Forum Topic

Alternative Watt / Power Meter

  • running current is the amp rating, 10 amp would be enough based on your example above.

    pa share naman ng data nyo sir, balak ko din bumili ng ganyang ac.

    mag set kau ng time like 4 or 6 hrs then kung ilang kWh ang konsumo.....note your set temperature as well (kung 26 or 28 degrees)
  • ^

    magkakaproblem ba kung mas mataas na ampere ng adaptor? sabi nung binilhan ko ng voltcraft 15-20amp daw na adaptor ang bilhin ko.
  • ^ according to your specs your aircon will draw 4amps.
    ang gamit ko sa bahay na adaptor is rated at 10amps so its perfectly safe even if I add a voltcraft or something in between.

    As long as the devices will be able to handle 4amps then it's good to go, check mo lang kung maluwag.
  • ^

    sir dapat ko rin bang alamin kung ilang ampere yung kaya ng voltcraft ko? anong model na voltcraft ang gamit nyo? Ilang hp ang na test nyo?

    -- edited by jherdy on Jun 23 2016, 01:59 PM
  • most watt meters are rated up to 3,500 watts. check no na lang specs ng watt meter mo.
  • to add, my .5 standard ac is connected to an omni watt meter as well as my standard ref.

    na momonitor ko every month ang consumption nila (roughly 100 kWh for ac, 50 kWh sa ref.)

    -- edited by megasyxx on Jun 23 2016, 02:35 PM
  • ^

    yes sir 3500 watts po yung sa akin. Volcraft Energy Logger 3500 yung model ng sa akin
  • sir ok lang 15 amp yung bibilhin ko na adaptor to check the .8hp at 1hp na aircon? so tama po ba dalawang adaptor po yung kailangan kong bilhin? sa mismong saksakan ng voltcraft papunta sa wall outlet at dun sa harapan kung saan isasaksak ko yung aircon papuntang voltcraft.
  • Hi all, any idea san makakabili na ng voltcraft energy logger? Wala na sa alexan. :(
  • Hi all, any idea san makakabili na ng voltcraft energy logger? Wala na sa alexan. :(

    Up. Also interested. Can't find any in Ace, Handyman, TrueValue, etc. Okay whatever brand (Voltcraft, Omni).
  • Meron akong voltcraft or watt meter gusto ko sana imonitor yung aircon ng parents ko kaya lang ang problema ko yung saksakan ito yung voltcraft ko







    Then ito yung outlet or yung saksakan ng aircon


    Ito naman yung cable or plug ng aircon.



    Nag try ako mag canvass nung adapter kaya lang sabi sa akin di daw pede sa aircon yung adapter masusunog lang daw kasi mababa daw yung ampere nung adapter. Ano kya dapat kong bilhin para magamit ko yung voltcraft ko pang monitor ng aircon?
  • Ilang hp ba yung ac unit? Most adapters are rated for 10 amps
  • 1hp po sir...
  • Kaya naman ng 10 amp adapter (220 volts X 10 amps = 2,200 watts) ang 1 hp.
  • Sabi po kasi masusunog daw yung adapter sabi nung salesman sa ace hardware.

    So ibig sabihin ito ikakabit ko dun sa cable plug nung aircon para masaksak ko sya sa voltcraft



    Then ito namang adapter na ito isasaksak ko sa mismong voltcraft para masaksak ko yung voltcraft sa mismong outlet tama ba sir?


    -- edited by jspydrej on Apr 25 2017, 09:16 AM
  • Sori di ko nakita yung image ng post mo on my last post, 15 amps ang nakalagay sa plug nung ac unit, so di nga pede yung adaptor unless its rated for 15 amps which I doubt kung meron.
  • Sir kung papalitan ko yung wall socket ng universal socket na 20A para isang adapter na lang gagamitin ko. Wala na kayang magiging problem dun? Pero gagamit pa rin ako ng universal adaptor para maisaksak ko yung aircon papuntang watt meter.

    -- edited by jspydrej on Apr 25 2017, 10:39 PM
  • Nakabili ako ng OMNI watt meter, ilang months na sakin wala naman problema. Gamit ko lang sa computer ko. Ayaw ko gamitin sa aircon kasi ang aircon pag ini ON mo meron surge current. So kahit lets say 4A lang ang current nya, pag nag start sya meron sya current spike, hindi ko lang alam kung gaano kataas yun. Kaya ayaw ko gamitin sa aircon, so far ok na ok pa din yung OMNI watt meter ko.





  • my 2.0 HP window type aircon watt reading ,unstable but thats the highest watt meter reading