Forum Topic

Sun Broadband Wireless (No Trading)

  • Buset na sun toh. Ayaw maglogin sa yahoo. Pati sa sun at smart dashboard ayaw maglogin. Youtube desktop ayaw magplay
  • sayang din itong sun binili kasi ni mvp kaya nag ka bwisit bwisit yung services, for call text na lang, sa data wag na kayo umasa wala naman silang ginagawang network upgrade like LTE
  • ubos na ata mga naka Sun Broadband Wireless, kinain na ng sistema
  • ano mangyayari pag di ka nagbayad ng bill?
  • Hindi naman agad mapuputol ang service ni sun paps.s experience ko dati sa plan 699.sa 2nd month na di ka nakabayad.saka nila tatanggalin internet mo.
  • E5832 po yung sun pocket wifi ko. Since Smart na yung signal at nakaroaming na sya lagi ayaw na mag auto connect. Kailangan manual pa. Meron ba pwede gawin para magtuloy yung logon sa internet?
  • Bluetops
    May sun pocketwifi din ako, e560. Smart signal and naka roaming din. May settings sa akin na pwede auto connect. Kapain mo lang baka meron din yan.
  • netshark ,
    tingnan ko uli mamaya. pag sun lang kasi autoconnect. hayz. e ngayon pa after 5 to 10min of use bigla mawawala yung wifi signal kahit kumpleto naman mga ilaw. di ko alam kung pocketwifi na mismo ang may sira.
  • Try mo kabit yung sim sa phone kung gagana. Kung di naman nadidisconnect sa phone baka yung pocket wifi nga may sira.
  • mga sir may capping ba ang sun cellular? planning to switch kase from globe to sun. bitin kase ako sa capping ng globe na 800mb daily
  • sana may makasagot
  • Meron
  • May tanong ako, subscriber padin kasi ako ng Sun broadband 699, and this is way back 2014 pa kaya unlimited ako.

    Tanong ko lang, may free upgrade kasi si sun to LTE sim, tanong ko lang sa kapareho ko ng subscription, bumilis ba ang internet ninyo? kamusta naman yung capping, tolerable ba?

    Sorry kung nerevived ko ang old thread.

    -- edited by about_us on Sep 10 2019, 11:40 AM
  • sayang naman yan, wala ka ng makukuhang mobile internet ngayon. wag mo ipa disconnect. yung capping nakaka stress lalo kapag mahilig ka mag stream dahil karamihan di mo ma-control yung kain ng bandwidth. most apps will give you the best quality video if it detects you have fast internet so your bandwidth will be eaten up.
  • No, hindi ko ipapadisconnect, free upgrade lang daw from ordinary sim to LTE Sim, pero yung subscription ko ay unlimited padin, iyun yung sabi ng Sun cellurar customer service.

    Kaso lang nagwoworry ako na baka matrick ako ng sun, let's say nagupgrade ako ng sim and then bigla nilang iimpose yung data capping, So luge ako.

    So far sa totoo lang ay mas okay ito kaysa sa prepaid 800MB, kasi sa currenct subscript ko ay hindi ako nagwoworry sa data, araw araw akong nag yuyoutube at never akong nagwoworry sa kinakain na bandwidth. And then one time sinubukan ko yung prepaid smart, langya naligo lang ako ubos na yung 800MB kasi biglang ng auto update yung macos ng hindi ko nalalaman.

    -- edited by about_us on Sep 10 2019, 12:49 PM
  • unlimited LTE? duda ako diyan. kung totoo yan e di no brainer na. there is no such thing as umlimited LTE afaik.

    nagka offer din kasi ako dati ng "free" upgrade from unlimited sun 3g to capped smart LTE pero di ko kinuha.

    can you post the details of the so-called unlimited sun LTE plan, and yung link na din, kung meron?

    -- edited by lxi97 on Sep 10 2019, 12:54 PM
  • ibig sabihin ni about_us, gamit nya dating plan pa na unlimited at dating sim na hindi LTE capable, tapos inooferan sya na palitan yun sim, nagwoworry sya na baka mapalitan din plan nya.

    ok lang kung sim lang kaso alam mo naman yun mga Telco mandurugas kaya mabuti nga linawin mo same plan walang magbabago sim lang babaguhin.
  • @beansent

    Yes tumpak, pasensya na guys kung hindi ko naipaliwanag ng masyado. Pero ganun yung sitwasyon ko. Hindi kasi ako tiwala sa mga Telco baka dugasin lang nila ako. Sabi nung CSR nung sun, once nanapalitan na daw yung sim ay smart network nadaw yung gagamitin. Kaya medyo duda ako.

    Kaya gusto ko lang itanong sa mga subscribers na sun na kapareho ng plan ko kung anong nangyari sa inyo nung nag-upgrade kaya ng sim from ordinary to LTE.

