Forum Topic

TPC Mountain Bikers Thread (No trading, FAQ on Page 882)

  • check lifecycle ngayon dami nag drop na Giant Talon around 20k ish lang un price samantalang sa iba umaabot 40k ito
    sobra taas ng mga reseller nag take talaga advantage

    delay stocks from abroad ngayon lang uli January dumadating
  • ^

    hohoard na yan ng mga tao tapos ibebenta ng masmataas
  • matindi tindi din pala ahunan sa kaybiang nabigla ako medyo dun ko na realize ang gamit ng mga granny rings lalo n cguro yung 50teeth i used my dads voyager mtb na 26er 1*9 na altus kaso bitin
  • ^

    Mahirap yan sir kung 1x9, 2x9 kaya yan haha. Rolling hills dun na madaming siko.
  • ^realtalk hirap nga eh pero nakayanan naman iniisip ko tuloy kung mas mahirap pag roaddie gamitin ko pero ikinababahala ko yung lusong kung kakayanin ba ng rim brakes eh yung roaddie ko kasi 2*9 pero mtb cogs at rd ang layo din pala nung susunod n bayan dun mula sa may beach side
  • iniisip ko tuloy kung mas mahirap pag roaddie

    mas mahirap i pedal ang roadie kasi maliit cog sa likod tapos laki sa harap, kahit na aakalain mong madali kasi mas magaan sila. trust me. :)

    lalo na yung mahahabang ahunan like Jariel or papuntang Infanta. Lakas maka ubos lakas.
  • im using an mtb cogs naman sa roaddie ko hehe
  • whats the maximum na granny cog na kaya ng altus 9s RD?
  • delay stocks from abroad ngayon lang uli January dumadating


    Yung custom wheelset na inorder ko last dec 16, hanggang ngayon di pa rin dumadating yung hub kaya di masimulan gawin
  • uy ka abang abang yan ah, direct shipping from store yan? o gumamit ka ng 3rd party
  • ^^

    Direct from the store sir, kaso ang sabi sakin yung hope pro 4 daw sa UK pa mang gagaling eh may lockdown ata dun ngayon kaya may delay daw, wala daw sila stock ng colour blue na hub kaya di nila masimulan gawin.

    May binili rin akong shimano rotors, dun ako gumamit ng 3rd party since di na ata nagsship palabas ang mga stores from US/EU ng shimano products.
  • malaki ba difference sa price sir if mag order abroad??
    pandemic talaga kaya mga supplies ubos talaga. mga local bike shop ngayon lang din January onti onti nagkakaroon groupset puro upgrade kit pa
  • ^^

    No idea sir kung mas makakamura ba kung online bibili then ipaship na lang dito.

    Eto pala yung build ko, andyan na rin yung price, free na ang shipping

  • wala bang RSML ride dito mga lodi.. huwag lang pa morningan ride ni @backroger aka eapi_tech

    -- edited by annot on Jan 13 2021, 08:12 PM
  • Speaking of ZTR Crest, sabi nila yun mga "recent" release daw ay madali mag-crack. Pero yun mga dati pa ay ok naman daw.

    Hindi ko lang sure how "recent" is recent.

    Yun ang sabi lamang sakin ng ibang mekaniko.


    yung mk3 series ang nagka crack.. lahat ng kakilala ko na naka ganito may crack ang rims nila hehe

    isang alternative ay yung mga raceface arc or easton arc
    pede rin yung mga dt swiss..
  • wala bang RSML ride dito mga lodi.. huwag lang pa morningan ride ni @backroger aka eapi_tech


    oo nga i set na yan!
  • hahaha, si eapi lang ang sakalam!

