Forum Topic

DC Inverter Aircon Users (Roundup in Page 1 & 420)

  • @djdiaz

    @ghegpatataas

    Here you go, sir



    thanks bro!

    -- edited by ghegpatatas on Nov 12 2019, 09:42 PM
  • Sa mga users ng LG 100wc 150wc, malaki ba effect nung walang auto swivel? plan ko ilagay sa gitna yung unit, paano magcirculate yubg cold air sa room pag di nagsswivel. Tsaka paano ba mag attach ng picture dito? Hehe
  • ^regardless of brand, mas ok ang may auto swivel para mas dispersed ang cold air all around lalo na kung meron spot sa room na may blockage sa line of path ng aicont vents . pero kung hindi naman kalakihan ang room ok lang din kahit walang auto swivel.
  • Kakalinis ng aircon namin today. 6mos palang unit namin kaya free cleaning. Nalito ako sa sinabi ng naglinis. Dapat raw yung outdoor fan hindi humihinto. Kapag humihinto raw kasi yun, pati compressor humihinto. Totoo ba yun? Nalito ako bigla.

    Sa inverter daw dapat constant na umiikot yung outdoor fan at nagslowdown lang daw dapat ang compressor. E ganun lagi ang napapansin ko sa unit namin. Kapag malamig na, humihinto yunh outdoor fan at tahimik totally yung outdoor unit. Maya maya, aandar yung fan at iingay ulit yung outdoor unit.

    Panasonic 2019 model ng unit namin. 26C, fan 2, cool mode

    -- edited by jezreelme on Nov 13 2019, 04:27 PM
  • ^Yun sa min dehins hinto yun outdoor fan. 12vkq model, Panasonic rin. Medyo naiingayan nga ko sa fan sa labas parang may whistling sound minsan e hmmmm.
  • ^

    Samin naman Daikin dati humihinto talaga. Atata nako mapalitan to. Hehehe.

    May mga LG Dual Inverter Window type user ba dito? Yun kasi target namin next.
  • @t3nma
    same model tayo. Pu12vkq rin saken. Sa start up maingay talaga. Pero after 2 or 3 hours, ganun na sya. Anong temp settings mo? Sabi kasi saken i 22C ko raw. Maninigas naman kami sa lamig nun.

    @jr2_pajarillo
    Normal lang daw ba yun sabi ng daikin? Na kusang humihinto yung outdoor fan?
  • @monseignor
    Baka pwede pabulong or pm kung san mo nabili unit mo na LG 150Wc na 26500 yung price. Salamat
  • @Jr2_pajarillo

    cge monitor ko din, so far tahimik na tahimik sya ngayon, kahit itodo ko fan eh constant yung buga ng hangin, saka lalong lumamig , powerful mode ako lagi pag unang bukas, then pag na achieve na nya yung preset setting ko na 26 degrees eh switch ko na sa dry mode hanggang morning, tipid sa kuryente, araw araw ko kasi nililista yung kwh used ko

    yung room ng mama ko na LG dual inverter na window type 1HP, maliit lang yung room, tipid din sa kuryente, pero yung dry mode nya eh namamatay yung blower pag na reach nya yung preset setting, pwede kasing adjust kahit sa dry mode yung setting, na iinitan mama ko pag namatay yung aircon kaya lagging cool mode lang sya
  • yung room ng mama ko na LG dual inverter na window type 1HP, maliit lang yung room, tipid din sa kuryente, pero yung dry mode nya eh namamatay yung blower pag na reach nya yung preset setting, pwede kasing adjust kahit sa dry mode yung setting, na iinitan mama ko pag namatay yung aircon kaya lagging cool mode lang sya

    parang same yung dry mode at eco mode na once nareach na yung set temp is namamatay narin yung fan. kaya diko masyadong gamit tong mga mode na ito kapag matutulog na kami kasi naaalimpungatan ako pag madaling araw na parang nakakasuffocate lalo pag medyo matagal nakaoff yung blower/fan.
  • Balak ko sanang bumili ng ac para sa 8 sqm na bedroom na bababa yung kisame.

    Pa suggest naman kung anong maganda around 28k budget split or window type ba at ano ring model?
    At pasuggest narin ano at saan maganda bumili ng insulation.

