamig sa labas and mainit sa loob (turn on AC) pag nasa labas ang moist it means malamig sa loob kesa sa labas (turn down AC)
  • @armand06

    yes ganyan sa DBW, nanibago rin ako ng una pero sanayan lang yan.
  • Mga boss. Innova 15 model naubusan ng washer fluid. Pwede ba lagyan to ng kahit anong hardware bought washer fluid or dapat toyota lang


    Distilled water lang ginagamit ko sa washer. Up to you if you want to buy washer fluid. Kahit anong brand naman pwede. That is not critical.
  • Ako faucet water lang at a few drops ng favorite kong car wash shampoo. Solved.
  • Post deleted #11747444
  • Mga sir pahelp ako, may alam ba kayong remedyo sa stuck na 2nd row seat ng avanza 2012? Nafofold lang ung sandalan pero di na tumataas ung upuan. Salamat mga sir.
  • Share lang mga masters, ano masasabi niyo dito?? if ever man na efficient talaga ito sana pwedeng gawin sa lahat ng car brands at mga pampaserong sasakyan na din para everybody happy :)

    <click here for link>
  • snake oil.... para yang caos dati.. na kinakabit sa hydrovac line going to the engine.....
  • may number coding po ba bukas?
  • walang coding sir bukas.
  • @boss jhongski salamat po sir sa quick reply... you da man
  • ok lang ba magkakaiba size ng gulong, like 185 65 15 rear tapos 175 65 15 sa front?

    <click here for link>


    Diameter inches (mm) 23.74 (603) 23.96 (608.5) 0.22 (5.5) 0.9%
    Width inches (mm) 7.28 (185) 6.89 (175) -0.39 (-10) -5.4%
    Circum. inches (mm) 74.58 (1894.38) 75.26 (1911.66) 0.68 (17.28) 0.9%
    Sidewall Height inches (mm) 4.37 (111) 4.48 (113.75) 0.11 (2.75) 2.5%
    Revolutions per mile (km) 849.54 (527.88) 841.86 (523.1) -7.68 (-4.77) -0.9%



    nabasa ko lang kasi online na circumference as long as it does not exceed 3% is OK.
  • lagay mo yung wider sa front...... power and steering is done at the front kaya mas crucial ang gulong mo sa harap ay yung mas grippier or wider.

    the muscle car look does not apply to front wheel drive cars.... kaya karamihan ng mga FWD na kotse pantay ang gulong harap man o likod.
  • @redwing0001
    if you click the link bro, di naman obvious na malaki yung 2 wheels sa rear na ikakabit ko.
    but i would like to buy a not so expensive tires for the rear, then yokohama fronts 185 60 15. ^_^
    iniisip ko lang roadwise, safe ba sya?
  • no problem sa road safety basta ok pa yung gulong, no problems I can think off other than visual pero kung ok lang sa iyo yan, should be no problems with that setup.

    pero remember na speed reading is taken from the front tires, not the rear..... the car assumes it is running factory sized tires kaya if you put smaller or bigger than factory sized tires, speed will be different as well.

    same with distance reading.

    kung bibili ka rin ng gulong, buy a set of 4 na.... same make and model para in the long run, they all wear down at the same rate.... taon ka na magpapalit ng gulong uli.

    wag ka gagaya dun sa mga taxi drivers na pa isa isa or dalawa kung bumili tapos palit naman ng palit ng gulong dahil parati may nauunang naubos.....

    -- edited by redwing0001 on Aug 28 2016, 05:49 PM
  • kung bibili ka rin ng gulong, buy a set of 4 na.... same make and model para in the long run, they all wear down at the same rate.... taon ka na magpapalit ng gulong uli.
    dito sa vios bro, in ratio i think makaka 3 palit nako sa fronts, bago pumantay sa rear. though pwede naman rotate yung tires. di ko kasi kaya isang bagsak yung 4 na gulong, ang kaso yung rear tires talagang palitin na.
  • yan problem ng front wheel drive, e...... mas mabigat ang front kesa rear kaya mas madalas ka magpapalit unless irotate mo yan, rear to front and vice versa lang..... keep left to left, right to right.
  • paps i have a stock 2016 vios e, plan ko sana palitan ung headlight ko at lagyan ng universal projector HID at angel eyes worth 5.5k, mas maganda kaya light output nun compared to Philips Xtreme + 130% na halogen? bali same casing ang gagamitin ung isa lalagyan ng projector kit or ung halogan bulb nalang ng philips?
  • Post deleted #11750255
  • paps i have a stock 2016 vios e, plan ko sana palitan ung headlight ko at lagyan ng universal projector HID at angel eyes worth 5.5k, mas maganda kaya light output nun compared to Philips Xtreme + 130% na halogen? bali same casing ang gagamitin ung isa lalagyan ng projector kit or ung halogan bulb nalang ng philips?


    ah bago kotse mo under warranty pa yan.... void warranty niyan pag binago mo kahit headlight lang.....

    ito gamit ko ngayon sa big body ko..... ang kinuha ko is morimoto mini ata yun... 2.5inch siya at ito lang kasya sa headlight ng big body pero light output far surpasses ANY halogen, basta projector at 4300K color temp ng bulbs and properly aimed. Ito ang same na kulay ng halogen light output kaya parang walang pinagkaiba, yun lang mas maliwanag sa gabi.

    Wala talagang panama ang halogen sa HID projector kahit projector style reflector lens pa gamitin nila basta tama ang gawa.... the best halogen bulbs can give you around 800 lumens at low beam and a further 1100 lumens at high beam.... HID gives up to 3000 lumens.... ngayon ang kinuha ko was HID projector lo/hi kaya one bulb lang gamit. ISang kit ito that retrofits to your existing headlight wiring.... lahat ng kelangan meron na dapat sa kit na yan.

    be a responsible driver at wag ka kukuha ng HID telescopic na H4 retrofit.... nakakasilaw lang yan sa oncoming cars.... mas maganda pa ang HID projector conversion sa headlight mo basta tama ang color temp ng bulb na gagamitin.

    Ang issue lang parati yung pagbalik ng lens na di nag momoist sa loob..... at yung pag flash mo ng high beam pag naka off ang headlight.... almost none existent siya kasi slow turn on ang HID, abot 1 minute bago ma achieve ang true brightness niya, unless meron ka naka parallel na LED fog lights sa high beam para for flashing purposes kasi nga di masyado nakakasilaw ang projector.... yung silaw naman ng high ang kelangan mo para mapansin ka ng oncoming cars pag nag high beam ka.

    -- edited by redwing0001 on Aug 30 2016, 08:20 PM
  • Post deleted #11750272