Forum Topic

Car Mechanics (Got car problems? We're here)

  • pag CV ang issue, maririnig mo siya tuwing umiikot ka, parang klok-klok-klok-klok-klok tapos mawawalas pag diretso, minsan makukuha pa yan sa cleaning at repack ng CV grease pag mahina pa at buo pa yung boot pero pag matagal na nabutas ang boot at wala na talagang grease, baka di na kaya ng repack yan at kelangan na palitan.

    dati ginawa ko ito sa small body ko noon.... as in puro buhangin yung loob kaya todo hugas ako tapos repack ng CV grease at palit ng CV outer boot... nawala siya hanggang binenta ko yung kotse.

    -- edited by redwing0001 on Dec 28 2022, 02:40 AM
  • ^ You meant CV joint po ba sir? Baka kasi mamislead sa CVT transmission.
  • onga pala.... CV joint... haha

    ^_^

    sobrang nasanay ako sa CVT kasi motor ko CVT... ayoko na ng kotse.
  • Ano-ano po dapat i-check kapag nabangga yung car? Specifically front passenger's side. Medyo lumakas kabig pakanan.
  • osi_osi_osige Send Message View User Items on 28 Dec 22 @ 06:45 PM #
    Ano-ano po dapat i-check kapag nabangga yung car? Specifically front passenger's side. Medyo lumakas kabig pakanan.

    dalin mo sa mga shop with computerized alignment and camber. before sila mag align iinspect muna nila yan, dun makikita if may mga need palitan
  • ot: may cash pa sa cavitex?
  • ot: may cash pa sa cavitex?

    yup, me cash lane sa cavitex , tsaka easy trip ang rfid nya
  • ^ salamat po
  • ubusan ng baterya mamaya, maligayang 2023!

    XD
  • San po kaya pwede ipaayos to along makati? Sumabit kasi sa gate pagpark ko. And if ever gusto ko nalang palitan ung buong side mirror? May mabibili pa po kaya sa casa kahit 2010 pa ung model ng sasakyan? Kia rio po pala. Sorry wala talaga ko idea first time car owner. Thank you

    https://www.facebook.com/photo.php?fbid=8839093856102565&set=gm.1659683114447440&type=3&mibextid=r5uJeJ - link nung picture, ayaw po ata magload dito.




    -- edited by jjmmeett on Jan 04 2023, 10:25 PM
  • ano ang magiging problema kung kakabitan ng front wheel bearing without abs yung may ABS na car? problema kasi walang mabili na front wheel bearing with ABS.
  • hahanapin ng sensor yung parang gears ng wheel bearing, possible mag result na iilaw sa dashboard ung ABS indicator
  • kapag may ABS yung kotse, kelangan mo gumamit ng hub na may ABS tone wheel kundi may ABS CEL light ka na makikita sa dashboard...
  • jjmmeett Send Message View User Items on 05 Jan 23 @ 02:21 PM #

    San po kaya pwede ipaayos to along makati? Sumabit kasi sa gate pagpark ko. And if ever gusto ko nalang palitan ung buong side mirror? May mabibili pa po kaya sa casa kahit 2010 pa ung model ng sasakyan? Kia rio po pala. Sorry wala talaga ko idea first time car owner. Thank you

    di ko pa nakita yung pic sa link, pero if galos lang, then pwedeng ipa rubbing. if sira, then meron nabibiling parts sa banawe, pero madalas pair. fb groups ang best chance mo if 1 pc lang
  • San po kaya pwede ipaayos to along makati? Sumabit kasi sa gate pagpark ko. And if ever gusto ko nalang palitan ung buong side mirror? May mabibili pa po kaya sa casa kahit 2010 pa ung model ng sasakyan? Kia rio po pala. Sorry wala talaga ko idea first time car owner. Thank you


    My advice, join ka sa fb groups ng specific model ng kotse mo, you'll get tips kung saan pwede makakuha ng parts na hinahanap mo.

    -- edited by khernitzz on Jan 12 2023, 04:06 PM
  • yes, especially for those models na kokonti na lang ang existing sa kalye. sa car groups ka makakahanap ng parts.
  • meron din dun na recommended home service mechanic para sila na pupunta sa bahay mo
  • My advice, join ka sa fb groups ng specific model ng kotse mo, you'll get tips kung saan pwede makakuha ng parts na hinahanap mo.

    best advice
  • ^
    thank you mga sir, did this. tinuruan ako pano ibalik at ayusin ung yupi. turns out hindi ko pala kaylangan bumili ng bago hehe. nakatipid pa.
  • Mga Sirs, anu po possible cause/culprit kapag ang hirap ipasok sa primera ng kambyo pero segunda, trisera, kwarta, kinta oks nmn.

    gear oil po ba? shifter lever bushing? o binding problem sa linkage o release bearing ng clutch?
  • ^ may naalala akong sasakyan ko dati na ganyan. Di ko na naipagawa hanggang mabenta pero ginagawa ko lang ibababa ko muna sa 2nd bago ko iakyat derecho sa 1st. Haaay. Never ever going back to stick. Hehe.
  • ^ Ano unit mo ngayon papi?
  • Mga Sirs, anu po possible cause/culprit kapag ang hirap ipasok sa primera

    nung na experience ko to before, release bearing yung naging problem
    pero pa check mo rin clutch master/ slave
  • Mga Sirs, anu po possible cause/culprit kapag ang hirap ipasok sa primera ng kambyo pero segunda, trisera, kwarta, kinta oks nmn.

    gear oil po ba? shifter lever bushing? o binding problem sa linkage o release bearing ng clutch?

    problem ko sa dati kong manual mitsu mirage since day 1 na brand new ko binili. ganun talaga siya. need mo hanapin yung saktong spot hahaha. tumagal naman 6 years bago ko binenta
  • ano kaya issue pag di accurate yung gas meter? gamit ko po isuzu trooper 94
  • ano kaya issue pag di accurate yung gas meter? gamit ko po isuzu trooper 94


    check fuel floater
  • ^thanks sir will do
  • z3phyr2012 Send Message View User Items on 20 Jan 23 @ 12:40 PM #

    Mga Sirs, anu po possible cause/culprit kapag ang hirap ipasok sa primera ng kambyo pero segunda, trisera, kwarta, kinta oks nmn.

    gear oil po ba? shifter lever bushing? o binding problem sa linkage o release bearing ng clutch?

    if clutch cable pa yan, adjust mo cable muna and see if magiging ok
    sign yan ng madumi/mababang level ng gear oil. or pwede din malapot yung nakalagay compared sa recommended (yung mga honda maselan sa fluids).
  • Good Morning,

    Our Pajero caught fire yesterday and upon checking the aftermath, can the battery be the cause of fire?

    For the record this is the first time we bought Amaron Car Batteries since it was a bit cheaper and was recommended. Its been more than a year since we used it.


  • me specific ba na gear oil or pwede din ATF?