Forum Topic

ASUS ROG Laptop Owners

  • Ang primary laptop ko for post processing is MBP talaga. Photoshop lang naman ako tapos konting gaming. Hindi ako marunong ng rendering or video editing kaya bale moderate use lang ang magiging silbi ng rog ko kung sakali mag decide ako bumili.

    Magkano ba inaabot na price point ng mga ganito? kaya ba ng less 50K for mid entry na ROG? sorry, wala talaga ako idea sa presyuhan neto lalo na dito sa tin. Gusto ko rin makiuso sa mga colored na keyboards ngayon, ang angas tingnan eh. haha...


    Sa ganung presyo pwede ata yung ROG GL553 ata yun. Nvidia 1050 tapos i7. Sali ka sa Gaming Laptop Pinas na group sa FB paps madaming seller dun actually yung owner ng PC COrnder isa sa mga gumawa nun. Nandun din yung ibang owners/employees ng Silicon Valley etc.
  • ^cge pafs salamat sa advice at sa referral. Bago kasi ako nagtanong dito naghanap na ko sa google dahil wala ako FB pero walang specific na pricing para dito sa pinas so sumubok ako magtanong dito.
  • san kaya mkakabili ng rog gl552vw-dh74 battery? any idea mga paps
  • Guys any inputs dito sa model na to? Concern ko is isa lang daw ang fan nito eh..

    Asus ROG GL553VD-FY019T Gaming Laptop
    Processor: Intel® Core™ i7 7700HQ 2.80GHz Processor,
    Memory: 8GB DDR4 2133MHz SDRAM
    Hard Drive: 1TB | Solid State Drives 128GB
    OS: Windows 10
    Display: 15.6? (16:9) LED backlit FHD (1920×1080) Anit-Glaire Panel Support ASUS Splendid Technology With IPS Technology
    Graphics: NVIDIA GTX1050 4GB GDDR5 VRAM
    Dimension: 390 x 266 x 23.5 mm (WxDxH) (w/ 4cell battery)
    WLAN: Integrated 802.11 AC (WIDI Support)10/100/1000 Base T

    -- edited by yammie0331 on Apr 14 2017, 12:59 AM
  • yung ROG ninyo naka kabit yung battery or hindi?
    *safe ba gamitin yung ROG laptop natin na nakakabit ang battery tapos naka plug parin and adopter?
    *tanong ko lang din anong use ng function key + F9 na parang mouse pad ang drawing nya.
  • ^para idisable ang touchpad sa fn+f9
  • *safe ba gamitin yung ROG laptop natin na nakakabit ang battery tapos naka plug parin and adopter?


    Yung mga builtin battery designed talaga para sa case na nakasaksak lagi sa AC. Mag 3 years na yung ROG ko 15% wear palang yung battery. Always nakasaksak sa AC. So, OK lang na nakasaksak siya lagi. Nadesign na nila yung technology para maging minimal damage lang sa battery yung laging nakasaksak.
  • diba hindi naman builtin battery ng asus rog gl552vx gaya sakin. okay lang kaya yun na di ko tangala pa n ng battery?
    another question paano i factory reset yung laptop ko kasi when i restart and pressing repeatedly F9 gaya sa youtube wala naman nangyayari nag cocontinue lang siya sa windows. pa help naman.

    regarding sa funcation key + f9 not working sakin.
  • Dapat F9 lang. Hindi Fn+F9.

    Pwede din naman na di mo tanggalin pa din yung battery. Check mo kaya muna sa Disk Management kung meron yung recovery partition mo.. baka kasi tinanggal nung pinaformat mo sa iba if ever.
  • na reset ko na yung laptop ko nga sir. may problema ako na encouter hindi ako sure if normal ito kasi naka single ram 8gb lang ako 1 stick default ng laptop ko pag bili ko nito ang issue lng kc pag nag cocopy ako ng files tapos mag broser music ( multitasking ) ang bagal ng response nya.
    kaya inisip ko kung mag dagdag ako ng isang 1stick na ram 8gb din para dual channel na siya sa tingin nyo bibilis kaya sa multitasking.