    LG LA100WC at TCL TAC-12CSA/KEI 1.5 HP SPLIT TYPE AIRCONDITIONER pinag pipilian ko.

    -- edited by Raleiigh on Nov 14 2019, 09:27 PM
  • Balak ko sanang bumili ng ac para sa 8 sqm na bedroom na bababa yung kisame.


    Parang malaki masyado ang 1.5 sa kuwarto mo.
  • @Raleiigh

    sakin 1.5 panasonic split type 10sqm. Sakto lang sya if may ksma ka sa room and may desktop or tv.
  • Sinu po dito may contact sa panasonic laguna pra sa service and clining? may recommended ba kayo cleaning sa outdoor mg 1 year npo kasi. First cleaning is ung indoor lng po nilinis.

    Thanks!
  • @omitakatori

    Mag kano per month na coconsume mo at gano katagal nakabukas?
  • Baka pwede pabulong or pm kung san mo nabili unit mo na LG 150Wc na 26500 yung price. Salamat
    try facebook marketplace...yung binilhan ko tumaas na price...or maybe carousell...
  • paano magcirculate yubg cold air sa room pag di nagsswivel.
    kung malaki room mo or may dead spots dapat maglagay ka ng electric fan sa unahan nya or sa tabi nya...thats how i circulate it...yung mahina lang ang wattage...you cant really rely on the aircons fan...furthermore pwede mo taasan ng 1degree yung temp mo pagka may fan dahil mas malamig na yung pwesto where you are...dun mo itapat yung fan...i think i posted a pic a year ago or so ago...in my case i have both a split type and a window type in each room with a wall fan in the middle...thats to assure na palaging may aircon in case 1 of them masira...dati kasi yung window type na inverter mahal kaya conventional unit lang yung window type ko...nung nagmura yung split type na inverter nagpakabit ako tapos nung nagmura yung window type pinalitan ko yung conventional unit...in my case baka 1 year lang bawi ko na sa elect. savings yung cost ng inverter...from a high of 25t dati during the summers 15t nalang ngayon tapos mas malamig at mas matagal pa ang use ko...my electricity cost ngayong malamig na is about 8t...with 3-- 15 cuft refs and comp. lights, etc. ang 2.5 aircons 1.5hp each at 24 to 25 settings...walang tipid..when were home nakabukas palagi.. i have friends na naka condo lang tapos yung elect. bill nila is 10t per month...i always tell them to change all appliances to led and inverters...
  • 8 sqm na bedroom na bababa yung kisame
    1 hp lang sobra na dyan...dapat nga less than that...bukod na lang kung gusto mo ng parang nasa freezer ka...at kung mainit yung bubong mo...
  • Hitachi RA-10HVQ
    there have been reports here that the main board is expensive so if masira yun its no use fixing it...yung carrier naman parang hindi pa nila perfected yung inverter tech. nila...so far the reliable brands in this forum are LG, panasonic, daikin, kolin...the main board of the lg split type is 6500 including labor about 3 years ago...i don't know the other brands...yung hitachi at panasonic is about 11t yata...per reports here...
  • @Raleiigh madmai kami sa bahay sir 2 split type inverter 1.5hp at 1hp na old aircon.

    Pero cocompute ako now sir kasi wala 1 month ung isang room na may 1.5. halos 20hours per day open sir
  • @monseignor1 thanks naghahanap na din ako ngayon ng dc fan. Nabasa ko din dito na meron nung 15watts lang sya.

    @all need ko input nyo, sa window type AC gaano kainit yung pnoproduce nya na heat yung sa labas ng unit? Magkabit ako sa sala namin. Yung kitchen namin nasa labas, bale yung magiging butas para sa ac yung singaw mapupunta sa kitchen namin. Outside kitchen naman kaya may open air, sobrang init ba yung ipproduce na heat nung Ac sa likod o tolerable naman? Lg150wc kukunin ko na unit.

