Forum Topic

DC Inverter Aircon Users (Roundup in Page 1 & 420)

  • auric984 Send Message View User Items on 16 Jun 17 @ 04:24 PM - User is online #
    guys ok ba bumili sa L#z#da? Ok sana tong split type.
    Koppel KV-09WM-ARF21B 1.0hp Inverter Split Type Aircon at 26,500.
    Taas ng EER 14


    di ko kasi alam kung mataas EER ng panasonic. Yung Koppel mataas talaga tapos inverter pa.
  • ^Bro, mataas naman ang eer ng Panasonic, yung gamit ko panasonic inverter din, eer nya is 14.34. Yung model na sinasabi mo, eer nya is 13.8 base sa website ng Koppel.
  • could be masyado lang mababa ang thermostat setting mo bro. hindi ka na ba comfortable kung taasan mo pa kahit around 24c?

    natawa lang ako dun sa 'naglason' :D


    yeah bro nasa 18 - 20c COOL sya with auto settings sa fan
    pero pag dry mode and 24c or higher mabagal lang naman usad ng metro hehehe
    andun kasi anak ko and di sanay sa mainit O_o

    yun "patay ang naglason", sa basketball ko narinig yan. was playing well (defense and offense), tapos may SG kalaban, maliit lang around 5'5"; in your face yun lay up sakin. pag pasok ng bola, sinigawan ako "patay ang naglason" hahaha
  • Guys, aside from eer, check nyo rin minimum power consumption ng aircon.
    Like for example, daikin dsmart na nasa 12.3 lang eer pero nasa 290w minimum power draw nya. Ibig sabihin, @ idle/econo mode nasa 300w lang consumption. Kahit 15 pa eer rating nya kung minimum power nya is 450w(for 1-1.5hr), medyo malakas pa rin consumption.
    Ang eer kasi kung di ako nagkakamali ration ng cooling power over ng input wattage.
    Kaya interested ako sa pana premium(1-1.5hp) kasi ~14 eer nya tapos nasa 295w minimum power nya
  • reliable ba yang mga EER and power consumption rating na nakasticker sa unit? yung nabili kong ref kasi, iba ang power consumption na nasukat ko sa ammeter ko vs. sa rating na nakalagay sa sticker.

    di ba gaya yan ng mga kotse, claiming 20km/L mileage pero pag gamit mo na, 12km/L lang pala.

    -- edited by PadreFlorentino on Jun 19 2017, 08:55 AM
  • ^sa akin ginagawa ko lang na reference. Kasi parang sa kotse rin yan, yung posted milage ideal condition un, which is hindi naman applicable sa real life scenario.
    So far sa Pana 10.5cu inverter ref ko kasi nasa 600-800 per month lang bill namin nung wala pa kami aircon at hindi pa nagtaas singil meralco

    -- edited by scandinavian_armor on Jun 19 2017, 09:09 AM
  • PadreFlorentino Send Message View User Items on 19 Jun 17 @ 08:54 AM - User is online #
    reliable ba yang mga EER and power consumption rating na nakasticker sa unit? yung nabili kong ref kasi, iba ang power consumption na nasukat ko sa ammeter ko vs. sa rating na nakalagay sa sticker.

    di ba gaya yan ng mga kotse, claiming 20km/L mileage pero pag gamit mo na, 12km/L lang pala.

    -- edited by PadreFlorentino on Jun 19 2017, 08:55 AM


    gano kalaki ang pinag ka iba?
  • Meron na bang lumabas na Panasonic Inverter Aircon na window type? If so, saan nabibili? Thanks
  • yung installation ba ng split type sila na din mag wiring? o need dapat naka abang na yung breaker? nasa labas ba ng bahay yung breaker at exposed sa ulan?
  • Koppel KV-09WM-ARF21C binili ko 14.5 EER.

    Lasthope21 on 19 Jun 17 @ 03:24 AM #
    ^Bro, mataas naman ang eer ng Panasonic, yung gamit ko panasonic inverter din, eer nya is 14.34. Yung model na sinasabi mo, eer nya is 13.8 base sa website ng Koppel.
  • reliable ba yang mga EER and power consumption rating na nakasticker sa unit? yung nabili kong ref k...


    Approximation lang yun sir. Formula ng EER is rated cooling capacity divided by rated power consumption.

    Ex: KAG-110RSINV
    9950 kJ/h / 760 W = 13.1 EER

    So bottom line, this doesn't fully reflect the savings/perfomance na makukuha mo sa unit. Numbers posted is for the appliance when on 100% duty cycle.
  • @auric984 mas okay pala yan mataas ang EER. Yung sakin Panasonic Premium Inverter CS/U-U09TKQ 14.34 lang EER eh. Yung 13.8 pala sa Btu/h-W nakatapat. Nagkamali ako.
  • Bumili kami ng window type na Condura 1 HP WCONH009EV model. Bad trip ang tagal lumamig, almost 30 minutes. Nung lumamig di naman gaano, nasa 18C na pero parang 30C lang nung LG split type.

