Forum Topic

Car Mechanics (Got car problems? We're here)

  • songerph Send Message View User Items on 08 May 24 @ 10:23 AM #

    may tint ba yan?


    wala po tint ito City ko
  • maraming pwede:
    - di talaga bnew yung pinalit, or bnew na old stock
    - nag high pressure ka. not sure kung may cut off switch yan, meaning auto-off on certain pressures. pero pag nag high pressure, isa sa mga unang bumibigay is shaft seal and fittings.

    nagpalit sila ng compressor pero di nag flushing??? sobrang basic nyan para ma miss nila yung step na yun. dapat yan backjob


    SUPER AGREE!!! And yung sinabi na black oil presence ang culprit is just an excuse to evade culpability.


    tama, dapat nag flushing sila. nung nagpalit ako ng compressor sa CR-V Gen 2 ko binaba ang condenser para i-flushing pati yung hose pinalitan ng bago at filter drier.


    nag flushing naman sila, feeling ko nga noong una ay gumagawa lang ng excuse, medyo madumi yung oil pero hindi naman sobra, after few days sabi nung AC shop ay factory defect nga daw, papalitan daw nung supplier niya, that was 2 weeks ago na, until now wala pa yung New Compressor, ilang beses na nangako yung Compressor seller ng araw na dadating, wala pa din.

    Sabi ko kapag wala pa ng Sabado eh papa blotter ko na sa Pulis or sa Baranggay yung AC Shop, bakit daw si AC Shop ang irereklamo ko eh yung supplier daw ang nagtatagal, sabi ko ikaw(AC Shop) ang kausap ko at ang bumili nung Compressor, hindi naman ako.

    Almost 30k gastos ko doon sa New Compressor and cleaning and hawak na nila yung pera, sobranga mahal naman din kasi ng OEM Compressor ng Altis 10th Gen.

    -- edited by piLio on May 09 2024, 05:43 AM
  • Almost 30k gastos ko doon sa New Compressor and cleaning and hawak na nila yung pera, sobranga mahal naman din kasi ng OEM Compressor ng Altis 10th Gen


    hit or miss talaga ang mga "brand new" yet "fake/replacement" car AC compressors. may experience na ako sa ganyan tho alam ko in the first place na hindi talaga legit yun compressor. marked as Sanden "kuno" pero kung titignan mo ang mga serial numbers nyan parepareho. nag-leak rin sa shaft tho pinalitan naman nung shop outright.
    how did it performed? lumalamig naman kaso parang may crying cow yun compressor once engaged which is typical sa mga refurbished/fake compressors.
    mas maganda pa nga yun surplus na pinalitan nung "brand new" compressor na yun. tumagal din ng 7yrs(?) yun surplus. it's an old car back then to be disposed kaya hindi ko na ginastusan ng OEM compressor.
  • how did it performed? lumalamig naman kaso parang may crying cow yun compressor once engaged which is typical sa mga refurbished/fake compressors.


    nasa supplier yung compressor kasi idiagnose daw nila, 2 weeks ago na yun, and yes lumamig naman for 2 days yung AC, walang ingay or anything, kaya lang nung 3rd or 4th day naramdaman na lang namin na mainit na yung sa driver side, and malamig yung sa passenger side, isang sign na kulang ang refrigerant, confirmed naman nung binalik ko sa shop, then doon lang nila naisipan na ipressure test yung compressor and ilubog sa tubig.
  • ^i'm hoping na maayos nila ang issue at sana tumagal yung replacement compressor.
    stay firm sa pakikipag usap mo dun sa shop. malinaw na back job yan, wala ka na dapat additional na babayaran on top doon sa napagkasunduan nyo na. walang kesyo ganito, kesyo ganyan,,, mag add ka po ng X amount. kahit yun naitapon na freon labas ka na doon.
  • ^
    thanks, mahal din kasi ng surplus compressor, 14-16k sa Capalangan, Apalit, Pampanga. konti na lang Bnew na, pero hindi ko din sure if bnew OEM nga ang pinalit, nakita ko naman yung box, mukhang hindi naman cheap yung packaging, so sana naman...

    and yes, hindi talaga ako magbabayad ng additional.

    -- edited by piLio on May 09 2024, 06:15 AM
  • ^"mukhang OEM" rin naman kahit ang packaging nung brand new compressor ko dati pero definitely faked yun.
    hindi ko lang matandaan kung si redwing or si lxi yun nag tip ng bilihan ng OEM compressors pero mura somewhere in QC.
    anyways, let's hope for the best na lang. keep us posted.
  • ^ yung binibilhan ko ng aircon parts, eab aircon sa timog ave qc. Di ko alam kung tunay pero reputable naman yung shop.

    Edit. My bad. EEB nga. Kung tama memory ko, 9500 kuha ko sa compressor ng vios.

    -- edited by lxi97 on May 09 2024, 09:26 PM
  • ^ayun

    edit:
    nag google ako, hindi kaya EEB?

    -- edited by statix on May 09 2024, 05:33 PM
  • EEB Aire yung pangalan ng shop sa Timog. Dyan din ako bumili ng compressor na Sanden para sa EE100 ko, 2018 ko pa binili.
  • elman
    EEB Aire yung pangalan ng shop sa Timog. Dyan din ako bumili ng compressor na Sanden para sa EE100 ko, 2018 ko pa binili.


    ayun. we need to mark this shop then.
    at mukhang kumpleto rin sila ng car AC parts
  • reputable shop at recommended nung mga pinagtanungan ko na kakilala.
  • ^malamang isa yan sa takbuhan(supplier) nang mga local AC shops within the metro.
  • hi, hingi lang sana ko ng input po, yung reverse camera and yung signal light po kasi ng sasakyan ko is parang nag static, napansin lang po ng tita ko nung lumabas sya para mamili pagbalik nya sinabi nya sakin na nag static yung signal light ko sa kanan, after non pati yung kaliwa parang kumikindap kindap, sa reverse camera naman parang nag static na parang box tv na mahina reception. ano po kaya ang problema? salamat.
  • one click start pa rin ba?
  • Mga sir,

    May marecommend ba kayo shop in south (Muntinlupa, Las Piñas, Parañaque, San Pedro, Biñan, Carmona) when it comes sa electricals. Plan ko ipacheck mga electrical line nung sasakyan. Also, any idea when it comes sa costing.

    Thanks
  • try south cartel garage sa may bandang taguig.
  • hi, hingi lang sana ko ng input po, yung reverse camera and yung signal light po kasi ng sasakyan ko is parang nag static, napansin lang po ng tita ko nung lumabas sya para mamili pagbalik nya sinabi nya sakin na nag static yung signal light ko sa kanan, after non pati yung kaliwa parang kumikindap kindap, sa reverse camera naman parang nag static na parang box tv na mahina reception. ano po kaya ang problema? salamat.


    Most likely a bad grounding sa body, and/or bad flasher relay.