Forum Topic

TPC - KSA, atbp (No trading or selling)

  • Well unahan daw sa 3080 sa September 17.
    X4 less ang stock compared before due to covid. Maka 4k 60 fps narin sa wakas. :P
  • @Dacs buti ka pa, 3k lang.. ako 14k ;(

    19k binayaran ko huhuhuhu
  • lalaki nmn ng mga bnabayaran nnyo.... ano yan buong angkan nnyo nndito na? hehe
  • ^haha ano yan 4 to 5 dependent nyo?
  • ^ ilan ba pamilya nyo dito mga paps? hehe joke lang :)
  • ^haha yung illegal di naman kasama sa dependent fee :)
  • Isa lang ang kumander ko LOL

    Wife + 3 kids kasi, kaya malaki. Manganganak pa si esmi this month, so alam na this haha
  • mga guys pano ba umuwi ngayon? saan ko makikita yung procedures? possible ba?
  • ^kung exit ka pwede pero kung re-entry sa Jan. 1 pa sila maglift ng ban according to several news outlet/blogs.
  • ^kung exit ka pwede pero kung re-entry sa Jan. 1 pa sila maglift ng ban according to several news outlet/blogs.

    Ang nabasa ko kung may valid kang exit/re-entry, puede ka makapasok basta may negative COVID result ka obtained within 48 hours upon entry.

    Ang January 1, 2021 is tatanggalin lahat ng restrictions (bale babalik na sa normal).

    Yan yung intindi ko sa balita.
  • https://www.spa.gov.sa/viewfullstory.php?lang=en&newsid=2133233#2133233

    so pasok ba jan sa exception kung mag babakasyon dahil gusto makasama ang family?

    "G - Those who have humane cases, particularly the following two cases:
    1) A male or female citizen who seeks reunification with his/her relatives residing outside the Kingdom.
    2) The death of a husband, wife, parent, or child outside the Kingdom."
  • Ang nabasa ko kung may valid kang exit/re-entry, puede ka makapasok basta may negative COVID result ka obtained within 48 hours upon entry.

    Ang January 1, 2021 is tatanggalin lahat ng restrictions (bale babalik na sa normal).

    Yan yung intindi ko sa balita.


    Yung Sept 15 ba is lahat ng expats na may valid ERE at Iqama ang pwedeng bumalik or yung expats na nasa GCC lang pabalik ng Saudi. Medyo naguguluhan kasi ako. hehe
  • 19k binayaran ko

    okay lang yan kung ganyan din halos ang sinasahod kada buwan :]
    pero imbis na para sa anak ang halaga na yan para sa kanilang future, napupunta lang sa kaban nila. buti na lang talaga di ko itinuloy kunin ang family ko noon, ngayon pang susunod na ang taghirap at kagutom (ayon sa mga experts)

    Yan yung intindi ko sa balita

    +1
  • ^abang na lang tayo sa mga updates since yung sa September 15 is unclear kung para ba yan sa expats from other countries or para sa GCC lang. Ang sabi kasi ng head ko uunahin daw magbubukas ang GCC so malamang sa malamang para sa GCC yung sa September 15. Hopefully maging ok na lahat since pauwi pa naman this holiday.
  • pero imbis na para sa anak ang halaga na yan para sa kanilang future, napupunta lang sa kaban nila.

    Napagusapan din namin ni esmi yan, lalo na magiging 4 na anak namin (5 dependents na, 24k per year woohoo).

    Sa case namin, gusto namin na lumaki mga anak namin na kasama ako. May experience kasi ako sa relatives ko na nag abroad (sa Jeddah, 20+ years), sa kasawiang palad di nabantayan ng husto ang mga anak.

    Most probably in due time, magdedecide din ako na pauwiin sila, palakihin ko lang ng kaunti mg chikiting ko. Ngayon, nag cost cutting na kami, lumipat kami sa mas murang flat (21k to 16k), so at least yung levy ng pang 4 ko, may sasalo na
  • ^abang na lang tayo sa mga updates since yung sa September 15 is unclear kung para ba yan sa expats from other countries or para sa GCC lang. Ang sabi kasi ng head ko uunahin daw magbubukas ang GCC so malamang sa malamang para sa GCC yung sa September 15. Hopefully maging ok na lahat since pauwi pa naman this holiday.


    Oo antay antay na lang tayo. Ang mahirap sa gusto nilang requirement is yung swab test. As per their requirement "the date of which was conducted is not more than 48 hours".

