Forum Topic

E-Cigarette (Electronic Cigarette)

  • ^naku kakavape ko lang dun kanina hehehe
  • ^naku kakavape ko lang dun kanina hehehe

    'di ko sure sa vape sir, pero ingat ingat na rin tayo hehe
  • sana ningas cogon lang silahahaha
  • sana ningas cogon lang silahahaha


    that we can't predict haha. sa bahay na lang ako nag vape.
  • sana me magtayo ng establishment na enclosed smoking area parang sa airport. tapos me entrance fee, parang paid CR hehe
  • Wala na smoking area sa market market serendra at boni hi st..buti nalang yung daan papunta bsm wala masyado tao kaya nagvape nalang ako habang naglalakad last week
  • sana me magtayo ng establishment na enclosed smoking area parang sa airport. tapos me entrance fee, parang paid CR hehe

    okay yan. ang problema lang 'di lahat gusto magbayad haha lam mo naman pinoy kapag nasanay ayaw na ng pagbabago.

    buti nalang yung daan papunta bsm wala masyado tao kaya nagvape nalang ako habang naglalakad last week


    kanya kanyang diskarte nalang tayo sir talaga hehe
  • pati nga sa car bawal na magyosi ng bukas bintana. hay!

  • Desperate times. Wala na akong balak magdala ng vape sa SG. Plan ko is magdala nalang ng isang kahang lights. Haha. Masama ba mga chong? Ala eh.
  • Mga paps pwede ba magdala ng vape sa vietnam? Magbabakasyon ako dun at the end of this month eh
  • @ blue

    Gaano ka ba katagal sa sg?ingat nalang sa pagyoyosihan at baka naman magmulta ka pa

    @azureguy

    Afaik, pwede..meron ko tropa na based sa vietnam..hindi ko lang sure kung dala nya vape nya or doon na sya bumili
  • Diet,
    6 days lang naman. di ko pa natry ganung katagal walang vape. actually longest na atang "no vape" sakin is 12 hours. hehe.
  • @ blue

    longest ko na ata is 3-4days dahil sa sore throat..sakto pa naka 6mg juice ako kaya lalong hindi kaya..hahaha

    pero mas madalas ako magvape pag nasa labas/office..pag sa bahay, nakakatamad lumabas ng kwarto so sobrang init
  • Dietrich,
    bahala na. basta di ako magdadala ng vape, di ko na rin itutuloy yung pagdadala ng marlboro. bahala na pag nandun. tingnan ko rin kung kaya kong tiisin.
  • @ blue

    bili ka nalang nung mga vape na tulad ng myjet/juul para low profile hehehe o kaya icare mini
  • Diet,
    This is it. Boarding na. Wala akong dalang kahit anong yosi. 8am huling vape ko. Hehe. Bahala na doon kung pano.
  • D2 na ko SG mga chong. Bawal nga vape. Yosi lang pwede. SGD 13.00 isang kahang Marlboro, almost 500 iyun. Hahaha!

    -- edited by bluet0ps on Aug 19 2017, 09:50 PM
  • :o shucks. yosi pa ung pwede, mas harmful and mabaho nga un eh. alam ko pwede ka magdala ng isang pack ng opened yosi pero un lang. tpos restricted areas lng hehe
  • Ayun na nga. Malawak ang simplihan na pagbebenta ng yosi. Sa gilid ng matataong lugar may mga nagtitinda ng pakaha kaha. Kakaiba rin talaga dito. Dito ko nakabili ng lights for 6.50SGD(around php245).

    Sa bugis, may isang tumpok na grupo na akala ko nagvavape. Nun pala kumakain nung frozen snack na may dry-ice. Hehe.

    -- edited by bluet0ps on Aug 21 2017, 11:35 AM

  • Just an update on my post on 06 Jul 17 @ 04:00 AM RE: Faulty Cuboid 200.