    Di ako pwede mag split type dahil walang ppwestohan yung outdoor unit.
  • Yun sa dati kong kolin na non inverter wala naman ako naramdaman na jnit although maliit lang kasi yun .75 hp. Etong carrier 1.5 hp medyo mainit ang buga sa labas
  • sa window type AC gaano kainit yung pnoproduce nya na heat yung sa labas ng unit?


    used to have a Kolin .60 hp manual unit, mainit talaga buga, though ang lamig naman ng room na kasya 1x queensized bedframe and 1X double bedframe (ito basihan ko sa dating tirahan namin)

    [youtube]bale yung magiging butas para sa ac yung singaw mapupunta sa kitchen namin[/youtube]

    hmmm parang delikado ata, though i hope hindi maapektuhan if may gas range kayo and gas tank. if may exhaust kayo siguro mas OK para iwas kulob ng init.
  • Agree na parang delikado nga bat di nalang split type para sa ibang lugar pwede ipwesto yun outdoor unit
  • Balak ko sanang bumili ng ac para sa 8 sqm na bedroom na bababa yung kisame.

    Pa suggest naman kung anong maganda around 28k budget split or window type ba at ano ring model?
    At pasuggest narin ano at saan maganda bumili ng insulation.

    LG LA100WC at TCL TAC-12CSA/KEI 1.5 HP SPLIT TYPE AIRCONDITIONER pinag pipilian ko.


    @Raleiigh

    Yan din po yung pinagpipilian ko noon, pero sumugal po ako sa bagong brand which is AUX since maganda naman po ang warranty offered (5 Years on parts and 10 Years on compressor) nagpromo sila sa Laz*** 11.11. J Series Inverter na 1.0HP yung kinuha ko 23K lang yung price that time with free installation for 1st 10 feet basta within Bulacan, Cavite, Rizal and Metro Manila yung place mo. Nadeliver naman yung unit last Wednesday c/o Laz*** pero yung installation need i-schedule. Tomorrow pa sila pupunta para ma-install. May quick overview sa YouTube by a Filipino vlogger search mo na lang "AUX inverter aircon". Mag post na lang po ako uli pagnainstall na. Kung di naman nagmamadali and you may also opt to gamble sa brand na to possible mag promo ulit sila sa 12.12 23K yung 1HP and 26K yung 1.5HP.


  • Thanks all sa input. Gusto ko sana talaga yung window type ni LG yung wc series kaso for safety reasons na rin mag ssplit type nalang ako, mag papa site survey na rin ako. Consider ko either yung 1hp xu9vkq or 1.5 xu12vkq.

    @musicgeek pa pm po nung authorized dealer online na kilala nyu po para macompare ko price dun sa nahanap ko.

    @1maverick11 may nahanap ka na authorized installer para sa unit mo? Pa pm po kung sakali thanks.

    Nag inquire ako sa ray j* since sila yung may magandang feedback dito in terms of installation. mejo mataas ang pricing nila pero with installation na. Di ko lang sure kung pasok ako sa free 10ft coverage kaya need talaga site survey muna.

    @impulse101 kamusta yung unit mo? Sana meron parin nung 31k plus 4.5 install since promo lang pala to nung June. Pede malaman name nung installer nyo from abenson atc? ayos naman kabit nila?

    @van thanks sa suggestion. :)
  • Ano po ba difference ng basic inverter vs premium inverters?

    Im leaning towards the basic inverter mas mura kasi, what do you think po?
  • @jezreel

    26, dry setting gamit ngayon sa pana kasi medyo malamig.

    @banker2019

    Ashcol yun nag install ng pana namin. Ayos naman trabaho pati yun cleaning after 6 months parang swabe naman.
  • not sure if off topic pero meron akong 2.5hp na window type aircon, ang problem ko kapag lumagpas ako 25% above ng temperature knob. After a few hours mag yelo specially kapag madaling araw.
    Pero kapag tanghaling tapat kahit i angat ko ng hanggang kalahati walang problema.
    Kahit bagong linis at walang diskarga sa freon. Ano kaya problem neto?
  • Kahit bagong linis at walang diskarga sa freon. Ano kaya problem neto?


    Use an IR thermometer, compare mo temps ng discharge (air coming out of louvre) at return (grill near air filter) — dapat may at least 10C° difference between the two. Kung malaki naman difference at mainit pa din, either underpowered si AC or leaky yung room/insulation is inadequate.