Forum Topic

TPC - KSA, atbp (No trading or selling)

  • Kakatawag ko lang sa Jarir ngayon, buti na lang at pinoy ang nakasagot.

    Nag-email na daw kahapon lang ung Service Center sa supplier for follow-up doon sa piyesa. Binanggit ko ung tungkol sa "kilala kong umabot ng 2-3 months ang waiting period for parts". Sabi ko kung ganun ba ang maging kaso, pwede ba akong mag-demand ng replacement unit instead. Sabi nila di na raw nila paaabutin ng ganun katagal at mag-issue sila ng request for replacement unit para sa akin instead.
  • makakalusot pa kaya 40" led tv sa saudia?
  • ^swing, bro normal baggage nlng ang 40-42" led/lcd tv's. kung gusto mo mkasigurado alam nmn yan ng mga travel agency, inquire mo na lang dn.

    sir yaks, di kna nagparamdam... hehe
  • ^isasama ko sana sa isang karton na dala ko may nakisuyo sayang din kasi yung isang allowance na karton kaya inoffer ko na sa mga kasama kung gusto magpadala, what do you mean by normal baggage? commonly seen ba ganun? so ibig sabihin ok wala akong magiging problema sa pag check-in. thanks.

    -- edited by swingman_01 on Mar 23 2017, 03:33 PM
  • ^yep, common nyan at yes pwede pa naman mgpalaman sa loob. magaang lang ksi ung tv be sure lang na maayos pgkalagay mo at wag matigas na bagay syempre hehe.
  • @dodick - thanks for the info bro.
  • Mahirap na bang maghanap ng work sa UAE? meron naman sana silang Expo pero parang ambaba ng mga sahod.
  • @madpayne

    Nice. Pwede ba sa kanila ang COD?
  • Kabayan,

    San po nakakbili ng mga ps4 games sa Al khobar wag sa Jarir at extra.Ung store dedicated talaga sa gaming
  • @mrm08
    COD ay available lamang sa UAE only. Dito kasi ako wadi ad dawasir, riyadh province kaya order2 na lang via online hehe

    @clay005
    try mo sa tokyogames bro hanapin mo na lang branch dyan

    -- edited by madpayne on Mar 23 2017, 06:12 PM
  • share ko lang :-)
    may kasama ako nag uwi ng 43" hdtv. nung una lumusot pero cancelled ang flight dahil sa sandstorm. binalik ang bagahe sa kanya at naghintay hanggang umokay ang panahon. dahil iba na ang nakaduty kinabukasan ay di pinayagan kasi ang limit daw ay up to 90cm. nakiusap na lang na first time nya mag uwi at di pa alam ang limitation.
  • ^Yun lang, dipende pala sa nag babantay. Pag nataon ka sa mahigpit yari na.


    @madpayne
    ganun ba, sayang naman. mas mura kasi sila kesa sa Dossary.
  • Sa mga may Credit Card dito, nakaranas na ba kayo na pumasok ng doble ang bill nyo?

    Example:

    3,000SR ang Credit Limit mo. Gumamit ka ng 500, then 500 ang pasok ng bill mo, tapos binayaran mo online using the same bank account kasi iisang banko rin lang ang main account at CC mo. At ng nag-check ka sa CC mo, buo na ulit ung 3,000. Then after just an hour, may pumasok na text sa phone mo na sinisingil ka ulit doon sa naunang nabayaran mo ng bill.
  • ano na ang gagawin sa mga may laptops, sad news!
    <click here for link>
  • ^ To US lang ata yan sir
  • ^ US and UK according to news.
  • Sa mga may Credit Card dito, nakaranas na ba kayo na pumasok ng doble ang bill nyo?

    Example:

    3,000SR ang Credit Limit mo. Gumamit ka ng 500, then 500 ang pasok ng bill mo, tapos binayaran mo online using the same bank account kasi iisang banko rin lang ang main account at CC mo. At ng nag-check ka sa CC mo, buo na ulit ung 3,000. Then after just an hour, may pumasok na text sa phone mo na sinisingil ka ulit doon sa naunang nabayaran mo ng bill.


    Itawag mo lang sa bangko mo aayusin din naman nila yan.
  • ^ bound to US and UK. Ano magagawa natin. Kng dito sa middle east nasunod tayo sa batas nila, magagawa din natin yan sa US or UK. For safety naman yan
  • @Madpayne

    Ung malapit lang sana sa Ramaniyah mall.
  • mga pare ngayon umpisa ng tokhang nila diba? haha
  • ^

    Yep, wag kalimutan ang iqama dapat laging dala saan man pumunta
  • Magandang umaga mga sadik.

    Sahoran na po, hwag kalimutan mag tabi para sa kinabukasan
    Sa sitwasyon ng gitnang silangan ngaun job security is on the rocks.
  • may nakapagtry na po dito mag invest sa bank? open po ba ito sa expat or local lang? thanks
  • ^

    I had an inquiry before sa Riyadh Bank about their TADAWUL.(KSA Stock Market)
    They told me it is open to expats, ang problema lang kailangan ko pa pumunta ng Al Khobar kasi doon daw sa main branch sila nag iisue.

    If you have the chance to open TADAWUL mag open po kau kasi kahit na sa dividends lang ok na, better than interests rate ng savings account.
  • mahirap na ba mag apply ng trabaho ngaun tropa? pa exit pa naman na ko..

    saka matanong ko lang, ung bupa ba pede gamitin sa pag papalinis ng ngipin or pa facial mga ganun para maka kuha man lang ng discount.. sayang eh di nagagamit
  • ^kung linis at pasta lng ng ngipin ok lang sa bupa, facial not sure... try mo ung sa eyeglass hehe
  • ay isa pa nga pala un, need ko ung sa eyeglasses , pede sa bupa din?
  • and libre lang ata sa bupa ay frame ng eyeglasses
  • Sino po dito naka zain? ubod ng bagal ng sakin. Meron kasi 150 riyals na unlimited sa zain. Unang lingo mabilis. tapos habang tumatagal ang bagal.

    Current result sa speed test
    71 ms
    DOWNLOAD
    0.39 Mbps
    UPLOAD
    0.90 Mbp
  • At last! Nakuha ko na ung lappy ko. Kaso di na ito ung dinala ko for warranty repair. Dahil natagalan at nahirapan silang kumuha ng replacement parts, binigyan ako instead ng bago. Pero pansin ko dito, mukhang bagong variant ito nung luma ko, FHD na kasi ang screen.

    -- edited by PaulusDarkus08 on Apr 02 2017, 07:16 PM