Forum Topic

Digital Broadcasting: The future of Philippine Television (*Political discussions NOT allowed)

  • nag no-no signal then balik after few secs ba GMA7 nyo ngayon 4pm?


    ganyan ang signal ng gma palaging lulubog-lilitaw..... ang secret para maging steady ang gma reception mo ay gawin mo yun tulad ng ginagawa ko.... kung powered yun antenna mo, idiskonek mo yun cable ng antenna sa box mo habang nakatune ka sa gma at saka mo ikonek muli.... it's like resetting or rebooting your antenna.... makikita mo di na off/on at magiging stable na yun gma reception.... ang ginawa ko para di mahirap idiskonek yun antenna ay naglagay or nag-insert ako ng toggle switch between the antenna cable at rf input ng box ko....

    -- edited by Kido on Feb 19 2017, 08:45 PM

    -- edited by Kido on Feb 19 2017, 08:46 PM
  • Kanina lang sya nangyari, dati hindi nmn gumaganon.
    after post ko kanina di na sya naulit. baka sa broadcast nga ng gma yung problema.
    di ko kasi ma-test kanina kung sa abs-cbn ay magno no-signal rin. nanonood kasi sila.
    Yes, powered antenna. next time pag nag no signal ulit, try ko yan tanggal antenna technique, thanks.

    wag mo na sir higpit yung antenna para madali tanggalin.
    gawa ko sakin, slide isang daliri sa connetor hanggang huminto pagikot, tapos ok na. para di sumobra ang higpit. pag naluma kasi baka ma stuck at masira pag pwinersa.

    yung dugtong gaya ng switch, nakaka hina daw po ng signal.

    -- edited by ozi_zero on Feb 19 2017, 10:19 PM
  • saan pa nakakabili ng tv plus na naka hdmi?
  • ^ +1 . Saan kaya stores meron pa nung gen2 or gen3 na meron hdmi port ? Manila, makati, pasay area sana may makatulong. Salamat.
  • yun TV ko supported na digital signal. ok lang ba kung mag-TV box pa ako?
  • Kumusta mga taga Digos? abot na ba diraa ang DTT?
    <click here for link>
  • auxcom hindi mo kailangan unless habol mo yung mga exclusive abs cbn channels. kung ganon sayang yung isdbt ng tv mo
  • sa mga naghahanap ng tv plus na may hdmi

    https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1284481998268559&set=pcb.1808904002658896&type=3&theater 1800 limited stocks
    https://www.facebook.com/digitalterestrialworld/photos/a.221703094863646.1073741827.221661098201179/221702481530374/?type=3&comment_id=323242168043071&comment_tracking=%7B%22tn%22%3A%22R%22%7D 2000 limited stocks


    anyway, na try ko na naka hdmi. it seems nagbubuffer siya kaya may delay kapag naka hdmi on most channels (except abs cbn channels). So I used the rca connection instead.
  • DTV Update 2/22/2017




    Ang Light Network Channel 33 ay mas pinalaki at pinalawak dahil mapanood na ito sa Digital TV magmula Marso 2017! Kapana-panabik ang pagbabagong ito dahil ang mga viewers ng Mega Manila ay makakaranas ng mas pinalinaw at mas pina-husay na kalidad ng video at audio ng Light Network sa kanilang mga TV. Sa simula ng pag-digital broadcast nito, mapapanood na ang Light Network kahit saan at kahit kailan dahil magiging available na ang channel sa digital boxes, digital-ready TV, at pati na rin sa mga handheld devices kagaya ng tablets, smartphones, at iba pang gadgets.

    Ang “digitalization” ay ang proseso kung saan cino-convert ang Analog TV para maging Digital Terrestrial Television(DTT). Sa madaling salita, ang kasalukuyang TV technology na meron tayo sa Pilipinas ay binabago at at pinapahusay upang maging mas malawak, mas malinaw, at mas maganda ang kalidad ng mga channel. Sa pamamagitan ng transpormasyon na ito, ang Light Network ay magiging available na sa mas maraming platforms—at tunay na mapapalawak ang saklaw nito sa mundo ng television programming.

    Sa isang panayam kay Engr. Antonio Soriano, ang Bise Presidente ng Technical Operations para sa Light Network, sinabi nyang nagagalak sya sa papalapit na Digitalization ng Light Network, sapagkat matagal na itong napaghandaan ng channel. “Tayo ang unang nag-convert from Analog to Digital transmitter. Wala nang test -broadcast. Official broadcast na agad.” Sinabi rin nya na hindi pa lahat ng TV network ay handa sa pagbabagong ilulunsad ng Digitalization, kaya ang Light Network ay kabilang sa mga naunang channel na makakaranas ng kapana-panabik na migrasyon sa Digital TV.

    Ayon sa National Telecommunications Commission (NTC), sa pamamagitan ng bagong teknolohiya ng Digitalization, hindi lang gaganda ang kalidad ng mga channel na mapapanood natin sa TV, kundi ito rin ay maghahandog ng ibang features kagaya ng datacasting, multi-channel platform, One Seg, at ang importanteng Emergency Warning Broadcast System(EWBS), na ginagamit upang alertuhin ang bansa kapag mayroong sakuna kagaya ng mga tsunami, lindol, bagyo at iba pa.

