Forum Topic

Car Mechanics (Got car problems? We're here)

  • Kung sinabi ng casa na motor ang problema, baka nga motor nga ang problema.
  • @cordille
    Try mo dalhin sa banawe baka mas makamura ka kung motor nga ang sira,pa check mo nadin dun kung me iba pang sira power window mo
  • wala pa kasi budget eh. makatry na yata sa Banawe ah.. thanks mga sir
  • @cordille
    dalhin mo jemson banawe
    sa vios nasa 1.5k palit motor iirc
  • Bumigay yung going 4 years old front engine support ko. Haha. Iniisip ko kung papalitan ko ng brand new (Jag) or rebushing with M7 na lang. ISasabay ko ang engine support sa timing belt side kung ipapa rebushing ko yung sirang support para matibay tibay na din.

    -- edited by oonaakona on Dec 18 2018, 06:10 AM
  • ^bro update mo ako kung ok yun m7 engine support rebush job kung sakali. medyo mas harsh daw kasi pag ganun gamitin, baka naman di ganun kasama, yun nalang gawin ko sakin incase masira itong jag brand na gamit ko now. thanks!
  • Okay gawa ng M7 bro. 90% ng pang ilalim ko sa harap sila umayos. Naiwan lang is upper arm on both side. Cacanvass ko mamaya para pag okay pricing, papaayos ko agad this weekend.
  • Hello Masters,

    C oto ko kasi medyo malabo ang isang ilaw. ano kaya pede gawin?
    kakalinis ko lang ng housing ng headlight. same pa din..
    --plitin na ba ang ilaw? or meron pang iba na gagawin?


    salamat ng marami..
  • @Bro Jamy

    Jag muna ulit ipapalit ko. 650 for parts and 300 for labor compared kay M7 na 500 for fabrication ng engine support tapos labor na 1000 lol. Pero yung sira g support ipapafabricate ko ans gagawin ko back up para pag bumigay, papakabit ko lang for 300 labor cost.
  • Jag muna ulit ipapalit ko. 650 for parts and 300 for labor compared kay M7 na 500 for fabrication ng engine support tapos labor na 1000 lol. Pero yung sira g support ipapafabricate ko ans gagawin ko back up para pag bumigay, papakabit ko lang for 300 labor cost.
    Okay gawa ng M7 bro. 90% ng pang ilalim ko sa harap sila umayos. Naiwan lang is upper arm on both side. Cacanvass ko mamaya para pag okay pricing, papaayos ko agad this weekend.

    balita ko kasi bro, mas harsh daw ang fab sa replacement engine support kaya medyo alangan ako subukan gusto ko ikaw muna hahaha
    btw nasakin pa orig housing nun engine support ko eh, cage type baka mas mahal O_o

    -- edited by ninjababez on Dec 20 2018, 05:52 AM
  • balita ko kasi bro, mas harsh daw ang fab sa replacement engine support kaya medyo alangan ako subukan gusto ko ikaw muna hahaha
    btw nasakin pa orig housing nun engine support ko eh, cage type baka mas mahal O_o


    kahit yun mechanic ko dati, alanganin din sa replacement engine supports bro.
    OEM na daw para sigurado, harsh/magkaroon ka rin ng vibrations sa mga replacements. hindi ko lang alam kung meron or anong brands sa replacement ang maganda.
  • sa corolla ee100/ae101 ano ok na engine support pamalit?
  • @statix

    Ive been using replacement (jag) for 3 years now. So far so good. Yung fabricated lang talaga hindi ko pa nasubukan. Kahit si M7 told me if I go with fabricated, baka manibago daw ako kasi may chance na mas ramdam ko vibration dahil mas stiff ang rubber support. Pero rebushing wise ng mga suspensions ko, wala ako problem sa gawa ni M7. Itong sa support lang ang di ko pa mavouch.
  • kahit yun mechanic ko dati, alanganin din sa replacement engine supports bro.
    OEM na daw para sigurado, harsh/magkaroon ka rin ng vibrations sa mga replacements. hindi ko lang alam kung meron or anong brands sa replacement ang maganda.


    sa pang ilalim bro like what bro arman mentioned, OK naman so far. pero yun nga sa engine support, medyo alanganin pako hehehe
  • Mga sir, totoo po ba na di na pwede ma-insure ang 10yrs above na sasakyan? Tnx
  • Mga sir, totoo po ba na di na pwede ma-insure ang 10yrs above na sasakyan? Tnx

    sakin 12 years old na, insured parin
    try mo kumausap ng taga bank, ucpb maganda experience ko
    but i think mapfre madali kausap sa older cars
  • ^
    magkano premium mo sir Ninja for your Vios?
  • yung motolite enduro ko naka 2 years na ngayon december,

    11.8v engine off
    13.8v engine running

    dashcam at radio lang ako, 20km daily ang byahe
    dapat ko na ba palitan?
  • magkano premium mo sir Ninja for your Vios?

    5.3k lang itong binayaran ko this december
    papa adjust ko nga para itaas ulit to 7k then pataasan ko value, kasi currently nasa 100k valuation nila
  • thanks sir Ninja
    di na pala masama, for 1 year protection


    @almostcarlo

    ako hinihintay ko na lang masira ang battery bago ko palitan
    pero if natatakot ka na biglang hindi makastart and may budget ka naman, palitan mo na lang

    the thing with battery is, mahirap talaga ma-anticipate kung kalian masisira
    yung Enduro ko, 1.5 years palang parang pabigay na
    pero on its 3rd year na ngayon and buhay pa rin

    in any case, hindi ba masyadong mababa ang 11.8v?
    ang alam ko sa fully charged na battery, nasa 12.6v
  • naranasan ko na kasi tumirik sa daan eh, kaya medyo kabado na ako.

    yung lazada voltmeter lang kasi gamit ko pang monitor eh, hindi ko din sure kung accurate. i-try ko gumamit ng multimeter kapag may mahiraman.

    ty
  • I dont use voltmeters anymore because they are inaccurate. May voltage loss kasi lalo pag mahaba wire from the battery to the outlet. Tapos may loss ulit for poor contacts/connections.
  • simula nung tumirik din ako sa daan last year, bumili na din ako voltmeter sa lazada pagkapalit ko ng Battery. Enduro 1SM nga lang gamit ko nun, nagpalit ako ng Amaron 2SM. 1.5 years na ngayong December at ok pa rin.
  • in any case, hindi ba masyadong mababa ang 11.8v?
    ang alam ko sa fully charged na battery, nasa 12.6v


    fully charged state ng car battery abot ng 13.8V pag idle ng sasakyan.... ang resting voltage nito dapat di bababa ng 12.2V.... 12.6V resting voltage pag bago p mabago-bago pa baterya...
  • Sir tanung lang ano kaya ang reason bakit po hindi nag start ang engine nang car ko po.
    Elantra 2017 1.6 GL Manual.

    ito po yung actual video nang pag start ko nang car.




    -- edited by blacksex on Dec 22 2018, 02:16 PM
  • ^ na discharge battery.
  • @carlrs salamat po. kahapon po nagamit ko pa sya. tas umulan kagabi. kaninang umaga ayaw na mag start. bago lang po kasi ako. ano po kaya gagawin ko po para ma charge yung battery po?
  • ano po kaya gagawin ko po para ma charge yung battery po?


    pa check mo alternator mo kung nag chacharge siya sa battery
  • @blacksex

    battery malamang yan, bago pa car mo eh, badtrip if alternator sira.
  • Palit ng battery then pacheck mo yung car sa casa. Mukhang under warranty pa.