-
tatlolagi
on
20 Sep 22 @ 03:02 PM #
sa mga naka lumang honda jan (2007 below), make sure alam nyo yung part # nyo before bumili ng parts, lalong lalo na for sensors. wag kayo umasa sa sasabihin ng auto supply/online sellers. fit yung different sensors/parts sa different engines ng honda, pero hindi gagana ng maayos yung engine if di tama yung ikakabit.
D13B, PH13, P3RD1 - lahat to 1.3L engine (i think 2000 and below ang year), pero magkakaiba yung part # ng sensors.
marami naman source online for part #s for different engines (D*B, PH*, P3RD*,etc - series engines)
FYI lang yan, just in case may nag ttroubleshoot ng mga honda nila =)
-- edited by tatlolagi on Sep 20 2022, 12:03 AM
-
Bringer24
on
20 Sep 22 @ 09:51 PM #
aRTie Send Message View User Items on 16 Sep 22 @ 04:41 PM #
mga sir, KYB pa rin ba ang best option ngayon sa aftermarket suspension parts? specifically shock absorber, shock mount, etc
pasensya na, 10 years na ata akong hindi nagpapagawa ng pang-ilalim, hindi na ako updated
baka lang meron humahabol na brand, tipong kahit mas mahal pero sulit sa durability an performance?
for Shock Absorber, Shock Mounting, Stabilizer Link. KYB ang gamit ko pero sa Rack End, Tie Rod, Upper and Lower Ball Joint at Suspension Arm orig Honda ang ginagamit ko.
-
Pioneerddj1000x
on
20 Sep 22 @ 10:10 PM #
mas mura kasi KYB kesa 555
[quoteYung end Tie Rod at Stabilizer link ng KYB, 4 months pa lang sakin may alog na ulit.][/quote]
ehw,,,so meaning KYB hinde matibay? kasi mura?
my conclusion, mura nga hinde naman matibay kasi me nagpatunay 4 na buwan lang alog na,, 555 mahal nga kung matibay naman at tatagal at subok kona bastat original,,
saan ka? sa mura ? o sa mahal?
mura nga bile ka ng bile kasi sira agad, suma total hinde ka nakamura napamahal kana naabala kapa ,,tama ba conclusion ko?
akoy nagtatanung lamang,wala naman masamang tinapay sa sinabiko mga kuya's
-
redwing0001
on
20 Sep 22 @ 11:16 PM #
ehw,,,so meaning KYB hinde matibay? kasi mura?
my conclusion, mura nga hinde naman matibay kasi me nagpatunay 4 na buwan lang alog na,, 555 mahal nga kung matibay naman at tatagal at subok kona bastat original,,
saan ka? sa mura ? o sa mahal?
mura nga bile ka ng bile kasi sira agad, suma total hinde ka nakamura napamahal kana naabala kapa ,,tama ba conclusion ko?
akoy nagtatanung lamang,wala naman masamang tinapay sa sinabiko mga kuya's
possible na hindi kalevel ng KYB tie rod end/stab link ang Sankei 555... dekada na ang 555 sa pag gawa ng suspension at steering parts kaya alam na nila kung paano gumawa ng high quality parts...
naalala ko lang... dati nagtanong ako ng tie rod end ng hyundai Getz 2006 akala ko sira na yung sa getz ng kapatid ko.... ang pakaka alala ko sa presyo ng OEM hyundai getz tie rod end ay 650.00 pares na.... so nagtanong ako kung may 555 na version para sa getz, meron daw 1500 ata per piece...
tignan mo na lang yung difference nila sa price. OEM pa yan at yung 555 ay aftermarket na made in japan.
