Forum Topic

Car Mechanics (Got car problems? We're here)

  • Mga sirs, maiba ako konti. Local brand ba ang Lightning Lab speakers?

    Planning to add sub ako. JBL at Pioneer yung sureball brands pero may mga nagsusuggest ng Lightning Lab at Category 7.

    Ano mga opinions niyo paps?
  • ^Lightning Lab is generic brand. Rebranded from China. It is like Konzert and CD-R King.
  • Ah, kaya pala wala akong makitang website nila. Pero between LL and Kicker na narinig ko, malakas yung LL by a mile.

    So, JBL GT5 and Pioneer TS-W311D4 are my best bets?
  • magkano yung dremel sa raon sir Ninja/ Red?


    yang mga rotary tool na yan sa raon mga 800 to 1500 kaso duda na ako kung tatagal ang speed control niyan... katulad nung nangyari sa unit ni ninja at yung bili ko sa deeco...

    bibili kasi ako dapat sa True Value na worth 2.5k - 3k, namamahalan ako kasi bihira ko lang magagamit


    pede na yan basta genuine branded ang kunin mo... sa araneta ave meron din nagbebenta ng dremel brand... alam ko genuine din ang benta nila at mga ganyan din ang pricing pero daming pag pipilian at dami nilang accessories para dyan... name ng store is Panda construction.... search niyo na lang kay google.

    ok sir redwing..hanain ko na lang ulet yung totoong cause bakit aq may nakikitang oil sa ilalim ng fuel pump na yan..thanks


    kung oil ang lumalabas mula sa ilalim ng fuel pump pede nga na gasket ang problema niyan.... pede ka gumawa mula sa nabibiling gasket paper sa auto supply stores or hanap ka kung may available silang ready made....

    check mo rin kung baka galing sa valve cover mo yung oil... baka valve cover naman ang nalileak.

    -- edited by redwing0001 on Jan 23 2017, 11:23 AM
  • sino may phone number ng toyorama sa banawe? meron kaya dun coolant reservoir ng fx?

    tsaka may paraan ba para malaman kung pasira na yung thermostat? o bigla nalang masisira yun? hehe
  • Ah, kaya pala wala akong makitang website nila. Pero between LL and Kicker na narinig ko, malakas yung LL by a mile.


    Pwedeng mas malakas pero how about sound quality? Kung okay sa'yo ang tunog eh wala naman masama sa LL. Ikaw naman ang makikinig dyan.

    So, JBL GT5 and Pioneer TS-W311D4 are my best bets?


    Pioneer TSW311D4 has good reviews in Amazon. 4.3 out of 5 stars. 46 users.
  • ^ pag audiophile yang gagamit eh iiwas sila diyan
  • Ano pinag iba ng switch and toggle?
    Sakin kasi iikot mo lang dun mismo sa 1/2 square socket.
    Btw may nakita ako 1.3k creston 72 teeth daw, tapos may kasama na extender, and socket from 9-23 or 24 ba. Sulit na ba ito? Also plano ko pa item change nalang yun nabili ko kahapon ng breaker bar para pang change tire. Whatchathink mga bros?
  • Lightning lab amp may noise. THD nya di maganda, PERO naayos ng magaling na installer like simplesound.
    Nakarinig na ako ng lightning lab na maganda pagkaka setup, di sya impressive PERO maganda tumunog considering the price he paid. IIRC wala pa yata 20k kasama sound insulation.
  • @ninja

    Oks naman ang Creston, most ng wrenches and drivers ko ganyan pero wala pa namang bumigay, laking price diff kasi compared sa Stanley

    @red

    Thanks sa feedback re price ng dremel. Kung aabutin din ng 1.5k, mag legit na lang ako
  • @mixmasta

    Basta maganda ang setup ng box & amplifier pwede na yung LL. Since hindi naman Full Range Speakers yan, hindi malaki ang impact ng sound quality. I don't know about the reliability though.