    Ipinahayag ni Engr. Antonio Soirano na ilan lang ang mga ito sa marami pang parating na benepisyo ng Digital TV. Ayon sa kanya, dahil sa kagandahang ilulunsad ng Digitalization sa bansa, muling mapapahalagahan ang silbi ng telebisyon sa buhay ng mga Pilipino, kumpara sa kanilang paggamit sa mga handheld devices. “Yes. Maibabalik ang TV bilang prime Media tool,” ani nya.


    By: Dyan Delos Reyes


    Link: <click here for link>
  • beside sa lazada, san makakabili ng mga digital antenna?
  • a regular antenna will do, it can pickup standard UHF signal just fine. Gamit ko Baron Antenna and it works fine, it picks up almost all signal with GMA7 always getting ups and down with their DTT coverage.
  • DTV uses uhf signal so i suppose any uhf antenna will do
  • @ polk
    cc: netshark

    Tama ,uhf ang frequency ng digital, ang baron kasi ay nakadesign sa vhf, anyway please increase the height of the antenna or move to other location , hope this help
  • beside sa lazada, san makakabili ng mga digital antenna?


    Sa mga DIY stores maraming nagtitinda ng variations ng antenna pati brand.
  • BRL review ng isang tunay na "ADIK". as usual, depende pa rin sa location mo.


  • DTV Update 2/23/2017

    Online Channels
    Metro Manila (Mega Manila)

    Frequency: 647.143MHz (Very Good Signal)
    ABS-CBN
    ABS-CBN Sports+Action
    CINEMO! ------------------- (Encrypted) Only available on TVplus
    YEY! -------------------------- (Encrypted) Only available on TVplus
    Knowledge Channels -- (Encrypted) Only available on TVplus
    DZMM Teleradyo ------- (Encrypted) Only available on TVplus
    KBO (PPV) ----------------- (Encrypted) Only available on TVplus
    ABS-CBN One seg (for mobile 1seg built-in tuners)

    Frequency: 641.143MHz (Low Signal)
    PTV SD1
    PTV SD2
    PTV SD3
    PTV 1seg (for mobile 1seg built-in tuners)

    Frequency: 695.143MHz (Good Signal)
    TV5
    AKSYON TV
    TV5 1SEG (for mobile 1seg built-in tuners)

    Frequency: 551.143MHz (Good Signal)
    GMA
    GNTV
    GMA 1SEG (for mobile 1seg built-in tuners)

    Frequency: 503.143MHz (Weak Signal)
    CNN PHILIPPINES
    LayerB HD INC (Configuration Testing)
    CNN PH 1SEG (for mobile 1seg built-in tuners)

    Frequency: 521.143MHz (Good Signal)
    ETC
    2nd Ave.

    Frequency: 581.143MHz (Good Signal)
    ShopTV on BEAM
    OShopping on BEAM
    TVShop on BEAM
    Shop Japan on BEAM
    TeleVShop on BEAM
    Pilipinas HD on BEAM
    Inquirer 990 on BEAM
    PHTV & ILC on BEAM
    BEAM 1Seg (for mobile 1seg built-in tuners)

    Frequency: 617.143MHz (Good Signal)
    UNTV-1
    UNTV-2
    ADDTV
    UNTV 1seg (for mobile 1seg built-in tuners)

    Frequency: 653.143 (Good Signal)
    Hope Phil HD
    3ABN
    Hope Inter SD

    Frequency: 683.143MHz (Low Signal) "Test Broadcast 12:00AM to 4:00AM Only"
    INCTV HD
    NET25 HD
    INCTV SD
    NET25 SD
    INCTV-1Seg (for mobile 1seg built-in tuners)
    NET25-1Seg (for mobile 1seg built-in tuners)

    Frequency: 629.143MHz (Offline)
    SMNI

    Frequency: 587.143 (Waiting No Signal)
    Analog Shutdown February 28, 2017 at 22:59PM will shift to digital on March 1, 2017, using the same frequency.
    The First TV Station to Shutdown their Analog on UHF
    Light Network

    Provincial Areas
    *ABS-CBN - Central Luzon Frequency: 533.143MHz
    *ABS-CBN - Northern Luzon Frequency: 587.143MHz
    *ABS-CBN - Tarlac City Frequency: 599.143MHz
    *ABS-CBN - Calabarzon Frequency: 677.143MHz
    *ABS-CBN - Iloilo City, Iloilo province, Guimaras, Negros Occidental and Bacolod City Frequency: 611.143MHz
    *ABS-CBN - Cebu Frequency: 611.143MHz
    *ABS-CBN - Davao City Frequency: 521.143MHz
    *ABS-CBN - Cagayan De Oro Frequency: 533.143MHz

    *BEAM Cebu - 581.143MHz (on going Test Broadcast)

    *SMNI Davao City - 641.143MHz (on going Test Broadcast)
    *BEAM Davao City - 581.143MHz (on going Test Broadcast)