-
Pioneerddj1000x
on
21 Sep 22 @ 05:56 AM #
Public Service
warning lang sa mga traveller's from north going to ncr via Plaridel Balagtas Bypass
deadly island sa gitna ng hiway kung hinde kayo familiar sa daan nito slow down kayu lalo na pag gabi, me center island na walang warning or reflectorize sign sa center island na yan , isa ako sa naging biktima duun, muntik na kami, nasabugan ako ng 2 gulong mabuti hinde kami sumampa at naiiwas ko ,kungdi taob sasakyan dala namin, dami ng report na aksidente(including death) yan center island na yan,pero walang aksyon ang mayor,
kaya ingat kayo mga traveller coming from north going to ncr via Plaridel Balagtas bypass Bulacan
eto nagyari sa suspension ko
eto pinamalit ko
accident happen September 9 2022 9p.m raining
ingat kayo
-
elman
on
21 Sep 22 @ 08:52 AM #
bago lang sa market ang KYB tie rod end at stabilizer link kaya mas mainam na 555 ang bilhin pa rin sa gantong parts.
kapag shock absorber at shock mount, KYB
kung mga stabilizer link, tie rod, ball joint etc, Sankei 555
pwede rin iconsider ang KYB springs as an alternate
-
ComPeter
on
21 Sep 22 @ 05:34 PM #
paano malalaman pag pa sira na ang brakebooster?
salamat.
-
redwing0001
on
21 Sep 22 @ 09:21 PM #
^ matigas ang pedal kahit naka on ang makina.
-
Pioneerddj1000x
on
21 Sep 22 @ 09:23 PM #
paano malalaman pag pa sira na ang brakebooster?
matigas apakan, minsan lubog,kahit anong bomba sa pedal ng preno, subukan mong release fluid sa breeter ng preno, tapos pump ng pump kung tumitgas ba o laging lubog kahit anong apak sa preno,
pinalitan na mga rubber cap sa master ng break booster, ganun pa din ayaw tumaas ang preno kahit anong apak,
check up
vacuum sa pump ng break booster minsan hinde sumusipsip or or walang higop sa vacuum pump sa break booster
remedy , palit ng pump ,kung hinde sa pump maari mismong break booster, pwedeng ipaayus ang break booster kung marunong mag ayus ang gagawa, pero kadalasan mahirap ibalik sa dati , mas mainam palitan ng surplus or brand new break booster or hydrovac
- Post deleted #12429219
-
lucky023
on
21 Sep 22 @ 11:45 PM #
one of my rear brake cylinder is leaking and needed replacement. Kelangan ba i bleed ang brake fluids after replacing?
-
griid
on
22 Sep 22 @ 05:49 AM #
^yes, standard procedure na yan. mura lang brake fluid compared sa hospital fees at insurance repair costs pag nagfail ang brakes mo.
-- edited by griid on Sep 21 2022, 05:25 PM
-
Pioneerddj1000x
on
22 Sep 22 @ 07:12 AM #
Kelangan ba i bleed ang brake fluids after replacing?
uu, kasi me hangin sa linya ng copper tubing kelangan matanggal yun ,kaya need to bleed.
-
ComPeter
on
22 Sep 22 @ 09:14 AM #
@Pioneerddj1000x ,all.
nangyari kasi kahapon ay may random na paglubog ng pedal pero pag binobomba ko siya ng nonormal naman (50km na biyahe).
last january na pa repair kit ko na ang brake master cyclinder.
ng simula lang eto mula nang ng papalit ako ng brake piston sa likod.
ngayon umaga normal naman preno, habang nasa garahe lang atras abante. dadalhin ko nalang sa pagawaan mamaya.
-
wakidiaz
on
22 Sep 22 @ 10:14 AM #
^Nagbabawas ba ng brake fluid? Baka hindi seated ng maayos ung goma ng piston.
-
redwing0001
on
22 Sep 22 @ 08:51 PM #
^Nagbabawas ba ng brake fluid? Baka hindi seated ng maayos ung goma ng piston.
yung dati kong big body nagbabawas pero walang leak sa lahat ng gulong.... yun pala leaking papunta sa hydrovac... kaya yung preno ko tigas.. ginawa ko pinalitan ko ng AE101 sprinter na double diaphragm tapos ginawan ko ng paraan yung brake hardline kasi sa kaliwa yung sa JDM AE101 brake master pero wala siyang leak at lakas ng preno.
-
Bringer24
on
02 Oct 22 @ 10:29 AM #
change 4 tires puro crack na yung 2 gulong sa harap ACCELERA brand nung luma gulong.
