Forum Topic

E-Cigarette (Electronic Cigarette)

  • baka naman mapapagawa pa yan boss sayang mura ng jester ngayon tempting
  • May Jester ako, pansin ko madali siyang uminit kapag over 1A yung charger na gamit. Ang charging rate niya kasi yata nasa 850mAh lang. Habang naluluma rin yung battery painit siya nang painit pero di naman to the point na bothering na. Ilang months na rin Jester ko, dati di siya umiinit sa 850mAh ngayon medyo warm na, parang kapag chinarge ko siya gamit 1.5A na charger.

    Di naman nakakapanghinayang bumili ng isa pa kasi madalas 500 and below siya, kapag natiyempuhan mo pa, buy 1 take 1 for 800+ ganun. Di ko na gano ginagamit though kasi nag-switch ako sa Lucid kit and Chronus Shikra.

    -- edited by andrei_tol on Aug 11 2020, 02:01 AM
  • may isa lang issue sa ijoy squonk RDTA... yung turnilyo niya philips head at hindi allen bolt kaya mahirap sikipan pag lumuwag.

    buti na lang allen bolts yung avocado ko, pinagpalit ko yung mga bolts ok na ngayon.

    -- edited by redwing0001 on Aug 13 2020, 11:13 AM
  • Yup, buti nalang mura lang jester. Tingin ko naman nabawi ko na yun sa 5-6mos na nagamit ko sya ok na yun. Baka sumabog pa yun eh mapahamak pa ko. It was good na rin. Nag sistreamdown na rin rin ako ng mga vape, lalo sa mga pods. Ok na ko sa 2 or 3 pods. Ang tingin kong matitira are smok nord, rmp80 at aegis boost.
  • Favorite ko rin talaga yung Jester, swak na swak sakin yung flavor kahit anong juice. Sayang lang na di na ko makakabili ulit ng mura since ipha-phase out na siya. Okay na rin yung Ammit RDA and Shikra na tandem though, 5-10 puffs lang naman pinagkaiba sakin.
  • dun sa bagong paint yung room and may amoy pa



    d
  • hhahaah ayus yan ah nice hacks hahaha

    daming pods na magaganda ngayon hays ayaw ko lang palitan aegis boost ko kaso bitin talaga ako sa batt
  • ^di ko nakayanan yun amoy ng paint, kahit latex lang bro LOL
    grabe usok nyan sa room, parang smoking area tapos vapers lang nag yoyosi LOL
  • Di pa phased out ang jester. Nakabili pa ako sa shopee yesterday. 600 pesos with free juice.
  • nice find boss hehehe
  • mas oks ba tangalin ang atty ng pod para iwas leak overnight?
  • Di pa phased out ang jester. Nakabili pa ako sa shopee yesterday. 600 pesos with free juice.


    Nice find, pero mahal na rin niya kumpara dati na nasa 450-500 lang. Pansin ko nauuso ngayon yung mga iJoy Mercury saka Dovpo Peaks para sa 500 peso budget na pod.

    mas oks ba tangalin ang atty ng pod para iwas leak overnight?


    Pansin ko di naman necessary, pero pag di ko ginagamit yung device inaalis ko pa rin yung pod para rin maalala kong punasan yung condensation sa pins pagtapos ko gamitin.
  • ano bang goods na battery na 18650 pang variable? need ko na magpalit ng batts hina na nila nakakadalawang palit ako kada araw.
    bumili ako nung LG peach na pair wala pa 1 week nasira na not sure kung nagshort pero ayaw na niya magcharge at di din nagpopower pag kinabit sa mod. nasiraan din ako ng mod pangatlo na nawala ang screen tapos next ayaw na sumindi ang sad haha. Gamit ko ngayun shikra mod mukhang ok naman siya for the price.
  • Try mo munang alisin ulit completely yung battery tapos 5 clicks mo, subukan mo kung mag-on ulit. Yung sa Shikra ko ganyan din, medyo dumudulas kasi yung battery cover. Pero kung sira na talaga battery mo, dalawang LG Choco o kaya Molicel P26A yung usual na solid kung di ka sagad ng 200W.
  • LG choco mabilis din masira.... 1 year lang sa akin sira na pareho. Ang tumagal lang samsung 25R or yung tinawag nilang shrek (green) pero may blue din na shrek

    dalawa daw talaga modelo nito, isang 25R6 at 25R5... parehong green ito and hindi ko alam kung fake yung blue na samsung 25R... sabi china daw yung blue at korea yung green.