    So kung Friday example ang flight, kung Wednesday ka magpapatest, at marerelease ng 48 hours yung results, baka hindi na din tatanggapin ng Saudi kasi more than 48 hours na yun pagdating mo ng KSA. Kung Thursday ka naman papatest, for sure Friday, wala pang results yun at hahanapin naman din sa airport ng Pinas yun.
  • ^yan ang problema talaga akala kasi nila ganun kaganda ang sistema sa pinas, nag-aalangan na nga rin akong umuwi kung napakaraming requirements like sa pinas may travel pass tapos swab test tapos kahit negative ka quarantine ka sa brgy nyo ng 2 weeks etc etc. ubos na yung panahon ng bakasyon mo sa kakacomply ng requirements nila tapos yan pa pag pabalik ka na naman parang ang toxic ata, i-refund ko na lang ata yung pinambili ko ng ticket, haist.
  • ^ Ako naman, naipit ng travel ban dito sa Pinas. Feb 28 - Mar 21 lang dapat ako, pero di pa ako nakabalik. Buti na lang pumayag yung employer ko na wfh setup muna hanggang di ako nakakabalik. Ayun nga lang tinanggal muna nila yung transpo allowance ko, pero di nila naisip na nagcoconsume ako ng kuryente sa ac maghapon. Pero ok na din yun, kesa naman tanggalin.

    Tinawagan ko hr namin kahapon regarding sa Sept 15 na yan. Ang sabi niya, wala pa daw syang clearer info about dyan. Tinanung ko kasi kung expats from GCC ba yun or expats in general, di pa daw nya masure. Ipapatanong daw sa PRO namin at babalikan ako kung meron ng confirmed na news. So kapag tinawagan ako, ieexplain ko naman yung swab test issue na yan. Na ang results can be release 2-3 days pero it will not be accepted by Saudi kasi past 48 hours when the test was conducted.
  • dito sa amin majority ng pinoy na ang di mgbabakasyon until next year ng summer. which is a wise decision din talaga, unless emergency at need umuwi. sa ngayon wag na tayong mgtake chances kung hanap nyo lang is makasama pamilya. masyadong risky the same time kung bakasyon lang ang hanap, tama ang lahat... sa quarantine plng ubos na araw-weeks mo then wala ka nman din magagalaan o mppasyalan then pgbalik mo dito baka maalangan rin lalo nsa requirements...tiis lang mna mga pips at mgpray palagi.
  • ^yun nga talaga antayin na lang na magstable ang lahat, for sure summer time 2021 may clearer protocols na para diyan or malaki chance na back to normal na since sa baguio and ilocos nag open na ulit sila for tourism, sana magkatotoo na sa start ng 2021 back to normal na, testing waters naman na sila starting today diyan nila malalaman kung puwede na unti2ng magbukas. bakasyon na ulit next week saan kaya gagala hehe
  • sino na mga pabalik dyan? may Emirates ba dyan? un previous ticket ko na nacancel before e Emirates, and now 28hours na travel time lang ang available waaaaa! Saudia kci 47K na ticket kya sugod na lang ahaha, Mag expire na kci visa by October kaya need na bumalik. hassle un pcr test na 48hours lang, sana ndi cila ganuun ka strict kahit ilan hours pa extra sana, ahaha!
  • Yan ang problema sa long haul flights, kakainin yung 48 hours na palugit ng travel from Pinas to Saudi.

    Bale sana kung mabilis ang PCR testing sa Pinas, mukhang source of pampadulas sa Pinas yan.

    At paano pala malalaman kung ano yung mga accredited centers? Ala GAMCA din ba yan?
  • Ang gusto pa naman nila is dapat 48hrs from the test conducted ay nasa KSA ka na para maging valid yung results mo. Parang napakaimposible kasi. Wala pa ata naglabas ng swab test result sa Pinas ng 1 day lang. Usually 2-3 days talaga.
  • ^tutal requirement yan dito dapat dito rin ang swab test.
  • ^ Ayan ang tama or dapat kahit gayahin na lang nila yung sa Dubai, which is 4 days upon the release of results.
  • good news sa mga katulad kong stranded dito sa pinas, may memo na sa company namin para bumalik before September 30. alam natin lahat na extended ang re-entry visa natin. rebook na lang ang ticket at takbo agad sa accredited hospital para sa PCR test :]
  • ^ sir painform ako kung gaano niyo katagal makukuha yung pcr test results at kung papasok ba yan dun sa rules ng saudi na 48hrs from the date conducted
  • dito sa province namin, for public hospitals makukuha daw ng 4 to 5 days ang result. sa private hospitals naman, 1 day lang. aabot yan sir kung direct flight (PAL or SV). bumili na lang ako ng ticket (PAL) as adviced ng travel agent namin kasi last seat na yung nakuha ko. yung existing ticket EK ko, saka ko na asikasuhin pagdating sa final destination
  • @ssi_markd:
    check nyo po dito na malapit sa area nyo ser <click here for link>

    paki check na muna sa airline office kung anong result ang babasehan ayon sa pinagtanungan kong lab:
    • upon swabbing
    • upon release/result

    edit: 48 hours pala ang result
  • ^thanks sir.