    A replacement is on the way after a couple of email exchanges with the Customer Service Rep of Joyetech. Sent my first email in 07/11/2017 and on 07/31/2017 was asked to provide the Security Code and Serial Number. On 08/04/2017 CS asked for address and the next day was advised that a replacement was being sent out. Today I received, a UPS Tracking number and scheduled delivery is Tuesday, 08/22/2017 , By End of Day.
  • Ito ang niranas ko sa bansang bawal kahit pagaari lamang ng kahit anong vape related item, napayosi ako kahit 250 isang kaha. Nakakaawa yyng mga vaper dito, bigla nalang papasukin yung bahay at kakalkalin na parang mga matitinding kriminal. Sana di natin sapitin ito. Di na ko babalik sa bansa na ito.

    On a personal level, napatunayan ko kung gano ka important sakin ang vaping. Vaping is the only. Thing that's keeping me away from tabacco.
  • Nasanay lang tayo dito sa pinas na sablay ang batas. Kaya pag nakarating tayo sa bansa na may tunay na batas feeling natin sobra higpit nila. Parang nung na implement lang yang nationwide no smoking ban ang daming nag aklas na mga vaper hindi nila matanggap ang batas. Pag bawal tumawid sa isang lugar huwag ng ipilit tumawid sundin na lang ang batas. Para naman dun sa mga bitter sa yosi pasing tabi lang. Huwag na masyadong bombahin yung nag yoyosi. Unang una yung nag yoyosi hindi naman pinakiki alaman yung trip nyo mag vape pangalawa sa yosi wala naman Cloud Face. Masyado ng nagiging OA ang vaping community dahil sa pakiki alam sa trip ng may trip.

    Para duon naman sa malaki problema sa BGC at Makati na akala mo mamatay kayo pag hindi naka hipak. Subukan nyo magsipag. Pag lalabas kayo ng bahay siguraduhin nyo lang naka chill build lang kayo. Nang sa ganon pwede pa kayo maka simple ng hipak sa walang tao siguraduhin din nyo naka high nic kayo para hindi nag chain vape, Chill vape lang ba para hindi mausok. Ngayon pag balik nyo ng bahay mag build ulit kayo ng pang Clown Face tutal bahay nyo na yan pwede nyo na punuin ng usok.

    Ako kasi maraming kaibigan 90% nag yoyosi pa 10% lang nag vape. Kaya pag nasa inuman ako at panay nag yoyosi kainuman ko hindi ko yan pinandidirihan o kinukunbinsi mag vape. Nilalapag ko lang vape ko sa lamesa hinahayaan ko lang subukan nila pag ako nag vape lumalayo pa ako sa inuman dahil iba talaga usok ng vape makapal at alam ko maiirita sila. Disiplina at Respeto lang yan mga papi. Lalo kung ang bahay ay naka aircon sa labas mag vape o kaya sa bintana. Alam natin malakas makasira ng electronics yang vapor ng vape.


  • All pinoy setup! Li-mo x Ultimate rda

  • Nasanay lang tayo dito sa pinas na sablay ang batas. Kaya pag nakarating tayo sa bansa na may tunay na batas feeling natin sobra higpit nila.


    Hindi ganun, sa Singapore lang talaga sobrang higpit. Bawal magvape at bawal magkaroon ng mod, ejuice at atty, kahit sa loob ng bahay ka lang magvape or magtago ng vape items re-raidin yung bahay mo. Ibang level iyun ng restriction ng gobyerno.

    Yosi, maluwag sila dun. Kahit pa sa Bugis area gumilid ka lang pwede na magyosi.masmahigpit pa sa Davao kesa Singapore pagdating sa smoking.

    -- edited by bluet0ps on Aug 23 2017, 07:22 AM
  • Alam natin malakas makasira ng electronics yang vapor ng vape.


    Buti nasabi mo to paps. Good info.
  • ^

    Tatlong malaking aircon na sinira sa planta namin paps. Di lang yun pansinin nyo mga vape shop pag uminit bigla o nawala bigla yung TV alam na yan sira na. Haha
  • tablecheck mga sur

  • Tatlong malaking aircon na sinira sa planta namin paps. Di lang yun pansinin nyo mga vape shop pag uminit bigla o nawala bigla yung TV alam na yan sira na. Haha



    really pati TV? bakit kasama TV? edi pwede din masira ang pc? madalas pa naman naaliw ako bugahan yung pc fan ko na intake