-
TPC_GameGuard025
on
02 Oct 22 @ 10:47 AM #
Advice on what to do in this malubak situation.
Gusto ko na sana ipaayos yung mga clanking noise (most likely rack end pinion replacement) sa sasakyan namin. Ang concern ko is sobrang lubak talaga ng lugar namin. Feeling ko pag pinaayos ko babalik din kasi di naman inaayos ng LGU/barangay tong lugar namin kahit ilang report na. Running naman yung kotse kaso nakakairita lang talaga yung clanking noise. TIA!
-
synchr0n1z3r82
on
02 Oct 22 @ 11:10 AM #
^ mag Freestyle ("SLow") ka muna sa daang ganyan
o kaya hanap ng ibang daan kahit mas malayo
-
statix
on
02 Oct 22 @ 11:18 AM - Scanning,,,,,
#
TPC_GameGuard025 Send Message View User Items on 02 Oct 22 @ 10:47 AM #
Advice on what to do in this malubak situation.
Gusto ko na sana ipaayos yung mga clanking noise (most likely rack end pinion replacement) sa sasakyan namin. Ang concern ko is sobrang lubak talaga ng lugar namin. Feeling ko pag pinaayos ko babalik din kasi di naman inaayos ng LGU/barangay tong lugar namin kahit ilang report na. Running naman yung kotse kaso nakakairita lang talaga yung clanking noise. TIA!
nakakatawa pero valid at totoo naman ang reason mo to rant.
-
TPC_GameGuard025
on
02 Oct 22 @ 11:19 AM #
^ Kahit sobrang slow sir sobrang lalim talaga ng mga lubak. Daanan kasi ng mga truck. At yun lang din kasi talaga yung daanan palabas samin since mas sira naman yung isang daanan. Years na problema hahaha.
-
synchr0n1z3r82
on
02 Oct 22 @ 11:42 AM #
^ pa Tulfo mo na lang tol papanuorin ko
-
TheUninvited
on
02 Oct 22 @ 12:06 PM #
SUV or pickup na next car para no need to slow down sa lubaks. Lol
-
TPC_GameGuard025
on
02 Oct 22 @ 12:13 PM #
^ pa Tulfo mo na lang tol papanuorin ko
Sad reality na kailangan pa umabot sa ganito bago aksyunan yung mga bagay na dapat trabaho nila lol.
SUV or pickup na next car para no need to slow down sa lubaks. Lol
If budget permits, why not? haha pero not a fan of SUV nasa porma > comfort stage pa ko. xD
-
griid
on
02 Oct 22 @ 03:08 PM #
haha pero not a fan of SUV nasa porma > comfort stage pa ko. xD
narinig ko lang, pag nasa loob ka ng kotse mo, hindi mo naman nakikita yung mga logo ng kotse na naka kabit sa kotse mo.
yung ibang tao lang nakakakita nun kaso hindi naman sila yung nagbabayad ng kotse mo. importante ay comfortable at safe ka habang nag nagmamaneho
-
lxi97
on
02 Oct 22 @ 04:10 PM #
Kung gusto mo maging mas protected sa lubak, change to thicker tires and smaller diameter rims. Sacrifice porma nga lang. May kasabihan na you cant have your cake and eat it too.
-
griid
on
04 Oct 22 @ 07:11 AM #
ano po ang tawag sa bakal na support na nilalagay is ilalim ng gulong para ilift yung kotse pag hindi na ginagamit? para hindi maflat ang gulong nya. naghahanap ako sa shopee hindi ko alam yung term nya.
-- edited by griid on Oct 03 2022, 04:17 PM
-
lxi97
on
04 Oct 22 @ 07:34 AM #
Jack stand
-
ComPeter
on
04 Oct 22 @ 08:27 AM #
na i bleed ko kahapon ang break lines ng fx ko, ng normal na at na ikot ko sa loob ng subd.
kaso after few hours ng gagamitin na bumalik sakit na pag loobog ng pedal...
kanina dumating na ang suking mekaniko, sabi palitin na daw hydrovac.. :)
-
griid
on
04 Oct 22 @ 09:36 AM #