    gamit ko ngayon blue samsung 25R.... pero may nakikita akong nagbebenta ng samsung 25R green for P50 each sa FB marketplace, china siguro itong mga ito.

    sabi nung pinagbilhan ko ng samsung blue, china daw ito pero legit.... mukha nga china pero so far ok naman.

    hmm..... matagal ko na nakikita yung mga sellers ng samsung green na yan na mura.
  • para malaman niyo kung samsung 25R, INR18650-25R ang model niya.... ang legit umaabot ng 300 to 400 per pair KUNG may mahanap pa kayo.

    nakita ko ulit yung seller ng samsung 25R green sa FB. taga makati siya.

    -- edited by redwing0001 on Sep 13 2020, 03:02 PM
  • i use 3 pairs of chocos pero mahina na sila more than 2 years na yung 2 pair ko. Hirap kasi makahanap ng legit choco im looking din from shopee since hirap lumabas at sarado mga vape shops.
  • yung video para mawala yung amoy ng paint parang humidifier lang lalagyan ng essential oil ahahaha

    i use 3 pairs of chocos pero mahina na sila more than 2 years na yung 2 pair ko. Hirap kasi makahanap ng legit choco im looking din from shopee since hirap lumabas at sarado mga vape shops.


    yung 2 sony vtc ko 4 years na akin ayus pa rin sa vaping
    ilang years ba mag dispose ng battery ng vape?
  • ilang years ba mag dispose ng battery ng vape?


    basta di pa mabilis magdischarge.... case in point my 3 samsung blues. nasira yung xtar mc2 ko na ginagamit ko since.... 2012 siguro so gamit ko yung isa ko pang charger kaso parang di pala maganda itong charger na ito.....

    napapansin ko na pag itong charger na ito gamit ko, half palang dun sa IPV4S fuel gauge, cut power na siya.... so bumili ako ng xtar mc2 uli at katulad ng dati, may isang cell na mas matagal mag charge.

    ngayon lahat ng cells tama na mag discharge, 15% sa fuel gauge ng IPV4S saka siya mag cut power. so nasa charger talaga ang susi para mas matagal ang buhay ng mga batts.

    Di ka pedeng gumamit ng fast charger kung gusto mong tumagal ang buhay ng lithium cells mo. MC2 or equivalent kelangan.
  • Ang ganda nung Uwell Nunchaku kit sa Shopee, sa halagang 500-600 may solid na mod na plus decent RDA. Gandang gamiting pang-mtl na RTA kayang dalawang araw sa isang battery. Yung RDA niya hindi ganun ka-solid pero pasado na rin yung flavor basta isasakto mo yung build mo sa airflow niya.
  • wow mura naman tapos mukang solid nga
  • mga sir any feedback sa Rincoe Manto Mini?
  • ^nakita ko na yan oks naman saken kaso walang control sa watts yan parang mechanical pero may chips daw yan kaya safe naman... sa price naman swak nayan lalo kung naka sale pa
  • Ay fix pala yung 90w nya? Akala ko max output lang yung 90w. Mura kasi kaya naghahanap ng pamalit sa bumigay na Mod ko.

    Salamat sa input sir
  • nakaka lito nga mod na yan, hindi daw mechanical pero parang mech hahaha pero may protection yan sa short circuit etc...
  • I just got the oxva origin x 3in1 full kit. I believe this is the one vape mod to rule them all. Lahat pwede na gawin. Coils, diy, MTL, DTL, RBA, tank, 510 adapter, meron na lahat in 1 kit. Pwede na iretire yung jester ko.
  • maganda ba yung aegis legend mod? nag iisip na ako kung papalitan ko itong IPV4S ko e.
  • hehe.... nakahanap ako ng delrin tip kinabit ko buti na lang swak siya.... extended tip na siya.

    link na lang.... <click here for link>

    -- edited by redwing0001 on Jan 07 2021, 06:58 PM
  • balik ako sa occ ng pod tinamad na ren ako mag bulak palage XD
  • musta mga vapers