Bumili ako dati nito sa cdrking, walang nasagap kahit isang channel, ayun pina refund ko na lang.. Mas ok pa yung Baron gamitin.
@bitoy
check mo rin yung mga cable baka may nag loose ng lagay, yung biyenan ko 2 weeks ng nagrereklamo kasi wala siyang gma7 sa tv+ niya pero sakin nasasagap ko naman, ayun pag check namin kagabi dun sa splitter nag loose yung dugtungan nga mga cable.
kumusta po yung frequency sa ETC/2nd Ave.? may nakita ako kasi na post sa DTV pilipinas na kasama na yung Solar Sports and NBA Premium sa freq. ng ETC/2nd Ave.
-- edited by ActualCannibal on Jul 19 2017, 03:53 PM
Caloocan south ako pero hindi ko talaga masagap yang etc & 2nd ave. Pero kapag nag scan ako and dami naman niyang nasasagap na channel, umaabot ng 35 channels. Sa tv ko kaya ang problema. PTV4 sagap ko naman yung 3 channel nila.
I asked before kung naapektuhan ba yung signal/reception pag malakas ang ulan....it was confirmed / answered already....oks naman, not really affected by torrential rains yung signal.
Next question naman is kapag malakas ang hangin? No effect/minimal effect din ba sa reception?
Too bad hindi masagap ng TVPlus ko ang Solar, probably because of location, but CNN nasasagap na since Monday :) Both SD and HD freq. Bicutan Area. Nag increase ata ng signal si CNN. :)
Frequency: 647.143MHz (Very Good Signal)
ABS-CBN
ABS-CBN Sports+Action
CINEMO! ------------------- (Encrypted) Only available on TVplus
YEY! -------------------------- (Encrypted) Only available on TVplus
Knowledge Channels -- (Encrypted) Only available on TVplus
DZMM Teleradyo ------- (Encrypted) Only available on TVplus
KBO (PPV) ----------------- (Encrypted) Only available on TVplus
ABS-CBN Oneseg (for mobile 1seg built-in tuners)
Frequency: 641.143MHz (Low Signal)
PTV SD1
PTV SD2 (Salaam TV on Test Broadcast)
PTV SD3
PTV 1seg (for mobile 1seg built-in tuners)
Frequency: 695.143MHz (Good Signal)
TV5
AKSYON TV
TV5 1SEG (for mobile 1seg built-in tuners)
Frequency: 503.143MHz (Good Signal)
CNN Philippines SD
CNN Philippines HD
CNN Philippines 1seg (for mobile 1seg built-in tuners)
Frequency: 521.143MHz (Good Signal)
ETC
2nd Ave.
Frequency: 581.143MHz (Good Signal)
ShopTV on BEAM
OShopping on BEAM
TVShop on BEAM
Pilipinas HD on BEAM
Islang Living on BEAM
PinoyHowTo on BEAM
eGG on BEAM
Inquirer 990 on BEAM
BEAM 1Seg (for mobile 1seg built-in tuners)
Hahaha... nakuha sa fine tuning... yun dating naka tilt ng almost 60deg.. ngayon 90deg.. naka tapat na sa North pero may konting East.. strengh/signal 80/80, 80/45 ang lowest nya.. buti nalang naki sama ang haring araw hehehe... finally makakapag KMJS na mamayang gabi...
Hello guys, hingi lng sana akl ng recommendation for a good digital tv box as of now.
I'm looking into buying TV plus. But the thing is, yung mga bagong model daw ngayon wala daw HDMI port? Is it true?
If yes, meron bang ibang good quality na dtv box aside from tv plus ba merong HDMI port? As much as possible sana HDMI ang connection to TV.
Also, looking into buying Greentek DTVO-8 for better reception. TARLAC area kasi ako.
ah ok. so kung rock solid ang pagkakalagay ng antenna, no effect whatsoever sa signal reception/quality.....good to hear, i'll buy a digibox or digital tv then.
pag malakas ang hangin naapektuhan din ba yung reception/signal?
tinatangay yun signal ng malakas na hangin at di makakarating sayo.... joke lang...
kung malakas ang hangin at same time mataas ang moisture ay maapektuhan yun quality at level ng signal.... pero kung hangin lang at stable yun position ng antenna mo ay di dapat ito makaapekto sa reception ng signal....
meron kasi kami condo unit na pinaparentahan, unfortunately isang cable provider lang yung allowed but di namin type. Plano ko sana kumuha ng cgnal kaso sa sobrang laki ng dish, mahahalata siguro ng bldg administrator kung ipu-pwesto ko sa balcony ng unit ko.
Gusto ko sana yung tipong abs cbn tv plus na di na nangangailangan ng dish. Kaso sa area ko (davao), sabi nung agent nung tv plus, di daw makakasagap ng ibang channels (like GMA), ABS CBN channels lang daw talaga. So may mare-recommend ba kayo ibang solusyon sa dilemma ko?
