Forum Topic

Car Mechanics (Got car problems? We're here)

  • ^ hindi naman daw po issue ang budget kay OP
  • Oo nga e, sa mga nabasa ko parang dami kailangan gawin tapos ang habol lang naman is magkaroon ng magandang makina ng vios. Baka nga mas mura pa bumili ng 1st gen vios or lovelife kung di kaya ng budget.
  • sa magagastos nya kasi, parang pwede na 10 year old WRX .. vrrrom vroom
  • The MVIS will be looking for the specific age of your tire, and the guidelines state that “tires have safe useful life of five years”, and that MVICs are instructed to “make sure that tires are not yet expired”.

    Pag nag palit ng set tires kailangan ba 5 o 4 lang, since 5 1/2 years na rin yung mga tires ko?
  • Hello tanong ko lang kung ano kaya problema ng Jazz/Fit ko kasi umalis ako ng maulan kahapon tapos nung napadaan ako sa medyo maliit na baha biglang kumakadyot. Kahit anong tapak walang hatak tapos kung meron man putol putol at biglaan hanggang sa namatay makina. Nung binuksan ko nagiba tunog ng Makina. Sinet ko nalang sa L kesa D (matic) para makauwi ako. Umilaw po yung engine light sa dashboard at nagiba yung tunog ng sasakyan. Parang may nakabara na hangin o tubig. Pag nagtanong kasi ako sa mga group mga nagooffer agad ng repair di muna sinasagot yung tanong ko. Thank you

    -- edited by TPC_GameGuard025 on Jan 21 2021, 11:02 AM
  • ^ Hindi ba mabilis andar mo nung dumaan ka dun sa maliit na baha?

    Sounds like nabasa ang sparks plug / ignition coils.

    Not an expert hehehe. pero na experience ko lang dati
  • ^ Hindi sir e kasi lubak yung puddle na nadaanan ko. Pero di naman siya tumigil right away siguro naka 500m pa ako kumadyot yung andar ko.
  • Update on my query: Turns out nabasa lang yung o2 sensor ko. okay na ulit now hahaha

    -- edited by TPC_GameGuard025 on Jan 22 2021, 04:34 PM
  • may nabasa kong article few years ago about proper approach sa baha while driving. ang tamang gawin daw is go slow and make sure na laging high rev si engine, at least 2k rpm. going slow will increase yung grip ng tires (traction), and yung high rev naman is to make sure na hindi mastop ng baha yung pressure sa exhaust. going fast will lessen your traction and magccause din ng higher incoming wave sa kasalubong.



  • bumigay condenser ng fx ko napa gastos tuloy (4.2k installation/parts), pero sulit ang lamig na hindi na hilaw kahit wala ako'ng aux fan..

    hindi pala dapat ginagamitan ng liquid sos@ ang old alluminum parts.. na kakabutas pala eto.. :(

    -- edited by ComPeter on Jan 24 2021, 05:53 PM
  • ^ Mas okay pa rin may aux fan sir pag natraffic ka or tirik ang araw, meron sa l*z*d* na high speed. Tried and tested na sa honda ko dati.

    -- edited by wakidiaz on Jan 22 2021, 10:42 PM
  • Mga sir, baka meron kayo masusuggest na transmission specialist (automatic) sa Banawe, QC. Or kung meron sa south area.

    Thanks

    -- edited by Raztharootsz on Jan 23 2021, 12:39 PM

    -- edited by Raztharootsz on Jan 23 2021, 12:39 PM
  • bumigay condenser ng fx ko napa gastos tuloy (4.2k installation/parts), pero sulit ang lamig na hindi na hilaw kahit wala ako'ng aux fan..
    ^ Mas okay pa rin may aux fan sir pag natraffic ka or tirik ang araw, meron sa l*z*d* na high speed. Tried and tested na sa honda ko dati.


    anong aux fan ito, sa engine bay / condenser or sa loob ng auto?
  • ^my guess is condenser fan iyon bro.
  • Guys san okay mag pms?