    -- edited by NormanABates on Jan 14 2021, 04:44 PM
  • del,

    naka RB ka na ba? wala na mtb?

    ako naman wala na RB, mtb nalang. mas bagay sa pamalengke. hahahaha....

    totoo, yan nalang ang byahe ng mtb simula wfh ako.
  • ^ oo pre wala na ako MTB nabenta ko scandal ko wrong timing 50k ko nabenta hahaha SID XT Hope... pag check ko market nasa 20k na pala deore :( langya hahaha

    P.S pls wag nyo subukan na ayain si eapi ng mga ganitong ride hahaha
  • ako din, na realize ko sobra mura ng benta ko sa RB ko, Senior VP pa naman yun sa rcbc (pero retired na), sana tinaga ko sa presyo at naka tikim ng pension nya, hahaha.

    anyways, kita kits sa kalsada. nasaan na si ninong makoy? parang antagal na di nagpaparamdam eh.
  • sobra mahal parts ngayon kahit 2nd hand. if before pandemic mo nabenta ang mura talaga niyan
  • just checked Page 882.. ok pa ba tong choices na to? last 2016 pa kasi edited yung post. salamat pala kay Sir Tony at Sir Norman sa FAQ

    Php 10k and below:
    SGM Intensity (Php 6k+) - Usually treated as the bare minimum for mountain bikes. Kesa gumastos ka ng 5k sa mall na masisira din lang agad ang mga parts, sa SGM Intensity ka na. Shimano Tourney ang groupset. Low-end, pero reliable pa din. Medium size only.
    SGM Charles Jerry (Php 8k+) [recommended] - Kung kaya i-stretch ang budget, Charles Jerry ka na. SGM fork only. Medium size only.


    or hanap na lang sa Marketplace/Group na 2nd hand?

    -- edited by GobiGobi on Jan 17 2021, 11:12 PM
  • ^ wala nang ganyan na bnew boss mostly mtb ngaun na matno 10k to 15k up na naka hydraulic
  • @GobiGobi

    wala na SGM sa market sir. 2nd hand pwede ka makahanap.
    Tama naman sinabi ni wallcolm_x na nasa 10 - 15k budget hanapin mo na brand new at hydraulic. Iwas sakit sa ulo pa.
  • kaso mga parts nyan boss mostly entry lvl at 9s lang tapos brakes are either mech or hydraulic (zoom, spark, or knock off nang non series) tapos depende pa kung 29er or 27.5
    pero may choice ka naman kung built bike na bibilhin mo like foxter, trinks, betta, spanker etc yan mostly naka ltwoo parts or shimano
  • Wala na yatang SGM brand na binebenta na brand new satin.

    -----

    Ginaya ko na sila annot, nag road bike na rin ako, binenta ko na gravel




    -- edited by gowueld on Jan 18 2021, 10:09 AM
  • nabenta ko october 2020 hahaha..

    ano na asan na si ninong RealMackoy
  • sana all naka specialized hahaha
  • ride na ulit tpc haha
  • thanks all. heto parin ba good choices for 10-15K budget?

    Php 10k to 15k:
    Built bikes from Atom, Vision, Fuji, etc - (more details needed) Ito ay mga kilalang brand ng mga low-end bikes. Again, reliable sila. Mas mahal sila usually dahil naka Shimano non-series hydro brakes na sila, or naka Suntour (XCR/SCT/XCM) fork na or naka magandang knobby tires na. Medium size usually.
    SGM Soul (Php 15k+) [recommended] - rare ang bike na ito. Pero kung medium size ka naman, at sakto ang budget mo, ito ang bike na para sayo. Bang for the buck sya dahil naka Alivio groupset ka na. Na bihira sa isang built bike at lalo na\'t bihira under 20k. Yung SGM Fork lang ang medyo mahinang piyesa nito. Medium size only.
    Cannondale Trail 7 (Php 15k+) - Cannondale ang isa sa mga sikat na brands na may abot kayang built bikes. Maganda ang Aluminim welding ng Cannondale. Mapapansin nyo na smooth ang dugtong Aluminum sa frame nila. Ang Trail 7 ay naka Suntour XCT fork, Altus groupset at mechanical brakes. Available as 26er or 29er.


    or hanap ako 2nd hand sa marketplace tapos basta hydraulic? sorry noob nagstart na kasi magbike mga kabasketbolan ko dito sa village ayoko naman gumastos ng malaki kasi baka hindi ko rin kahiligan.