    Sige punta ulit ako sa Sun shop para linawin. Although sinabi na nila na sim lang ang magbabago at hindi yung subscription pero duba padin ako. Sinabi din na CSR na up to 40Mbps yung speed and once na nareach na yung data capped, bababa sa 20Mbps which is mabiles padin kung para sa current speed ko na 1Mbps.

    So ibigsabihin from 40Mbps ay magcacapped sa 20Mbs. Since hindi nga ako tinawa sa mga telco sa Pinas, pinag-iisipan ko kung icacancel ko nalang yung free LTE sim upgrade.

    Okay lang sa akin kung mag-capped siya from 40Mbps to 20Mbps, basta huwag lang totally mawawala yung internet kagaya nung sa unlisurf 800Mb.

    -- edited by about_us on Sep 10 2019, 01:56 PM
  • tama I suggest linawin mo talaga sa office kung pwede may black and white kasi once ginalaw nila yan at nabago yun plan hindi ka na makakabalik sa dati especially na legacy plan yun sayo at hindi na inoofer ngayon.
  • Halos same setup sa akin. Upgraded to lte sim.. No issues naman. Yung sakin naman e unli mobile internet hindi sun broadband plan. Plan 999 dati. Better speeds than before kaso after 1 gb of usage throttled to 3 mbps max compared to 70 mbps pag d pa consumed ang 1 gb. Pero unlimited pa din at 3 mbps. No complaints

    -- edited by clone987 on Sep 10 2019, 05:22 PM
  • Ala, mukang wala nang pagasang maupgrade sa lte sabi nung csr ng sun, itinigil daw ang production ng lte sim at wala pa daw advice kung magpoproduce pa.
  • Bili ka smart lte upgrade sim 10 pesos lang. Pwde yan. Yun ginamit ko
  • Sinabi ko din iyan sa CSR, pero sabi niya ay hindi daw powede iyun. Feeling ko mukang ayaw lang nila.

    -- edited by about_us on Sep 29 2019, 07:13 PM
  • @about_us
    Ano na? Natry mo na magupgrade? Meron din ako plan 999 unli. Di ko pa
    Pinaclose. Yung 699 pinaclose ko dati. Nakakabwiset yung speed eh.
  • Sorry for the late reply

    Hindi pa nila ina-upgrade kasi ubos na daw yung LTE sim, ang tagal ko nang hinihintay at ang dami ko nang napuntahan store pero ubos daw talaga ang LTE sim, not sure kung totoo nga or nagdadamot lang sila. Actually hindi naman sila yung nag-offer ng free upgrade bale ako lang yung nakakita sa poster nila.

    Sabi ko sakanila ay bile nalang ako ng ordinary LTE sim then iyun nalang yung ilink nila sa account ko, kesyo hindi daw powede. Feeling ko ayaw lang talaga nila. Hays, nagtitiis ako sa mabagal na net, kaya nahihirapan akong magwork from home.

    Ang bagal nya talaga guys, as in parang nakasubscibe ak osa 523Kpbs or 384KKbps connection. Yung mga youtube videos ay 144P ko lang pinapanood. 699 nga pala yun sakin.

    -- edited by about_us on Mar 26 2020, 04:00 PM
  • @ABOUT_US

    do you mean the free LTE Upgrade sim like this one?




    Plenty at Lazada. I have a few spare here as well. If only you were near me, I could just give one to you. Or you can try at SM Info desks (when they open after this crisis)

    -- edited by Iggby on Mar 26 2020, 04:12 PM
  • Hindi po iyan, bale sim po iyun exclusive lang sa mga naka postpaid unlimted 699 broadband.

    Natatandaan ko pa yung time nuon pumila ako ng 1 hour sa customer support dahil sabi nung guard ay may avialable LTE sim daw, and then nung ako na yung naka salang bigla akong nagulat nuon sinabi nung customer service na out of stock daw yung LTE sim para sa aking subscription type.

    -- edited by about_us on Mar 26 2020, 04:26 PM

  • Is this only available to Smart Prepaid subscribers? How about Smart Postpaid?

    Sorry, but for the time being, this is only open to Smart Prepaid, TNT SUN Prepaid, Smart Bro Prepaid, SBW Prepaid and Sun Postpaid SIMs. We'll keep you posted when this becomes available for Smart Postpaid!


    <click here for link>

    You should be able to upgrade your SUN postpaid using the SIM upgrade kit.

    -- edited by Iggby on Mar 26 2020, 04:26 PM
  • Sigi thanks, after nitong community quarantine ay puntahan ko yung smart then ipapakita ko ito. Sana naman ay huwag silang magdamot.
  • Wala daw upgrade to LTE yung sun broadband sbw 699. They wouldnt be able to even give you a triple cut sim for that if you ask. Phased out na kasi yan so di ako magugulat kung di ka na nila bigyan ng maski anong replacement sim in case masira, kaya alagaan mo sim card mo.

    What they offer is to convert it to smart bro LTE pero may data cap na.