-
neonhyde
on
22 Mar 17 @ 05:31 PM #
May suggestion ba kayo steering wheel for Toyota Corolla bigbody? Kailangan ko na kse palitan magkano kaya magastos ko? - thanks
-
redwing0001
on
22 Mar 17 @ 05:39 PM - User is online
#
Italvolanti Admiral in black leather with red center..... para ikaw lang sa buong pilipinas meron nito....
ito ang steering wheel na gamit sa kotse ni takumi fujiwara.... Ako naka Admiral din kaso wood with brown center..... ikaw na magsearch kung magkano ngayon yan.
^_^
pero seriously, kelangan mo maghanap kung ano mapupusuan mong steering wheel.... ikaw gagamit, e.... search for brands ang models in google and compare.
-
elman
on
22 Mar 17 @ 06:25 PM #
Kung OEM marami nyan. Kung aftermarket, marami naman basta may budget ka
-
twistedpopo
on
22 Mar 17 @ 07:40 PM #
Saan makabili ng replacement servo for Lancer GLi 93 4g15 EFI? Yung brand new, kahit hindi original Mitsubishi.
-
nomad
on
22 Mar 17 @ 07:46 PM #
Momo X-Avion- sa mga Momo SWs na nagamit ko, ito tumagal sa akin para sa old non-airbag kotse ko. but gaya ng sabi ni redwing, kailangan mahawakan mo para malaman mo kung anong mapupusuan mo. :-)
-
Snow_Raptor
on
22 Mar 17 @ 09:15 PM #
^magkano po ganyan sir?
-
Raztharootsz
on
23 Mar 17 @ 12:51 AM #
Mga sir, baka may idea kayo sa presyo ng alternator na pwede sa Revo SR..
-
mastercritic82
on
23 Mar 17 @ 12:52 AM #
pa share ng stats mga tsong :
ODO start : 255181
ODO end : 255268
distance covered : 87 kilometers
fuel consumed ; 6.63 liter xtra unleaded (full tank sagad)
fuel consumption : 13.12 kilometers per liter
AC on , highway usage
max speed : 90kmh from mabalacat petron to urdaneta city petron via provincial roads
1 passenger
pwede na to kesa sa city driving ko( 5kms/liter)
-
redwing0001
on
23 Mar 17 @ 01:28 PM - User is online
#
dati nag trip ako from QC to batangas city balikan, mga 240kms distance.... nagkasya 1,000 dun sa dati kong 5AF na carbed at 17 litres of gas ata for a grand total of 15kms/litre at proper highway speeds..... loose compressionpa yun sa lagay na yun with 2 passengers.
rinig ko mula kay Fil, ang 4AFE kaya mag 17kms/litre at highway speeds basta properly maintained
-
tatlolagi
on
23 Mar 17 @ 05:10 PM #
honda city 2009
L13Z
~14km/L city driving... daily drive to/from office @ 50kms via south service roads and C5.
verified via full tank method yan...
@highway speeds sa slex (80-100kph)... umaabot sa 24km/L according sa digital fuel consumption meter. pag ~60kph umaabot pa sa 30km/L... di ko pa nacconfirm kasi di ko pa nagagamit sa long drive... update ko yang info mid may... may lakad kasi kami sa batangas nun.
-
tatlolagi
on
23 Mar 17 @ 05:12 PM #
Raztharootsz Send Message View User Items on 23 Mar 17 @ 12:51 AM #
Mga sir, baka may idea kayo sa presyo ng alternator na pwede sa Revo SR..
3-4K... wag ka na humanap ng other brands, maraming surplus na sakto for revo.
-
Raztharootsz
on
24 Mar 17 @ 06:38 PM #
^ sir ibig mo ba sabihin, suprlus na toyota revo alternator din ang hahanapin ko?
-
yelrah
on
25 Mar 17 @ 05:59 PM #
mga sir san meron surplus shop ng toyota parts dito sa cavite?
-
t3nma
on
27 Mar 17 @ 08:08 AM #
^Sa Sophia sa Imus.
-
interruptedz
on
27 Mar 17 @ 10:01 AM #
suzuki alto k10 ko 5 yrs na dko pa napapalinis aircon. di ba pag lilinisin aircon babaklasin and pasisingawin freon?
may nagsabi na pag mahina na lamig tsaka ko pa lang ipalinis
-
romeox
on
27 Mar 17 @ 10:03 AM #
^
^
yep wag mo muna pagalaw, palit ka nalang ng cabin filter.
-
Staticlink
on
27 Mar 17 @ 11:21 AM #
Hi mga guru's dito.
Ask ko lang kung anong posibleng problema kung nagkaka rpm drop kapag nag be-brake ako. Lalo na kung coming from running then titigil sa stop lights. Bumababa ng upto 500rpm at nanginginig ang sasakyan na parang titirik na. Kapag binitawan ko na brakes, stable naman rpm at around 900rpm kapag naka stop na
Ginagawa ko for now, ina-alalayan ko lang sa silinyador para bumalaik agad rpm sa normal. Mahirap kasi kapag start and stop ung trapik, nakakapagod .
-
romeox
on
27 Mar 17 @ 11:27 AM #
^
^
anung car sir? palinis mo IACV and TB sir. Also check ung vacuum hose sa Brake booster baka sira na yung check valve kaya nagkakaroon ng vacuum leak during braking.