    Motech - Petron - Shell?
  • ^ Does not matter, personal preference na lang.
    In mas malaki scope of work ni motech, pati underchassis if needed.
  • wakidiaz Send Message View User Items on 26 Jan 21 @ 06:31 PM #
    ^ Does not matter, personal preference na lang.
    In mas malaki scope of work ni motech, pati underchassis if needed.


    +1
    i had good experience with motech way back with our previous rides. i used to go with servitek nung meron pa.
  • asa magkano 50k pms sa mga non-casa? never tried with my G4, casa maintained ang target as long as hindi pa fully paid. Next month fully paid na kami.
  • Any reviews sa nissan verita? Pwede ba sya as first car?
  • ^ It's more of an enthusiast car, parts are not readily available bihira din parts for CG13DE engine.
    Not advisable as first car.
  • Thanks sir
  • Never heard. Aside from parts unavailability, baka mahirapan ka din makahanap ng mekaniko na marunong gumawa.
  • bagong car wash and engine wash no more leaks pina kaba ako nito Honda City ko muntik na ako mag palit ng transmission. adjustment lang pala sa kickdown cable ayaw kasi mag engage ng reverse kailagan pa i-rev ang makina bago kakagat.





  • guys pa suggest naman ng magandang replacement headlights?bulag na kasi. prefer ko sana LEDs, ok ba ang novsight? pasok kasi sa budget eh. thanks
  • Iemmans3 Send Message View User Items on 16 Feb 21 @ 08:43 PM #
    guys pa suggest naman ng magandang replacement headlights?bulag na kasi. prefer ko sana LEDs, ok ba ang novsight? pasok kasi sa budget eh. thanks

    i highly recommend NINEO na brand for H4/H11/H7 reflector.

    i literally have night blindness (i wear special glasses at night) kaya mejo ginagastusan ko headlights ko. nag reasearch ako dati, found out na hikari is supposedly the best for projectors, nineo naman for reflectors.

    for H4, novsight is ok, parang kasing lakas ng output naman ni nineo with same wattage (i dont have gauges, kaya via eye test lang to), kaso parang meron pa din glare sa incoming traffic, unlike sa nineo na kahit tumayo ka sa harap wala ka makikitang glare.

    issue with nineo is wala ako makita before dito sa pinas, via amazon ko sya binili. also, when buying LED pag naka reflector ka, dont buy yung parang 1 malaking led. you should buy yung 3-4 pcs na square na maliliit each side. eto kasi yung mas advanced in terms of led technology.
  • Buo naman beam cutoff ng novsight F03 ko. Been using it for a year for both the civic and avanza.
    adjust lang ng konti sa mounting pag hindi nabuo yung proper cutoff
  • LED bulb is good if it is H1 and you use a projector lens. gamit ko itong NOVSIGHT nighteyes at 2 inch H1 HID projector na ito sa headlight ng ebike ko at buong buo ang ilaw niya.

    may nakita akong video sa YT na tinest yung ibat ibang klase ng LED design, two sided, 3 sided, 4 sided, cob, SMD, etc. pinaka effective daw sa pag recreate ng halogen bulb light pattern yung 2 sided na single cob kaya kumuha ako nitong Novsight NIGHTEYES H1 tapos isang pares ng 2 inch HID H1 projector hi/lo lens mula shopee.

    nakita ko naman itong Novsight Nighteyes na ito sa isa pang YT Video kung saan pinakita nung tao kung paano mag mod ng H1 HID projector lens para magkasya yung Novsight LED na bili niya sa isang 2.5 inch H1 HID projector hi/lo lens. kelangan imod yung pinaka butas dahil medyo maliit ang butas dun sa NIGHTEYES H1 lens.

    bili ko sa led ay 1,100+ at dun naman sa 2 inch H1 projector with hi/lo ay 1,300+.

    -- edited by redwing0001 on Feb 18 2021, 12:46 PM
  • Ito yung tinutukoy ko para sa mga reflector headlights: kelangan 2 sided LED bulbs lang at wag kayo kukuha ng 3 or more sided LED bulbs...
  • Maraming nakaka inis maka salubong ng mga i-responsible na naka LED/HID sa lakas ng glare sa sasakyan nila.

    Sakit sa mata.
  • Ito kung kelangan niyo ng guide para mag align ng headlight niyo.