    take note yung acer ko na F15 core i7 7500U lang yun processor tapos naka single channel 1 stick 8gb ram napaka responsive kahit nag iinstall ng games kaya mag open ng games music or browsing. walang bagal

    samantala itong ROG ko naka core i7 6700HQ processor same ram bumagal response pag nag multitasking na ako.
  • May something wrong ata sa HDD nyo. Baka na hard shutdown nyo siya. Magrun ka ng chkdisk. Nagcreators update ba kayo ng Win10? Balita ko kasi madaming issue. Hindi gumagana yung mga drivers kapag hindi siya yung default drivers (yung nakalagay sa site ng Asus).
  • ang driver ng laptop ko after factory reset nag install ako ng driver galing sa asus driver and everything are working fine only my concern yung unresponsive pag nag multitasking ako
  • Naka enable yung Intel RST (di ko kabisado) ? Or naka performance power plan ka ba? Try mo muna tignan sa power plan settings baka nakalimit yung CPU, Pwede mo kasi iset yun. Example, tuwing binababad ko sa download ng isang buwan yung laptop ko sineset ko lang na 10-30% CPU performance lang yung gagamitin nya para tipid sa power consumption at hindi gaano kainit. Check mo din kung may naka enable na setting sa HDD na naglilimit din sa performance. Try mo din magdownload ng HWInfo para icheck yung health ng HDD.
  • guys naka bili na ako ng 8gb kingston 2133mhz kinabit ko na sa laptop ko super snappy na po siya dual channel na hindi gaya dati na bagal sobra pag nag multitasking ako ngayun wala na smooth na yes!

    16gb na running nya dual channel. sulit sobra need lang pala nito mag dual channel para smooth. pero pinag taka ko yung acer ko kahit single 8gb lang napaka snappy tapos U version lang ung processor nun eto naka HQ tumal mag multitasking need ko pa iupgrade para lang bumilis. pero okay lang na upgrade ko na kaya smooth na siya.

    -- edited by ksaboy1 on Apr 18 2017, 03:37 AM
  • anong games nilalaro nyo ngayon sa ROG ninyo
  • mga brad paano ba mag clean install ng windows 10 sa g752vs using recovery partition? ang dami kasing bloatware. ska tntry ko din access ang bios sa startup by pressing esc, f2 pero wala ngyayari

    -- edited by 09noel09 on May 01 2017, 08:48 AM
  • Shift + window restart . unless may OS cd ka na legit which not provided. Or ctrl shift ata hold mo yun
  • ^

    How to Access UEFI BIOS Setup in Windows 8/10 New PCs
    <click here for link>
  • ayun salamat. finormat ko n gamit ko ung sa mismong installer ng windows 10 sa microsoft automatic palang nadedetect ung prodcut key basta same ng windows version. anyways talaga bang iba ang tunog sa speaker ng g75vs pag ingame? para kasing mahina kahit max na volume unlike pag nagpapatugtog ako sa wmp mas malakas kahit hindi pa max ang volume
  • Did you install it using the guide or yung nag download ka ng win 10 installer? So kung nag download ka ng windows 10 installer na dettect niya laptop serial number and automatic may serial number na? Na format ko kasi old laptop ko before asus rog though msi siya di ko na back up baka pwede ko magamit if ganun

    -- edited by nayr12 on May 02 2017, 12:57 AM
  • ang ginamit ko yung installation tool sa website ng ms <click here for link> upon checking may nakalagay na
    You should also choose the same edition of Windows.
    mukang ganun na nga nadetect nya ung serial. tapos nung nagpartition ako may nakita akong 2 system reserved partition 450mb & 100mb hindi ko na lang ginalaw tingin mo bro ano ung laman nun?
  • Hi, pwede ko po bang gamitin yung gaming center software ng kaby lake based rogs sa skylake rogs? Thank you
  • Guys, I got a good discount for an m.2 SSD in Amazon. I opened an Amazon Prime Visa Card and got $70 reward. Can't wait for this item to arrive and install in my new GL702VS.


  • May mabibilhan ba ng authentic battery dito? Di na nagfufully charge ung lapop ko :( Nasa 60% na rin ung wear level sabi ng BatteryInfo
  • May mabibilhan ba ng authentic battery dito? Di na nagfufully charge ung lapop ko :( Nasa 60% na rin ung wear level sabi ng BatteryInfo


    Service centers pwede umorder.
  • Normal lang ba yung Battery wear level ng laptop na almost 3 months palang sayo is 11% na?? please pakisagot. Asus rog GL553vd po. salamat
  • Normal lang ba yung Battery wear level ng laptop na almost 3 months palang sayo is 11% na?? please pakisagot. Asus rog GL553vd po. salamat


    Yes pag lagi mong ginagamit na nakabattery. Yung lagi mong rinerecharge yung battery. May limited cycles kasi ang battery sa lifetime nya.
  • ^ Kuya hindi naman kasi natatanggal battery nito.
  • ^ Kuya hindi naman kasi natatanggal battery nito.


    Bat mo tatanggalin? Naka builtin battery din yung G751 ko. 3 years na pero nasa 11% ang battery wear. laging nakasaksak.. Dinindrain ko nalang battery every other month para marecalibrate.

    Try mo nalang idrain battery mo. Baka recalibrate lang yan.

    -- edited by EarlOfMillenium on May 11 2017, 09:20 AM
  • ^ triny ko na kahapon, from 7& kasi to then nun ginawa ko yang naging 111% na. Service center na ba?