    Malamig yung buga pero yung kwarto di gaano. Factory defect siguro.
  • ^

    Depends kasi yan sa temp ng room. Baka super init ng room kaya hirap pababain temp. Parang sakin kanina pumasok ako 32C sa room. Inabot 1 hour to reach 26C pero sinet ko lang yung temp sa 24C then back 26C pagkareach ng 26C. Magulo yata. LOL.
  • ^ May insulator yung bubong namin. Yung lumang non-inverter aircon (ca. 1998) walang problema.

    Laki ng difference.
  • ^

    Kahit pa may insulator kung galing sa super init na temp matagal talaga magpalamig. May room thermometer ka ba?
  • About EER and rated power sa yellow sticker....Samsung inverter ref... EEF is 404. Rated power consumption printed sa yellow sticker is 120 watts.

    Pero sa digital meter ng meralco lumalabas 190 watts.

    eer and rated power parang dinadaya to make it more appealing sa buyer. Matipid kunwari. Marketing gimmick? False advertising?

    -- edited by PadreFlorentino on Jun 20 2017, 02:57 PM
  • Yung mga ganyan, usually di accounted ang power factor kaya medyo misleading.
  • Di naman siguro, for example yung hitachi inverter AC namin rated EER is 12.4, 13000/1048
    pero yung wattage range niya is 376-1401
    at cooling capacity range is 5000-14500
    so EER range is 13.3-10.5

    so may time na lalagpas siya sa advertised wattage (like kung naka powerful mode AC)

    Most likely ganyan rin yung ref ninyo sir
    Granted na yung mga numbers na yan usually at best/ideal conditions
  • meron ba dito naka window type inverter na carrier? ano settings nyo?
  • Share ko lang yung experience ko sa LG 1HP Split Type Inverter Aircon ko:

    - Binili ko ng July 2016 for 30k, 24mos installment sa Ans*ns, Trinoma Branch
    - BEA Thermo Tech Services yung nag-install ng aircon ko for P6,500
    - Nagpalinis ako ng AC for the first time sa LBR (Life Beyond Refrigeration) noong March 2017. Although months before ay tumatawag na sila for my scheduled cleaning, ni-neglect ko ang importance nito
    - After almost 2 weeks hindi na kayang palamigin ng AC ko yung kwarto ko pero ginamit ko pa din sya for some time
    - Tumaas ng sobra yung bill ng kuryente namin, nadagdagan ng Ph800+. After that hindi ko na muna ginamit yung AC
    - Nagpaschedule ako ng checkup noong May 2017 pero June 2017 na kami napuntahan at yun nga, sira yung capacitor gaya ng kutob ko (nabasa ko dito several pages back yung exp ng iba).
    - Sabi nung nag-check, sakit daw ng LG ACs ito pero hindi daw nya hindi ire-recommend ang LG dahil lang dito. Isa ding posibleng dahilan ay dahil sobrang dumi na ng outdoor unit at hindi pinapalinis
    - Few days ago binalikan ako ng LBR para i-replace yun sirang capacitor from 1uF to 2uF
    - Working fine na yung AC ko at hindi ko na ulit papatagalin yung pagpapalinis nito
    - So far exceptional yung customer service ng LBR. From scheduling (contact person is Sir MC) to actual service provision (personnel/technician/etc)

    HTH

    -- edited by vanhale on Jun 20 2017, 04:41 PM
  • hi sir/madam,

    patulong naman kung may alam kayong contact nos. ng carrier para magpalinis at check-up na rin (Freon , maintenance)
    or 3rth party na certified/qualified HVAC tech.
    question: pag ba nag pa palinis sa hindi carrier (tech.) eh yung warranty is void agad (like 5 years compressor)

    carrier aircon 1.5Hp inverter split-type, Imus cavite po

    thanks
  • @vanhale
    magkano total gastos?
  • @PadreFlorentino
    Sa repair sir? Wala po. Under warranty pa kasi :)
  • Sa Panasonic Premium inverter users,

    Ano ba difference ng nakaActivate ang Econavi at sa hindi sa sumusunod na settings?

    25c
    Fan 2bars
  • ^pag naka on ang econavi at walang madetect na movement, itataas ng aircon ng 2deg ang temp. Powersaving featute po yan ni pana

    -- edited by scandinavian_armor on Jun 21 2017, 01:18 PM
  • Good day mga sirs, ask ko lang po kung ilan po kaya ang minimum power draw ng Koppel super inverter window type aircon 1.5 HP. Wala po kasi nakalagay sa website nila. Thanks po.
  • Good day!

    Hingi sana ako advice. planing to buy 1-2 pcs na inverter 1.5HP.

    so far mga na canvass ko our the following

    Samsung - Cheapest is 23k 1.5Hp
    carrier - 35k 1.5hp
    Kolin - 31k 1.5hp
    Mitshubishi 26k 1.5hp.

    medyo duda ako sa quality ng samsung layo din ng tinipid 23k vs 31k.

    any recomendations?
  • torn between a window type and a split type. ok sana split type pero parang ang daming need na preparations para ma-install.
  • ^yung sa installation sa split ko hindi naman madami. Yung installer na nagbutas sa wall, sya na rin nag-wiring. All in all around 2 hours ginawa