Forum Topic

Sony PlayStation 3 / PS3 PSN Thread

  • Anong mas maganda bilhin? Super slim or or old model na 25xxx? 2nd hand lang ang budget ko.


    Kung second hand po ang bibilhin mo i suggest to look for the LATEST model (superslim). As much as possible gusto mo yung lens nya ay hindi pa laspag. So the rationale is newer = better.

    My two cents.
  • Bumili ako ng bnew PS3 slim... then a year later, napabili na ko ng PS4. lol

    Lugi ba kung ibenta ko yung PS3 sa current market value nya na 7-8k?
  • ang bentahan ng ps3 super slim is 5-6k lang depende sa package
  • games for Irisman V3.49 baka meron kayo.

    hindi pwede multiman.

    pabili ako. makati/manila area
  • ang bentahan ng ps3 super slim is 5-6k lang depende sa package


    Ah ganun ba. Sige benta ko nalang ng 4k yung white PS3 Slim ko.
  • hello guys! tanong lang ako sa issue ko, wireless controller sync issue. bale, naka-cfw 4.66 ako na habib then may isang game ako na di mapagana so nag-update ako to 4.76 rebug. gumana na yung game and working wirelessly yung controller. kaso, di ko nagamit yung ps3 ko for a week or so and kagabi nung gagamitin ko na eh ayaw ng mag-sync ng mga controllers ko.

    nagpa-power on yung ps3 using the controller wirelessly kaso hanggang ganun na lang, di na sya mag-sync up with the unit and continuous blinking lang hanggang sa mag-timeout and mamatay lahat ng lights ng controller.

    nag-try na ako ng ibang 4.76 cfw kaso ganun pa din, nagda-download ako ngayon ng lower cfw to see if mareresolve yung issue. baka may naka-experience na sa inyo ng ganitong problema, or may idea kayo kung paano mag-sync ulit to. thank you very much in advance! ^_^
  • Ano yung irisman multiman at habib? Pano nakakapili ng version? Diba auto update yung system pag online?
  • jailbreak stuff po yata. not allowed po sa forums yan, sorry
  • hi baka may alm kayong ngbebenta ng hdd ng ps3?
  • pagbukas ng ps3 ko bigla nag fre-freeze sa splash screen after nung ps3 logo. Nung nire-start ko tumuloy pero nag freeze naman dun sa xmb.

    meron bang other troubleshooting or fix yung ps3 ko (except buying a new one).

    thanks!
  • most likely HDD issue yan sir..
    kelangan i-reformat..
  • ah ok bro, thanks!

    baka bili na lang ako ng bagong hd to make sure.
  • Meron bang nagkaka issue dito gaya ng heavey rain na
    pag load palang error 8000 ata. Check Blue Ray disc daw
  • mga sir. totoo bang nagsale ng ps3 games ang Da*****tz?
  • ^
    Kelan? Meron ngayon?
  • Post deleted #11659795
  • anyone still playing PS3 online? kamusta po ang online community? baka naglipatan na kasi sa PS4 at wala ka ng kalaro.... offline gaming nalang ang resulta. baka mas okay na bumili nalang nung "bawal" sa thread na ito *wink*?
  • Tingin ko wala na masyado naglalaro online. Luma na kasi ang ps3. 2006 pa to unang lumabas. At ang notable upcoming game na lang ay Persona 5, which is a singleplayer jrpg. Ok pa din naman mga single player games.
  • @gumblade84
    marami parin naman nag lalaro online hanggang ngayon,tekken tag,NFS wanted,2k14,RE6,uncharted 2,3 ,farcry 3 and sa last of us online dyan marami parin pinoy akong nakakalaro.chka lang ako nag single player pag mabagal ang internet.
  • sama mo pa yung ace combat infinity...
  • ^ Sa local FB group na PS3 enthusiasts, madami fans ng Diablo 3 sa PS3. Try nyo din maghanap ng kalaro na pinoy dun.
  • sino gumagamit ng spotify sa unit nyo? pansin ko after the latest firmware update naging stable na sya hehe
  • May separate thread po ba ang ps3 games or I can post dito? hehe
    reviews about front mission: evolved
  • may naka-encounter na ba ng issue na kapag turn on ng unit mamamatay agad tapos walang LED na nakasindi? PS3 slim to e... may napulot akong impormasyon kay google na pipihitin lang yung potentiometer sa PSU ng PS3... Gumana naman, nakapaglaro ako ng mga 5hrs kaso bumalik sa dati... sinubukan ko ulet i-adjust kaso 2hrs na lang tinagal bumalik din agad sa dead state niya...

    tanong ko lang sa mga techie dito... kelangan na bang palitan yung PSU nito o may faulty capacitor lang? kung capacitor kasi mura palitan kaso kapag main PSU na di ko pa kayang bumili ngayon... medyo tight budget...

    Salamat sa makakatulong :)
  • May nabibili bang ps3 joystick SA SM Manila
    Kung meron anong name ng pwesto
    Salamat
  • may nakaexperience na ba dito naghahang ps3 slim pag nagbobrowse sa playstation store. nagyari after ko mag update sa latest update. search ko sa internet, marami may issue neto pero di parin nareresolve sa iba. yun iba reinstall lang ng playstation store pero ganun pa din. Baka may makatulong dito.
  • sa akin naman hindi sya nagha-hang. hindi lang makapasok sa ps store, hanggang dun lang sa may mga bars....

    software update ng psn store na nadownload ko this wednesday lang, no choice kasi update muna bago ka makapasok sa store kaya lang di na ma access yung store.

    ganyan din ang gagawin ko mamaya, delete and reinstall yung psn store.
  • mga sir saan ba ok mag pa repair or replace ng laser lens for ps3 super slim?
  • hello mga bossing..

    4yrs ago nag YLOD yung ps3 fat ko... at yun din yung time na nawala ako sa wisyo para abangan ang mga news/update sa ps3...

    just wanted to ask, since matagal-tagal na rin.. baka lang meron ng permanent fix itong YLOD o talagang for display na lang si ps3 sa cabinet hehe..

    thanks sa sasagot
  • Hi does anyone know if Game Genie for PS3 is available here in the PH?

    -- edited by kurtskyTPC on Jun 23 2016, 01:50 PM