Forum Topic

Gilas Pilipinas National Basketball Team

  • malaki rin siguro offer ng mga tsekwa dun kaya namalagi dun
  • So is he still a Filipino? I mean kaya nga siya naturalized para makatulong sa NT pero sa ibang bansa naman naglalaro :(
  • i guess he only gets paid when he plays.....then ala na. unlike our locals here na mostly guaranteed ang sahod.
  • Blatche contributed to Gilas' memorable 2014 World Cup stint. Giving headaches to Croatia, Puerto Rico, Argentina and culminating with a game win for PH in 40 years vs Senegal, silver medal in 2015 FIBA Asia, and the 2017 SEABA gold.

    Kaso lang bitin kasi ang tunay na hangarin ay makapasok sa Olympics. Kaya lang hindi nakuha ang 2015 FIBA gold medal at kinailangang dumaan sa butas ng karayom sa 2016 Olympic Qualifying Tournament. Dahil mas malalakas ang kalaban doon sa torneo ay kinapos kahit home court advantage ang Gilas.

    So is he still a Filipino? I mean kaya nga siya naturalized para makatulong sa NT pero sa ibang bansa naman naglalaro :(

    Technically speaking eh oo. Bitbit na niya ang Filipino citizenship. Ganyan talaga pag nag hire ka ng import, nandiyan lagi ang risk na hindi maglaro para sa Gilas kapag naisipan ng player na ayaw na niya.

    Pero sa kabilang banda, sinwerte pa rin dahil kahit papaano hindi naging C.J. Giles si Blatche. Sa totoo lang, nasurpresa ako noong nakuha natin si Blatche bilang naturalized player. NBA caliber si Blatche at kumpara sa mga pinaplanong kunin para gawing naturalized player eh ang laking layo ni Blatche doon sa iba at di hamak namang mas magaling si Blatche kay C.J. Giles. Pero nagkaroon din ng mga isyu gaya nang pagiging overweight/out of shape ni Blatche at noong hindi siya naglaro sa FIBA Asia Cup sa Lebanon.

    Sa pagkakaalala ko dapat si JaVale McGee ang balak inaturalized kaso nagkainjury ata siya o masyadong mataas ang insurance na hinihingi ng NBA team dati ni McGee kaya napunta kay Blatche.

    Syempre SBP na lang ang makakapagsabi kung sulit ba ang naibayad kay Blatche sa mga achievements na nagawa habang kabilang siya sa Gilas.

    -- edited by logbi77 on Sep 18 2017, 01:12 AM
  • if this young studs sana natin na nag serve sa Gilas as naturalized player,
    is nakaka kuha ng PH passport. tpos payagan pa mag laro sa Pinas si Clarkson

    nasa peak age pa naman sila 26-28yrs old

    PG: 6'0 Romeo / Williams
    SG: 6'5 Clarkson
    SF: 6'7 Standhardinger
    PF: 6'8 Taotua
    C: 7'1 I.Austin

    -- edited by SOMER on Sep 18 2017, 11:59 AM
  • RIP Chris Bolado



    <click here for link>
  • Yung Hill na player ng Adamson ngayon, sana mahasa ng maige. Ganda future nung batang yun
  • Sa pagkakaalala ko dapat si JaVale McGee ang balak inaturalized kaso nagkainjury ata siya o masyadong mataas ang insurance na hinihingi ng NBA team dati ni McGee kaya napunta kay Blatche.

    Syempre SBP na lang ang makakapagsabi kung sulit ba ang naibayad kay Blatche sa mga achievements na nagawa habang kabilang siya sa Gilas.


    I told this one before..
    dapat I-require itong mga naturalized players natin to extend service to the country even if they are not playing anymore..

    sayang naman yung ganitong setup ng naturalization kung pili lang ang basketball games na puwede nila laruan, or after that wala na...

    Dapat I-require sila to become team consultants or trainers for the national team and provide basketball coaching and training all over national level of school education..

    parang waste of money lang kung tuwing FIBA lang sila maglalaro... sana ma maximize yung mga potential nila as part of the community and country not just a naturalized citizen...
  • I told this one before..
    dapat I-require itong mga naturalized players natin to extend service to the country even if they are not playing anymore..

    sayang naman yung ganitong setup ng naturalization kung pili lang ang basketball games na puwede nila laruan, or after that wala na...

    Dapat I-require sila to become team consultants or trainers for the national team and provide basketball coaching and training all over national level of school education..

    parang waste of money lang kung tuwing FIBA lang sila maglalaro... sana ma maximize yung mga potential nila as part of the community and country not just a naturalized citizen...


    Good point... Ang mga players naman susunod lang kung ano ang nakalagay sa agreement or sa contract.
    Sana isama ito sa mga clause sa contract.