    @ninjababez



    Teardrop Ratchet Wrench
    Yung ganyang style may screws for accidental drops as well as user-replaceable ung internals.
    May push button for locking & quick-release ng sockets.
    Marami niyan sa Raon, yung Flyman brand.
  • Ano pinag iba ng switch and toggle?


    ang switch type naman sa likod yung reversing switch, katulad ng bili mo.... di katulad ng toggle type, ang switch type madaling mag loose yang switch na yan sa katagalan, minsan bigla na lang hihiwalay yung switch sa body tapos disassemble na agad, mahirap ibalik.

    may instance na pag nahulog mo may mababasag sa loob tapos bigla na lang hihiwalay... minsan naman sa sobrang gamit, nauupod yung screw or pin niya na nagkekeep ng switch dun sa likod at bigla na lang hihiwalay yan... personal experience ko sa bili kong lotus spark plug ratchet set, ganyan ang ratchet, sa katagalan lumuwag yung switch, bigla na lang nag free wheel.... napabili ako ng toggle type...

    type toggle type yan yung pic sa taas ng post ko... mas matibay yan di hamak kesa switch type....
  • Btw may nakita ako 1.3k creston 72 teeth daw, tapos may kasama na extender, and socket from 9-23 or 24 ba. Sulit na ba ito?


    sa akin kulang yan.... di mo matatanggal ang cv joint nut niyan.... 32mm yun, e.

    Also plano ko pa item change nalang yun nabili ko kahapon ng breaker bar para pang change tire. Whatchathink mga bros?


    pede rin.... ako kumuha ako ng greenfield na 1/2 breaker bar para lang dito sa lugnut ng gulong.... pero may 3/8 ratchet pa rin ako dito sa toolbox ko.
  • Thanks sa tip mga bros!
    I guess ill have it replaced nalang :)
    Kunin ko na creston for minor DIY jobs, di ko muna gastusan ng malaking set pag di ako nagsawa mag diy
  • Kunin ko na creston for minor DIY jobs, di ko muna gastusan ng malaking set pag di ako nagsawa mag diy


    kung mura, e.. tapos bili ka na lang ng extra socket pag kelangan mo na.
  • @ninjababez

    Flyman 1/2" Ratchet Wrench (Raon) - PHP300
    Flyman Combination Wrench 19mm (Raon) - PHP100

    If Japanese/Asian car:
    08mm - 05% of Bolts & Nuts (Interior/Dashboard/Console)
    10mm - 10% of Bolts & Nuts
    12mm - 60% of Bolts & Nuts
    14mm - 10% of Bolts & Nuts
    16mm - 01% Spark Plugs
    17mm - 05% of Bolts & Nuts (Oil Pan Drain Plug, Transmission Filler & Drain Plugs)
    19mm - 05% of Bolts & Nuts (Engine Support & Brackets?)
    24mm - 02% Sensors
    32mm - 02% Axle Nuts

    Ok ka na, pag meron ka nito:
    12, 10, 14, 17, 08mm sizes for sockets (less than PHP100 each depending on size)
    16, 19mm sizes for deep sockets (less than PHP100 each depending on size)
    10, 12, 14mm sizes for combination wrench (less than PHP100 each depending on size)

    Ung iba, buy as needed na lang.
  • mukhang misdiagnosis uli ako ah..... may napanood ako sa YT na 4age floating idle (yung same problem ko) and according to that poster, TPS ang problema dahil ginawa niya the same as me.... tinanggal yung TPS tapos naging smooth and idle....

    pero di ko na papalitan yang lecheng TPS na yan at this week dadating na yung jdm 4afe 3rd gen na pinareserve ko dun sa kakilala kong owner na surplus shop.... change engine na ako pero baka gamitin ko yung lumang throttle body dahil 60mm yun, 55mm lang throttle body ng 4AFE... para ka nagparebore ng throttle body niyan for free...