-
yelrah
on
27 Mar 17 @ 11:49 AM #
@t3nma salamat sir
-
kernel_panic
on
27 Mar 17 @ 12:19 PM #
gandang tanghali mga guru's!
ask ko lang po, ano disadvantage ng naka toyota idle up sa isang naka servo dapat? naka lancer 4g92a kasi ako. bukod sa naka bypass na. salamat!
-
booker
on
27 Mar 17 @ 03:07 PM #
@Staticlink, same tayo ng problema, ganyan na ganyan din sakin. bumabagsak RPM kapag magfull stop kaya hinay ako sa pagbrake.
May alam ba kayong mekaniko or autoshop sa Pasig na expert sa paglinis ng throttle body at IACV? or basta familiar sa honda cars. tia!
-
elman
on
27 Mar 17 @ 04:00 PM #
may ganyang problema din ako last year. nakalimutan ko kung paano nafix. ang napansin ko lang pagnasa metro manila ako, hindi namamatay makina full stop pero pag nasa province na ako, namamatay full stop. nung una suspetsa yung hose lining may singaw. naayos ko naman nung tinuro sa akin pero namamatay pa rin.
-
Staticlink
on
27 Mar 17 @ 04:57 PM #
@romeox
Lancer Itlog '95 GLXi.
Thanks, papa-tune up ako sa weekend. I'll have the check valve checked na rin.
@booker, baka maayos mo ung sa'yo, pa update din dito.
-
cevar_blackwing
on
28 Mar 17 @ 12:10 AM #
Hi mga guru's dito.
Ask ko lang kung anong posibleng problema kung nagkaka rpm drop kapag nag be-brake ako. Lalo na kung coming from running then titigil sa stop lights. Bumababa ng upto 500rpm at nanginginig ang sasakyan na parang titirik na. Kapag binitawan ko na brakes, stable naman rpm at around 900rpm kapag naka stop na
Ginagawa ko for now, ina-alalayan ko lang sa silinyador para bumalaik agad rpm sa normal. Mahirap kasi kapag start and stop ung trapik, nakakapagod .
Naka-gear ka ba during braking? Running from what speed? Happens during the day or night lang?
anung car sir? palinis mo IACV and TB sir. Also check ung vacuum hose sa Brake booster baka sira na yung check valve kaya nagkakaroon ng vacuum leak during braking.
Pag may vacuum leak. Dapat tataas ang rpm since made-detect ng MAP Sensor na mas-maraming air than usual.
gandang tanghali mga guru's!
ask ko lang po, ano disadvantage ng naka toyota idle up sa isang naka servo dapat? naka lancer 4g92a kasi ako. bukod sa naka bypass na. salamat!
Sa start-up ng car, binubuksan ni ECU ang servo ng todo to make it easier for the starter to crank engine (power loss due to creation of vacuum)
Sa start-up ng car, hindi mako-control ng ECU ung idling para uminit agad.
Sa A/C, to compensate for the additional compressor load
If you have additional sensors/switches for Brake, Clutch, Power Steering, these could also be used by the ECU to control the Servo
*May or may not be applicable to your specific car
@Staticlink, same tayo ng problema, ganyan na ganyan din sakin. bumabagsak RPM kapag magfull stop kaya hinay ako sa pagbrake.
May alam ba kayong mekaniko or autoshop sa Pasig na expert sa paglinis ng throttle body at IACV? or basta familiar sa honda cars. tia!
I've got a Civic and the cause was Mechanical Timing.
-
booker
on
28 Mar 17 @ 07:44 AM #
@cevar_blackwing, ano yung inayos specifically kapag mechanical timing problema? tnx
-
kernel_panic
on
28 Mar 17 @ 09:32 AM #
Sa start-up ng car, binubuksan ni ECU ang servo ng todo to make it easier for the starter to crank engine (power loss due to creation of vacuum)
Sa start-up ng car, hindi mako-control ng ECU ung idling para uminit agad.
Sa A/C, to compensate for the additional compressor load
If you have additional sensors/switches for Brake, Clutch, Power Steering, these could also be used by the ECU to control the Servo
@cevar_blackwing
so sir, parang na bypass na din ang ilang function ng ECU dito? kaya possible iba ang reading at may chances na magbago ang fuel consumption.?
-- edited by kernel_panic on Mar 28 2017, 09:33 AM
-
ninjababez
on
28 Mar 17 @ 12:07 PM #
Nilisan ko yun mga shocks kanina. after malinisan, i noticed bigla gumanda ang balik nun shocks. If im not mistaken, pareho na ng balik dun sa pinalit kong kybs. Nanghinayang tuloy ako sa mga nagastos ko wah! Pwede na itabi ito for years? At gamitin nalang pag may naging problema shocks in the future? Or better sell it nalang?
-- edited by ninjababez on Mar 28 2017, 12:11 PM
-
mastercritic82
on
28 Mar 17 @ 12:10 PM #
^ pano niyo nilinis sir? pati sa loob?
-
redwing0001
on
28 Mar 17 @ 12:10 PM - User is online
#
sell na lang.... napalitan mo na e. unless magkaroon ng problems yang KYB di na kelangan ibalik yung luma.
-
elman
on
28 Mar 17 @ 12:13 PM #
benta mo nalang sir para bawi sa gastos
-- edited by elman on Mar 28 2017, 12:14 PM