    Up!
  • Good point... Ang mga players naman susunod lang kung ano ang nakalagay sa agreement or sa contract.
    Sana isama ito sa mga clause sa contract.


    Magiging problema yan sa paghahanap ng naturalized player. Gilas Pilipinas ang naghahanap sa kanila at nangangailangan ng talent nila. Now, given the opportunity to play outside Gilas during offseason (FIBA qualifiers, ASIAN Games, SEA Games) ayaw din naman nila pakawalan yun kasi need nila kumita ng pera. Tingin ko nga parang import style sa PBA ang kontrata ng naturalized players natin. Pag may liga lang, dun lang sila may playing contract.

    -- edited by amielzarate on Sep 20 2017, 09:18 PM
  • i remember si Doughit lahat ng games nilalaluan, kahit nga ata SEABA kasama mga amatuer kasama nya. pero pag katapos ng mga tourney, eh bawal naman sya sa PBA as Import. either sobrang tangkad or overpower ang team na makakakuha sa knya. kaya kadalasan nag ssign sila sa china to play until patawag sila ng Gilas,

  • kung Gilas PBA breed kasama nyan, lakas nila
  • iba pa yung FIBA Asia nung sa Lebanon dito sa FIBA Asia Champions Cup?
    Pero pareho silang hindi qualifier. Tama ba?

    Kung ganyan din lang at sunod sunod mga international competition, dapat magbuo na lang nang isang full time na national team na lalaro sa lahat para consistent at may chemistry.
    Yun nga lang, dapat pa swelduhin ng pang PBA-level na salaries. Tapos bigyan na lang ng incentives ng gobyerno natin tulad ng mababa or walang tax sweldo nila.
  • oks na oks yung si austin, balanced.....may depensa tsaka opensa, di na tayo gaano mabubugbog sa ilalim. matuto lang sana mag box out ng maayos yung locals natin :P
  • iba pa yung FIBA Asia nung sa Lebanon dito sa FIBA Asia Champions Cup?
    Pero pareho silang hindi qualifier. Tama ba?

    Kung ganyan din lang at sunod sunod mga international competition, dapat magbuo na lang nang isang full time na national team na lalaro sa lahat para consistent at may chemistry.
    Yun nga lang, dapat pa swelduhin ng pang PBA-level na salaries. Tapos bigyan na lang ng incentives ng gobyerno natin tulad ng mababa or walang tax sweldo nila.

    Club teams lang 'tong Champions Cup. Ewan ko ba bakit laging Gilas ang representative ng Pilipinas dyan.
  • Club teams lang 'tong Champions Cup. Ewan ko ba bakit laging Gilas ang representative ng Pilipinas dyan.


    yup kaya puro sponsored names.
    pero kung tutuusin, pwedeng whole year sumali sa mga ganyang tournament ang isang Gilas team. full time Gilas players sila kung baga.
    Yun ay kung kakayanin silang pa swelduhin na mas gugustuhin nila mag full time Gilas compared sa player ng PBA
  • ^

    Good exposure to sa Cadets natin hehe, okay lang kahit matalo para sakin basta mag improve.
  • bakit phenom ang tawag nung tv5 commentator kay ravena? si undertaker ba sya? :P
  • @megasyxx..

    Here's why, kahit nung college days pa lang nya, yan na tawag sa kanya..

    <click here for link>
  • hindi pala Gilas tong naglalaro ngayon, chooks to go Pilipinas :)
  • tama. kaya si Dray nasa CHI siya naglalaro kahit Pinoy na sya :p
  • Final Lineup for tomorrow's Game against Japan


    1. Andray Blatche
    2. Jayson Castro
    3. June Mar Fajardo
    4. Gabe Norwood
    5. Japeth Aguilar
    6. Matthew Wright
    7. Kiefer Ravena
    8. RR Pogoy
    9. Calvin Abueva
    10. Troy Rosario
    11. Kevin Alas
    12. Allein Maliksi

    Head Coach: Chot Reyes
    Assistant Coaches: Josh Reyes & Jong Uichico


    Tip off will begin @ 6PM (PST) Live @ TV5 and via streaming at Sports5
  • yung lineup ba pede palitan sa next game?
  • Pilipinas wagi kontra sa mga Hapon


    71 - 77
  • watched the game, and yung tanong ko above is nasagot during the game...
  • @megasyxx -- Yes po. Pwede po palitan ibang players. Basta nakalista po yung ipapalit na player sa Player Pool na pinasa nila sa FIBA..
  • yung pool ba is 15 or 24 players?
  • Panalo!

    Pinagiisipan ko magpunta sa Australia para manood sa Feb 2018, habang may chance pa sana :)
  • Guess what,