    ^_^
  • Update lang regarding sa rattling noise pag tinatapakan ko ang gas pedal -

    Mukhang sa gas type nga bakit may rattling sound or 'tope' ako naririnig. Binalik ko sa Petron Blaze. Nung una meron pa din. First refill ko kasi meron pa tirang XCS. Second karga ko, pahina na ng pahina yung rattling noise hanggang sa nawala na. Pero observe ko pa din lalo na pag nasa highway. Sana wala na.
  • update mo kame redwing sa new project mo. magkano inabot ng JDM na 4AFe 3rd gen? Yang last generation na yan ang pinaka fuel efficient.
  • 30 to 35 daw pero pag usapan na lang namin..... dadating palang yung makina.... antayin ko this week daw.
  • Isa na lang pinoproblema ko:

    Alternator. Everytime sisipa na yung Compressor, nag flicker yung headlight. Not the usual dim pag may load. Last time yung stereo nag rerestart pag sipa ng compressor kaya di muna ko nakikinig sa radio. Hehe. May mga direct contacts kayo for surplus Alternator? Car is 1996 Galant.
  • kelangan mo talaga dalhin yung alternator para masukatan yung shape niya kung surplus ang gusto mo at ayaw mo na ipaayos yan... may chance na repairable pa yan e.

    yung pinagkuhanan ko ng alternator dito lang sa kamias halos tapat ng shell gasoline station.. MRV aircon yan pero nagbebenta sila ng alternator.. dun ko nakuha yung alternator na gamit ko ngayon.
  • Kung kaya irepaire, paparepair ko ito. 100a pa naman ito. Nissan Alternator with modified bracket. Mura pa naman binigay ng suki ko kasi ito kaya hirap bitawan.
  • hanap ka ng kapareho niyan na surplus baka may mahanap ka.... then pa inspect mo yung slip ring kung makapal pa (mababaw palang yung kain), reject pag malalim na... hanap ng iba.... di tatagal yan pag malalim na yung kain sa slip ring (dito dumadaan ang carbon brush to produce power at nauubos talaga ito)....

    ito nangyari dun sa luma kong alternator..... ang kinuhang surplus malalim na yung kain sa slip ring kaya di rin tumagal.... naubos yung copper at ayaw na rin kumarga.... naghanap ako ng replacement at itong pang B18 ang nakuha ko.

    pag nakahanap ka na at properly na gumagana na siya, pa repair mo naman yung luma for backup.
  • @oonaakona

    Try using Petron Unleaded then sabayan mo ng Ignition Timing retard sa distributor. Baka pre-ignition ung nangyayari kaya may engine knock/ping. Or check mo rin kung correct ung gap ng spark plugs.

    Regarding Alternator, check na rin kung masikip ung mga nuts. Nahihirapan ba engine pag engage ng compressor?

    @redwing0001

    May swapping/trade-in price ba ang engines?
  • di ko rin alam.... depende ata sa kausap mo.... baka meron.... tanungin ko siya....
  • Masikip naman mga nuts. Yung bigat naman is tolerable naman. Nag occur to a week or two ago. Kanina pauwi akala ko titirik ako. Bukas aircon, ilaw except sa radio. Pag tapak ko ng brake. Nag semi off yung lights tapos nawalan ng display yung face panel ng radio tapos after 3 seconds, ilaw ulit. This is while in idle pala. So next tapak ko sa brake while idle, ayun, nag restart yung auto. Parang gusto nya mag off pero nabuhay ulit at the last second. Bumyahe muna ko ng off ang aircon kasi di kaya ng kuryente.
  • check your battery voltages, pre.... if it goes below 12.6V while you press the brake or turn on the lights, alternator na yan...
  • ^Yes, nag dip nga sya below 12.6. Pag loaded while pressing brakes, nag 12.2 pa sya. Lowest is 11.9. Hanap na lang ako replacement kung same price lang pag nirepair.
  • 30 to 35 daw pero pag usapan na lang namin..... dadating palang yung makina.... antayin ko this week daw.


    from blacktop 2E?