Forum Topic

TPC HeadFi Group (No Trading, mention of Seller/Shop Name)

  • bad trip lang... wala ako mahanap na plugs for budget speakers... usually pin ports gamit... pero ang liit... di kasya yung mga 2mm plugs na nasa online shops... aside from tinning speaker wires... may 1mm ba na plugs?... balak ko sana gamitan ng braided plugs... pero 2mm ang size niya at di kasya... hahaha...


    Hindi ba dapat standardized ang ports ng audio? Unless proprietary yung design na sinasabi mo, di ko ma-imagine kasi kung anong yung "pin ports" na yan.

    -- edited by HwiNoree on Jan 18 2022, 12:41 AM
  • @blue_apple_pencil & HwiNoree:

    my speakers (edi r1280dbs and xenon ax-302) have pin ports... pero maliit yung butas... usual pin connectors na nakikita ko sa ratsada at shakee eh 2mm diameter ng connectors...




    kaya naghahanap ako ng 1mm diameter na pwedeng ipasok sa butas...
  • sample image nung braided plug...




    usually 2 mm siya at walang mas maliit...

    -- edited by STASIS on Jan 18 2022, 01:19 AM
  • ahh, parang old connector na yan hehe. Akala ko banana plugs lang lagi pag passive speaks. May ganyan pa pala. Today I learned :)

    Wala ganyan sa LZ paps? Or puro overseas at mahal?
  • Kaya pala di ko gets, spring terminal pala ang sinasabi mo. Ang pagkaalam ko pag maliit lang ang butas ang intention niyan bare wire ang tatanggapin. Yung mga mas malaki (2 mm o mas malaki) ang intention mag-receive ng banana plug. Yung budget speakers common na small spring terminals ang ginagamit, pag higher end kadalasan binding posts and/or banana plug. Like sa Q Acoustics Concept 20 ko, binding posts lang (4 per speaker, with option para sa bi-amping). Kung ayaw mo ng bare wire another option ay ferrules pero hindi ko alam kung meron 1 mm ferrules:





  • balak ko kasi ilabas ax-302 ko for work kung sakali... and yung environment na paglalagyan niya eh medyo maraming bata... kaya kung bare wire eh kapag napaglaruan eh possible na mahugot or masira... (paulit-ulit hehehe) though will try tinning the bare wire... pero di pa rin secure kaya naisipan ko sana plugs... pero yun nga... maliit ang butas vs the norm na 2mm plugs...

    so far 2mm lang talaga nakikita ko sa online shops... kaya nagbakasakali ako baka may nakakita na na mas thinner option for plug vs. barewire nor tinned... hehehe...

    will search for ferrules... as an option...
  • ^If all else fails ang suggestion ko i-coat mo ng solder yung bare wires para makagawa ka ng DIY banana plug/ferrule. Ganyan ang ginawa namin para sa old speakers namin na spring terminals rin ang gamit, iba lang itsura. Ginagawa ko rin paminsan sa electrical projects ko kung saan may wires na iniipit ng spring-type connectors and gusto ko maging mas matibay yung contact point ng wire. Malaki ang difference, pag nakasolder di hamak na mas matibay. Kahit mahugot ba yung wire ng bata di masisira or matatanggal ang solder kasi bonded yan sa copper ng wire.

    -- edited by HwiNoree on Jan 18 2022, 02:58 AM
  • @HwiNoree:
    yup... last resort ka talaga tinning the wires kapag wala talagang option for a better "housing" hehehe...

    yung speaker kasi eh hindi mapipipirmi sa iisang lugar... kaya if baklas kabit lagi eh hassle ang frayed wires...

    nakita ko na yung shop... nagkamali sila siguro ng labeling with regards sa maliliit na wires esp. 18 and 22 awg... 10mm ang nakalagay... baka 1mm lang hehehe... pero na pm ko na at nag inquire na ako...

    salamat for the ferrule suggestion...

    -- edited by STASIS on Jan 18 2022, 03:10 AM
  • nakita ko na yung shop... nagkamali sila siguro ng labeling with regards sa maliliit na wires esp. 18 and 22 awg... 10mm ang nakalagay... baka 1mm lang hehehe... pero na pm ko na at nag inquire na ako...


    Yung 10 mm sa understanding ko yung haba ng ferrule. Ang linagay niya para sa diameter ay AWG; yung pinakamaliit na ferrule 22 AWG equivalent sa 1.3 mm diameter.

    BTW, naisip ko lang, kung yung pinakamaliit na ferrule di parin kasya baka pwede mong pukpukin ng martilyo ng konti para lumiit (hollow tube kasi).

    -- edited by HwiNoree on Jan 18 2022, 04:36 AM
  • @HwiNoree: not sure lang... pinalitan ko na kasi stock wire ng edifier r1218dbs... using 18 awg speaker wire (ordinary and not the pricey/fancy ones with oxygen-free copper hehehe... and yun din balak ko gamitin sa ax-302...