Sa mga may stealth hawk dyan. Diba made up of solid copper wire yung sa antenna? Safe ba lagyan pa rin ng cable booster (powered) yun? Nakakaground ba un?
Saka nung pinalitan ko yung stock antenna ng tv plus sa bubong to stealth hawk . same height lang, naging worse pa yung reception sa digital channels. bumaba yung strength saka quality. nakapoint naman sya sa south-east. (south caloocan area). sinundan ko rin yung dimensions nung stealth hawk
-- edited by ActualCannibal on Jul 29 2017, 07:17 PM
@cannibal
sir patingin po ng close-up pic sa gitna ng antenna yung dugtong ng pole sa wood or plastic frame ng antenna mo.
sabi kasi ng maker kung metal tube yung poste. dapat yung tip nya below sa feedpoint. yung ganito sa gitna > < na kinakabitan ng wire ng balun.
- anong channels mahina/malakas or di nakukuha. ilan percent.
PTV, CNN (Antipolo)
GMA, TV5, ETC/2ND AVE (QC)
check yung coax cable = yung stranded wires na manipis dapat may contact sa connector na de roskas. first mistake ko dati pinagpuputol ko stranded, akala ko yun copper sa gitna lang need ng contact dapat pala may contact stranded sa connector dahil yun yung negative at yung gitna positive.
note:
ilayo sa ibang antenna, sanga ng puno, yero, bakal para hindi magka interference. senstive daw ang stealth hawk. kahit di nakaharang.
itaas ang antenna.
flat side = front and back side. either side pwede maging front side. same lang.
ikot mo konti-konti. accdg sa maker, maraming lobes daw yun throw ng signal. that's why directional yet parang omni daw.
kung bawal magkabit ng cignal dish sa condo unit mo at kung may pldt home dsl or fibr sa area nyo, kumuha ka na lang ng isang pldt home plan (triple play) na may isang cignal plan para sa condo unit mo.. di lang abscbn ang mapapanood sa ganito may maraming ibang channels pa...... this way siguradong solve ang problema mo....
ganyan yung wood frame nung ginawa ko nung july 28. hanggang dun sya sa pinaka-tophat. ngaun ko lang nakita yung nasa picture mo. dapat pala bawasan ko yung wood frame.
stealth hawk pa rin gamit ko - facing southwest. mounted sya 4 feet above roof (2 storey)
PTV = 1SEG only available
strength = 0-5
quality = 0
CNN = no signal
Strength = 0
quality = 0
GMA = good signal
Strength = 25
Quality = 20-40
TV5 = good signal but stuttering sometimes
Strength = 25
Quality = 0
ETC/2ND AVE= no signal
Strength = 0
Quality = 0
ABS-CBN = good signal
Strength = 30
Quality = 60
kapag south east direction, hirap ma-pickup even ABS-CBN freq..(south caloocan area ako) nung hinarap namin south west naka-pickup na.
-- edited by ActualCannibal on Jul 30 2017, 03:29 PM
parang iba angle ng bends mo. I know sa baba yung angle ng camera shot pero mukhang wide masyado top diamond at yung tails masyado pahalang.
Yung 15inches tail, pag binawasan naiimprove daw signal pero mababawasan or mawawala VHF channels. puro UHF naman dtv satin kaya ok lang. pwede mo rin sya itry gawin 14" or if desperate you may try down to 9" pero wag lower dahil 8.5 or 8 daw minimum before maapektuhan UHF. limot ko exact minimum length kaya 9" nalang minimum para safe.
masyado malaki frame mo, 3/4 inch kapal ng plywood na 4inch vertical at 3inch horizontal ok na, para hindi kontra sa hangin.. gawin mo nalang parang cork na suksok sa butas ng tubo yung kahoy.
after palitan yun kahoy, kung may makukuha ka po pvc pipe na kapiraso. idugtong mo sa tubo para mas tumaas antenna. electrical tape or ziptie mo nlng yun pvc sa tubo na bakal.
para di ka mahirapan akyat baba. register ka nlng po unlicall. tapos usap kayo sa phone nung taga tingin ng signal sa TV. ipa manual scan mo nlng. signal str lang titignan nya.
i think kailangan taasan ko pa ito ng 10ft. mag-post na lang ako next time para sa changes. babawasan ko na rin yung wood frame, salamat sa advice & tips ozi_zero
-- edited by ActualCannibal on Jul 31 2017, 03:10 PM
May alternative ba na cgnal dish? I mean pwede ba palitan ng something discreet or smaller dish para hindi halata kung sakaling ilagay sa balcony ng condo unit? Okay sana yung cgnal eh kaso ang laki lang talaga ng dish.