    -- edited by cybertrasher on Feb 23 2017, 01:44 PM
  • Any BRL users here within South Caloocan? Sagap pa rin ba solar channels saka CNN PH?
  • beside sa lazada, san makakabili ng mga digital antenna?


    there is no such thing as digital antenna or analog antenna..... any tv antenna will work sa dttv... misconception kasi ng iba na yun digital box ang kelangan ay digital antenna lang para gumana....

    kahit nga yun existing antenna mo ng analog tv mo pede yan... yun ginawa kong antenna mula sa aluminum foil gumana sa digibox ko... kahit nga yun coax cable na tinanggal sa antenna na iniladlad sa bubong nakakasagap ng abscbn at beam broadcast..... kaya wag tayo magpapaloko sa mga nagbebenta ng digital antenna daw or hd antenna daw...

    -- edited by Kido on Feb 24 2017, 06:56 PM

    -- edited by Kido on Feb 24 2017, 06:56 PM
  • pwede naman talaga, kaso di optimize para sa
    frequency ng gusto mong masagap

    magkakaiba ng design mga antenna depende sa
    frequency at layo ng transmission

    -- edited by Tipster on Feb 25 2017, 08:33 AM
  • pwede rin nga tinidor or coat hanger. lakas ng sagap...pero zero cost

    nasa kabilang kanto lng kasi transmitter.

    i mean whatever rocks your boat.



    l0l
  • @reddragon7

    nope I read on the spec of the antenna its rated to do UHF signal as well (at least on the range that the DTT signals were expected, its not like NTC didnt think about this, as much as possible they want things backward compatible as possible specially on antenna). pwera na lang kung yung nabili nyo is dyapeyks.

    -- edited by polka on Feb 25 2017, 07:03 AM
  • Post deleted #11879928
  • pwede naman talaga, kaso di optimize para sa
    frequency ng gusto mong masagap

    magkakaiba ng design mga antenna depende sa
    frequency at layo ng transmission


    tama ka dapat optimized yun sa gusto mong masagap pero di sa isang frequency lang.... dapat optimized sa band ng mga frequencies tulad ng uhf band na gamit sa DTT broadcast... yun existing analog tv antenna sa mga bubong ng mga bahay pedeng gamitin din yun sa digital tv box kasi wideband yun.... kasi designed yan to receive both vhf and uhf bands tulad ng analog tv antenna ko.... kaya tingin ko di na kelangan pa bumili ng bagong "digital antenna" na pang DTTv reception kung meron ka ng antenna na gamit sa analog tv....


  • ang baron antenna ay ginawa para sa channel 2 ng abs cbn kaya ganun kahaba ang dipole niya (drawing a). pero pwede rin gamitin sa ibang channel na mas mataas ang frequency (VHF) pero iba na ang pattern, wala nasa gitna, (drawing b). pagdating na sa UHF,magiging katulad na ang reception sa drawing c at d. kaya ang baron antenna ay suitable para sa UHF sa mga area na hindi sa iisang direksyon ang lugar ng transmitter dahil pwede niya masagap ang nasa harap, nasa likod at nasa gilid.
  • nagbebenta na din pala si cdrking ng abscbn tv plus. kaya lang base sa mga pictures, walang HDMI port.
  • meron palang basic phone ang myphone na may digital tv.

    MyPhone previews affordable basic phone with DTV for only Php 949<click here for link>
  • Doon sa mga naka dtv box na may hdmi- maliban sa tv plus na may hdmi, meron din bang parang buffering na nangyayari sa inyo kaya mabagal o hindi smooth yung playback?
  • Doon sa mga naka dtv box na may hdmi- maliban sa tv plus na may hdmi, meron din bang parang buffering na nangyayari sa inyo kaya mabagal o hindi smooth yung playback?


    malimit ang buffering sa GMA7 channel, sa ABS madalang, TV5 smooth..
    STB: RCA1501
    Location: Binan, Laguna
  • meron palang basic phone ang myphone na may digital tv.


    YES meron po. Yung myphone N5 DTV. Pero di pa ata ni release.. pic o brochure pa lang ata ang ni release ng myphone, nong nagpunta kasi ako sa SM wala pa eh.

    ----------------------


    Ok na pwede na pang PC at CP..





    :D
  • Doon sa mga naka dtv box na may hdmi- maliban sa tv plus na may hdmi, meron din bang parang buffering na nangyayari sa inyo kaya mabagal o hindi smooth yung playback?


    playback ba ng recorded program o yun reception ng broadcast ang sinasabi mo?

    ang alam ko ang DTT broadcast di naman yan tulad ng streaming sa internet na nagkakaroon ng buffering.... baka ang ibig mong sabihin ay laging nagfreeze yun screen or nagkakaroon ng artifacts.... hindi buffering yan bale ang cause nito ay low signal at nagtatry magsync yun receiver mo sa mahinang signal....

    kung playback naman ng recorded program ang sinasabi mo, yun fukuda ko minsan nangyayari kung gamit ko yun lumang usb flash disk ko na low speed....