    Yung 10 mm sa understanding ko yung haba ng ferrule. Ang linagay niya para sa diameter ay AWG; yung pinakamaliit na ferrule 22 AWG equivalent sa 1.3 mm diameter.


    siguro nga length... kasi ang nasa isip ko kanina nung nagpost ako ay diameter...

    wait ko na lang reply ni seller sa shakee hehehe...
  • Never pako nagkaroon ng passive speakers. Yung meron kami, nung sobrang bata pako, kasama dun sa component ng Dad ko. Wala ako idea pano paganahin haha.
  • @blue_apple_pencil: meron pa rito na passive speakers from an old 5.1 pioneer 5-disc dvd component... nakatago lang... gave me an idea para ma repurpose sila hehehe...
  • About passive speakers, yung una namin assembled lang dating back ilan dekada na, galing ata yung speaker units, crossover, etc. mula sa Raon. Pinamigay na namin yun, napalitan ng second hand na component system na may Pioneer speakers. Malaking speakers to, kada speaker may giant woofer, isang midrange at dalawang tweeter kung tama natatandaan ko. May built in electronic bass drive and may 3 switches para baguhin yung tone ng sound. Nasira na midrange ng isang speaker set so iba na tunog, then naging luma na yung component (may kasama pang tape deck, CD player, etc.). Pinalitan ko to ng passive bookshelf speakers (standmounters), Q Acoustics Concept 20, powered ng NAD D3020 amplifier. Kumpara sa old Pioneers, 2 drivers lang per speaker unit (tweeter + mid/bass drivers) at di hamak na mas maliit pero di hamak na mas klaro rin ang tunog. Madalang lang namin to gamitin, ako ginagamit ko lang paminsan pag kumakain ako tapos nagpapatugtog ako through Bluetooth papunta sa NAD D3020.

    Concept 20's:




  • anyone na nakapagpalit ng aftermarket pads for samwon sr950?... ano ba magandang local brand?...
  • @Stasis

    not sure kung meron, pero happy ako sa misodiko na brand. Laganap yan sa LZ.

    -- edited by blue_apple_pencil on Feb 01 2022, 03:01 AM
  • 700$ lang dapat yung Denafrips Ares II, bakit 50k PHP ang bentahan online?

    Buti pala kinagat ko offer nung tropa ko nung binenta niya ng 28k sakin.
  • @blue_apple_pencil: kumuha ako ng cooling gel and mesh for sr950 (xl pads)... sa shakee ko kinuha... ok ang cooling gel... para sa pangmatagalang gamitan pero nag iba sound hehehe...

    @HwiNoree: got the fers na rin pala... kumuha na rin ako ng crimper para mas malinis...

    -- edited by STASIS on Feb 17 2022, 06:51 PM
  • @Stasis

    kasya kaya yan sa AKG? pa DM papi ng link :)
  • @bap: ygpm
  • @HwiNoree: got the fers na rin pala... kumuha na rin ako ng crimper para mas malinis...


    Good to hear, post ka ng pics pag tapos na para makita namin finished product :)
  • Post deleted #12410485
  • @HwiNoree:

    ordered back then doon sa pinost mo na seller for 18, 16 and 22 awg ferrule...

    used the 22 awg ferrule doon sa stock speaker wire ng xenon ax-302 ko...




    dito naman eh ginamit ko yung 18 awg ferrule sa na order kng 18 awg (not sure hehehe) speaker wire sa shakee




    ok naman siya using the ferrule crimper... pasok naman sa mga butas hehehe...
  • Looks good, di hamak na mas ok kumpara sa bare wires or tinned wires :-)
  • yup... salamat sa suggestion in going for ferrules... actually napabili din ako ng soldering iron... pero comparing tinned vs ferrules... mas ok yung latter...
  • sound demo vid naman jan haha
  • sound demo vid naman jan haha


    hahaha... di namazn ito mamahalin... edi r1280dbs + t5 combo lang hahaha... me not worthy!!!


    @bap:
    na check mo na pm ko doon sa headphone pads?...

    -- edited by STASIS on Feb 22 2022, 04:23 AM
  • ^yep. walang cooling gel pads para sa AKG HP ko hehe. Meron actually, pero ibang brand, brainwavz. parang mas mahal.

    Di naman yan puchu puchung system, makaka 15k karin ata sa total setup niyan. tsaka minamata ko rin yang T5 para may sub yung system ko. :P

    -- edited by blue_apple_pencil on Feb 22 2022, 04:40 AM
  • Anyone got ideas where to get replacement pads for Logitech G633?
  • Meron niyan paps sa LZD i'd bet.
  • Anyone got ideas where to get replacement pads for Logitech G633?


    Meron sa suking online selling platforms, tulad nito:
    <click here for link>